C H A P T E R 5
Nang hindi na nakuha humarap sa kanya ang babaeng nabili ng ama ni Drear ay tumalikod na siya at lumabas ng kwarto na iyon.
“Lock this.” Mariin na utos niya sa pinagkakatiwalaang tauhan na si Greg.
“Yes, boss.” Sagot nito tapos ay nangiti.
Napatanga siya sa tauhan at nangunot ang noo. Anong inginingiti ng lalaki sa harap niya na parang nasiraan ng ulo habang parang nakalutang sa langit ang aura ng mukha?
“Boss, pwede bang ma-albor si Miss Chinita kapag lumabas na ang lahat ng ebidensya? Ang ganda kasi, sayang naman.” Ani Greg na dumila pa sa labi.
Umigting ang panga ni Drear sa narinig. It was unexpected but his d**k was also kicking a while back when he raked the young woman’s body, especially when he noticed her womanhood that was so damn overtly traced beneath her leggings. She’s so petite but quite enough for her height. Hindi dapat na ganoon ang maging reaksiyon niya sa babae na suspect sa pagkamatay ng ama niya pero kusang umiinit ang katawan niya at gusto niyang dungisan ang maputing balat ng dalaga at papulahin sa sarap.
“Walang makikialam sa kanya.” Sagot niya kay Greg saka siya maangas na naglakad papaalis habang napapasulyap sa hawak na cellphone.
He stops amidst along the hallway when the screen of the phone lit up. Pinabuksan na niya ang aparato at ipinatanggal ang password agad-agad nang iabot iyon sa kanya ng bakla sa club.
Pumasok doon ang isang mensahe galing sa isang Tyang BB Cream. Kaagad na nangunot ang noo ni Drear dahil ganoon din ang nakapangalan sa messages na nabasa niya kanina.
Is there such a name as BB Cream? Napaisip pa siya at nahilot ang noo nang makuha niya na BB Cream nga ang tinutukoy mismo na pangalan doon. Naiiling siya. That was such a funny screen name.
Binuksan niya ang message at binasa.
Jusko naman Niña end ob d word na, nak! Hinhnp kn ng nanay mo at umiiyak na pumask sa delibery rum at kht na pag-ire ay umaatungal. Kht ako napapaire na kya lng tae ang lalabas. Nsan k na bang bata k? Alm mo nmn na ikw lang ang lakas ng loob ng ina mong lukarit, ang tgl-tgl mo. Umuwi kn, Niña, maawa ka.
-tyang bb
He sighed and slid back the phone inside his pocket. The face of that girl he imprisoned inside the vast room came flashing in like a bullet train inside his brain. Hindi niya gustong makaramdam ng awa pero parang may kung anong bahagi sa kanya ang nakakaramdam ng tiwala sa mga salitang sinabi noon sa kanya.
Kanina pa niya binasa ang mga messages sa cellphone ng dalaga at naramdaman na lang niya na napapangiti siya habang binabasa ang mga kalolohan noon sa text. Hindi niya pinaligtas kahit na simpleng conversation sa mga kaklase siguro noon at mga tiyahin, sa sariling ina. Iba’t iba ang kulay ng bawat usapan, may kalokohan, may seryoso at kapag sa ina naman ay puno ng pagmamahal. And what he noticed, she has no boyfriend.
Aaminin niyang na-confused siya sa pagkatao ng babae at nag-iisip siya nang husto kung paniniwalaan ba niya ang lahat ng ebidensya na nagtuturo roon. Walang CCTV sa dressing room ng club at sira naman ang CCTV sa main entrance ng building. He’s also wondering but he’s keeping it for himself. Bakit naman nasira tapos hindi ipinaayos ay napakahigpit ng bilin niya na huwag hahayaan na sira ang CCTV dahil sa panahon ngayon kapag may kaguluhan ay footages ang number one na ebidensya.
Masakit sa kalooban niya na mawala ang ama niya dahil hindi niya inasahan iyon. Ni hindi man lang niya nasabi na mahal niya at kahit na paano ay hindi na naman ganoon kasama ang loob niya. Nagkaisip na siya at kahit paano ay naiintindihan na niya na kailangan na sigurong tanggalin ang life support noon sa Mommy niya na tatlong taon ng comatose.
He had thought that his Dad only wanted to have another wife after his mother, but as years passed him by, his point of view gradually changed.
Ngayon ay ulila na siyang lubos, walang ina at wala ng ama. Sa isang iglap, ang Daddy niya na pinababantayan niyang pilit ay nawala sa isang kurap lang ng mga mata niya. Nawala sa kanya at pakiramdam niya ay kulang na kulang ang pagpapakita niya ng pagmamahal doon at puro nga hinanakit na lang ang madalas niyang isambulat.
Tinalo pa siya ng batang babae na madalas walang ibang laman ang text sa taong ang nakapangalan ay nanay kung hindi, lab u nay at baby bunso.
At bakit noon nasabi na sabi ng Daddy niya ay isinanla na raw niya ang kaluluwa niya kay Satanas? That means to say, that woman and his Dad talked? Hindi ang tipo ng ama niya ang magsasalita ng ganoon sa bagong kakilala. He’s familiar with those words because his Dad used to say those things to him whenever he’s acting so impatient and devilish, that’s why his mind became suddenly befuddled.
Hindi pwedeng gawa-gawa lang ng babae ang salita na iyon dahil iisang bibig lang ang pinanggalingan noon, sa ama niya. At sa CCTV footage na kuha sa hotel, bitbit na ng dalaga ang bag sa umpisa pa lang. Kung ninakaw iyon sa ama niya, bakit naman habang nag-uusap ang dalawa mula sa elevator ay hindi man lang inagaw ng Daddy niya ang bag na iyon na may isang milyon?
That was quite questionable.
Kaya hindi niya tuluyang masaktan kasi ayaw niyang pagsisihan na makapanakit lalo pa ng babaeng walang muwang at walang laban. He’s known as Dark, dangerous and not afraid to kill anyone, but he’s an autocratic gentleman. Hindi siya katulad ng mga nambully sa kanya noon at nang-harass na basta lang mapag-tripan ang isang tao ay pagpatay na kaagad.
He’s a ruler of his own but also fair. Akala lang ng iba ay hindi siya patas pero patas siya sa tagong paraan, at mas gusto nga niya iyon para palagi siyang kinatatakutan ng lahat.
Pagliko niya sa kanang bahagi ng basement ay nasalubong niya ang Yaya niya na mugto pa ang mga mata. May dala iyong tray ng pagkain, twalya at bihisang damit pambabae.
“Hindi ka ba magagalit kung dadalhan ko ng pagkain iyong bata, Drear?” Tanong sa kanya ng matanda.
Bata?
Bata pa nga talaga at sa pagkakaalam niya ay twenty lang.
“Kahit naman paano ay tao pa rin iyon at babae pa. Sa tingin mo ba kung narito ang Daddy mo ay matutuwa siya na may nakakulong doon sa kwartong pinagkakulungan din ng Mommy mo noong nacomatose iyon?”
Uminit ang ulo niya sa matandang katulong na tagapag-alaga na niya simula noong baby pa raw siya.
“Pwede ba yaya huwag mo akong umpisahan? Pakainin mo na lang kung gusto mo. Why would I even show concern to the suspected criminal who silently murdered my old man?” Salubong ang mga kilay na sabi niya sa matandang babae.
“Suspected criminal, Drear.”
“Dark!” Salo niya.
“Drear ka para sa akin at hindi ako katulad ng madrasta mo na parang tuwang-tuwa pa na magmukha ka talagang maitim ang budhi na tao!”
Umigting ang panga niya. “Will you stop it yaya! Umiinit na ang ulo ko.”
“Pakuluin mo pa. Kulang pa. Hindi ka pa nga nagbabasag ng gamit. Ipinapaalala ko lang sa iyo na hindi porke at isang suspect ay siya na ang may sala. Matalino ka namang bata at nag-aral ka nga sa UK di ba? Huwag kang magpadalos-dalos. Hindi ikatutuwa ng ama mo sa langit kung magkamali ka ng desisyon at mas malala ay masaktan mo ang isang batang wala namang kasalanan.”
Halos magkiskisan ang mga ngipin niya sa pakikinig sa sermon kaya nilayasan na rin niya ang matandang babae.
The nerve!
Napailing siya sa pagkadismaya. Kung hindi lang siya napamahal sa matandang dalagang katulong, baka matagal na niyang idinispatsa iyon. Tumayo na rin kasi itong ina niya kaya kahit na paano ay malapit ang loob niya kay Lerma. Kaya nga nakakapagsalita sa kanya ng kung ano-ano dahil hinahayaan niya. Bukod doon, ito ang kaisa-isang tao sa mundo na sanay sa ugali niyang mainitin ang ulo at palaging pikon.
“Bring cotton balls, betadine and gauze, too. She’s wound on her forehead.” Sabi niya sa kawalan habang patuloy sa pag-akyat papunta sa salas.
Doon ay nadatnan niya ang mga tauhan, kausap ang mga taga funeraria.
“Ayan pala si boss.” Anang isa nang makita siya.
Nameywang pa si Drear at pinamasdan ang mga taong naka-uniporme ng kulay violet.
“Boss, pitong oras pa raw bago embalsamuhin si Señor.” Ani Badong.
Parang sumirit ang kirot sa puso niya na maisip na tatanggalan na ng dugo ang Daddy niyang nakasama niya ng thirty – two years.
“Saan daw boss dadalahin? Sa chapel daw ba at kung pamimisahan daw para mai-schedule sa simbahan?” Napapakamot na tanong pa ng tauhan niya.
Anong klaseng tanong iyon? Natural! Anong tingin sa kanya ng mga taong ito, dyablo na masusunog kapag pumasok sa kapilya at nakarinig ng misa?
“Why the f**k ask? Natural! Pati ba ‘yan ikukunsulta niyo pa? Common sense! Nakakainit kayo ng ulo!” Singhal niya sa mga iyon kaya sabay-sabay na napaiwas ng tingin.
Biglang sumaglit sa isip niya ang hamon kanina sa kanya ng batang babae na nakakulong. Kung ang mga tauhan niya na dekada na niyang kasama ay hindi sa kanya makatingin ng diretso sa mata, iba ang babae na iyon na ngayon lang sila nagkita ay nakuha pang lumapit sa kanya at titigan siya.
And that brought a different tingle in his body. She’s so damn beautiful especially when closer. And those small thin red lips he could devour until swollen.
Fuck!
Hindi niya lubos maisip na makakaramdam pa siya ng ganoon sa kabila ng katotohanan na nagluluksa ang puso niya sa pagkawala ng ama.
Papaakyat na sana siya sa hagdan nang tawagin siya ng yaya Lerma niya.
“Drear,”
He didn’t look back, he just paused.
“Hinahanap ka no’ng bata. May gusto raw na sabihin at ipakiusap.” Parang sa tono ng pananalita ng matandang babae ay may habag ‘yon na naramdaman.
“Why would Dark talk to her? She’s a murderer!” Fiona interrupted upstairs.
Napatingala siya sa babaeng umiiyak at itim na itim na ang suot na abot sa talampakan.
“Huwag kang padadala sa mukhang Santa ng babae na iyon Dark. She killed your father and if I were you to decide, I’ll dispatch her in no time! Papatayin ko ‘yon! Pinatay niya ang asawa ko!”
Drear blew his breath harshly when Fiona ran away from the indoor balcony.
Nagsalubong ang mga kilay niya at naramdaman na naman ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa niya.
“Drear…” untag ng matanda sa likuran niya pero hindi pa rin siya lumingon.
Kinuha niya ang cellphone at pasimpleng binasa ang message. Dalawa na iyon ngayon, from BB Cream and from Lydia de Vega.
Lydia de Vega?
Niña! Nanganak na ang nanay mo! My kptd kn, ank. Lalaki, pogi. Sa wks my kptd kn. Umuwi kn at ang nanay mo dinurugo, 3 bag ng dugo ang inilabas mula sa blood bnk. Bk rw mdgdgn p. Hindi sila makakalabas kpg wlng naibyd sa ospital, nak. Nsn k n, anak? Ok k lng b? Hnd kn sumsgot.
-tyang BB
Binuksan naman niya ang isa pa na galing sa Lydia de Vega raw.
Pamangkin qng mgnda, my bby brother kn, nak. Ang pogi2. Uwi na bilis at nang makarga mo. Hnd halata na tuyo ang palaging ulam niyo ng nny mo. Matba ang kaptd mo hnd gaya ng nany mong mukhng tibihin na parrot. Ok k lng b, nak? Di k rw ngrrply.
-tyang Lyd
Drear kept his lips as he slid the phone back inside his pocket. He forced himself not to feel anything at all but mercy is calling his name. Hindi niya gustong maramdaman pero may namuong awa sa loob ng dibdib niya nang mabasa ang isa sa mga messages.
Hindi halata na tuyo ang palaging ulam?
“What does she need?” Balewalang tanong niya sa matanda at bahagyang ipihit ang ulo niya.
“May ipakikiusap lang daw.”
Ipakikiusap? Parang tumaas na naman ang presyon ng dugo niya. Matapos na patayin ang ama niya, makikiusap? Nasaan ang nipis ng mukha ng babaeng iyon para makiusap?
Kailanman ang taong may ginawang kalokohan ay hindi nagkakaroon ng lakas ng loob na makiusap, Drear.
Oh yes, kung kasing kapal ng ply board ang mukha niya.
Nagtatalo ang isip niya pero kusang pumihit ang mga paa ng binata pabalik sa basement.
Nakita niya ang pagyuko at pagngiti ng yaya niya nang lagpasan niya iyon.
Tuloy-tuloy siya sa lumang kwarto nang mapansin niya na ang dilim ng langit na ginuguhitan ng kidlat. Is heaven mourning for his loss, too?
“Open the shit.” Utos niya kay Greg na sumunod naman kaagad at saka binuksan ang pintuan.
Pagpasok niya ay nakasiksik pa rin sa sulok ng kwarto ang dalaga pero iba na ang suot na damit at mukhang nasuklayan na.
Walang hiya naman ang yaya niya. Bakit naman pinagsuot ng damit ng Mommy niyang namatay ang babae? Naka night gown na puti kaya parang lalong mukhang anghel na tuloy tingnan. That old nanny could’ve just asked Fiona for unused clothes.
Pero ano pa bang aasahan niya ay hindi naman magkasundo ang dalawa at halos hindi nga nagpapansinan? And knowing Fiona, too, itatapon na lang noon ang mga damit kaysa ipamigay sa iba.
“What do you want? Ang kapal din ng mukha mo na humiling pa sa akin pagkatapos ng ginawa mo.” Lumabas kaagad ang sama ng loob niya.
Tumayo ang dalaga at putang ina dahil sumabay din na tumayo ang p*********i niya nang makita kung gaano kaganda ang babaeng ipalilibing lang niya nang buhay sa oras na makumpirma niya na ito nga ang nagturok sa Daddy niya ng Potassium Chloride.
Halos walisin ng damit ang carpet sa sobrang haba. Matangkad ang babae pero mas matangkad ang Mommy niya noong nabubuhay pa iyon, magkasingkatawan na kahit na may pagka-slim ay nakabandera naman ang malapad na balakang at dibdib na alam niyang bilugan.
“Kung papatayin mo ako, baka pwede naman akong makiusap hindi para sa sarili ko kung hindi para sa kapatid kong baby at sa nanay ko. Sila ang dahilan kaya nandito ako kaya kahit na ikamatay ko man, makikiusap pa rin ako. Baka naman pwedeng ‘yong two hundred thousand maiabot niyo sa kanila.” Napapahikbing pakiusap nito pero napatalikod siya.
“That’s stupidity! You’re wasting my time! Buhay ang kinuha mo tapos ako pa ang magbibigay ng pera sa pamilya mo? Pwede ko naman silang isama na sa libingan mo.” Bumalikwas ang manipis niyang labi nang tapunan niya ng tingin si Catharine.
Tuluyan na naman itong napaiyak. “Huwag mo silang sasaktan!” Her voice cracked as it echoed around the room. “Patayin mo ako kung ilang beses mo gusto basta ‘wag lang ang nanay ko at huwag ang kapatid ko. ‘wag ang pamilya ko…” She hysterically cried and ran back to the corner of the room, wrapping her legs with her arms.
Humagulhol ito roon ng iyak at parang wala na itong tapang, hindi katulad kanina. Parang gusto na nitong ilubog ang sariling katawan sa pader.
“Nanay ko,” She sobs. “Nanay...”
Tumalikod si Drear at siya namang pagpasok ng matandang katulong sa kwarto. Hindi talaga takot sa kanya ang matanda pero alam naman noon kung hanggang saan lang dapat na makialam. Sa ilang mga tao na ikinulong niya dahil namumuro na sa kanya at ipinatorture ay hindi naman nakuhang patakasin ng matanda. Talagang maalaga lang iyon at maasikaso.
“Pinaiyak mo naman. Pinatahan ko na nga.” Naiiling na sabi pa ni Lerma sa kanya.
“Damn yaya! Si Daddy ang pinag-uusapan dito at hindi ang buhay ng babaeng ‘yan! Pwede kong bawiin ang buhay ni Dad kapag kinuha ko ang kapatid niyan at ang ina niyan!” duro niya sa dalaga na lalong lumakas ang pag-iyak pero maya-maya ay tumayo ito at sinugod siya ng mag-asawang sampal na hindi niya napaghandaan na salagin.
“Hayop ka! Satanas ka talaga! Satanas! Satanas! Demonyo!” Catharine cried as she kept on mauling his chest and so as his face.
“Stop at once!” Sigaw ni Drear pero hindi sumunod ang dalaga kaya mariin niyang hinawakan sa braso at inalog pa niya.
“Ang sama ng ugali mo kaya kahit na kapatawaran sa ama mo hindi mo naibigay!” Isang malakas na suntok ang inabot niya kaya tuluyang tumigas ang panga niya.
Naiangat niya ang isang kamay para patahimikin ito ng isang sampal din.
He was then ready to slap her face but he contained himself when he saw how innocent her face is. Puno ng luha ang mga mata at pati na mukha. Halos mawalan ng mata dahil maliit na nga, namumugto pa. Her upper lip is swollen due to crying, yet still so very cute and so pert. Damn! How can he beat such face?
Napailag si Catharine at natakpan ang sariling mukha habang umiiyak sa pag-aakalang masasaktan niya.
“Kaya namatay siya na malungkot dahil sa pag-aakala mo na pinatay niya ang Mommy mo at hindi mo siya pinatawad…” She weeps.
Natilihan siyang lalo pero naroon pa rin ang gigil niya at kaunting-kaunti na lang ay talagang baka makasakit siya ng babae sa unang pagkakataon.
“Demonyo!” Mura pa nito sa kanya at buong lakas ng loob na tinapunan siya ng tingin, pero naitikom lang niya nang mariin ang mga kamao na nakabitin sa ere.
Humarap siya sa pader at iyon ang nasuntok niya. Rinig niya ang pagsinghap ng matandang katulong.
“Drear!” mabilis na lumapit ang matanda. “Diyos ko! Kumalma ka! Patay ang ama mo at kung ano-ano pa ang nangyayari rito! Manahimik ka na muna anak at hayaan na ang batas dito.” Hinagod noon ang likod niya.
His tears fell. It was damn true. Paano na naman nalaman iyon ng babaeng ito? Isang sekreto iyon na sila lang na mag-ama ang nakakaalam at kahit na si Fiona ay hindi.
He composed himself and stood firmly, bulging his chest out. “You better be careful next time, lady. Kapag dumapo pa sa akin ang kamay mo na ‘yan, may kalalagyan ka na.” Banta niya sa dalaga na hindi man lang ‘yon nakuhang tingnan at lingunin.
He walked toward the door and gruffly swung it open.
Buong lakas na ibinalibag niya papasara at saka siya nameywang habang kinokontrol ang paghinga.
The vixen! Umulit pa sakanya ang babaeng iyon at talagang makakatikim iyon ng ibang parusa. Hindi niya gusto ang reaksyon ng katawan niya at ngayon ay kumpirmadong-kumpirmado na niya.
Malay ba niyang ‘di hamak na triple ang ganda sa personal ng Niña Catharine na iyon kaysa sa litratong nakuha sa compartment ng limousine ng Daddy niya?
Tumingin siya kay Greg at nakatingin din sa kanya ang lalaki. “Pabababain ko si Badong. Pumunta ka sa ospital kung saan nanganak ang nanay niyan.”
Napabuga siya ng hangin. Hanggang ngayon ay nagpupumilit pa rin na makawala ang kademonyohan niya. The monster inside him wants to roar and break free. Parang gusto niyang manakit at magpunit ng punching bag. No one had hurt him before, more likely physically. Pagkatapos niyang magising sa coma dahil sa pambubugbog sa kanya, wala na siyang taong hinayaan na saktan siya, babae man o lalaki, pero ang isang iyon sa loob ng kwarto ay sobrang tapang kahit na iiyak-iyak na parang kalabaw.
“Find her parent and her brother. Pay the hospital bills, make sure that they’re doing well and settle everything.” Drear added.
“Sigurado ka boss?”
He nodded. “I’m changing my mind. I’ll imprison her for my own personal needs and help her taste heaven before she faces hell.” Tumalim ang mga mata niya sa tauhan. “No one must touch her. She’s mine.”
Ngisi ang isinagot ni Greg at isang saludo. “Basta sabi mo, boss.”
He walked away. That’s what his body’s screaming all about. His first order was to kill the suspect but when he found the picture inside the compartment of his Dad’s car, he had a change of plan. Agaran siyang tumawag sa mga tauhan ng ama niya at ipinauuwi ang babae na walang galos at pasa.
Nakipag-unahan pa siya sa pulis at saka niya pinabura ang CCTV footage nang damputin ng mga tauhan niya si Niña Catharine. It was etched in his mind that he’d give her both for now – heaven and hell.