CHAPTER 3

1485 Words
IT WAS ALREADY MIDNIGHT BUT LANI CAN'T SLEEP. Lumabas siya ng kanyang kwarto at pumunta sa sala. She turned on the TV when someone knocked at the door. Kumunot ang nuo niya. Sino naman kaya ang kakatok? Malalim na kaya ang gabi. Napabuntong-hininga siya at tumayo. Lumapit siya sa pinto at hinawakan niya ang seradura. "Sino 'yan?" Tanong niya. "L-lani ..." Kumunot ang nuoo niya. "Yvette?" "A-ako nga ..." Nanghihina ang boses nito. Agad niyang binuksan ang pinto. "Yvette?" Paniniguro niya. "Lani ..." "Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalala niyang tanong. "Bakit ganiyan ang hitsura mo?" Inalalayan niya ito papasok sa sala. Magulo ang buhok nito at gusot ang suot na damit. Para itong nagahasa. O di kaya sinaktan na naman ito ng walang kwenta nitong madrasta? O di kaya yung step sister nito? Pinaupo niya ito sa sofa at mabilis siyang kumuha ng tubig sa kusina. Agad niyang ibinigay dito at tubig at agad namang uminom si Yvette. Umupo siya sa tabi ng kaibigan. "Anong nangyari sa'yo?" Tanong niya. Hindi ito nagsalita at tumulo ang luha nito. "L-lani ..." Niyakap niya ang kaibigan. "Si T-tita Beth ... pinambayad niya a-ako ..." Umiiyak nitong sabi. "Pinambayad? Anong pinambayad?" Nagtataka niyang tanong. "I-I was r***d ... h-he r***d me ..." "Ano?!" Napatayo siya. "Sino ang lalaking 'yon?!" Umiling si Yvette. "H-hindi ko siya kilala." "Napakawalang hiya talaga ang madrasta mong 'yan!" Galit niyang sabi. Niyakap niya ang kaibigan. "Magpahinga ka na, Yve. Bukas na tayo mag-usap." Tumango ito kaya inalalayan niya ito papuntang kwarto. Kinumutan niya ito. Napakawalang hiya talaga ang madrasta ng kaibigan. Pati na ang lalaking gumawa ng kahayupan sa kaibigan niya. Hindi na lang ito naawa kay Yvette. Marami na nga ang  pinagdaanan ng kaibigan niya dinagdagan pa ng lalaking 'yon. Napabuntong-hininga siya. "PAGKATAPOS NINYO AKONG PAMBAYAD SA UTANG NIYO ... palalayasin niyo naman ako. Anong klase kayong pamilya?" Umiiyak na sabi ni Yvette. Pagkauwi niya galing kina Lani ay agad siyang hinila palabas ng mag-ina. "Excuse me. Hindi ka namin pamilya!" Mataray na sabi ni Stacey. "Tama ang anak ko, kaya umalis ka na!" Sigaw ng madrasta niya. "Tandaan niyo ito. Darating ang araw na luluhod kayo sa harapan ko at magmamakaawa." Aniya. "Ang dami mo pang sinasabi! Layas na! Umalis ka na! Napakadumi mo na!" Nandidiring sabi ng kanyang stepsister. Ang sasakit ng mga salitang lumalabas sa bibig ng mga ito. Pero buong tapang siyang tumayo at pinunasan ang kanyang luha. Tinignan niya pa ang bahay na kinalakihan niya. Tirahan niya ng labin-walong taon. Masaya at pasakit ang ibinigay sa kanya ng bahay na 'to. Tumingin siya sa kanyang madrasta. "Sana sa ginawa niyong 'to, hindi kayo magsisisi sa huli." "Hinding-hindi kami magsisisi. Alis na!" Humalikipkip ang stepsister niya at inirapan siya. Nagbaba siya at tingin. Tumalikod na siya sa mga ito. Hindi niya inaasahang makikita niya si Lani. Sinundan ba siya nito? "Let's go, Yve. Iwan mo na ang walang kwentang mga tao! Mga walang konsensiya!" Galit na sabi nito. Sumagot ang mag-ina pero hindi ito pinansin ng kaibigan. Lumapit ito sa kanya at inalalayan siya. "Salamat." "Doon ka na sa apartment ko tutuloy, Yve." Tumango siya. SINULYAPAN NI LANI NG KAIBIGAN NA TULIRONG NAKAUPO SA SOFA. Deretso ang tingin nito at mukhang malalim ang iniisip. Sa nakalipas na isang linggo. Madalas itong tuliro at wala sa sarili. Hindi na rin ito pumapasok sa university at sa flower shop. Marami na itong namiss na quizzes at exams. Naiintindihan niya si Yvette. Hindi madali ang pinagdadaanan nito ngayon. Napabuntong-hininga siya. Kung may magagawa lang sana siya para sa kaibigan ay gagawin niya. Ang tanging magagawa niya lang ngayon ay damayan ito at huwag pababayaan. Kailangan siya ni Yvette. "Yvette?" Tawag niya dito pero wala itong reaksiyon. Huminga siya ng malalim. "Nagugutom ka na ba?" Wala pa rin itong reaksiyon. She sighed. "Magluluto na ako. Punta ka na lang sa kusina kapag may kailangan ka." Isang tango lang ang isinagot nito. Napangiti siya. At least, sumagot ito kahit tango lang. Tinalikuran niya ito at pumasok sa kusina. Nag-umpisa na siyang magluto nang may narinig siyang galabog sa sala. Tumakbo siya agad doon. Halos manigas siya sa kinatatayuan nang makita niya ang kaibigan na may hawak na blade. "Yvette! Huwag!" Sigaw niya pero huli na siya. Linaslas na ni Yvette ang sarili nitong pulushan at bumagsak ito sa sahig. "Oh my god! Yvette! Yvette!" Tumakbo siya palapit sa kaibigan. Umaagos ang malapot na dugo nito sa sahig. Nanginginig siya habang tinatalian ng panyo ang pulsuhan nito. "Yvette naman. Bakit mo linaslas ang pulsuhan mo?" Hindi niya alam pero naiiyak na siya habang pinapaupo ang kaibigan sa sofa. "Dito ka lang, Yvette. Tatawag ako ng tulong." Nagmamadali siyang lumabas ng kanyang apartment. "Oh, Lani? Bakit ka nagmamadali?" Tanong ni Paula na kalalabas lang ng apartment nito. Isa itong nurse sa isang public hospital. "Tulong, Ate." "Bakit? Anong nangyari?" Tanong nito. "Ang kaibigan ko po kasi naglaslas." Aniya. "Puntahan natin." Tumakbo silang dalawa sa apartment niya. Mabuti na lang at may nurse na malapit at agad na nagamot si Yvette. "Medyo malalim ang sugat niya. Baka matagal bago 'yan maghilom, Lani. Painumin mo siya ng gamot. Ito ang gamot na kailangan niya." Tinapos nito ang pagbebenda sa sugat ng kaibigan at binigyan siya nito ng papel na pinagsulatan nito ng gamot na kailangan ni Yvette. "Salamat po, Ate Paula." "Walang anuman. Sige, alis na ako." Hinatid niya ito sa pinto. Lumabas siya para bumili ng gamot sa botika at pagbalik niya ay naabutan niyang umiiyak ang kaibigan. Humahagulhol ito. "Yve?" "S-sana hinayaan mo na lang ako, Lani. Gusto ko ng mamamatay! Wala na akong kwenta!" Naawa siya sa kaibigan. Nilapitan niya ito at niyakap. "Huwag mong sabihin na wala kang kwenta, Yvette. May kwenta ka, hindi lang nila nakikita." Aniya. "Kung may kwenta ako? Bakit nangyari sa akin 'to? Bakit?! Pakiramdam ko sa sarili ko ... ang rumi-rumi ko." Umiiyak nitong saad. "Hindi ko alam kung paano magcomfort ng isang tao, Yvette, pero ang masasabi ko lang, everything happens for a reason. Magpakatatag ka. Huwag mong hayaang apakan ka nila ulit. Bumangon ka, Yve. Bumangon ka at ipakita mo sa kanila na matapang ka. At hindi ka basta-basta sumusuko sa mga pagsubok sa buhay mo. And have faith in god." Aniya. Tumingin sa kanya ang kaibigan. "Ikaw ang ikalawang taong nagmalasakit sa akin. Salamat, Lani. At pasensiya na sa mga problemang idinudulot ko sa 'yo." Nginitian niya ito. "Ayos lang, Yvette. Basta pangako mo, huwag ka ng maglaslas." Nagbaba agad ito ng tingin. "Pasensiya na pala doon." Nagpunas ito ng luha. "At huwag kang mag-alala. Susubukan kong bumangon at kalimutan ang mapapait na karanasan ko sa buhay." "That's good." Sabi niya. "Halika. Tulungan mo na lang akong magluto." Ngumiti ng tipid si Yvette. "Sige." At habang lumilipas ang mga araw ay nagkakaroon ng sigla si Yvette. Alam ni Lani na sinusubukan ng kaibigan na kalimutan ang mga masasamang nangyari sa buhay nito at sinusubukang ngumiti para sa umagang darating. Pumapasok na rin ito sa university at sa flower shop. Pero nitong mga nakalipas na araw ay napapansin niya sa kaibigan ang unti-unti nitong pagbabago. Lagi itong nagduduwal, minsan ay inaantok rin ito. She concluded something. Pero sana ay mali siya ng akala dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin ng kaibigan kung sakali nga na tama ang hinala niya. Sana naman, hindi. "Lani!" Patakbong lumapit sa kanya ang delivery boy nila ng bulaklak, si Lucas. Nagtaka naman siya. "Bakit?" Tanong niya. "Si Ms. Beautiful, nawalan ng malay." "Ha? Nasaan siya?" Agad niyang tanong. Hindi na niya kailangang tanungin kung sino ang tinutukoy nito na 'Ms. Beautiful', si Yvette. "Nasa labas ng shop." She gave him a deadpan looked. "Bakit hindi mo binuhat at ipinasok dito sa loob?" Napailing siya. "Sorry, nataranta ako, eh." Tumakbo sila sa labas ng flower shop at agad na nilapitan si Yvette na walang malay na nakahandusay sa lupa. "Yvette?" Niyugyog niya ito. Tumingin siya sa Lucas. "Buhatin mo. Kailangan natin siyang dalhin sa hospital." "Sige." Agad nitong binuhat si Yvette. Nagpara naman siya ng taxi at isinugod nila ito sa hospital. Inasikaso naman agad ng doktor si Yvette. "Ano kayang nangyari kay, Ms. Beautiful?" Tanong sa kanya ni Lucas. "Alam ko ba?" Balik niya dito. "Ang sungit mo naman, Lani." Napailing na lang siya. Agad siyang napatayo nang lumabas ang doktor na tumingin kay Yvette. "Doc, kumusta po ang kaibigan ko?" Tanong niya. "Maayos naman ang kalagayan niya. Nawalan lang siya ng malay dahil sa pagbubuntis niya." Sagot ng doktor. Kung may kinakain siguro siya ay nabilaukan na siya. "B-buntis? Buntis po ang kaibigan ko?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ang doktor. "Oo. Sige maiwan ko na kayo. May aasikasuhin pa akong pasyente." "Buntis si Ms. Beautiful?" "Narinig mo naman 'di ba?" Inirapan niya si Lucas. "Pero wala naman siyang asawa." Sabi ni Lucas pero hindi niya ito pinansin. Pumasok siya sa kwarto na inuokopa ni Yvette. Gising na ito. "Yvette?" Agad na tumingin sa kanya ang kaibigan. Malungkot itong ngumiti. "Anong plano mo?" Tanong niya. Yvette sighed. "I don't know, Lani." "Anong balak mo sa ipinagbubuntis mo? Ipapalaglag mo ba?" Tanong niya. Agad itong umiling. "Hindi pumasok 'yan sa isipan ko, Lani. Ipagpapatuloy ko ang pagbubuntis ko. Wala siyang kasalanan sa ginawa ng ama niya sa akin." "Mabuti naman kung ganoon." Napatango siya. "Lani." Hinawakan ng kaibigan ang kamay niya. "Bakit?" "Pasensiya sa lahat dahil naging pabigat ako. Aalis ako, Lani. Magpapakalayo ako." "Ano? Pero saan ka naman pupunta?" Tanong niya. "Bahala na, Lani. Basta sa malayo. Malayo sa lugar na ito ... at salamat sa lahat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD