Chapter 38: Istorya ng Nobela 11 Kasalukuyang nagbibihis si Pear para sa dadaluhan niyang fan signing ng book niya nang biglang nagsisigaw ang ina niya sa labas. Lumabas siya ng kwarto at naabutan na niya itong umiiyak. “Anak! Ang Papa mo, mamamatay na.” Bigla itong yumakap sa kanya at humagulhol ng iyak. Nagulat siya sa balita at may kirot iyon sa kanyang puso. Agad niyang tinawagan ang mall na hindi na muna matutuloy ang signing ng libro dahil may emergency, naintindihan naman ng organizer, tinawagan niya si Ryan at Dim kung pwede sila na muna ang mag-entertain sa mall, mapalad siya dahil walang schedule ang mga ito kaya pumayag, natuwa naman ang organizer nang malamang darating ang dalawang binata. Narating nila ang ospital at agad na nagtanong ang Mama niya kung saan room ang ama.