CHAPTER 2

1295 Words
"—2 MILLION?!" Narining niyang sigaw ni Stacey pagpasok niya pa lang sa kanilang bahay. Kumunot ang nuo niya. Nag-aaway na naman ba ang mag-ina? Well, wala ng bago doon. Nag-aaway minsan ang mga ito pero nagsasama naman kapag sasaktan na  siya. "Oo at hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng pera para pambayad sa pinagkakautangan ko." Problemadong saad ng madrasta niya. "Ibenta niyo na lang ang restaurant—" "No! Doon tayo kumukuha ng pera na ginagasto natin. Hindi 'yon pwedeng mawala!" "Saan niyo ba kasi ginamit ang pera?" Tanong ni Stacey. "Sa Casino ... hindi ko naman akalaing matatalo ako." Napailing na lang siya. Bahala ang mga ito sa kanilang problema. Nilagpasan niya ang mga ito sa sala at dumeretso siya sa kusina. Nagluto siya at pagkatapos niyang magluto ay umakyat naman siya sa ikalawang palapag at pumasok sa kanyang kwarto. Himala at wala siyang sigaw o sampal na natanggap sa araw na 'to. She was thankful. She get her binder and do her homework. THE NEXT DAY. MAAGA muli siyang nagising at nagtrabaho kaagad. Wala siyang klase sa araw na 'to. Nagluto siya at naglinis ng buong bahay. Napailing siya nang makitang 9 o'clock na pero hindi pa rin gising ang mag-ina. Hindi na siya nagtaka. Mas maganda nga rin para walang manakit o mag-utos sa kaniya. Hinanda niya ang agahan ng mga ito. Kumain na rin siya. Naligo siya at nagsuot lang siya ng simpleng t-shirt, jeans and sneakers. Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga nang maalala kung ano ang mayroon sa araw na ito. Lumabas siya ng compound at pumara ng tricycle. Nagpahatid siya sa memorial park. Ngayong araw ang death anniversary ng mommy niya. It's her mother 8 year death anniversary. She sighed and went inside the memorial park. Pagdating niya sa puntod ng kaniyang ina. Agad niyang hinaplos ang lapida nito. "M-mom ..." Her voice cracked. "I-I miss you ..." Nagunahang tumulo ang kanyang luha. "Mommy, hindi ba sinabi mo noon na lagi mo akong babantayan. Kung totoo man 'yon ... nakikita mo ang lahat ng nangyayari sa akin. Mommy, bakit ka kasi nawala? Edi sana hindi ako dumadanas ng ganito. Nahihirapan na ako ,mommy. Gusto kong umalis at iwan sila pero sino ang lalapitan ko? Saan ako pupunta? Mommy, tulungan mo naman ako." Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha niya. "Yvette." Agad siyang tumingin sa kanyang likuran. "Lani?" Nagpunas siya ng luha. Ngumiti ito at inilapag nito ang hawak na puting bulaklak na hindi niya agad napansin na hawak nito sa puntod ng kaniyang ina. Tumabi ito sa kaniya. "Salamat sa pagpunta." Aniya sa kaibigan at nginitian niya ito. "Walang anuman, Yve. Alam kong dito ka pupunta ngayong araw at hindi nga ako nagkamali." She sighed. "Let's go." Tumango ang kaibigan. Bago sila tuluyang umalis ay sinulyapan muna niya ang isa pang puntod na katabi ng puntod ng kaniyang ina. "Bye, Daddy ..." Aniya at tuluyan na silang umalis ng memorial park. "Uuwi ka na ba agad?" Tanong ni Lani. "Oo, baka hinahanap na ako ni Tita Beth. Baka sampal na naman ang aabutin ko." Sabi niya at pumara ng tricycle. "Sige, ingat ka." Kinawayan niya lang ang kaibigan at pumasok sa loob ng tricycle. Nagpahatid siya sa kanilang bahay. Hindi nga siya nagkamali dahil malakas na sampal ng madrasta ang sumalubong sa kaniya. "Sinong nagsabi na lumabas ka ng bahay ng hindi nagpapaalam, ha?!" Sigaw nito. Napahawak siya sa kaniyang namamanhid na pisngi. "P-pumunta po ako sa—" "Wala akong pakialam kung saang impyerno ka galing!" Sigaw ng madrasta at sinabunutan siya. "M-masakit po, T-tita—" "Talagang masakit! Sige, magluto ka na ng lunch!" "O-opo ..." Padabog nitong binitawan ang buhok niya at muntik pang tumama ang ulo niya sa center table. Pinunasan niya ang luha na tumulo mula sa kaniyang mata at tumayo. Sa itaas ng hagdan ay nakita niya pa si Stacey na nakangising nakatingin sa kaniya. Nagbaba na lang siya ng tingin. Pumasok siya sa kusina at hindi man siya nakakalayo sa pinto ng biglang bumukas ang main door at may pumasok na limang kalalakihan. "A-anong kailangan niyo?" Takot na tanong ng kaniyang madrasta. Tumakbo naman siya palabas ng kusina ganoon din si Stacey para saklolohan ang ina nito. "Ang anak mo ang kailangan namin." Walang emosyong sabi ng isang lalaki. Sa tingin niya ay ito ang Boss. "Kung ang utang ko ... nakikiusap ako na bigyan niyo pa ako ng kaunting panahon para mabayaran ko iyon." Pagmamakaawa ng madrasta niya. "Masyadong mahabang oras na ang ibibigay sayo ni Boss, Mrs. Gonzales, kaya bilang kapalit ay ang anak niyo ang magiging kabayaran." Napasinghap siya. "A-ano? Hindi! Nagmamakaawa ako. Bigyan niyo pa ako ng oras para mabayaran ang utang ko kay Mr. Henderson ... huwag ang anak ko." Nagulat si Yvette nang makitang umiiyak ang kaniyang madrasta. Marunong rin pala. "Pasensiya na, Mrs. Gonzales, pero sumusunod lang kami sa utos." Sabi nito na wala pa ring emosyon ang boses. "Kunin niyo ang anak niya." Utos nito sa mga kasamahan. Agad na tumakbo paitaas si Stacey pero hinuli ito ng dalawang lalaki. "Huwag ang anak ko! 'Yang babaeng 'yan ang kunin ninyo!" Sabay turo nito sa kaniya. Agad na umaatras siya ng tumingin sa kaniya ang pinuno ng mga ito. Umiling siya. "H-hindi ako a-anak—" "Anak ko siya! Siya na lang ang kunin ninyo!" "Tita Beth!" "Tutal wala ka namang kwenta! Ikaw na lang ang kunin nila!" "Tita ..." Wala na siyang nagawa nang kunin siya ng dalawang lalaki. Naguunahang tumulo ang kaniyang luha. "Pasensiya ka na, Miss, sumusunod lang kami sa utos." Wika ng lalaki sa unahan. Hindi siya umimik at nilingon ang kanyang madrasta at stepsister. Nakangisi ang mga ito at may ngiting tagumpay. Binuksan ng isang lalaki ang pinto ng isang itim na van at pinapasok siya sa loob. "At pasensiya na rin dito." Bago pa man siya makapagsalita ay may nagtakip ng panyo mula sa kaniyang likuran. Nagpumiglas siya pero unti-unti siyang nilamon ng dilim. Ito ba talaga ang kapalaran niya? NAGISING siya sa hindi pamilyar na kwarto.  Masakit rin ang ulo niya. Nagtataka siya kung ano ba ang nangyari sa kaniya? Babangon sana siya pero bakit hindi siya makagalaw? Doon lang niya napansin na magkahiwalay na nakatali pala ang dalawa niyang kamay at may busal ang bibig niya. Tumulo ang luha niya. Malinaw na naaalala niya ang dahilan kung bakit siya nandito. Siya ang ibabayad ng kaniyang madrasta sa utang nito na dalawang milyon.  Bakit ba ganito ang nangyayari sa buhay niya? Puro na lang pasakit. "Mom ... help me ..." She can't help but to cried. Ito ba talaga ang kapalaran niya? Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita niyang madilim na. Bigla siyang napatingin sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang isang lalaki na may hawak na sigarilyo. "Good that you are awake." Sabi nito. Bigla siyang kinabahan. Tama ba ang iniisip niya? Nang makalapit ito sa kanya ay agad niyang naamoy ang alak na sumusingaw sa katawan nito. Tinanggal nito ang busal ng kaniyang bibig. "Please ... no ... god, help me ..." Umupo ang lalaki sa gilid ng kama. "Anong gagawin mo sa akin?" Tanong niya. Lumingon ito sa kaniya at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Hindi ito nagsalita. "Pwede bang pakawalan mo ako dito?!" Hinihila niya ang tali baka sakaling matanggal pero it's no use. Walang nangyari. Masyadong mahigpit ang pagkagapos sa kaniya. At pakiramdam niya ay nanghihina na rin ang katawan niya. "Mahilig sa Casino ang nanay mo—" "Hindi ko siya na—" "Don't talk unless I told so!" Bigla nitong pagsigaw sa kaniya. Napakagat siya ng labi at nakaramdam ng takot. "When your mom borrowed two million, we agreed for an agreement ... if she can't pay for the time I gave her, someone will do and that is you." Anito. "Hindi—" "I said don't talk unless I told so!" Hindi na siya umimik. Inubos nito ang sigarilyo bago ito tumayo at ... nagbuhad ng damit. Ang kaba na kanina pa niya nararamdaman ay mas lalong dumoble. "Please, don't do it." She begged. He just looked at her with no emotion written in his dark green eyes. And when he started unbutton her jeans and undressed her. Her tears fall and begged him to stop but he didn't listen. He r***d her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD