Chapter 43: Gwapong Ngiti “Sabay na tayong tatlo kumain rito. Samahan ninyo ako para naman masaya ang aking pagkain.” Natigilan sina Maureen at nagtinginan silang dalawa ni Cuticle. HALOS pareho silang hindi makahuma dahil sa sinabing iyon ni Thouyer. Tila ba’y isa iyong paanyaya na hindi nila inaasahan. “Huwag na kayong magtinginan... kumain na kayo rito kasama ko.” Medyo seryoso ang mga tingin na pinupukol ni Thouyer sa kanila ngunit kung ang paano siya magsalita ay sobrang napakabait. May kabang naramdaman si Maureen. Tila ba’y sinaniban ng mabuting espiritu ang lalaki. At mukhang naging maganda ang lakad nito. “Kumain na tayo,” nakangiting wika ni Cuticle sa kanya. Nahihiya may tumango na lamang si Maureen. Sa kauna-unahang pagkakataon ay makakasama niya sa pagkain si Thouyer.