“Where’s Reed?” Taas kilay na tanong ng isang babaeng customer. Sa pagkakaalala ko ay siya ‘yung babaeng nakita kong kalandian ng maharot na lalaking yun sa Crew Room dati.
“Absent siya today Mam,” si Matthew ang sumagot sa tanong niya kahit sa akin nakatingin ang babae. Mukhang hindi niya pa ako nakakalimutan dahil sa pagiging pakealamera ko DAW sa ginagawa nilang kababalaghan dati.
“Gosh! Tell him that I am looking for him,” utos niya sa amin na akala mo kasama sa trabaho namin ang maghanap sa taong wala na yatang balak pumasok. Tinalikuran ko na lang siya at nagkunwaring may gagawin. Bahala na si Matthew na magtiis sa kaartehan niya.
“Hays...ano ba naman kasi itong si Fafa Reed? Kelan ba siya papasok at hinahanap na namin siyang mga jowa niya,” buntong hininga niya pagkaalis ng babae.
“Kelan ka ba nagkagusto dun?” Tanong ko sa kanya nang hindi siya nililingon.
“Ay teh! Una ko pa lang siyang masilayan tumibok na ang puso ko sa kanya! “ aniya at hinampas pa ang braso ko dahilan upang matapon ang sauce na isinasalin ko.
“Sorry,” nakangiting sabi niya dahil sa masamang tingin ko sa kanya.
“Bakit gwapo naman talaga ah,” I just rolled my eyes on him. Aanhin mo ang gwapo kung ubod naman ng bilib sa sarili at babaero pa?!
Napakairesponsable ni Reed sa tingin ko. Porket kamag-anak niya ang may-ari ng pinagtatrabahuhan niya ay parang hari na siya kung umasta.
Nasa pangangarap pa si Matthew habang pinagpapantasyahan si Reed nang dumating si Sir Gino. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.
“Kamusta kayo?” Tanong niya sa amin. “Okay naman po sir,” maagap na sagot ni Matthew.
“Pasensya na kung ilang araw nang hindi nakakapasok si Reed. May sakit kasi ang gag*ng ‘yun!” Bamagan may pilit na tawa sa kanya ay halata ko ang labis na pag-aalala para sa pinsan niya.
“Okay lang sir, normal lang naman po ang dami ng customers. Yun nga lang ang daming naghahanap kay Reed,” muling sagot ni Matthew na pinatutungkulan ang mga babaeng naghahanap sa pinsan niya.
“Kamusta po ba siya?” Wala sa loob na tanong ko.
“He’s not feeling well. Actually ayoko nga sanang iwan siya sa condo nang walang kasama. Kaso may kailangan talaga akong gawin dito sa store,” sa totoo lang ay naaawa ako kay Sir Gino. Hindi ko alam kung bakit siya ang tumitingin sa pinsan niya. Wala ba siyang nanay? Or di kaya yung girlfriend niya? Sa dami ng mga yun imposibleng walang gustong mag-alaga sa kanya.
“Pa-out ka na ba Ly?” Tanong ni Sir Gino sa akin. Tapos na ang duty ko nandito na rin ang karelyebo ko kaya pwede na akong umuwi. Tinapos ko lang ang paglalagay ng mga sauce para mabawasan na ang gagawin ni Matthew.
“Yes Sir,” sagot ko.
“If it’s not too much to ask, pwede mo bang silipin si Reed sa condo? Nag-aalala kasi ako. Hindi umiinom yun ng gamot kung hindi mo pupwersahin. Malapit lang naman ang condo niya dito. Ako na ang magbabayad ng pang taxi mo,” gusto kong tumanggi sa pakiusap ni Sir Gino pero sa nakikita ko sa mukha niya ay sobrang nag-aalala talaga siya.
“Eh kasi sir—-“
“It’s okay kung hindi pwede Ly. Tatawag-tawagan ko na lang si Reed to make sure he’s okay,”
Napabuntong hininga na lang ako.
“Okay lang po Sir. Wala naman po akong lakad,” may pilit na ngiti sa akin. Sa dami ng tulong na nagawa ni Sir sa akin, nakakahiya namang tumanggi sa unang beses na pakiusap niya. Kahit ang kapalit pa ay makita ko ang hambog na yun.
“Thanks Ly! Promise susunod ako agad sayo matapos ko lang ‘tong importante gagawin ko,”
Katulad ng sabi ni Sir ay ipinagtawag niya ako ng taxi at siya na rin ang nagsabi kung saan ang condo ni Reed. Nang makarating ako doon ay kumatok muna ako ng ilang beses kahit ibinigay naman si Sir Gino ang susi. Mahirap na, baka mamaya maabutan ko na naman siya na kung anu-ano ang ginagawa tulad ng nangyari sa crew room. Ilang minuto na din akong kumakatok at tumatawag kay Reed pero wala pa din akong nakukuhang sagot. Napagpasyahan ko nang pumasok na lang. Si Sir Gino na ang bahalang magpaliwanag sa baliw niyang pinsan.
Tahimik ang buong kabahayan at tanging ang malamlam na ilaw mula sa nakabukas na lampshade ang nagbibigay liwanag sa buong sala ng condo. Condo kaya ito ni Sir Gino? Ang bait naman niya para patuluyin dito ang pasaway niyang pinsan.
“Reed?” Tawag ko sa pangalan niya habang palinga-libga para hanapin siya sa paligid. Malamang nasa kwarto. Ngunit lahat yata ng dugo ko sa katawan ay umakyat sa ulo ko nang mula sa likod ko ay may humawak sa balikat ko. Hindi ako matatakutin,sadyang magugulatin lang.
“What are you doing he—-“ hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin niya dahil napukpok ko na ang ulo niya ng magazine na tanging naabot ko sa katabing console table.
“What the f*ck!” Kunot noo niyang sigaw sa akin habang masama ang ipinupukol na tingin.
“So-sorry! Ikaw naman kasi eh nangugulat ka eh!” Nauutal kong singhal sa kanya. Alam kong kasalanan ko na bigla ko siyang hinampas pero mano man lang na magsalita man lang siya o tinawag ang pangalan ko at hindi yung basta basta na lang niyang hahawakan ang likod ko.
“I should be the one who’s freaking out right now. Bigla bigla ka na lang nakapasok sa condo ko,”
“Sa’yo ‘tong condo?” Hindi makapaniwalang tanong ko. He must be kidding me. Ang lakas ng loob ng niya para makiangkin ng bahay ng pinsan niya.
“You want me to show you the title?!” Paghahamon nito. Gusto ko pa sanang pangaralan siya na masamang magsinungaling at mang-angkin ng pagmamay-ari ng iba pero sa mukha pa lang niya ay alam kong hindi siya nagbibiro. How can he afford this? Halos wala na nga siyang sinasahod sa dalas ng absent niya sa trabaho.
“Ano bang ginagawa mo dito?” Tanong niya habang tumalikod sa akin at naglakad papunta sa tingin ko ay kusina. Sumunod naman ako sa kanya.
“Nakisuyo sa akin si Sir Gino na silipin kung okay ka lang,” paliwanag ko pero parang hindi naman siya nakikinig. Kumuha siya ng tubig sa ref at nagsalin sa baso. Sa paraan ng pag-inom niya ay parang isang linggong hindi nasayaran ng tubig ang lalamunan niya.
“Nakita mo nang buhay ako,pwede ka nang umalis,” malamig na aniya. Mas maigi nga yun. Ite-text ko na lang si Sir Gino na okay naman ang pinsan niya. Hindi ko na siya kailangang hintayin pa dahil mukha namang mahaba pa ang buhay ng masamang damo na lalaking ito. Ngunit lahat ng iniisip ko sa kanya ay napalitan ng kaba at takot nang marinig ko ang kalabog sa silid na pinasukan ni Reed. Dali-dali akong tumakbo doon at nilukob ako ng takot nang makita ko siyang nakaluhod sa gilid ng kama at pilit na tumatayo pero hirap na hirap siya.
“O-okay ka lang ba?” Akmang hahawakan ko siya pero mabilis niyang tinabig ang kamay ko.
“I’m fine, just get out,” nahihirapang sagot niya kaya sinubukan ko ulit siyang alalayan pero nahagip niyang muli ang kamay ko pero hindi niya iyon pinakawalan. Napatitig ako sa malalam niyang mga mata. Bakit tila iba yun sa malalalim na mga matang nakita ko noong una ko siyang makilala sa rooftop? His eyes that night were deep at parang tumatagos sa kaluluwa ko. Pero ngayon,malamlam iyon at parang nangungusap, at may nais sabihin. Pero magkaiba man, nagdala pa rin iyon ng kakaibang pakiramdam sa akin. May kung anong bagay ang nagpabilis ng tahip ng dibdib ko. Ilang sandali pa akong nanatiling nakatitig sa kanya nang kusang maagaw ang atensyon ko sa kamay niyang sobrang init.
“Sh*t!” Hindi ko napigilang mapamura. Agad kong hinipo ang noo at leeg niya. “ Ang taas ng lagnat mo!,” I panicked. Mukhang may basehan nga ang pag-aalala ni Sir Gino.
Alam kong gusto niyang tumanggi na akayin ko siya pero siguro sadyang mahina na siya kaya wala siyang ibang nagawa kundi tanggapin ang pag-alalay ko sa kanya.
Pinagsumikapan kong maihiga siya nang maayos sa kama niya pero hindi sapat ang lakas ko para mabuhat ang buong bigat niya kaya sa huli ay marahas ko siyang naihiga sa kama dahilan para mabuwal din ako kasama niya.
“Ouch!” Mariing sigaw ko pero tanging mahinang ungol lamang ang naisagot niya. Agad ko siyang kinumutan. Nagkusa na akong hanapin ang medicine cabinet niya sa kwarto. I saw lots of medicines and prescriptions. Mga gamot na first time ko lang makita. Bakit parang napakarami nun? Nang makita ko ang isang capsule ng paracetamol ay agad kong ipinainom yun sa kanya. Mabuti naman at hindi na nagreklamo ang tukmol na to. Sinabihan na niyang maaari na akong umalis pero nagpasya akong samahan siya hanggang makatulog lang siya. Habang naghihintay ay napagpasyahan kong gawin ang paborito kong pampalipas oras,or should I say my hidden passion? Naupo ako sa mistulang office table niya at Kumuha sa mga clean sheet of papers na nasa drawer nun at nagsimulang magsulat ng kanta. Yes, my hidden passion is song writing. Lahat ng nararamdaman kong hindi ko magawang sabihin sa iba ay sa pagsusulat ko inilalabas at ibinubuhos. Hindi ko na alam kung ilang kanta na ang naisulat ko, sa tingin ko ay hindi naman iyon ganun kagaganda kaya tinatapon ko na lang din pagkatapos kong isulat. Ang mahalaga ay nailabas ko ang nagpapabigat sa loob ko.
“All I see is darkness, my heart full of sadness
Why do I have to be alone, in this life that’s full of mess.
I wanted to end everything, just bid goodbye and end the pain...”
Napabuntong ako ng malalim na hininga nang mapatingin ako kay Reed na mahimbing na palang nakatulog. I remember the night when I first met him. Naaalala pa kaya niya na yun? Na minsan na niyang sinagip ang buhay ko?
“How I wanted to end the pain, but then, you called my name...”
Author’s Note:
Super loooonnngggg hiatus si author. Sorry talaga ,kung hinanap nyo man ako :p
May malaking ganap si author sa buhay na kinailangan ng dalawang buwang atensyon ko. Actually hanggang ngaun pero pipilitin pa ding mag update daily just to keep my sanity :p
Signed story na din ang She was a Good Dream sa tagal nang hinintay kong maapprove siya kay la regular update starts on April 1. Sana suportahan nyo din kahit ang tagal niyang natengga. :p
Keep safe and healthy peeps :)