Chapter Two

1171 Words
Lyra's POV Days passed, pero hindi pa din ako nasasanay sa pag-iisa ko sa buhay. Every day I would remember the memories of my parents nung nabubuhay pa sila. Hindi ko man lang naibigay sa kanila ang pinangarap kong buhay para sa kanila. Hindi man lang nila naranasan na makaahon sa hirap. Hanggang sa huli ay kahirapan ang nadanas nila. Day off ko ngayon sa regukar kong trabaho kay Sir Gini. Papasok ako ngayon sa bar kung saan ako nagpa-part time bilang isang acoustic singer. Bukod sa kailangan ko ng mas malaking pera para makapagbayad sa inutang kong pera na ginamit ko sa pagpapalibing ng Papa ay inuubos ko din ang oras ko. I was exhausting myself para wala na akong lakas at panahong isipin pa ang masaklap kong buhay. Kapag opening or midshift ako sa burger house ay dito ako sa bar dumidiretso para naman rumaket bilang singer. Katatapos lang ng una kong set kaya nagpahinga muna ako sa staff room kung saan pwede kaming kumain at umidlip saglit habang naghihintay sa susunod na set. Sinubukan kong umidlip pero may pumasok na mga server at bartenders na mukhang nakabreak din. Malakas ang boses nila habang nagkukwentuhan na parang walang ibang tao sa kwarto bukod sa kanila. Gusto ko man silang sitahin pero nagpipigil ako dahil ayokong may makaalitan. Lalo na't part timet lang naman ako dito at sila ay matatagal ng permanent employees. Mahirap na at baka mapalayas pa ako ng hindi oras. Pinili ko na lang na pumunta sa likod ng bar. Dumaan ako sa kusina kung saan abala ang mga cook at iba pang waiters at waitress sa paggawa ng food na order. Hindi naman nila ako sinita dahil sanay na silang makita ako dito. Sa likod ng bar ay may mga nakatambak na sirang upuan at iba pang gamit. Naupo ako sa isa sa mga upuan at sumandal sa pader upang kumuha ng kaunting tulog. May tatlumpung minuto pa akong natitira bago sumalang sa next set kaya maaari pa akong umidlip ng kaunti. Malapit ko na akong lamunin ng antok nang may biglang magsalita sa paligid. "Kumakanta ka pala? In fairness, magaling ka," Bigla akong napamulat dahil sa kanya. Napaawang ang bibig ko nang makita ang pamilyar na lalaking nakasandal sa puno ng manggang nasa likod na bakuran ng bar. Nakahalukipkip ang isang kamay niya sa bulsa, at ang isa naman ay hawak ang sigarilyong hinithit bago muling bumaling sa akin. "Small world," nakangising aniya. Naramdaman ako ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa bahagyang pagngiti niya sa akin. Lalo pa itong bumilis nang makita ko ang mga mata niyang malalim at parang laging may nagtatagong emosyon. "W-what are you doing here?" Nauutal na tanong ko sa kanya. Muli niyang hinithit ang sigarilyong paubos na bago ito itinapon sa lupa at tinapakan upang patayin ang upos. "I know the owners," sagot nito na wala pa ring ekspresyon na mukha. Sa ilang linggong pagtatrabaho ko dito ay ngayon ko lamang siya nakita. "Kanina ka pa ba nandito?" muling tanong ko sa kanya. Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin at hindi sinagot nag tanong ko. Bagaman wala akong nakikitang kahit anong palatandaan ng emosyon sa mukha niya, ang bawat tingin niya sa akin ay nagdadala ng kung anong pakiramdam sa akin. Kung anuman yun ay hindi ko mapangalanan. "Hindi ba night shift ka ngayon?" Tanong kong muli nang maalala ko na siya ang nasa night shift ngayon kasama ang dalawa pang crew sa burger house. "I got bored. Kaya namasyal na lang muna ako," kaswal na sagot nito na parang walang pag-aalinlangan man lang. "Iniwan mo ang mga kashift mo?!" bulalas ko. Biyernes ngayon kaya expected na maraming customers. Ang lakas ng loob niyang ipagmalaki na iniwan niya ang trabaho para magliwaliw. Ngumisi lamang ito sa akin. He's really annoying! Kung ako ang kasama niya sa shift ay mag-iinit ang ulo ko sa kanya. Palibhasa ay kamag-anak niya ang may-ari kaya ganyan na lang siya kung makaasta. "What's wrong with that? Ako naman ang mababawasan ang sweldo at hindi sila. Ako rin ang masesermunan ni Gino at hindi sila. Kaya wala silang pakialam," Hindi lang pala hambog ang isang ito kundi isang siraulo pa. Insensitive jerk! "Hindi mo ba naiisip na kawawa naman ang mga kasama mo sa shift na magdodoble trabaho para punan ang pagkawala mo?!" namamanghang tanong ko sa kanya. Bakit nga ba may mga taong katulad niya na walang pakialam sa kapwa?! "You know how nice Gino can get. I'm sure he will reward them for their hardwork," Nabuo ang iritable at makapanghusgang ngiti sa mukha ko dahil sa sinabi niyang iyon. "You don't care about anything and anyone, do you?" habol na tanong ko. "I care about myself," Napaiking na lang ako sa sagot niya. Really? How shallow this one can get?! "May mga taong naaapektuhan sa pagiging pabaya mo!" paalala ko sa kanya. Pero siya ay wala man lang makikitang guilt sa mukha. "Life's too short to think of other people. You should live life in the way that makes yourself happy, not other people," " You're immature Reed," ani ko sa kanya. "You're too mature," agad na sagot naman nito sa akin. "Is that a bad thing?!" I reacted. Being matured is better that being like him. "For other people it's not. But for yourself?! You're missing a part of life," What?! like what the hell is he talking about?! "Sometimes, being matured cut off the thrills in life. You miss that exciting emotion of being reckless. Chill and have fun," Nakagat ko na lang sa inis ang mga labi ko. What else can I say to an immature and reckless person like him. He's hopeless. "Ly, magstart na yung next set mo," Mula sa loob ng kusina ay tinawag ako ni Sir Aldrin, ang manager ng bar. "Papasok na po ako sir," magalang na sagot ko. Muli ko siyang nilingon nang makaalis si Sir Aldrin. Nakatingin lang ito sa akin at tila sinusuri ako. Kung ano ang iniisip niya ay wala akong ideya dahil walang kahit anong mabanaag sa mukha niya. Inismiran ko na lang siya bago tuluyang iniwan ito. Reckless,proud and jerk! Well, what do I expect from him? Hindi nga niya maalala na nagkita kami sa rooftop at ang mga pinagsasabi niya. Hanggang matapos ang last set ko ay hindi ko na muling nakita si Reed. I tried to look for him nang hindi nagpapahalata habang kumakanta ako sa stage. Baka nagpunta na sa ibang bar dahil alam niyang may kontridang katulad ko sa mga kalokohan niya. Wala naman akong pakialam sa kanya. I have my own life and problems to deal with. Ang hindi ko lang gusto ay ang nanlalamang siya ng ibang tao para magawa lang niya ang gusto niya. Kung ayaw niyang magtrabaho, dapat magresign na lang siya para hindi na siya makagambala ng ibang maayos na ginagawa ang trabaho. Author's Note: Hi guys! pasundot-sundot na update lang muna habang inaantay na maapprove sa signed story. Happy New Year!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD