bc

Words and Melodies (First Stanza)

book_age18+
40
FOLLOW
1K
READ
family
fated
playboy
badboy
drama
bxg
disappearance
first love
secrets
lonely
like
intro-logo
Blurb

He once told me about his love for lyrics. How the words spoke to him like poetry.

I would often wonder about his playlist and the ghost who lived there. The faces he saw and the voices he heard. The soundtrack to a thousand tragic endings, real or imagined.

The first time I saw him, I noticed how haunted his eyes were. And I was drawn to him, in the way a melody draws a crowd to the dance floor, pulled by invisible strings.

Now I wonder if I am one of those ghosts--- if I am somewhere drifting between those notes. I hope I am. I hope whenever my song plays, I am there, whispering in his ear.

-Lang Leav

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
  "How do you kill a dying love? One that you thought was sent from above. One that brought so many lies and tears. One that you swore would last through the years, But now I lie here, Broken in pain, Clinging to life, And whispering your name, Now realizing you were never the one..." -excerpt from My Sorrow's Song by: Candace Nau Source: https://www.familyfriendpoems.com/poem/sad-heart   ********************************************************************************************************** Wala akong ibang maisip puntahan kung hindi sa rooftop ng building. Pakiramdam ko gusto ko na lang tapusin ang lahat, lahat ng bigat at lahat ng sakit na nararamdaman ko.   “Aaaahhhhh!” Kahit anong lakas siguro ng sigaw ko ay hindi mawawala ang sakit dito sa puso ko. “Why does it always have to be me?! Ano bang kasalanan ko sa’yo, huh?!” Ilang beses kong tinanong ang Diyos kung bakit kailangang masaktan ako. “Lahat na lang kinuha mo sa akin! Lahat na lang iniwan ako! Aaaahhh!’’ I screamed on top of my lungs. “Bakit hindi mo na lang din ako patayin?! Please…” hindi ko alam kung kakayanin ko pa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. I was tempted. Unti-unti kong iniapak ang mga paa ko sa railings ng rooftop. The cold wind was blowing my hair. Nanginginig ang katawan ko. Gusto ko ng mawala na lang sa mundo. “Ma,Pa, I’m sorry. I said I’ll survive this life. Pero hindi ko na pala kaya,” patuloy ang pag-agos ng mga luha ko. Kahit nanginginig ako ay unti-unti kong iniangat ang paa ko, nakahanda ng lisanin ang mundo. Naghahati ang isip ko kung tama ba ang naiisip kong gawin para matapos na ang lahat. O mas tama bang harapin ko ng mag-isa ang buhay kong puro na lang pasakit at problema.   “Magpapakamatay ka ba?’’ Napahinto ako sa dapat kong gagawin. “W- who are you?” Hinanap ko ang pinaggalingan ng boses na ‘yun. “Kung magpapakamatay ka, pwede bang dun ka sa kabilang side ng rooftop? Ayokong magkaroon ng responsibilidad na pigilan ka sa balak mo,” Pabaling baling ako ng tingin para malaman kung sino ang nagsasalita.   “A-ano bang pakialam mo?” Mula sa madilim na sulok ng rooftop ay isang pigura ang lumabas. Unti-unti siyang tumayo sa pagkakahiga sa malamig na semento at naglakad papalapit sa akin. Napaatras ako dahil ang presensya niya ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin. Nang matapat siya sa sumisilay na liwanag mula sa billboard sa katapat na gusali ay malaya kong napagmasdan ang kanyang mukha. Matiim na nakatitig sa akin ang kanyang malalalim na mga mata. Parang naestatwa ako sa mga tingin niya na tila kayang tunawin ang buong pagkatao mo. Agad kong napansin ang suot nitong maong jacket na may burdang G-clef sa sleeves nito. Mapupula ang mga labi niya na bumagay sa maputi nitong balat. Wala akong makitang kahit anong emosyon sa mga mata niya. Tila napakalalim ng pagkatao niya.   “Wala akong pakialam sa balak mong gawin. Pero ang ingay mo, nakakaistorbo ka,” malamig na sagot niya sa akin. Para akong nahipnotismo sa pagliit ng espasyong namamagitan sa amin. He has dark eyes, well defined face. Pero ang paraan ng pagtingin niya ay nakapanghihina. Kusang nahinto ang katawan ko dahil sa paglapit niya. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maamoy ko ang mabango niyang amoy. My mind was telling me that I should move but my body literally froze. Nakaramdam ako ng takot na baka may gawin siyang masama sa akin pero nilagpasan niya lang ako.     “W-where are you going?” hindi ko alam kung bakit ko naitanong ‘yun sa kanya.   “I’m leaving. Feel free to do what you want,” huling saad niya bago tuluyang mawala sa paningin ko.   Ilang minuto ang lumipas at pinili kong ialis ang mga paa sa railings. What was I thinking? I’m sorry Ma,Pa. Kabaliwan na naisip kong magpakamatay. Agad akong tumakbo upang habulin ang lalaki kanina kahit hindi ko alam kung bakit at kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Dali-dali kong bumaba sa building and luckily, I found him.   “Wait!” Napahinto kami parehas nang tawagin ko siya. Bumaling ang tingin niya sa akin na tila nagtataka kung bakit kinakausap ko siya. Magsasalita na sana ako pero biglang bumusina ang itim na sasakyang nakaparada sa harap ng building.  Mukhang siya ang hinihintay nun. Tumingin muna siya sa akin bago dali-daling tumakbo papasok sa kotseng iyon na lalo pang nilakasan ang sunud-sunod na busina bago siya makasampa. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng t***k nito. AUTHOR'S NOTE: Hi guys! I hope you will find time to read and support my new story just like my previous ones. Feel free to leave your comments and suggestions :)    DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.        

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

That Night

read
1.1M
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
892.8K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook