Chapter 02
3rd Person's POV
Sylvia Cervantes, 20 years old. Sunod-sunod ang naging kamalasan ni Sylvia mabuti na lang ay may kaibigan siya iyon ay Summer Acevedo. Kaklase niya ito at naging unang kaibigan niya sa university.
Pansamantala na nakatira siya sa bahay nito at sobra na siyang nahihiya. Wala siyang naitutulong o naibibigay sa ina nito dahil kailangan niya magbayad ng tuition.
Naririnig niya palaging inaaway si Summer ng ina dahil nga sa kaniya. Gusto niya umalis ngunit wala siyang mapuntahan.
Ayaw niya makasira ng pamilya kaya naman pinili ni Sylvia na umalis na lang kahit pa wala siya mapuntahan.
Dala ang bag niya tumungo siya sa dati niyang university. Lagi naman bukas iyon kahit walang klase.
Last year ay umalis siya sa university na iyon at nag-transfer dahil hindi niya kaya ang tuition at umalis na siya sa puder ng pamilya niya. Wala siyang choice kaya naghanap siya ng isang public school na half lang ang need bayaran sa tuition.
Naglakad siya papasok at tumingin sa paligid. Walang tao doon— siyempre tapos na sigurado ang klase at pakagat na din ang dilim.
Pumunta siya sa lugar kung saan niya madalas nakikita ang long time crush niya na si Kiel at umupo sa paborito niya na pwesto.
Sa loob iyon ng greenhouse. Sa gitna ay may malaking puno na magkadikit at doon niya palagi nakikita si Kiel.
Kalayuan sa puno at sa tagong lugar may isa doon na swing. Madumi ang bahaging iyon at nakakabit ang swing sa dalawang patay na puno.
Noong nakita iyon ni Sylvia bahagya siyang natuwa kasi malinis doon at nandoon pa din ang paborito niyang swing.
Umupo siya doon at binaba ang mga gamit niya. Doon isa-isang tumulo ang luha niya.
"Bakit ko na kasi nae-experience lahat ng ito? Gusto ko lang naman magkaroon ng normal na highschool life— makapagtapos at makahanap ng maayos na trabaho. Nagagawa naman ng lahat iyon— bakit parang ang hirap-hirap sa akin," bulong ni Sylvia.
Ilang beses na ba siya naalis sa trabaho dahil sa masyado siyang makakalimutin at pangit ng sulat niya. Ilang test na ba ang naibagsak niya dahil nahihirapan siya mag- catch up sa lesson.
Sobra-sobra ang frustration na nararamdaman niya. Iyong pamilyang akala niya kakampi niya ayon gusto siya ipambayad sa utang at gamitin ang katawan niya.
Iyak ng iyak si Sylvia. Pagod na pagod na siya. Pagod na siya gawin lahat ng best niya at the end wala din naman mangyayari. Punong-puno siya ng dissapointment.
"Sarado ang school ngayon. Tapos na ang klase."
Napatigil si Sylvia at bahagyang naibaba ang kamay na nakatakip kanina sa mukha niya. Pag-angat niya ng tingin— daig pa ni Sylvia ang nakakita ng multo.
Biglang humampas ang malamig na hangin. Nagbukasan na din ang ilaw sa green house at doon nakita niya si Kiel Emero Villiegas.
Noong tuluyan na naibaba ni Sylvia ang kamay at kinusot ang mata ay muling nakita niya si Kiel.
Sinampal-sampal ni Sylvia ang sarili at parang tanga na sinabing tigilan na ang pagha-hallucinate.
"Mag-aano dito si Kiel. Hindi ko pa balak mag-suicide— hindi kailangan ni God magbigay ng sign at ng motivation," ani ni Sylvia na parang tanga. Nagduya-duyan na lang siya doon.
Hinahangin ang mahabang buhok ni Sylvia. Pumikit ang babae at napatitig sa kaniya si Kiel.
Makalipas ang limang minuto hinawakan ni Kiel ang kadena— na-shocked si Sylvia dahil muntikan na siya masubsob noong tumigil ang swing.
May humawak sa braso niya para hindi siya sumemplang. Lumingon si Sylvia at pag-angat nga niya ng tingin— nakita nga niya si Kiel.
May suot na salamin at salubong ang kilay. Tinanong kung bakit siya dinidedma nito.
"Bawal ang outsider sa university."
Napatayo si Sylvia at agad na nag-sorry. Hindi iyon panaginip. Nakikita nga niya si Kiel.
Nagkaharapa ang dalawa. Hindi alam ni Sylvia ang sasabihin niya. Nasa harapan niya si Kiel at sobrang bilis ng t***k ng puso niya dahil sa pag-haharap nilang dalawa na iyon.
Kinuha ni Sylvia ang mga bag niya at sinabing aalis na siya. Sobra ang hiya niya— hindi pa siya naliligo, sobrang dumi niya at kupas na din ang damit niya.
"Kung wala kang mapupuntahan maari ka mag-stay sa bahay ko. Madami doon na kwarto."
Napatigil si Sylvia matapos niya lampasa si Kiel at tatakbo paalis.
Napatanong si Sylvia kung tama ba ang narinig niya o baka nagha-hallucinate siya dahil sa gutom.
Humarap si Sylvia. Bahagyang lumingon si Kiel at inulit ang sinabi niya kanina.
Biglang tumunog ang tiyan ni Sylvia dahil sa gutom. Sa sobrang hiya napaupo si Sylvia sa lupa at tinakpan ang bibig. Gusto niya na magpakain sa lupa.
"Mabuti pa mamaya na natin iyon pag-usapan. Kumain na muna tayo," ani ni Kiel. Nilampasan niya ang babae at napalingon si Sylvia.
Nagpapasalamat na lang si Sylvia dahil hindi siya nilapitan ni Kiel dahil kung nilapitan siya nito tatakbo talaga siya palayo at magtatago.
Hiyang-hiya talaga siya. Tumayo si Sylvia at sinundan si Kiel. Na-shocked si Sylvia matapos makitang papunta sila sa isang faculty building.
Nandoon ang office ng lahat ng teachers ng university. Naging teacher talaga si Kiel.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan. Bilisan mo ang paglalakad. Madilim dito," ani ni Kiel. Agad naman na tumakbo si Sylvia palapit.
Ni sa panaginip hindi niya naisip na darating ang araw na makakalapit siya kay Kiel ng higit limang metro.
Nahawakan niya ang strap ng bag niya at nakatingin sa likuran ni Kiel na naglalakad pataas ng hagdan.
Hindi alam ni Sylvia kung naaalala pa ba siya ni Kiel. Nalulungkot siya dahil doon.
Pagtaas niya ng pangalawang palapag nakita niya na si Kiel na binubuksan ang isang pinto. Lumapit si Sylvia.
Pinapasok siya ni Kiel. Malinis ang kwarto na iyon, maraming papel, notebooks at books. Karaniwan nakikita sa isang faculty. May loptop din at printer.
Tiningnan ni Sylvia si Kiel. Doon nakita ni Sylvia ng malinaw ang mukha ni Kiel.
Nakatagilid ito at may hawak na phone. Mukhang may tini-text ito.
Nakasuot na si Kiel sa salamin. Hindi makapaniwala si Sylvia na kahit nakasalamin na ito ay nag-uumapaw pa din ang kagwapuhan nito.
Mas tumangkad din at lumaki ang katawan. Napatigil si Sylvia matapos makita ang braso ni Kiel.
Nakita na lang ni Sylvia ang sarili na hawak ang wrist ni Kiel na siyang ginagamit ni Kiel sa pagta-type. Napatigil si Kiel at lumingon.
Napataas ng kamay si Sylvia at nag-sorry. Napahawak si Sylvia sa sariling braso.
Nakita niya na suot ni Kiel ang binigay niya na bracelate. Gusto niya magtatalon matapos makita iyon. Hindi siya makapaniwala na makikita iyon.
"Ah— maaari ko bang itanong kung naaalala ko ba kung sino ang nagbigay ng bracelate na iyan?" tanong ni Sylvia. Nagdasal si Sylvia na sabihin ni Kiel ang yes. Kahit hindi nito alam ang pangalan niya basta maalala lang ni Kiel kung sino ang nagbigay.
Ngunit daig pa ni Sylvia ang nabagsakan ng langit at lupa matapos marinig ang sinagot ni Kiel.
"No, naaaksidente ako after ko makuha ito. Hindi ko na maalala nag mukha niya," sagot ni Kiel habang nakatingin sa phone. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Sylvia at agad na bumagsak ang balikat.
"Pero atleast safe ka. Ligtas ka," bulong ni Sylvia habang nakayuko at nakatingin sa kabilang bahagi ng kwarto.
Bahagyang tumingin si Kiel sa babae at palihim na napangisi.