Chapter 39: Istorya ng Nobela 12 Kabadong-kabado si Pear habang nakasakay na siya ng wedding car. Parang gusto na niyang tumalon, nangingig ang dalawang tuhod niya sa sobrang kaba at takot. Parang naliligo na rin siya ng pawis. Pagdating nila sa simbahan ay narinig na niyang tumunog ang kampana, nagdadalawang isip siya kung baba sa kotse o hindi. “Ma’am, baba na po kayo.” Ani nang family driver nila. Naiintindihan naman siguro siya nito dahil naaawa rin ang mukha ng driver nila. “Kuya, natatakot, ako.” “Ano po ang gusto ninyong gawin ko?” “Pwede po bang iuwi niyo nalang ako.” Napailing ang driver, nagdadalawang isip ito kung susundin siya, dahil kung ihahatid siya nito pabalik ay malilintikan ito! “Sige po, Ma’am.” Napabuntong hininga siya. Salamat naman at nakikiayon ito sa kanya.