Chapter 05
3rd Person's POV
"You b***h! Alam mo ba kung magkano ang bag na ito!"
Natapunan ni Sylvia ng juice ang bag ng tinuturing na school goddess. Sunod-sunod na nag-sorry si Sylvia at sinabing pupunasan na lang ni Sylvia ang bag.
"Pupunasan! Sa tingin mo maaalis ng punas-punas ang mantsa sa bag ko!"
Catherine Silva, pamangkin ng dean. Dahil maganda at mayaman tingin sa sarili ay siya na ang pinakamataas sa lahat.
"Ba—babayaran ko na lang," ani ni Sylvia. Wala siyang hawak na cash— hindi niya pwede ibigay ang credit card ni Kiel. Napatigil si Sylvia.
"Bayad? Ano sa tingin mo sa bag ko makikita mo lang sa bangketa? May 500k ka ba?" tanong ng babae. Nanlaki ang mata nis Sylvia.
Tumawa ang mga kaibigan ni Catherine at sinabing hampas lupa si Sylvia.
"Kahit sabihin ko sa iyo ang exact price at ang resibo sigurado naman ako na hindi mo mababayaran iyon. Cheap!"
Nag-sorry si Sylvia. Lumapit si Sylvia para sabihin na lilinisin na lang niya ang bag. Kinukuha iyon ni Sylvia nang biglang tinulak ito ni Catherine si Sylvia at sinabing huwag siyang hawakan.
Babagsak si Sylvia nang may taong humawaka sa balikat ni Sylvia mula sa likod at inalalayan ito.
"Oh— Oh my god. Si Elliot!"
Napaayos ng tayo si Sylvia at lumingon. Nakita ni Sylvia si Elliot Morgan at Abel Brick.
Nagkakamot sa likod ng ulo si Abel at naghihikab na lumapit sa lokasyon ng komusyon.
"Magkano ba ang bag mo Catherine?" tanong ni Abel. Naka-pokerface nitong nilingon ang babae na nakatulala sa kanilang dalawa.
Kinuha ni Abel ang wallet niya. Tiningnan kung magkano ang cash niya ngunit noong nakita niya na mukhang kulang iyon. Kumuha si Abel ng cheque. Kinuha ang pet sa chest pocket niya at nagsulat doon ng price.
Namumula si Catherine ngunit agad iyon napalitan ng pagkabalisa matapos itapon ni Abel ang cheque sa mukha ni Catherine.
"Get lost. Pahara-hara kayo sa daan," malamig na sambit ni Abel. Puno ng ingat na tinabi ni Elliot si Sylvia.
"Umalis na kayo tapos na ang palabas," iritable na sambit ni Elliot at naglakad paalis. Nilampasan ni Elliot at Abel ang mga kaibigan ni Catherine na ngayon ay sinakop ng sobrang kahihiyan.
Agad na umalis doon si Sylvia. Hinabol niya sina Abel at Elliot. Hindi siya makapaniwala sa price na sinulat ni Abel sa cheque.
Pagliko niya sa hallway— may hagdan.
"You don't need to run my lady. Hindi kami tatakbo," ani ni Elliot. Nasa ibaba sila at mukhang hinihintay lang din si Sylvia.
Agad na bumaba si Sylvia at sinabing ang laki ng pera na nilabas ni Abel. 600k mahigit.
"Hindi ko alam kung paano iyon babayaran."
"Heh, hindi kita sinisingil. Mylady. Kung hindi ka satisfy sa sagot ko pwede ko singilin si bossing doon," ani ni Abel. Apat na baitang bago siya makababa sinabi ni Sylvia na hindi na dapat ginawa iyon ni Abel.
"Mylady, kapag may nangyari sa iyo at patayin kami ni bossing sa tingin mo madadala ko sa langit ang 600k na iyon?" tanong ni Abel. Bumulong si Elliot ng imposible.
"Imposible ka tanggapin sa langit."
Bumulong si Abel ng f**k off. May mga estudyante na pababa kaya naman mabilis na tumakbo si Abel at Elliot pababa.
Bumaba din naman si Sylvia na parang walang nangyari at tinahak ang daan patungo sa building ng classroom niya.
Sa isang taon na pagsasama nila ni Kiel isa lang ang natutunan niya. Iyon ay ang dedmahin ang mga bagay na related sa pera or sa trabaho ni Kiel at ng mga kaibigan nito.
Hindi niya nakakausap ng matino ang pito pagdating sa dalawang bagay na iyon.
—
"And?" ani ni Kiel na mukhang hindi interesado. Nakaupo ang lalaki sa may kahabaan na table sa office niya habang si Sylvia ay nakaupo sa swivel chair sa teacher's table.
Habang nakaupo ay umiikot-ikot si Sylvia doon. Napahinto lang si Sylvia noong sabihin nga ni Kiel ang and at mukhang hindi interesado.
"Anong and? Ang laki ng 600k, Kiel," ani ni Sylvia. Sinabi ni Kiel na mayaman sina Abel piso lang sa kanila ang 600k.
Busy si Kiel sa paggagawa ng lesson planned. Napanguso si Sylvia at humilig sa table.
"Kulang pa allowance ko para bayaran iyon kay Abel," bulong ni Sylvia. Inaantok siya bigla.
Amoy niya kasi sa buong room ang perfume ni Kiel. She's so comfortable at gusto niya matulog.
Noong natahimik si Sylvia ay lumingon si Kiel. Nakita niya na nakasubsob si Sylvia sa table at mukhang natutulog na.
Iniwan ni Kiel ang ginagawa. Matapos tumayo ay naglakad siya palapit sa table.
Nakita nga niya na tulog na si Sylvia. Ayaw niya sa maingay pero hindi iyon maiiwasan dahil sa bahay o sa university ay kasama niya si Sylvia.
Kapag tahimik naman naninibago siya at hindi sanay. Minsan kapag bored siya tatawagin niya pa si Sylvia at papainan ito ng pagkain para manatili sa tabi niya. Hahayaan ito magdadaldal doon at magkwento.
Dahan-dahan niya pinahiga si Sylvia sa mga braso niya at binuhat ito. Noong maingat na ito ni Kiel ay dinala ni Kiel sa sofa si Sylvia. Malaki ang sofa na iyon kaya sure si Kiel na hindi mahuhulog o masisikipan doon si Sylvia.
Hiniga niya si Sylvia doon. Hinubad niya din ang sariling coat at inilagay iyon sa katawan ni Sylvia.
Hininaan niya din ang AC at naglakad na paalis sa sofa.
"Anong oras nga ulit kailangan natin pumunta sa base?" tanong ni Abel. Hawak ni Nexus ang phone sinabing 11pm.
"Shh!"
Napatigil sina Nexus matapos iharang ni Ward ang isa niyang kamay sa mga tauhan. Agad na naalarma sina Leon at tinanong kung may kalaban.
"Gago, tahimik. Nandito sa palapag na ito si madam Sylvia at kapag tahimik siguradong tulog ang asawa ni bossing," ani ni Ward. Tumalikod si Leon at sinabing sila na lang pumunta sa office ng pinuno nila. Aalis na siya.
Bago pa ito makababa ng hagdan agad ni Abel hinila ang kwelyo ni Leon at sinabing magkakaibaigan sila. For better and worst dapat magkakasama sila.
"Kayo na lang mamatay," mahina at madiin na bulong ni Leon.
Naalala nila last time bigla silang pumasok sa opisina ni Kiel at tulog pala si Sylvia. Nagising si Sylvia and guess what? After nila ihatid si Sylvia sa mansion bigla silang pinadala ng pinuno nila sa isla ng puno ng mga alaga ng bossing nila .
Mga nilalang iyon na pinoprotektahan ng mga Villiegas at ilan pang kilalang pamilya na pinageksperimentuhan ng mga baliw na gobyerno. Pinapunta sila doon para silipin iyong mga baby monster at bilangin.
Kulang na lang ihampas ng pinuno nila ang word na 'go die.' sa pagmumukha nila.
Nakaalis lang sila doon after 1 week noong hanapin sila ni Sylvia. Halos halikan nila ang dulo ng sapatos ni Sylvia matapos nila makita ang babae.
Himala ng nakatagal sila doon ng 1 week.