CHAPTER 1
"YVETTE, okay ka lang ba?" Tanong ni Lani sa kaniya nang makita siya nitong nakangalumbaba sa kaniyang mesa.
"Oo." Matamlay niyang tanong.
"Eh, bakit ang tamlay mo?" Tanong pa nito habang nag-aayos ng bulaklak.
Umiling siya. "Wala." Tumayo siya at tumulong sa pag-aayos ng mga bulaklak para maideliver na ito mamaya sa isang simbahan para sa isang kasal bukas.
"Yve, kilala kita. Ano ba 'yon?"
She sighed. "Iniisip ko lang kung ano na naman ang dadatnan ko mamaya sa bahay."
"Ano bang meron?" Tanong ni Lani habang abala ito sa ginagawa.
"Kilala mo naman ang madrasta ko ang anak niya. Maybe nagpaparty na naman ang dalawang 'yon at ako na naman ang maglilinis." Aniya at biglang naging problemado.
Napailing si Lani. "Bakit ka pa kasi hindi na lang umalis sa bahay na 'yon? Pwede ka namang tumira sa apartment ko. Malawak naman 'yon at ako lang mag-isa. Iwan mo na ang madrasta mo, sinasaktan ka lang naman."
Sa pagbanggit ng salitang 'sinasaktan' ay napahawak siya sa kaniyang pisngi. Sinampal lang naman siya ng stepsister niya dahil hindi niya agad nagawa ang pinapagawa nito. She sighed. "Alam mo naman kung bakit hindi ko maiwan ang bahay na 'yon 'di ba? 'Yon na lang ang natitira kong alaala kay mommy at daddy."
"Kaya kahit sinasaktan ka na ng walang kwenta mong madrasta at stepsister, okay lang?"
Tumango siya.
"Ewan ko sa'yo, Yvette." Naiiling na sabi ng kaibigan at iniwan siya.
Sinundan niya lang ito ng tingin at bumalik siya sa pag-aayos ng mga bulaklak. Hindi niya pwedeng iwan ang bahay na kinalakihan niya. Punong-puno 'yon ng alaala nila ng kaniyang mga magulang. Unang pumanaw ang kanyang ina noong ten years old siya dahil sa sakit na colon cancer. At isang taon ang nakalipas, nag-asawa muli ang kaniyang ama at may anak ang napangasawa nito na kasing edad lang niya. Noong una ay mabait naman ang mga ito sa kanya ngunit ng kalaunan ay lumabas ang totoo nilang kulay. They're hurting her and her father didn't know about it.
Mahilig sa Casino ang kaniyang madrasta at hinahayaan lang ito ng kaniyang ama. Lahat ng gusto ng mag-ina ay ibinibigay nito at hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng tampo.
Hanggang sa dumating ang araw na pumanaw rin ang kaniyang ama noong labin-limang taong gulang pa lamang siya dahil sa car accident. Dito mas lalong lumala ang p*******t sa kaniya ng dalawa at nagsimulang bumagsak ang kanilang negosyo dahil sa kaniyang madrasta at stepsister. Mas nalulong pa sa sugal ang madrasta at kung anu-anong bagay naman ang binibili ng stepsister niya. Mabuti nga at may natira pa sa pundar ng kaniyang magulang, ang bahay, ang lote at ang negosyo na pag-mamayari ng kaniyang ina. Ang restaurant pero sana na nga lang ay hindi rin ito babagsak dahil sa kagagawan ng mag-ina.
Kaya naman ay nagse-self supporting siya sa kaniyang pag-aaral. She applied for scholarship at nakuha naman siya sa isang university. Nag-aaral siya and at the same time ay nagtatrabaho siya sa isang flower shop. Kahit maliit lang ang sweldo ay pinagtitiyagaan niya.
Nang matapos niya ang kanyang ginagawa ay siya namang pagbalik si Lani. Lani became her friend. Kaedad niya ito at pareho silang scholar sa university.
"Break muna sabi ni Boss." Sabi nito at inilapag ang isang sandwich at juice sa table. "Heto,mbinilhan na kita ng merienda dahil alam kong hindi ka na naman gagasto."
Ngumiti siya. "Salamat, Lani." Aniya.
Bumuntong-hininga ito at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Bakit ang payat mo?"
Tinawanan niya lang ito at mabilis na kinain ang sandwich na ibinigay nito. Inaamin niya. Gutom siya dahil hindi siya kumain ng agahan. Minsan kasi ay hindi siya pinapakain ng madrasta niya. Hindi lang siya sinasaktan, pinagkakaitan rin siya ng pagkain. Hindi naman siya makabili ng pagkain niya dahil kinukuha ng madrasta niya ang sweldo niya. Napabuntong-hininga siya.
Hanggang kailan ba siya magdurusa?
PAGDATING niya sa kanilang bahay ay sinalubong siya ng malakas na sampal ng madrasta. Napabaling ang mukha niya pakaliwa.
"B-bakit po?" Naiiyak niyang tanong at napahawak sa pisngi na sinampal nito.
Naamoy niya ang hindi kaaya-ayang amoy ng alak na sumisingaw sa katawan nito.
Dinuro siya nito. "Bakit hindi ka pa nagluto, ha?! Nagugutom ako!"
"Kadadating ko lang—"
"Huwag ka ng magsalita! Kilos na!" Sigaw nito.
Pinunasan niya ang luhang tumulo mula sa kaniyang mata at pumasok sa kusina. Pinipigilan niya ang luha niya na huwag tumulo pero kahit anong pigil niya ay tumulo pa rin.
Nasa kalagitnaan siya ng pagluluto nang pumasok ang stepsister niya na madilim ang mukha.
Oh, no. Not again.
"Ang landi mo talaga!" Sigaw nito at sinampal siya. Pagkatapos ay sinabunutan siya nito.
"Ang landi landi mo!"
Pilit naman niyang tinatanggal ang kamay nito sa buhok niya.
"Walang hiya ka! Bakit mo linandi si Michael?!" Patuloy ito sa pagsabunot sa kaniya.
"A-anong—hindi ko siya linandi—ano ba, Stacey ... masakit—"
"Talagang masakit! Sinungaling! Ayaw na sa akin ni Michael dahil sa 'yo! Ikaw daw ang gusto niya! Ano ba kasing klase ng panlalandi ang ginawa mo?!" Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagsabunot nito sa kaniya.
Hindi na siya nagsalita dahil mas lalo lang siya nitong sasaktan. Padabog siya nitong binitawan. Nang makalabas ito sa kusina ay nanghihina siyang napaupo sa sahig at niyakap ang tuhod. Tahimik siyang umiyak.
Hanggang kailan ba siya magdudusa ng ganito?
Si Michael ay boyfriend ni Stacey pero hindi niya alam kung ano ang nangyari dahil bigla na lang nagalit sa kaniya ang stepsister. She didn't do anything. Hindi nga niya kinakausap ang boyfriend nito.
Pinunasan niya ang kaniyang luha. Tumayo siya at ipinagpatuloy ang pagluluto. Nang matapos siya sa pagluluto ay tinawag niya ang mga ito.
"Huwag kang kumain!" Sabi ni Stacey.
Agad na napatigil ang kamay niya sa pagkuha sana ng pinggan niya. "Pero hindi pa po ako kumakain—"
"Wala kaming pakialam! Now, get out! Nakakawalang gana ang pagmumukha mo! Maglipit ka na lang mamaya!" Sabi ng madrasta.
"Opo." Sagot na lang niya.
Lumabas siya ng kusina at umakyat sa kaniyang kwarto. Nang maisara niya ang pinto ay unti-unti siyang napaupo sa sahig. Nagunahang tumulo ang kaniyang luha. Niyakap niya ang kaniyang tuhod.
KINABUKASAN ay maaga siyang gumising. Napahawak siya sa kaniyang tiyan. Nagugutom na talaga siya. Hindi siya nakakain kagabi dahil inubos ng mag-ina ang niluto niya at kung sakaling may matira man ay itatapon lang ng mga ito sa basurahan at minsan kapag hindi na niya talaga kaya ang gutom ay kinukuha niya ito at sapilitang kinakain. Wala siyang magagawa dahil wala siyang pera.
Pagpasok niya sa kusina ay agad siyang naghanap ng makakain. Kumuha siya ng prutas sa ref. Sana lang, hindi mapansin ng madrasta niya na nakulangan ang prutas nito sa ref.
She's really hungry.
Nagluto na rin siya ng agahan nila.
"Yvette!" Sigaw ni Stacey.
Tumakbo siya papunta sa kwarto nito.
"Bakit—"
"Bakit ang tagal mo?! Wash this!" Ibinato nito sa mukha niya ang damit.
"Stacey, malelate na ako—"
"I don't care! Basta labhan mo 'yan! Gagamitin ko 'yan bukas."
"S-sige."
Napabuntong-hininga siya.
Kailan ba dadating ang prince charming na magliligtas sa kaniya? Pero meron ba? Ala cinderella kasi ang buhay niya. Hindi niya tuloy hindi maiwasang mag-imagine na may dadating na tutulong sa kaniya pero alam niyang wala. Ilag sa kanya ang mga estudyante sa pinapasukan niyang university dahil kay Stacey. Si Lani lang talaga ang lagi niyang nakakasama at tunay na kaibigan.
She sighed. Nilabhan niya ang damit ni Stacey. After she washed her clothes. Bumalik siya sa loob ng bahay at hinanda ang agahan. Lihim na lang siyang nagpasalamat ng may itinira ang madrasta na pagkain. Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang naghugas at pumunta sa kaniyang kwarto. She took a bath and wear her old clothes.
Lahat naman ng gamit niya ay mga luma na. Wala siyang pambili. Mabuti pa ang stepsister niya at laging bago ang mga gamit nito lalo na ang damit. She was thankful that Lani is on her side. Minsan ay binibigyan siya nito ng damit.
Pagdating niya sa university ay agad siyang inakbayan ni Lani nang makalapit siya dito.
"Good morning." Bati nito.
"Morning." Ngumiti siya.
"Yve, huwag ka ng ngumiti kung hindi rin lang abot hanggang mata." Sabi ni Lani.
"Pasensiya na."
"Nah, ayos lang. Halika na, baka ma-late na tayo sa klase natin terror pa naman ang prof."
Tumango siya.
Habang naglalakad sila ay pinagtitinginan sila ng mga kapwa nila estudyante at alam niyang pinag-uusapan silang dalawa.
"Hay naku! Tumabi tayo dahil baka mahawaan tayo ng germs!" Maarteng sabi ng isang babae habang parang nandidiri na nakatingin sa kanila ni Lani.
"Hayaan mo na sila, Yve. Mayaman kasi ang mga 'yan. Eh, kapareho rin lang natin na naglalakad sa lupa." Sabi ni Lani.
Nagbaba na lang siya ng tingin.
Minsan tinatanong niya ang diyos kung bakit nangyayari ito sa kaniya? Bakit siya dumadanas ng ganito? Ganitong buhay ba talaga ang nakasulat sa kapalaran niya?
Napailing siya at pinunasan ang namumuong luha sa kaniyang mata.