Chapter 37: Istorya ng Nobela 10 Ngayong araw na ito ay ipapalabas ang pelikula na isinulat ni Pear. Kabadong-kabado ang buong staff at crew dahil ngayon nila malalaman kung papatok ba ito. Gusto niya sanang dalhin ang ina para manood sila ngunit nag-aalanganin siya baka may maraming tao. Ang ginawa niya ay dinala niya ang ina sa bahay ni Tita Vanessa, nandoon ang lahat ng kasamahan niya para saba-y-sabay nilang panonoorin. Pagdating nila ay agad silang sinalubong ng dalawang binata, nagmano pa ang mga ito sa kanyang ina. Na-meet na ng mga ito ang kanyang Mama dahil dumadalaw ang ina sa shoot noon! “Tita, mabuti’t sumama kayo?” Ini-entertain ni Dim ang Mama niya. Mukhang lapitin ang ito sa matatanda. Si Ryan naman ay naghanda ng makakain, nagdatingan na rin ang iba pang kasamahan nila.