Nagising ako sa sinag ng araw na bahagyang nakatakas mula sa bintanang natatakpan ng kurtina.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto na yun at saka ko lag narealize na nasa kwarto pa din ako ni Reed. Only, I was lying on his big black couch. Nagtataka ako dahil ang tanda ko ay nakaupo ako sa office table niya at nagsusulat ng kanta bago ako lamunin ng antok.
Oo nga pala! Dali dali akong tumakbo papunta sa lamesa upang kunin ang papel na pinagsulatan ko ng kanta. Ayokong makita yun ni Reed, o ng kahit na sino. Tanging si Matthew lang at ang mga magulang ko ang nakakaalam ng hobby ko na 'to. Sapat nang kakaunti lang ang may idea sa hilig kong gawin dahil ayokong mapulaan ng iba ang gawa ko bagaman laging sinasabi ng tatlo na magaganda naman daw ang mga nasusulat kong lyrics.
Ngunit nabuksan ko na ang lahat ng drawer dun at nahagilap na ang mga nakapatong na libro at notebooks pero hindi ko makita ang papel na yun. Sinubukan kong silipin sa ilalim ng lamesa dahil baka nilipad o nalaglag lamang at lumusot sa sulok.
"What are you doing?" labis ang pagkabigla ko sa tinig na bigla na lang nagsalita kaya agad akong napatayo dahilan para kumalabog ang ulo ko sa lamesa.
"Ouch!" malakas na sigaw ko sabay himas sa naumpog kong ulo.
"Tss! What are you doing underneath my table, silly?" nakangising bungad sa akin ni Reed. Imbes na mag-alala ay pinagtawanan pa ko. Bastos talaga!
"M-may hinahanap lang ako. Nakita mo ba yung papel na pinagsulatan ko kagabi?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Huwag naman sana niyang nabasa...
"What paper?" kunot noong sagot-tanong niya sa akin.
"W-wala. Hayaan mo na," baka nilipad na yun kung saan. Malamang hindi na din niya yun makikita kung lumusot na yun sa ilalim ng kama o table dahil napakaliit na ng uwang ng furnitures mula sa sahig.
"okay then, let's have breakfast" walang emosyon na sabi niya. Ang mga kamay ay nakapasok sa magkabilang bulsa ng pajama niya. Tinalikuran din ako nito. Hindi na ako nag-abalang magpaalam sa kanya at nakigamit na ng banyo niya. Buti na lamang at may dala akong toothbrush at toothpaste kaya hindi na ko mag-aalangang makipag-usap sa kanya ng bagong gising.
Naabutan ko siyang nagpiprito pa ng eggs nang makarating ako sa kitchen. Nakatalikod siya sa akin pero mukhang naramdaman niya ang presensya ko.
"Take a seat. I'm not sure if you had dinner last night," aniya na hindi man lang ako nililingon. Sumunod naman ako sa sinabi niya. Actually, hindi na nga ako nakapag dinner dahil nakatulog na ako nang hindi ko namamalayan. Balak ko lang sanang hintayin siyang makatulog bago ako umalis pero naunahan na ako ng antok at pagod sa maghapong pagtatrabaho. Teka...
"Inilipat mo ba ako sa couch kagabi?" Nagtataka pa din ako kung paano ako napunta sa couch e malinaw sa alaala ko na nasa table ako bago ako makatulog.
"Eat," sabi nito sabay lagay sa lamesa ng niluto niya. Hindi man lang sinagot ang tanong ko.
"Paano mo ako nailipat eh ni hindi mo nga magawang tumayo nang maayos kagabi," muling tanong ko. Tinitigan lamang niya ako.
"Kumain ka na," tanging sagot niya. Aapela pa sana ako pero natuon ang pangingin at pang-amoy ko sa halos sunog nang itlog.
"Itlog lang nasunog mo pa," taas kilay kong pintas sa kanya.
"I don't know how to cook so consider yourself lucky because I cooked that sh*t for you," Pinagsalikop niya ang mga braso sa kanyang dibdib at sumandal sa kinauupuan.
" E wala nang makakain diyan eh!" natatawa ko pang asar sa kanya.
"Shouldn't you be greatful miss?! I cooked for you. I never did that for anyone, not even for Gino nor for my brother," tinaasan ako nito ng kilay pero hindi ko pa rin napigilang matawa sa kalunus-lunos na sinapit ng itlog. Kung ako ako ang manok na pinanggalingan ng itlog na 'yun, iisipin kong sana naging sisiw na lang ang mga' yun.
" Kaya pala sa dine in ka lang lagi nakaassign eh--" natutop ko ang aking bibig sa sinabi ko.
"Oh sh*t!" Napatingin ako sa digital clock na nakadisplay sa estante. Alas otso na! Alas diyes ang shift ko sa burger house. Kailangan ko pang umuwi sa bahay at magkapaligo at makapagbihis. Hindi naman ganun kalapit ang inuupahan ko sa store lalo na kung dito pa ko manggagaling sa condo ni Reed.
"Chill, I already called Gino," prenteng sabi nito sabay tingin sa suot na relo.
"pinalipat ko ng Twelve Noon ang shift natin. We still have plenty of time para kumain at makapunta sa boarding house mo at makapagpalit ng damit,"
"You did what?!" Bulalas ko. "Pero may raket din ako sa bar mamayang gabi, mahuhuli ako kung ipinalipat mo ang shift ko!" Hindi ko napigilang umangil sa kanya. Sino ba siya para magdesisyon para sa akin?. Sana ginising na lang niya ako kesa nagkusang gumawa ng desisyon para sa trabaho ko.
"Handled. I already called Aldrin as well, sabi ko malelate ka" Mas lalo akong nagulantang sa sinabi niya.
"Bakit mo ginawa yun? Baka mawalan ako ng trabaho dahil sa pakikialam mo!" Parang gusto kong ibato sa kanya itong sunog na itlog na niluto niya sa inis ko.
"I told you I know the owner. You will still have your job, so eat little miss before I lose my temper," Bigla akong kinabahan sa kanya. Ang paraan ng pagbabanta niya ay parang kayang kaya niya akong kainin ng buhay. Sa huli ay wala akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanya. In fairness, itlog lang ang nasunog niya. Ang fried rice, hot dog, bacon at iba pang pagkain ay maayos ang pagkakaluto.
Mula sa kanto ng eskinita papasok sa tinutuluyan kong boarding house ay hindi magkanda mayaw ang kilig at ngiti ng mga babaeng nadadaanan namin pati na mga kasamahan ko dito sa boarding house.
Sinabi ko na kasi kay Reed na hindi na niya ako kailangang ihatid pero nagpumilit siya. Nagpumilit siyang samahan ako at sabay na daw kaming papasok. Pinaalalahanan ko siya na kagagaling lang niya sa sakit kaya dapat ay magpahinga muna siya.
"I'm fine. Wala na akong sakit. Isa pa baka sabihin mo na naman iresponsable at wala akong konsiderasyon sa mga kasamahan natin," ngisi nito. Bigla akong nakonsensya sa sinabi niya. Akala ko kasi talaga nagbubulakbol lang siya, malay ko ba na may sakit talaga siya. Pero nakakapagtaka lang na ang bilis naman niyang gumaling. Hindi kaya nagsasakit sakitan lang talaga siya?
" Hoy Lyra! Hindi mo sinabi may boypren ka na pala, at ang gwapo pa!" Hindi napigilang mapatili ni Lucy matapos sumulyap kay Reed na prenteng nakaupo sa sala. Nasa kwarto ako nang pumasok si Lucy na iniwang nakabukas ang pinto kaya tanaw namin si Reed mula sa sala.
" Isara mo nga yung pinto! Isa pa hindi ko siya boyfriend, kasamahan ko lang siya sa trabaho" naiiritang sagot ko sa kanya. Ewan ko kung bakit simula kanina sa kanto ay naiirita na ako. Paano ba naman ay poging pogi na naman sa sarili niya ang preskong lalaking yun dahil tinitilian siya. Napapaikot na lang ang mata ko dahil hindi ko siya maintindihan. Wala silang pinagkaiba sa mga kolehiyalang nakikipaglandian kay Reed sa burger house. Hindi nila alam na ubod ng yabang yung pinagpapantasyahan nila.
"Weh? E bakit ka hinatid? At teka nga, hindi ka umuwi kagabi. Siya ba ang kasama mo magdamag ha?! Nako Lyra ha, kala ko pa naman birheng maria ka!" agad kong tinakpan ang bibig ni Lucy.
"Hinaan mo nga yang boses mo at mag-ingat ka sa sinasabi mo. Kilabutan ka nga Lucy! Hindi ko type yang mayabang na yan noh!" Pilit niyang tinanggal ang palad kong nakabusal sa maingay niyang bibig.
"Oo na! Kung ayaw mo sa kanya e di----akin na lang!" ngisi niya sabay takbo sa sala at kala mo naiihing aso sa pagpapacute.
"Ateeeenggg!" nasa pinto pa lang ng crew room ay sumalubong na ang tili ni Matthew sa akin. Tiningnan ko lamang siya habang abalang inaayos ang pinagpalitan kong damit sa locker ko.
"Bakit magkasama kayo ni Fafa Reed ha?! At mega change shift pa kayo. Umamin ka! Anong nangyari kagabi at tinanghali kayo parehas ng gising?!" Pamang-intriga nitong tanong habang sinusundot sundot ang tagiliran ko.
"Aray, ano ba?! Wala! Walang nangyari! Nakatulog lang ako sa condo siya sa kakabantay sa kanya dahil nga may sakit siya diba?" Mariing paliwanag ko.
"Ano ba naman yan ateng! May chance ka na,pinakawalan mo pa! Kung ako yun inakit ko na si Reed lalo na may sakit siya kailangan niya ng init ng katawa--" agad kong tinakpan ang bibig ng malanding baklang 'to. Bakit ba parehas sila ng iniisip ni Lucy?
"Manahimik ka nga diyan sa sinasabi mo Matthew. Walang nangyari at hinding hindi ko gagawin yang sinasabi mo!" hinampas ko ng bahagya ang braso niya sa inis ko.
"ouch! Oo na sige na! Hindi na po birheng Maria! Basta sa susunod na magkasakit ulit si Fafa Reed at kailangan ng magbabantay, ako na ang magpepresinta kay Sir Gino. Hihihi.." Huling aniya at lumabas na ng crew room.
Lumipas ang maghapon na hindi kami nagkikibuan ni Reed. Mukhang busy ang mokong sa mga babaeng customer na ilang araw din siyang hinanap at inabangan dito. Hindi ko mapigilang mapaikot ang eyeballs ko sa tuwing makikitang naghahagikgikan sila. I knew it! Sa oras na gumaling siya ay balik na naman siya sa pagiging babaero niya.
Dahil late kaming pumasok ni Reed ay late din akong makakapasok sa Bar. Mukha namamng totoo ang sinabi niya na nakausap na niya ang may-ari dahil nang kumpirmahin ko kay Sir Aldrin na malelate ako ay okay lang naman daw dahil hindi naman peak night ngaun.
Dali-dali akong lumabas ng bar. Buti na lamang at mabait si Matthew kaya pinauna na niya akong umuwi imbes na samahan ko pa siyang masara ng store. Si Reed? Hindi ko alam. Bigla na lang ulit nawala sa pagitan ng shift namin.
Nag-aabang na ako ng jeep na masasakyan nang may humintong motor sa harapan ko.
"Hop in," nakangiting aniya. Sa una ay nagulat ako pero agad din naman akong nakabawi.
"hindi na, may mapasahe naman ako," sagot ko at umiwas ng tingin sa kanya.
"sige na, pasasalamat ko na lang dahil inalaagan no ako kagabi," napabaling ako ng tingin sa kanya at sinuri ang mukha niya. May milagro ba ay t biglang umamo ang isang to?!
"What? I only told Aldrin to move your shift. I didn't tell him na malelate ka pa din," oh sh*t! Oo nga pala may pasok pa ako.
"Halika na kesa malate ka pa," muling kumbinsi niya.
"kasalanan mo naman kung bakit ako namove ng shift. Kung ginising mo lang a--"
"Shhh.. Shhh.."Putol niya sa akin habang itinataaa ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko.
" oo na, may fault sorry. I just thought you needed to rest more. Mukhang pagod na pagod ka eh. Lakas mong humilik,hahaha"
"aba't ang! Hoy hindi ako humuhilik ha!" hindi nga ba?
"okay okay! Just kidding. You were peacefully sleeping that's why I didn't wanna wake you up.
So hop in little Miss before you get late to your work," mula sa motor ay bumaba siya at iginaya ako papaupo sa backride niya. Siya rin ang kusang nagsuot ng helmet sa akin. Hindi ko napigilang bumilis ang tahip ng dibdib ko sa sobrang lapit ng mga katawan namin. May sakit na yata ako.
Sumakay na si Reed sa motor at hindi ko napigilang mapayakap ng mahigpit sa kanya nang pabilisin niya ang takbo ng motor niya. Hindi nakalampas sa akin ang mahina niyang pagngisi nang mapayakap ako sa kanya pero masyado nang akong abala sa pagpapakalma ng puso ko para sitahin pa siya.