Chapter 42: Pagbabago MABILIS nilang tinahak ang daan papunta sa mga mall kanilang pagpapasyalan. Kahit ilang beses pa silang magtungo o hindi kaya ay mamasyal sa kanilang lugar ay namamangha parin sila. Galing sa mga matatayog na mga imprastaktura, sementadong kalsada, mga overpass, at mga nagagandahang landscape sa buong lugar. “Alam mo Maureen? Kahit na mayroon akong trabaho, hindi ko parin nasusunod ang mga kagutuhan ko. Tulad nitong lakad natin, ang pagbili din ng mga pansailing damit, at syempre ang ma-enjoy ang mga day off natin.” “Naiintindihan kita Cute! Kahit nga hanggang ngayon ay minsan ko lang din nasusunod ang aking mga kagustuhan. Alam mo naman hindi ba? Sa mga sarili lang natin tayo umaasa, kaya pagmabutihan nating mabuti ang ating trabaho para mas maraming pera ang a