CHAPTER 4

1431 Words
HUMAHANGOS NA NAPABALIKWAS NG BANGON SI YVETTE. Sinapo niya ang tapat ng kanyang puso. It's a nightmare again. That night. Walang gabi na hindi siya binabangungot. Palagi niyang napapanaginipan ang madilim na pangyayaring 'yon sa buhay niya. Sinusubukan niyang kalimutan pero tuwing gabi bumabalik sa kanya ang nangyari sa kanya sa gabing 'yon, hindi niya makakalimutan. Lalo na ang kulay dark green na mata ng lalaking lumapastangan sa kaniya. Minsan kapag pipikit siya ay nakikita niya ang mata ng lalaking 'yon. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Pinunasan niya ang kanyang luha. "Okay ka lang ba diyan, Baby?" Tanong niya at hinaplos ang malaki niyang tiyan. Kabuwanan na niya at malapit na siyang manganak. Nang sumipa ang anak niya ay napangiti siya.  Huminga siya ng malalim at bumaba mula sa kanyang kama. Lumabas siya ng kanyang kwarto at pumunta sa garden na nasa tabi ng bahay. Umupo siya sa upuang kahoy. Niyakap ni Yvette ang sarili habang pinagmamasdan ang mga naggagandahang bulaklak sa gabi. It's like their glowing dahil sa sinag ng buwan na tumatama sa mga ito. Napabuntong-hininga siya. "Yvette." Agad na lumingon siya sa taong tumawag sa kanya. Ngumiti siya rito. "Malayo na naman ang tingin mo. At gabi na, bakit nandito ka pa sa labas?" Sabi nito. "May naalala lang po kasi ako. At hindi po ako makatulog kaya lumabas po ako." "Naku, kalimutan mo na ang mag-ina na nagpahirap sa'yo. Andito lang ako at ako na ang mag-aalaga sa'yo. Kalimutan mo na ang mga mapapait na karanasan mo." Niyakap siya ng ginang. "Salamat po, Nay Lita. Salamat at inalagaan niyo ako kahit pa hindi niyo ako kaanu-ano." Ito ang umampon sa kanya. Umalis siya sa Manila at nagtungo dito sa Baguio. Noong naghahanap siya ng trabaho ay agad siya nitong tinanggap and since then they became close. Pinatuloy siya ni Nanay Lita sa bahay nito at inalagaan. Itinuring siya nito na parang tunay na anak at itinuring niya rin itong ikalawa niyang ina. Wala itong anak kaya siya na ang itinuring nitong anak. "Parang anak na kita, Yvette." Hinaplos nito ang tiyan niya. "Teka, kailan ba ang due mo?" Tanong ni Nanay Lita. "Next week po, Nay." Tumango ito. "Ang laki ng tiyan mo. Parang hindi lang isa ang nasa sinapupunan mo." "Kaya nga po, eh. Mabigat po siya." Sabi niya. Hinawakan niya ang tiyan niya at naramdaman niya ang pagsipa ng baby niya. "Halika na sa loob, Yvette. Malamig dito." "Sige po, Nay." Inalalayan siya nito papasok sa loob ng bahay. THE NEXT DAY. Maaga silang pumunta sa café na pag-aari ni Nanay Lita. Sa counter siya nakapwesto at minsan ay nagbe-bake rin siya o gumagawa ng pastries. Nanay Lita taught her. Kaya lang medyo mabigat ang tiyan niya kaya nahihirapan siyang gumalaw. "Miss, three slice of Almond Cake, please. And three black coffee, less sugar, no cream." Order nang lalaking lumapit sa counter. "Okay, sir. Your order will be in your table in a minute." Aniya. "Thank you ... and you look familiar." Sabi nito na ikinatingin niya rito. "Po?" The man smiled. "You look familiar. Alam kong nakita na kita somewhere pero hindi ko maalala kung kailan kita nakita." He even put his hand on his chin. Ngumiti siya. "Siguro kamukha ko lang po 'yon." "Siguro nga. Anyway, table 10." Anito. "Okay, sir." Umalis na ito. Agad naman niyang hinanda ang order nito at tinawag ang isang waiter. "Luke, pakidala nga ito sa table 10." "Sure." Kinuha nito ang order at dinala sa table 10. Dito sa café ni Nanay Lita ay ilan lang ang crew. Si Dave, ang cook, si Luke at Jessica, waiter and waitress, si Jay, ang delivery boy, siya at si Nanay Lita. Sinundan niya ng tingin si Luke. Ibinigay nito sa table 10 ang order. Tatlong lalaki ang nandoon at nagtatawanan ang mga ito. Biglang lumingon sa kanya ang isa sa mga ito at agad siyang yumuko. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng takot. Napahawak siya sa kanyang tiyan nang bigla itong sumakit pero unti-unti rin lang nawala. "Okay lang ba, Baby?" Aniya habang hinahaplos ang tiyan niya. Huminga siya ng malalim. Marami ang customer kaya abala sila buong maghapon sa café. Habang nagsasara sila ng café ay biglang humilab ang tiyan niya. "A-aray ..." Agad naman siyang dinaluhan ni Nanay Lita. "Yvette, okay ka lang?" Nag-aalala nitong tanong. "N-nay ... a-ang sakit..." Hindi normal na sakit ang nararamdaman niya. "M-manganganak na p-po yata ako ..." "Ha? Hindi ba next week pa ang due mo?" "H-hindi ko p-po alam ..." Mariin niyang naipikit ang kanyang mata. "Dadalhin na kita sa hospital. Edgar, ihanda mo ang sasakyan." "Sige, Nay." Inalalayan naman siya ni Luke at Dave papunta sa sasakyan. "Yvette, susunod ako sa hospital. Kukunin ko lang ang mga gamit ni Baby." "S-sige po, Nay." Pumasok siya sa sasakyan habang nakahawak sa kanyang tiyan. "Ang kalmado mo, ah." Sabi ni Jay. "W-walang ... mangyayari k-kung magsisigaw ako." "Jay, bilisan mo lang magmaneho!" Sabi ni Dave. "Huwag ka ngang sumigaw, hindi ako bingi." Sagot ni Jay. "Pwede ba? Tumigil kayong dalawa. Maawa naman kayo sa anak ni Yvette." Sabad ni Luke. Napamura si Jay. "Kinakabahan ako. Peste!" "Basta m-magmaneho k-ka na l-lang ..." Mahigpit ang hawak niya sa suot niyang maternity dress habang tinitiis ang sakit ng tiyan niya. "B-baby, huwag mong pahihirapan si M-mommy ..." "Nakakatulong ba 'yan?" Tanong ni Luke sa tabi niya. "I-I guess ..." She answered. Madiin siyang nakakagat sa kanyang labi. After 10 minutes ay nakarating sila sa hospital. Pinagtulungan siyang buhatin ni Dave at Luke at ihiniga sa strecher. "Yvette, kaya mo 'yan." Sabi sa kanya ni Jay. Tumulong na ito sa mga nurses na tumutulak sa strecher. Nakahawak lang naman siya sa kanyang tiyan at kinakausap ang kanyang baby na huwag siyang masyadong pahirapan. Pagpasok sa Delivery Room ay nandoon na si Dra. Shayne. Ito ang Ob-Gyne doctor niya. "The baby is about to come out, nakikita ko na ang ulo niya. Push, Yvette!" Umire siya hanggang sa makarinig siya ng iyak ng sanggol. "It's a healthy baby boy." Ipinasa ni Dr. Shayne ang anak niya sa isang nurse. "You need to push again, Yvette. May susunod pa." Nagulat siya. Hindi lang isa ang anak niya. Tagaktak na ang pawis niya pero umire siya hanggang sa makarinig siya ulit ng iyak. "It's a healthy baby boy again, Yvette." She breath out. "May isa pa, Yvette. Nakaumbok pa rin ang tiyan mo." What? Triplets ang anak niya. "Yvette, suwi ang ikatlo. Do you want to push it or cesarean?" Sabi ni Dra. Shane. "... p-push it ..." Sagot niya at kahit nanghihina na siya ay umire siya ng umire hanggang sa lumabas ang ikatlong baby niya. Nakahinga siya ng maluwang nang marinig niya ng iyak nito. "Congratulations, Yvette, you have triplets." Huli niyang narinig bago siya nawalan ng malay. NAGISING na lang siya na puting kisame ang bumungad sa kanya. "Yvette!" Napatingin siya sa kanyang gilid at nakita niya si Nanay Lita na may masuyong ngiti sa labi. "Mabuti at gising ka na." Sabi ni Nanay Lita at hinaplos ang kanyang buhok. Nanghihina siyang ngumiti. "A-ang mga a-anak ko po?" "Dadalhin mamaya dito ng nurse." Bumukas ang pinto at pumasok ang mga kasamahan nila sa café. "Hi, Yvette." Bati nang mga ito sa kanya. "Congratulations, Yve. Triplets, huh." Sabi ni Jessica. "Darating ba ang tatay ng triplets? Ang swerte niya, ah." Sabi ni Jay. Nagkatinginan sila ni Nanay Lita. "Ah, nasa ibang bansa ... hindi makakauwi dahil hindi pa tapos ang kontrata niya." Sagot ni Nanay Lita para sa kanya. Napatango naman ang mga ito kaya nakahinga siya ng maluwang. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na nangyari sa kanya, wala siyang pinagsabihan, si Nanay Lita lang. She suddenly felt sad nang maisip niyang walang makikilalang ama ang mga anak niya. Ano na lang ang sasabihin niya kapag lumaki ang mga ito at tatanungin kung sino ang ama ng mga ito? Ano ang isasagot niya? Even her, hindi niya kilala kung sino ang ama ng mga ito. Ang mukha at ang kulay ng mata nito ang natatandaan niya. She sighed. "Kailan daw ipupunta dito ang triplets?" Excited na tanong ni Jessica. "Mamaya." Sagot ni Nanay Lita. "Excited, huh. Ikaw ba ang nanganak?" Sabi ni Dave kay Jessica. Jessica rolled her eyes. "Whatever." Napailing na lang siya. "Pwede ba? Tumigil kayong dalawa. Naiistress si Yvette sa inyo, eh." Sabi naman ni Luke. When the door opened. Pumasok ang tatlong nurse na buhat ang mga anak niya. Her eyes watered when the nurses layed her kids beside her. "They're so cute ..." She whispered. "Ang gagwapo nila." Sabi ni Jessica. Napasinghap siya nang sabay-sabay na nagmulat ang triplets at nakita niya ang kulay ng mata nila. Dark green eyes ... just like their father. Napalunok si Yvette. "Ma'am, paki-fill up na lang po 'to para sa birth certificate nila." Sabi ng nurse at ibinigay ang tatlong form. "Thank you." Aniya. "Babalikan ko na lang po after 2 hours." "Anong ipapangalan mo sa cute na triplets?" Tanong ni Nanay Lita. Ngumiti siya. "Russell Venedict Gonzales ... Russell Alexander Gonzales ... and Russell Knight Gonzales ..." Tumingin siya sa triplets na nasa kanyang tabi. "... welcome to the beautiful world, my triplets."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD