Chapter 04

1096 Words
Chapter 04 3rd Person's POV "Boss, hindi ka papaalam kay Ms. Sylvia?" tanong ni Leon Sedan. Isa sa mga bantay ni Sylvia. "Shh, huwag ka maingay," ani ni Kiel at palingon-lingon sa hagdan. Dahan-dahn ni Kiel kinuha ang bag niya para umalis nga at pumasok sa university. Nagtaka ang anim na tauhan ni Kiel dahil sa kinikilos ng boss nila. Hindi nila maintindihan kung bakit tuwing umaga ay palaging nagmamadali ito at parang may tinatakasan. Sa pagkakaalam nila ay safe naman doon at walang kalaban. Dahan-dahan naglakad si Kiel patungo sa pinto. "Kiel! Kiel! Wait!" Napatayo ng ayos si Kiel at lumingon. Nakita niya si Sylvia na tumatakbo pababa ng hagdan dala ang isang lalagyan. "Inumin mo ito bilis! Masustansya ito. Lahat ng alam ko na masustansya na gulay nilagay ko dito," ani ni Sylvia. Napatigil ang mga tauhan ni Kiel katapos makita ang lalagyan. Kulay green iyon at unang tingin pa lang alam nilang hindi na iyon safe inumin. "Ayoko. Papatayin mo ba ako?" tanong ni Kiel. Napanguso si Sylvia. "Balak mo ba ako lasunin?" "Absolutely not. Mamatay ka din naman bakit gagawin ko pang murderer sarili ko! Mag-isip ka nga Kiel Emeron Villiegas," banat ni Sylvia. Napatanga sina Ward matapos marinig iyon. "Inumin mo iyan! Napuyat ako kagagawa 'nan." Napa-pokerface si Kiel at kinuha iyon. Pagkabukas niya ng lalagyan. Napatakip ng ilong sina Ward. Hindi nila makaya ang amoy. "Huwag ka ngang mag-act na parang pinaghirapan mo ito— sure ako gumamit ka lang ng blender sa kusina at pinaghalu-halo mo," ani ni Kiel. Napa-nguso si Sylvia at tinanong kung paano nalaman. "Bossing sa amoy pa lang feeling ko susunduin na tayo ni Charo— sigurado ka bang iinumin mo iyan?" tanong ni Leon. Napa-pokerface si Kiel at inabot iyon kay Leon. "Hindi— gusto mo sa iyo na lang?" tanong ni Kiel. Napalunok si Leon. "Bossing! Tapat ako sa iyo kaya kahit buhay ko ibibigay ko sa iyo! Iinumin ko iyan para sa iyo!" sigaw ni Leon. Napasapo si Caith Parrel matapos marinig ang sinabi ni Leon. Aabutin iyon ni Leon nang mabilis na hinampas ni Sylvia ang kamay ni Leon at sinabing hindi iyon iinumin ni Leon. "Huwag nga kayo exaggerated! Hindi iyan nakakamatay. Before ko iyan ipainom kay Kiel ako ang unang umiinom at tingnan niyo buhay ako ang oa niyo," ani ni Sylvia. Napatigil si Kiel matapos marinig iyon. Napa-palakpak sina Leon dahil sa biglaang pag-english ni Sylvia. "English iyon ah." "What? Iniinom mo?" Hindi iyon ang unang beses na ginawan siya ng ganoon ni Sylvia at nage-experiment ito ng nga masusustansyang pagkain para sa kaniya. "Malamang! Paano ko malalaman kung safe iyon. Huwag mo na pansinin ang lasa. Ginagawa ko pa ang best ko para gumawa ng foods na masustansya pero masarap at mabango," sita ni Sylvia at nag-cross arm. Hindi akalain ni Kiel na seseryosohin iyon ni Sylvia like— hindi naman talaga siya totoong may sakit na. Sinabi niya lang iyon— hindi nga niya alam kung bakit niya sinabi ang kasinungalingan na iyon. Nakahawak si Sylvia sa baba niya at nagbulong-bulong about sa prutas na gagamitin niya para gumawa ulit ng drinks ni Kiel. Biglang na-guilty si Kiel. Umiling-iling si Kiel at iniinom na lang iyon ng straight. Inubos niya iyon. Ang dahilan bakit tumatakas siya hindi dahil sa drinks. Tumatakas siya dahil alam niya na kapag nakababa si Sylvia at ipilit na naman nito iyong drinks na ginawa nito sa kaniya imposibleng matanggihan niya. Pililitin niya inumin iyon kahit labag sa loob niya. Napangiti si Sylvia at napapalakpak. Sinabihan ni Sylvia si Kiel na very good at agad na kinuha ang lalagyan. "Ingat kayo! Kitakits na lang ulit sa university Kiel!" Kumaway si Sylvia kay Kiel then bigla na lang nawala si Sylvia sa harap ni Kiel at nakita na nila ito tumatakbo pataas ng hagdan yakap ang lalagyan. "Caith, always make sure na safe lahat ng mga pagkain na binibili ni Sylvia sa labas at ang mga pagkain sa kusina. Kapag alam niyong may delikadong ingredients at makaaapekto iyon sa tao palitan niyo ng hindi nalalaman ni Sylvia. Siguradong hindi niya iyon mapapansin at sigurado din naman ako hindi niya malalaman kung papalitan niyo iyon as long as pareho ng kulay," ani ni Kiel. Yumuko sina Caith bilang pagtanggap ng utos. Tumalikod si Kiel. Kahit papaano may advantage din ang pagiging mahina ni Sylvia sa pag-take ng knowledge. Naglakad na palabas si Kiel ng mansion kasunod si Ward na assitant teacher at si Nexus Canary driver ni Kiel at Sylvia. Sinundan sila nina Leon ngunit nanatili sila sa labas ng mansion. Mamaya pa klase ni Sylvia kaya mananatili pa sila ng ilang oras sa mansion. — "Anong nangyari Sylvia? Napahiya ka na naman ba ni Sir. Kiel?" tanong ni Summer Acevedo matapos makita ang kaibigan na nakasubsob sa table ng cafeteria at parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Bestfriend ni Sylvia si Summer sa dati niyang school at bestfriend niya pa din after mag-transfer doon. Paano naka-transfer si Summer kahit kapos din ito at hindi kaya ang tuition doon? Sinabi ni Summer na may taong nag-offer sa kaniya ng scholarship. Ito ang magbabayad ng tuition niya. Hindi ganoon kataas ang grade pero sinabi noong taong iyon na walang ibang kailangan gawin si Summer kung hindi punasok sa university. "Lagi naman. Naiinis nga ako. Lagi ako ang inaatake niya. Ang dami-dami natin kaklase," sagot ni Sylvia. Tumawa si Summer at sinabing wife na si Sylvia favorite student pa. Tinakpan ni Sylvia ang bibig ni Summer at sinabing secret lang iyon. Inalis ng babae ang kamay ni Sylvia. "Alin doon? Iyong wife of favorite student?" tanong ni Summer. "Both!" Tumawa ng malakas si Summer. Kapag may nakarinig kasi tapos malaman na may favorite students si Kiel at mas lalong nandoon ang asawa ni Kiel sigurado ipapako ng mga ito si Sylvia sa krus. Kalaunan sa lobby ng faculty building may inabot na reports si Kiel sa head teachers. "Next week pa ang deadline. Aga mo natapos sa reports. Hindi ka ba napapagod sir Kiel? Mahalaga din ang kalusugan" ani ng matandang head teacher. Masyadong busy na trabaho ang pagiging teacher. Inilagay ni Kiel sa bulsa ang mga kamay at sinabing may mga healthy supplement siyang iniinom at tini-take. Masyadong magaan ang pakiramdam niya. Natawa ang head teacher at sinabing halatadong naaalagaan ng maayos si Kiel ng asawa. Nakikita ng mga faculty teachers ang suot palaging wedding ring ni Kiel at kinumpirma nga ni Kiel na may asawa siya. Napangiti lang si Kiel at sinabing mauuna na siya. 5 minutes na lang before ang next class niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD