Chapter 03
3rd Person's POV
Nag-order ng makakain si Kiel. Ang dami 'non. Agad na nanubig ang bibig ni Sylvia matapos makita ang sobrang daming pagkain.
"Kumain ka na," ani ni Kiel. Agad na kumuha si Sylvia ng kubyertos at agad na kumain.
Nakaupo ang babae sa mahabang lamesa kaharap niya si Kiel na tahimik na din kumakain.
Nasabi ni Sylvia sa sarili. Sa oras na iyon kung mamatay siya wala siyang pagsisisihan. Nakakain na siya ng masarap na pagkain tapos nakasabay niya pa kumain ang crush niya.
Sarap na sarap si Sylvia sa pagkain. Gutom na gutom si Sylvia dahil kahit gabihan ay hindi siya nakakain kahapon. Tinapay lang ang kinain niya kanina at maghapon niya na iyon.
Nakita na lang ni Sylvia na umiiyak siya habang kumakain. Napatingin si Kiel. Agad na pinunasan ni Sylvia ang pisngi niya.
"Pasensya na ang sarap kasi ng pagkain," ani ni Sylvia. Humihikbi ang babae.
"Anong ginagawa mo sa university at bakit ganiyan ang hitsyura mo?" tanong ni Kiel. Nagtanong si Kiel kaya sinabi niya lahat pati na din ang pagputol niya ng koneksyon sa pamilya niya.
"Ayoko ng pinapagawa nila at malaki ang respeto ko sa sarili ko. Hindi ko ibababa ang sarili ko para sa pera," naiiyak na sambit ni Sylvia. Sumubo ulit ang babae at kumain.
"Wala kang bahay ngayon, pera, pagkain at mukhang hindi ka na makakapag-aral. Wala ka din alam na trabaho," ani ni Kiel. Napatigil si Sylvia then napayuko.
"Pero hindi ako susuko."
Inangat ni Sylvia ang tingin at ngumiti. Sinabing makaka-survive siya.
"Hindi ako takot mamatay sa kalsada sa halip mas natatakot akong mamatay ng hindi alam kung anong purposed ko kung bakit ako nabuhay," ani ni Sylvia. Napatigil si Kiel matapos marinig iyon.
"Alam ko na imposible ako magkaroon ng degree in future at magkaroon ng matinong career since hindi nga ako matalino. Boploks ako sa academics— bukod yata mag-admire ng mga gwapo sa t.v wala na akong alam na gawin," ani ni Sylvia na natatawa. Biro lang iyon siyempre.
Sumubo si Sylvia at nagsimula kumain.
"Then marry me," ani ni Kiel. Napatigil si Sylvia at nanlalaki ang matang tiningnan si Kiel.
Tinungkod ni Kiel ang isang braso sa lamesa at humilig doon.
"Gwapo naman ako. You've got me to yourself and you can admire me to your heart's content."
Napaubo si Sylvia. Napatakip si Sylvia ng bibig at agad na uminom ng tubig. Nabulunan siya. Si Kiel ba nasa harapan niya at nago-offer sa kaniya ng kasal.
"A-Ano?" ani ni Sylvia. Hindi makapaniwala si Sylvia. Inaya siya ni Kiel ng kasal.
"Bakit— hindi ko maintindihan. Nagbibiro ka ba?" tanong ni Sylvia. Naibaba nito ang kubyertos.
Bumuga ng hangin si Kiel at nagkibit-balikat. Umayos ng upo si Kiel.
"Actually, pagkatapos ng aksidente— bilang na lang din ang mga araw ko. Sinabi ng mga doctor na hindi na ako tatagal ng apat o limang taon."
"Hindi na ako tatagal at worried ang daddy ko. Hindi din biro ang pangalan na dala ko— mayaman kami. Hangga't maaari kapag nawala ako ayoko magbigay ng sakit sa ulo sa daddy ko at problema. Ayoko din may makaaalam tungkol sa sakit ko. Kailangan ko ng babaeng hindi manggagaling sa kilalang pamilya at mas maganda na siya na lang din mag-isa."
"Sa tingin ko ikaw lahat ng pasok doon. Kapag namatay ako— hindi mo kailangan mag-alala dahil ako na mismo magsasabi kay dad na suportahan ka habang nabubuhay. Hindi mo need magtrabaho at may sarili ka ng bahay."
"Kailangan ko lang naman patunayan sa maraming tao na hindi totoong may sakit ako. Kapag nagkataon kasi sino bang tatanggap sa taong mamatay—"
Nahampas ni Sylvia ang lamesa at napatayo. Napatigil si Kiel.
"Hindi ka mamatay! Buhay ka pa at healthy! Bakit mo agad iniisip ang bagay na hindi pa nangyayari!"
Nagkatitigan ang dalawa. Bumaba ang tingin ni Sylvia.
"Mayaman ka maaari ka bumili ng maraming gamot, magpa-opera at pumunta sa ibang bansa para gumamot. Bakit ang dali mo sumuko?" tanong ni Sylvia.
"Kapag nagpakasal ka sa akin makukuha mo lang ang magandang buhay kapag namatay ako. Gusto mo ba ma-stuck sa akin hanggang sa pagtanda mo. Minsan matuto kang isipin ang sarili—"
"Hindi ko alam kung saan ka kumuha ng idea na kailangan ko ng magandang buhay," putol ni Sylvia. Tiningnan ni Sylvia si Kiel.
"Hindi lahat ng tao purposed ang pera. Maaaring kailangan natin iyon pero hindi mo maaaring gawing purpose ang pera para mabuhay at the first place hindi mo iyan madadala sa hukay," ani ni Sylvia. Napatigil si Kiel matapos biglang kuhanin ni Sylvia ang kamay niya at puno ng determinasyon na tiningnan si Kiel.
"Hindi ka mamatay naiintindihan mo? Gagawa ako ng maraming healthy foods para sa iyo. Aalagaan kita. Gagawin natin lahat para humaba ang buhay mo," ani ni Sylvia. Nakaupo si Kiel at nakatingin lang kay Sylvia.
Pinigilan ni Kiel matawa. Natulala si Sylvia.
"Okay— gawin natin iyan," ani ni Sylvia. Ngumiti si Sylvia ng matamis.
Sa ganoon na way tinanggap ni Sylvia ang kasal kay Kiel. Tumira sila ni Kiel sa iisang bahay at nakikilang asawa ni Kiel Emero Villiegas.
Civil wedding lang iyon. Bukod sa ama ni Kiel, kaibigan ni Sylvia na si Summer at ilang kabarkada ni Kiel ay wala ng nag-attend. Ayos lang naman iyon kay Sylvia dahil bongga ang naging reception. Sobrang daming pagkain at ang daming regalo sa kaniya ng ama ni Kiel.
Oo ama ni Kiel. Gustong-gusto siya ng ama ni Kiel at sobrang close si Sylvia at ama ni Kiel. Feeling ni Sylvia naging pangalawang ama niya ang ama ni Kiel.
Spoild kasi siya dito at ang dami niyang gifts.
Ang bilis lumipas ng mga araw dahil nag-isang taon na agad si Kiel at Sylvia. Ga-graduate na din si Sylvia bilang highschool student.
"Teacher! Natutuwa ka talagang naiiwan ako dito. Hindi ka na ba nagsasawa sa mukha ko?" banat ni Sylvia. Tinuro-turo niya ang mukha niya.
Kausap niya ngayon si Kiel katabi ang assistant teacher na si Ward Chavez na pinipigilan na matawa. Naiwan na naman kasi sa classroom si Sylvia.
"Hindi ba dapat ako magtanong 'nan Ms. Sylvia? Lagi kang naiiwan dito sa classroom— tinuturuan pa kita sa bahay," ani ni Kiel— hininaan niya iyong sa last part.
"Hindi mo pa din magawang umangat sa quiz?" dagdag ni Kiel na ngayon ay nakaupo sa teacher's table. Napanguso si Sylvia.
"Kung hindi lang ako aware na understanding capability mo iisipin ko na sinasadya mo na ito para asarin ako," ani ni Kiel. Sumimangot si Sylvia at sinabing kahit forever pa sila sa classroom na iyon at magtitigan sila ni Kiel ayos lang.
"Hindi nakakasawa mukha mo pero iyong quiz at exam na masyado kang natuwa inaaraw-araw mo tapos ano ba iyon? Metaphor, y and x, Freud's theory something! Nakakasawa na," reklamo ni Sylvia.
"Politics ang subject ko, Sylvia," ani ni Kiel na naka-pokerface.