Lyra’s POV
Pasado alas dos na ng madaling araw nang makalabas ako sa bar. Nagpameeting pa kasi si Sir Aldrin kaya kinailangan naming mag-stay. Sinabihan niya ako na kahit part-timer lang ako ay dumalo na din daw ako dahil nandito na rin naman ako para malaman ko ang mga bagong company policy.
Ilang minute na din akong nag-aabang ng jeep o kahit man lang FX na masasakyan pauwi sa boarding house na inuupahan ko pero wala pa ding dumaraan. Puro mga taxi lang ang meron pero hindi ko naman ito afford dahil ayokong gumastos ng malaki sa pamasahe lalo na’t petsa de peligro na. Sapat na lang ang perang hawak ko panggastos hanggang sa susunod na suweldo.
Napapapikit na ako sa antok at paghikab pero wala pa ring masakyan pauwi. Napatakip ako ng mata nang may liwanag na halos makabulag nang lumapit sa akin.
“Hop in,” aniya. Hindi pa ako nakapagsalita agad dahil sa pagkabigla sa pagdating niya—si Reed. Kanina pa siya umalis sa bar, bakit nandito siya hanggang ngayon? Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at hindi nakakibo.
“Ano, tititigan mo na lang ako? Ganyan na ba ako kagwapo?” ngisi niya na nagpataas ng kilay ko. The nerve with this guy!
“No thanks. Maghihintay na lang ako ng jeep,” malamig na tugon ko at tumingin sa kabilang gawing kalsada.
“Wala nang dumadaan na jeep kapag ganitong oras,” pagkumbinsi niya. Tsk! Alam ko naman yun. Kung hindi lang kasi nagmeeting pa ay mas maaga akong makakalabas at may aabutan pang sasakyan pauwi. Hindi pa rin ako sumakay sa kabila ng paninitig niya sa akin.
“Hays… bahala ka. Marami pa namang lasing na naglalakad dito, baka matipuhan ka lalo na madilim panaman, hindi niya masyadong makikitang hindi ka naman kagandahan,” Tinapunan ko siya ng masamang tingin at napaawang ang bibig ko sa lantarang panlalait niya sa akin.
“Wala naman akong sinasabing maganda ako,” naiinis kong sagot sa kanya.
“Kaya nga sumakay ka na, ihahatid na kita sa inyo,” Muling pilit niya. Nag-abang pa ako ng ilang segundo pero wala talagang matanaw na masasakyan. Napahinga ako ng malalim bago bumaling sa kanya.
“Sa’yo ko ibabayad yung pamasahe ko sana sa jeep para wala ka namang maisumbat sa akin,” ani ko at lumapit sa kanya. Napangisi siya sa sinabi ko at mula sa maliit na box sa motor niya ay kinuha niya ang puting helmet. Hindi ako dapat magtaka dahil sa dami ng babaeng kaharutan niya ay malamang na may nakahanda siyang helmet para sa kanila.
Sinikap kong huwag kumapit sa kanya pero mukhang sanay yata siyang magpatakbo ng mabilis kaya sa unang andar pa lang ay halos sumusob na ang mukha ko sa likod niya. Wala rin akong nagawa kundi kumapit na lang sa jacket niya kahit mapunit pa iyon. Wala pang trenta minuto ay nasa tapat na kami ng boarding house. Agad akong bumaba at kinuha ang perang pamasahe ko sa bulsa ng bag ko. Inabot ko yun sa kanya ang fifty pesos. Tinignan niya ito at natawa. Hindi ko na lang pinansin dahil kahit papaano ay dapat magpasalamat pa rin ako sa kanya kahit halos kumawala na ang puso ko sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya. Salamat at nakauwi ako ng buhay.
“Salamat,” malamig na sabi ko at tatalikuran na sana niya nang may maalala ako.
“Ako ang kasama mo sa night shift bukas. Huwag na huwag mong subukan na iwanan kami ni Matthew,” banta ko sa kanya. Wala akong balak saluhin ang trabaho niya.
“Wait,” muli akong humarap sa kanya pero nakababa na siya sa motor niya at nasa tapat ko na. Lalo siyang lumapit sa akin at napaatras na ako pero bawat hakbang ko paatras ay siyang lapit niya. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng likod ko sa gate kaya nacorner na niya ako. Lalo siyang lumapit at yumuko sa akin. Nakahanda na ang kamao ko kung sakaling may binabalak siyang masama sa akin. Nakakuyom na ang mga palad ko para isuntok sa mukha niya pero hindi nangyari ang inaakala ko. Hinawakan niya ang ulo ko at tinanggal ang strap ng helmet doon. Shoot! Bakit ba kasi hindi ko namalayan na suot ko pa rin iyon?! Habang tinatanggal niya ang helmet sa ulo ko ay nakatigtig ito sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tahip ng puso ko. I literally froze nang hinawi niya ang kaunting takas na buhok ko palikod sa aking tenga at yumuko upang may ibulong sa akin. Ramdam ko ang mainit na hininga niyang dumampi sa balat ko.
“Nakalimutan mong ibalik,” aniya na nagdulot ng boltaheng kuryente sa akin. He knew that I was stunned. Napangisi siya bago naglakad pabalik sa motor niya. He grinned once again before he drove away. Naiwan akong nakatayo sa tapat ng gate. Kinapa ko ang puso ko, bakit ganun kabilis ang t***k nito?
Kinabukasan ay pumasok ako sa burger house. Night shift kami ni Matthew at ng hambog na Reed na ‘uun. Handa na ako kung sakaling wala na naman siyang balak pumasok o kung sakaling bigla niyang iwanan ang trabaho kung pumasok man siya. Halata naman sa kanyang ireponsable siyang tao.
“Hi friend! Nakangiting bati ni Matthew sa akin. Nasa kitchen na siya at hinaharot si Andrei, ang crush niyang crew dito. Mabuti na lang at mabait at palakaibigan si Andrei kaya hindi napipikon sa kabaklaan nitong ni Matthew.
“Lagay ko lang muna ang bag ko sa staff room,” paalam ko kay Matthew na hindi yata ako narinig dahil panay pa din ang pa-cute kay Andrei.
Dirediretso kong binuksan ang pinto ng staff room at agad akong napatalikod nang bumungad sa akin si Reed na walang saplot ang katawan.
“Sh*t!” Napasigaw ako nang tumalikod na ako.
“Hindi ka ba marunong maglock?” naiinis na tanong ko sa kanya.
“Hindi ka ba marunong kumatok?” balik na tanong niya sa akin pero rinig ko ang nanunuyang ngisi niya. Kahit kailan talaga ay bwisit siya.
“Pwede ka nang tumingin, nakapagbihis na ako. OA ka naman! Konti lang naman yung nakita mo, pero kung makareact ka akala mo naman lahat na nakita mo,” Grrr! Napapikit ako ng mariin bago humarap sa kanya.
“Malay ko bang nandiyan ka?! Maaga pa para sa katulad mong late lagi pumasok. At inaasahan ko nga na hindi ka din papasok ngayon tulad ng ginawa mo kahapon,” Mataray na paalala ko sa kanya. OA na kung OA pero hindi ako sanay na nakikipagsalamuha sa lalaking nakahubad kahit upper body lang. Or should I say hindi naman talaga ako sanay makipaghalubilo sa kahit na sino.
“You told me to come to work today, remember?” Aniya nang makalapit na siya sa pinto kung saan ako nakatayo.
“Kahit hindi kita type, ayoko namang biguin ang pantasya mong makita at makasama ako today,” Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.
“Ha! Excuse me, wala akong sinabing gusto kitang makita at makasama. Ang sinasabi ko lang, huwag kang manlamang sa kasamahan mo sa trabaho,” Tumaas ang tono ng boses ko at ipinaramdam ko sa kanyang hindi ako natutuwa sa kapreskuhan niya pero parang walang epekto yun sa kanya. Ngumisi lamang siyang muli sa akin. Napansin ko ang pagbaba ng mga mata niya sa labi ko at bahagyang nagtagal ang tingin niya dun bago bumaling muli sa mukha ko at ngumiti. Tumalikod na siya at nagtungo sa counter. Urgh! Jerk!
Ako ang nakapwesto sa counter at siya naman ang nagdadala ng orders sa customers. Buong shift ay wala siyang ibang ginawa kundi magpacute sa mga babaeng customers. Kilig na kilig naman ang mga ito sa hambog na ‘yun. I don’t understand kung anong nakita nila para pagtuunan nila ng pansin si Reed. Yes, he’s handsome and attractive to be honest. Pero kung malalaman lang nila kung gaano itio kayabang, kairesponsable at kapalikero, ewan ko na lang kung magkagusto pa sila. Panay din ang sulyap niya sa akin habang nakikipagharutan sa mga ito. Ang akala niya yata ay maaapektuhan ang ng charm niya kuno. Hindi ako interesado sa kanya, hindi ako interesdo sa love at all. Mas marami akong bagay na kailangang pagtuunan ng pansin tulad ng pagbabayad ng utang.
“Additional order for table four,” aniya nang lumapit sa akin. Kinuha ko lang ang papel na hindi tumitingin sa kanya. Naitawag ko na kay Matthew ang order para gawin na niya ay hindi pa rin umaalis si Reed sa harap ng counter.
“Ano pa ang ginagawa mo diyan? Ang daming trabaho pero nakatambay ka lang,” puna ko sa kanya.
Napansin kong nakatitig na naman siya sa mga labi ko. Hindi ko alam kung may dumi ba yun. I started to feel conscious.
“Maybe it’s not a bad idea after all,” sambit nito na nakatingin pa rin sa mga labi ko. I think he was talking to himself because it doesn’t sound as directed to me. Tinaasan ko siya ng kilay pero ang walang hiya ay muli lang ngumisi sa akin bago bumalik sa mga pag-aasikaso ng mga customers.
Weirdo!
Author’s Note:
Hello! Sorry for the hiatus. May kinaharap tayong malaking gawain sa office kaya super tagal ng UD.
Stay safe and be happy
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.