Ika-apat na kabanata

1552 Words
ASYA Naglabas masok ang mga mangagamot sa loob ng aming kublihan. Inaalam nila ang kundisyon ni Xenos. Akala ko kanina wala na siyang buhay, ayaw ko mang aminin ngunit labis akong nabahala nang mawalan siyan ng malay. Nakahinga lang ako ng maluwag nang sabihin ng mangagamot na tumingin sa kanya. Mataas daw ang temperatura nito sa katawan. Yun daw siguro ang dahilan kaya nawalan ito ng malay. Akala ko ay dahil sa sumpa. “Mahal na Prinsesa Asya, huwag na po kayong mag-alala. Magaling ang mangagamot ng Astral Kingdom. Sa bisa ng mga halamang gamot paniguradong bababa din ang kanyang lagnat.” panigurado ni Heneral Cyrus. Pagkatapos ay nagpa-alam na siyang lalabas upang magmasid at masigurado ang kaligtasan naming lahat. Napatingin ako sa tulog pa ding si Xenos. Balot ng makapal na kumot ang kanyang katawan at nanginginig ito sa taas ng temperatura. Hindi ako naniniwalang may sakit lamang siya. Dahil okay naman siya kanina bago niya ako hinalikan. Ano kaya ang dahilan ng biglang pagkakasakit niya? Sana nga…simpleng lagnat lamang ito at hindi umabot sa kamatayan. Lumapit ako sa tabi niya at naupo sa gilid ng higaan. Tumayo sa harapan ko ang mangagamot. “Sa tingin niyo kailan siya gigising?” tanong ko sa kanila. “Hindi natin alam ang dumapong sakit sa Prinsipe, mahal na Prinsesa Asya. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng karamdaman na gaya nito. Ngunit kapag hindi umayos ang lagay niya ay kailangan na kaagad natin siyang dalhin sa palasyo sa lalong madaling panahon upang matukoy ang kanyang karamdaman. Ang pagtaas ng temperatura ay indikasyon lang na nilalabanan ng katawan ang dumapong karamdaman sa katawan ni Xenos. At kung sakaling hindi siya magising bago lumiwanag ay kailangan nating maglakbay kaagad pabalik sa Astral Kingdom.” Mahabang paliwanag niya. Napatingin ulit ako mukha ni Xenos. Namumutla at nanunuyo ang kanyang labi. Namumula naman ang kanyang balat. Lumabas sila upang magpakulo ng halamang gamot. Naiwan akong mag-isa sa loob ng kublihan. Kinuha ko ang malinis na tela at binasa ito ng maligamgam na tubig at dinampian ko ang kanyang noo, pisngi at pati na rin ang kanyang kamay upang kahit paano ay may magawa ako upang malabanan niya ang kanyang nararamdaman. Namumungay na rin ang mga mata ko dahil nakaramdam na ako ng pagod at antok sa mahabang oras na wala akong sapat na pahinga. “Mahal na Prinsesa, si Mana ito. Maaari ba akong pumasok?” narinig kong sambit niya sa labas ng kublihan. “Tuloy ka.” Bumungad siya sa akin at lumapit sa harapan ko. “Mahal na Prinsesa, may pinapa-abot na mensahe si Rakim.” Saad niya. “Ano? Nandito siya?” hindi makapaniwalang tanong ko. Siya ang kanang kamay ni Kuya Silas at isa din siyang mandirigma. “Opo, sumama talaga siya sa paghatid sa inyo sa Astral Kingdom upang magbigay ng hudyat—” Pinatigil ko siya sa pagsasalita dahil baka magising si Xenos. “Sa likod tayo ng kublihan mag-usap.” Kaagad kaming dumaan sa likod at pinalayo muna namin ang kawal na nagbabantay. “Ano ang sabi ni Rakim?” ulit ko sa kanya. Nagpalinga-linga pa kami sa paligid upang siguradong walang ibang makakarinig sa amin. “Itinatanong ni Rakim kung buhay pa ba ang Prinsipe. Ang alam lang niya kasi nawalan ito ng malay. Itinanong din niya sa akin ngunit ang sabi ko ay hindi ko alam dahil hindi ako nakakapasok sa kublihan niyo.” Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Paniguradong may nakahanda na silang plano kung sakaling tuluyang namatay si Xenos. Ngunit mapanganib pa din dahil may malala itong karamdaman. “Prinsesa…alam kong isang hamak na tagapaglingkod mo lang ako simula pagkabata. Ngunit ayoko rin po ng digmaan. Hindi ko alam na may ganuong plano ang hari kaya nalulungkot ako dahil hindi lang ito ang unang beses na ginawa ito ng ‘yong ama. Alam kong pati ikaw ay nagdurusa din. Ngunit, patawarin niyo po ako, pero nasa mga kamay niyo ang susi upang hindi matuloy ang digmaan sa pagitan ng Astral at Celestria Kingdom. Kaya paki-usap mahal na Prinsesa. Pigilan niyo ang magaganap na digmaan sa dalawang kaharian.” Yumuko siya sa akin matapos niyang sabihin yun. Kahit ako, ayoko rin ng digmaan ngunit ang huli niyang sinabi ang nagpagulo sa isip ko. “Anong ibig mong sabihin na ako ang susi upang hindi matuloy ang digmaan?” Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Kung tatangapin mo ng buong puso ang pagiging asawa ni Prinsepe Xenos. At kung kakausapin mo ang ‘yung ama na huwag ng ituloy ang digmaan dahil isa ka na ring Prinsesa ng Astral kingdom at susunod na magiging reyna nito. Maaring magbago ang isip ng hari at imbis na gawing kaaway magkakaisa ang dalawang kaharian. Kailangan mo lamang kumbinsihin ang mahal na hari.” Paliwanag niya sa akin. Sandali akong napaisip sa sinabi niya. Naalala ko ang sinabi ni Xenos kanina. Dadalhin niya ako sa Astral Kingdom bilang kanyang kabiyak at hindi bilang isang bihag. Kung totoo siya sa kanyang mga sinabi…maaring tama si Mana. Pero hindi ganun kadali ang bagay na yun. “Mana, bumalik ka kay Rakim. Sabihin niyong itigil ang paghahanda sa digmaan at bumalik na siya sa kaharian ng Celestria. Buhay si Prinsipe Xenos at nagpapahinga lamang ito. Sabihin mo rin sa kanya na ipapadala ko si Tawiti pabalik sa kaharian kung sakali mang may nais akong iparating sa kanya.” paliwanag ko sa kanya si Tawiti ang putting ibon ko na matagal ko nang ginagamit kapag naghahatid ako ng mensahe sa kahit na sino. At mapagkakatiwalaan talaga siya. Dahil naiihatid niya ito sa tao. Sumilay ang ngiti sa labi ni Mana. “Maraming salamat, mahal na prinsesa.” Sambit niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. “Mana, hindi pa tapos ang banta ng digmaan kaya huwag ka munang magpasalamat sa akin. Pero gagawin ko ang lahat upang pigilan ito. Naiintindihan mo ba?” Tumango siya sa akin at masayang nagpaalam. Bumalik ako sa loob ng kublihan at nakita ko siyang nakatalikod sa gawi ko. Hinawakan ko ang kamay at mainit pa rin ito. Maya-maya pa ay pumasok na ang mangagamot na may dalang pinukuluang halamang gamot. “Paano niyo mapapainom sa kanya yan? Eh wala siyang malay.” Nagtatakang tanong ko sa kanya. “Susubukan po namin mahal na prinsesa.” Tumayo ako at pinagtulungan nilang i-angat ang katawan nito. Ngunit nang idampi nila ang mangkok ng pinakuluang gamot ay natatapon lang ito. Inawang nila ang labi nito at sunod-sunod itong umubo kaya muntik nang bumuhos ang gamot. “Ako na.” Napatingin sila sa akin nang sabihin ko yun. “Ako na ang bahala sa kanya. Ibigay niyo sa akin ang gamot at lumabas na kayo ng kublihan.” Utos ko sa kanila. “Pero mahal na—” “Sundin niyo ang utos ng Prinsesa.” Napabaling ang tingin ko kay Heneral Cyrus na kakapasok lang. Wala silang nagawa kundi ibigay sa akin ang mangkok at isa-isa na rin silang lumabas. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano. Pero sa pagkakaunawa ko ay kailangan niya lang mainom ang gamot na ito. “Heneral, maari mo bang itaas ng bahagya ang kanyang ulo?” Lumapit siya sa akin at nilagyan ng isang unan ang ilalim ng ulo nito. “Wala akong balak lasunin ang prinsipe. Kaya huwag kang mabahala. Ngunit pagkatapos ng gagawin ko. Maari mo ba kaming iwan at siguraduhin niyong walang papasok sa loob ng kublihan hangang hindi ko kayo pinapatawag?” pakiusap ko sa kanya. Sandali siyang napaisip. “M-Masusunod po mahal na Prinsesa.” Wika niya sa akin. Kailangan ko siyang tulungan na gumaling. “Kailangan mong inumin ito mahal na prinsipe. Kailangan nating bumalik sa Astral ng ligtas. Naintindihan mo?” sambit ko kahit alam kong hindi niya ako nadidinig dahil tulog pa rin siya. Nag-ipon ako ng lakas ng loob at inumpisahan kong higupin ang lunas at inilagay ko ito sa aking bibig. Ini-awang ko ng bahagya ang kanyang labi at isinalin ko sa bibig niya ang lunas. Hanga’t hindi niya tuluyang naiinom ang lunas ay hindi ko muna inaalis ang labi ko upang hindi masayang. Pagkatapos ay inulit ko ito ng ilang beses hangang sa tuluyan niyang naubos ang nasa mangkok. Napangiti ako dahil walang tumapon. “Mahal na Prinsesa, lalabas na po ako.” Paalam ni Heneral sa akin. Tumango ako sa kanya. Narinig ko pa ang sinabi niya sa mga kawal na nagbabantay na walang ibang puwedeng pumasok sa loob. Nagtiwala siya sa akin at sinunod niya ang sinabi ko. “Mahal na prinsepe, ina-asahan ko ang yung pagaling. Patawarin mo ako sa gagawin ko. Ngunit ito lang ang paraan upang mabawasan kahit paano ang lamig na nararamdaman mo.” Tinangal ko ang pagkakabuhol ng kanyang kasuotan. Bumungad sa akin ang kanyang katawan. Tunay ngang Makisig siya. Ngayon ko pa lamang ito gagawin at hindi ko alam kung makakatulong bai to upang gumaling siya ngunit kailangan kong subukan. Tinangal ko ang tali ng damit ko hangang sa tuluyan ko itong hinubad. Tumabi ako sa kanya at ibinalot ko ang damit niya sa katawan ko. Itinaas ko ang kumot upang maitago ko ang aking likuran at pagkatapos ay iniyakap ko ang aking kamay sa kanyang beywang. Ramdam ko ang init ng katawan niya. Nanatili ako sa ganuong posisyon hangang sa tuluyan na rin akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD