C H A P T E R 4
Nanghihinang pilit na tumayo si Catharine nang maramdaman niya ang paggaan ng likod niya. Umalis ang babae sa pagkakasakay sa kanya. Umalis ba o inalis ng lalaking kaboses ng namatay na Señor Abelardo?
“The investigation isn’t fully done. You can’t hurt her just like that.” Mariin na sabi ng lalaki pero lalong umiyak ang babae.
“What further investigation, Dark? It was clearly stated that there was a drug in your Dad’s bloodstream! Ano pang proof ang kailangan mo?! May syringe, may pera? May drugs? Come on Dark! Don’t f*****g tell me that you’ll let this pass!”
“I won’t.” Bumaba ang tono ng lalaki pero kung bakit lalong napaluha si Catharine.
He won’t let this pass? Si Dark na nga ang lalaki na natatakot niyang malingunan kung katulad ng sabi ng ama nito ay mukhang isinanla na raw kay Satanas ang kaluluwa. Ibig sabihin ay kaya siya nitong patayin kung talagang madidiin siya na siya ang may kagagawan sa pagkamatay ng matanda.
Ano bang nangyayari sa buhay niya?
“Aayusin ko lang ang burol ni Daddy at maghaharap kami ng babaeng ‘yan.” May bakas na ng galit sa boses nito kaya tuluyan na siyang lumingon.
At sa pagkagulat niya ay napatigil siya sa paghikbi nang maaninag niya ang mukha nito sa malamlam na ilaw.
Sa kabila ng nanlalabo niyang paningin at kumakabog na dibdib ay nakuha pa niyang makita ang kagwapuhan ng lalaking nakatayo sa tabi ng isang babae na seksing-sexy at madilim ang mukha habang umiiyak.
He isn’t dark. He is gorgeous, masculine, tall and sexy.
Napatitig din ito sa mukha niya at nagtama ang mga mata nila pero wala siyang makitang emosyon sa mga mata nito na tingin niya ay dark brown ang kulay.
“Get out Fiona. I’ll handle this.” Utos nito sa babae na hindi tumitigil sa paghikbi.
Wala man lang itinapon na sulyap ang lalaki roon at nakatutok lang sa kanya ang mga mata.
Para siyang lalong nanghina sa tiim ng titig ng lalaki na parang nakakasunog ng kaluluwa.
Diyos ko… nayakap niya ang sarili at naiilang na napaiwas ng tingin pero hindi niya napigil na huwag ulit itong tingnan sa mata.
Lumabas ang babae at isinara ang pintuan. Nabalot lalo ng lamig ang buo niyang sistema nang maiwan silang dalawa pero hindi niya magawang bawiin ang mga mata. Inaaral niya ang emosyon na meron sa mukha ng lalaki pero wala siyang makita bukod sa galit.
He’s analyzing her as well until his eyes traveled across her body. Dumako ang mga mata nito at napirmi sa maliit niyang baywang at pagkatapos ay sa mga hita niya na balot ng leggings. Iyon ba ang tinitingnan nito o ang bakat niyang p********e?
Susko…
“I could kill you, as if you don’t know.” Basag nito sa katahimikan.
Alam ko. Sinabi na ng ama mo.
Hindi niya magawang sabihin iyon dahil lahat ng lakas ng loob ay tinakasan na siya. Humikbi na lang siya at pinahid ang luha pero may kasamang dugo iyon dahil sa sugat niya.
“Lights on.” Anang lalaki at napatakip si Catharine ng mukha nang biglang lumiwanag ang paligid at mas higit iyon sa inaasan niyang liwanag. Pumikit siya dahil masakit sa mata pero sa isang iglap nang magmulat siya ay nasa mismong harap na niya ang lalaki na animo ay isang bampira sa bilis ng kilos at walang kaingay-ingay na ginawa ang sapatos.
Napaatras siya pero malabakal na kamay ang humawak sa maliit niyang braso kaya napatingala siya kasabay ng pagngiwi.
Hindi pala dark brown ang mata ng lalaki kung hindi light. His eyes are expressive but dead.
“Bitiwan mo po ako.” Hikbi niya at nagpumilit na pakawalan ang braso pero matigas ang pagkakahawak nito na halos ikaputol yata ng buto niya.
“Po?” parang lalong nagalit ang aura ng mukha ni Drear at hinaklit lalo ang braso niya kaya halos mabitay na siya dahil ang laki nitong tao.
Ano bang gusto nito? Makipagpatayan siya? Huwag magbigay ng galang kung iyon naman ang natutunan niya sa eskwelahan simula kinder siya? Hindi kasi siya nag-prep kaya kinder lang.
“Pinatay mo ang kaisa-isang ama na meron ako tapos mamumupo ka sa akin? You’re a masquearading b***h! You’ve murdered him to steal his money!” pabalya siya nitong isinalya at mabuti na lang at sa kama siya tumilapon kaya nag-bounce lang siya.
“Hindi ko pinatay! Hindi ko sabi pinatay at mas lalong hindi ko pagnanakawan! Bakit ba ako ang pinagbibintangan niyo? Bakit ako?!” Umiyak siya at nagmamadaling sumiksik sa may ulunan ng kama habang nakatingin siya sa lalaki.
Bakit ang gwapo ng walang hiyang Dark ay ang sama naman ng ugali?
Tumingin siya sa braso niya dahil nananakit iyon at humikbi ulit siya dahil pulang-pula iyon na halos mangitim na nga dahil sa pagkakahawak ng lalaki roon.
“You must be very thankful for now but I guess you gotta start praying, bilang na ang oras mo sa oras na lumabas ang lahat ng ebidensya at resulta na magtuturo sa iyo.” Dinukot nito ang bulsa at inilabas doon ang isang cellphone at isang bagay na nakabalot sa plastic.
Maang niyang tinitigan ang mga iyon at nang makilala niya na cellphone niya iyon ay kaagad siyang umiyak. At ano ang nasa plastic?
Lumuluhang kinilala niya iyon at syringe iyon na itinapon niya kanina sa basurahan dahil nagkakalat sa dressing room ng club. Pero anong magagawa noon para idiin siya?
“I can beat you now to death but you’re a woman and I am not that brutal. But when the final investigation came out, you’d be dead sorry, lady. These…?” Nangatal ang boses nito at parang nanubig ang mga mata habang siya naman ay napalakas ang iyak dahil sa kaisipan na mamamatay siya na walang kalaban-laban.
“These are one of the proofs that you killed my father inside the dressing room! You’ve injected him with potassium chloride! Hindi sana iyon lalabas na foul play dahil hindi naman nakita iyon sa dugo ni Daddy other than that high level of potassium that could only possibly be the effect of the damaged tissues, but these things were presented right before my very eye! Damn you! You could escape but you left the evidences right in front of everyone’s senses!” Singhal nito sa kanya kaya marahas siyang umiling.
Hindi totoo ‘yon. Hindi nga niya alam kung ano ang lintik na potassium chloride na iyon. Oo alam niyang chemical elements pero hindi niya alam na may ganoong component na nakakamatay.
“And your text messages pointed at you, too. Gipit na gipit ka sa pera kaya ang ama ko ang biniktima mo!”
“Hindi totoo ‘yan!” Ganting sigaw niya habang yakap ang mga tuhod. “Hindi totoo ‘yan dahil kahit na mahirap ako, hindi ako papatay ng tao para makapagnakaw. Kaya nga mas pinili kong ibenta ang sarili ko para may magastos ako sa pangangailangan ng nanay ko tapos sasabihin niyo na pinatay ko si Señor Abelardo para lang makuha ko ang pera?! Anong klaseng nilalang ka ba? Tama ba ang ama mo sa paratang niya na isinanla mo na ang kaluluwa mo kay Satanas para pumatay ka ng isang katulad ko na walang laban at wala namang kasalanan?!” She cried frantically but Drear was halted.
Hirap na hirap na siya sa paghikbi dahil kanina pa siya umiiyak. Ang sakit na ng dibdib niya, ng sentido niya at lahat na sa kanya masakit.
“Naghanap ako ng pera para sa nanay kong manganganak at may mayoma. One hundred fifty thousand ang kailangan ko.” Patuloy si Catharine sa pag-iyak at buhol buhol ang salita pero itutuloy niya kung iyon na lang ang huling segundo na masasabi pa niya ang side niya. At least naman kung hindi maniwala ang Dark na ito ay naipagtanggol pa rin niya ang sarili sa kasinungalingan na bumabalot ngayon sa buo niyang pagkatao.
“Ibinenta ko ang sarili ko sa halagang two hundred thousand. Ibinenta ko kasi ‘yong singkwenta mil pampagamot ko sa nanay ko pagkatapos niyang manganak. Kung magnanakaw ako, bakit ako papasok sa mundo na marumi? Pwede ko naman na gawin iyon na hindi pumapasok sa club. Ang gusto ko lang ay makapanganak ang nanay ko pero bakit ganito ang ibinigay sa akin ng Mama L na iyon? Tinanong niyo ba ang bruha na iyon kung kanino galing ang bag?! Tinanong niyo ba?!”
“It’s my Dad’s and you stole it!” halos manlaki ang magagandang mga mata ng lalaki kaya napapikit siya.
Galit na galit ito at namumula ang mukha.
Stole it? Diyos ko…
Ngayon alam na niya. Kung totoo man na pinatay si Señor Abelardo, malamang na kasabwat ang Mama L na iyon ng pumatay dahil planadong-planado na siya ang madidiin.
Bahagya siyang yumuko at umiyak na lang. “Patayin mo na nga ako kaysa naman pahirapan mo ako rito kung ‘yan ang akala mo. Pero kahit na balatan mo ako ng buhay, paninindigan ko hanggang sa kahuli-hulihang hininga ko na hindi ko pinatay ang ama mo. Two hundred thousand lang ang inasam ko at ni minsan hindi ako nanggulang ng kapwa ko para lang umasenso. Sayang naman, mabait ang tatay niyo pero ang sama ng ugali mo.” Pinanaliman niya ng mga mata ang binata na napatiim bagang na lang.
Kahit na nangangatog ang mga tuhod ay tumayo siya at mabilis na lumapit dito. She stood in front of him and looked into his eyes.
“Titigan mo nga ang mata ko at saka mo sabihin sa akin na pinatay ko siya! Tingnan mo nga ako mula ulo hanggang paa at saka mo sabihin sa akin na pinatay ko siya.” Umiiyak na hamon niya. “Aralin mo nga ako.” Aniya pa pero walang nagbabago sa ekspresyon ng mukha ng kaharap niya kahit halos magkahalikan na sila sa sobrang paglalapit niya ng sarili sa lalaki at nakayuko naman itong sinasalubong ang tapang ng titig niya.
“Aralin mo ako kasi mukhang magaling ka naman doon. Magaling ka kasing manghusga base sa estado ng buhay ng tao at higpit ng pangangailangan sa pera. Subukan mo naman na mukha ko mismo ang tingnan mo at iyong mga mata ko!”
Mataman siya nitong pinagmasdan hanggang sa bumuka ang bibig ni Drear para magsalita.
“Looks can always be deceiving.” Walang buhay na sagot nito kaya nawalan na siya ng pag-asa.
Totoo nga ang sinabi ng matanda bago namatay na madilim ang pagkatao ng kaisa-isang Niño noon.
Walang buhay na yumuko siya at tumalikod. “And maybe then it’s true because the perfect example is you.” She barely said.
Ubod ng gwapo at sa unang tingin ay aakalin na isang anghel o Santo dahil sa ganda ng mga mata na parang ngingiti rin kapag ngumiti ang labi, pero taliwas ang anyo nito sa totoong kulay ng pagkatao. Kung gaano kaganda ang kutis at ang kulay ay ganoon naman kaitim ang ugali at kaluluwa.
Natigilan siya sa paghakbang nang ma-realize kung ano ang sinabi niya. Parang pinuri pa niya ito sa pisikal na aspeto at parang ang ibig pa niyang sabihin ay pogi ito dangan lang na ubod ng bintangero.
Lalo na siyang napailing sa katangahan. Mana rin siya minsan sa mga tiyahin niyang lukarit. Mahilig sa pogi pero naman palaging napipili ay tabingi at bungi.
Tumuloy siya sa isang sulok ng kwarto at doon ulit isiniksik ang sarili at nag-umpisa na naman na umiyak. Kahit na gusto niyang magtapang-tapangan ay hindi niya magawa. Kung para sa sarili niya kaya niya, hindi kapag naiisip niya ang nanay niya at kapatid.
They’re always her main concern and she did everything to keep the pregnancy safe. Minsan kahit na pamasahe na niya sa eskwela ay ibinibili pa niyang pagkain ng nanay niya para naman hindi araw-araw na tuyo o sardinas ang ulam noon. Kasi gusto niya sana na malusog ang baby brother niya paglabas, pero paano pa niya tutulungan ngayon ang ina niya kung naroon siya sa isang sulok ng malaki at malungkot na kwarto na parang kwarto ng mga taong nagbibilang ng oras bago humarap kay San Pedro, iyon ay kung kay San Pedro siya haharap.
Baka sa impyerno siya mapunta.
Niyakap niya ulit ang mga tuhod at doon itinabingi ang mukha papalayo sa lalaking nakatayo at nakatingin sa kanya.
Wala iyong imik na inaaral siya at ramdam niya iyon.
Pero naniniwala siya na hindi siya hahayaan ng Diyos na mamatay. Kung mamamatay man siya, tatayo pa rin siya sa katotohanan kahit na ilang libong beses siyang pugutan ng ulo…