Ikapitong Kabanata

1617 Words
ASYA  Kinabukasan ay ipinagpatuloy namin ang paglalakbay patungo sa Astral kingdom. Nakakalungkot lamang dahil marami ding mandirigma ang nasawi sa paglusob. Marami din ang sugatan ngunit hindi sila naging pabigat sa aming paglalakbay. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang kaharian ng Astral. Nabighani kaagad ako sa ganda nito. Matataas ang mga gusali na yare sa matibay na uri ng semento. At kakaiba din ang mga desenyo nito. Kumpara sa Celestria mas malaki ito at mas malawak. Nadaanan din namin ang mga nasasakupan ng Astral kingdom. Sa tingin ko maunlad ang kanilang pamumuhay dito. At magagalang din ang mga tao. Nagbigay pugay din sila sa pagdaan ng karwahe namin. Kumaway si Xenos sa kanila at ganun din ang ginawa ko. Nang makapasok na kami sa tarangkahan ng palasyo ay sinalubong kami ng daan-daan na mandirigma. Tinulungan nila ang mga kasamahan nila na sugatan dahil sa pananambang sa amin. At sila na rin ang nag-ayos ng mga dala namin. “Prinsipe Xenos, Prinsesa Asya, Ikinagagalak ko ang inyong pagdating ina-antay na po kayo sa bulwagan ng hari.” Imporma ng lalaking lumapit sa amin. “Maraming salamat, Nakam. Doon na rin ang tungo namin. Kayo na ang bahala ni Cyrus sa mga sugatan at dala naming handog.” Wika ni Xenos sa kanila. Nagbigay pa ito ng pagalang bago umalis. Nakaramdam ako ng kaba habang papalapit kami sa sinasabi nilang bulwagan. Inihanda ko ang aking sarili sa magiging katanungan o reaction nila kapag nakita nila ako. “Xenos, sasabihin ko ba sa kanila ang tungkol sa sumpa?” tanong ko sa kanya. Baka kasi matakot sila kapag nalaman nila ito. “Wala kang sasabihin na kahit ano. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay ama.” Wika niya. Tumigil ang karwahe at napatingin ako sa malaking pinto na kulay pilak. Nauna siyang bumaba at pagkatapos ay inalalayan niya ako. “Huwag kang mag-alala. May basbas ng mga magulang ko ang kasal nating dalawa.” Huminga ako ng malalim nang bumukas ang malaking pinto. Bumungad sa amin ang mahabang pasilyo at sad ulo nito ay nakita ko ang lalaking nakaupo sa malaki nitong trono. May isang babae din sa kaliwa nito at may iilan ding tao akong nakita sa harapan nila. “Halika at ipapakilala kita sa kanila.” Nakangiting sabi niya sa akin. Nilakasan ko ang loob ko at nagpatuloy ako sa paglakad. Hangang sa makarating sa kanila. “Ama, Ina, kasama ko na si Prinsesa Asya. Ang aking asawa.” Pakilala niya sa akin at pagkatapos ay tumingin siya sa akin. “Asya, ang ama ko si Haring Atlas at ang aking ina Reyna Auria.” Hinawakan ko ang mahaba kong kasuotan at nagbigay ako ng pagalang sa kanila. “Nagagalak akong makilala kayo. Ako si Prinsesa Asya ng Celestria Kingdom.” Nakangiting sabi ko sabay yuko sa harapan nila. “Ikinagagalak ka din naming makilala, nasabi na sa amin ni Xenos na hindi ka sanay na ipakita ang yong mukha sa harapan ng mga tao at nire-respeto namin ito. Maligayang pagdating sa aming kaharian.” Nakangiting sabi ng kanyang ina. Napatingin din ako sa isang babae at isang lalaki na nasa kaliwa namin. Sa tingin ko mga maharlika din sila. “Sila ang mga kapatid ko, si Prinsesa Celestina at si Prinsipe Orion.” Pakilala din niya sa mga ito. Ngunit nakita ko ang nakaka-insultong tingin ni Prinsesa Celestina. “Paano natin malalaman kung maganda ang babaeng yan kung hindi naman natin makikita ang kanyang mukha? Paano kung mukha pala siyang halimaw—” “Celestina!” Napatingin ako sa kanyang ama dahil sa malakas na boses nito. Akmang lalapitan siya ni Xenos ngunit hinawakan ko ang kanyang kamay. Napalingon siya sa akin at umiling ako sa kanya. Dahil nahihimigan kong may hindi siya Magandang gagawin. “Patawad ama, kapakanan lang ng kaharian ang iniisip ko. Hindi natin siya kilala bukod sa pagiging prinsesa ng kaharian na gustong makipagdigma sa atin. Kaya ko nasasabi ang lahat ng ito.” Dagdag pa ni Celestina. “Nakita ko na ang kanyang mukha, kaya wala kang dapat ipag-alala. At isa pa, hindi lang siya prinsesa ng Celestria. Ngayon ay kabilang na rin siya sa aming angkan kaya ayusin mo ang ‘yong pananalita.” Pagbabanta ni Xenos sa kanya na ipinagtaka ko nang sabihin niyang Aming angkan lang. Ano kaya ang ibig niyang sabihin? “Ikinagagalak ka naming makilala Prinsesa Asya.” Nakayukong sabi ni Prinsipe Orion na sa tingin ko ay hindi naglalayo sa edad ko. Pagkatapos ay nagpaalam na sila sa hari at umalis. “Patawarin mo si Celestina, Prinsesa Asya. Inampon lang namin siya ngunit anak na rin ang turing namin sa kanya. At pasensya na rin kung hindi kami Anak, nagpahanda ng salo-salo dahil na rin sa paki-usap ni Prinsepe Xenos na kailangan niyong magpahinga dahil sa mahabang paglalakbay.” “Walang anuman po Mahal na Hari.” Sagot ko. Bumaba sa hagdan ang kanyang ina at lumapit sa akin. Pinagdaop niya ang palad naming dalawa. “Umalis muna tayo dahil kailangan nilang mag-usap ng Hari. Ako na lamang ang maghahatid sayo sa magiging tirahan niyo.” Nakangiting sabi niya sa akin. “Teka? Saan mo siya dadalhin?” pigil ni Prinsipe Xenos nang akmang hihilahin na niya ako. “Dadalhin ko siya sa templo. Upang mabigyan ng basbas ang pagtuloy niya dito.” Sagot naman nito. “Xenos, may kailangan pa tayong dapat pag-usapan. Kaya hayaan mo na ang ‘yong ina at antayin mo na lamang sa inyong silid ang ‘yong asawa.” Pigil sa kanya nang hari. Pareho kaming walang nagawa. Lumabas kami sa malaking bulwagan at lumakad kami patungo sa mataas na hagdan. “Alam kong pagod ka sa paglalakbay pero nais kong makarating ka muna sa sagradong templo at maipakilala kita kay Maliyah.” Nakangiting sambit niya at nagpatuloy kami sa pag-akyat sa semento at mataas na hagdan. Maliyah? At sino naman kaya ito? Bakit kailangan ko siyang makilala? Ilang sandali ay nakarating kami sa tuktok. Hindi ko pinakita sa kanyang napagod ako pero talagang sumakit ang binti ko sa pag-akyat dahil may katarikan din ito. Awang pa ang labi ko nang tuluyan kong makita ang templo. Napakalaki nito at napakaganda na yare sa matibay na bato. Napapalibutan ito ng kulay pulang rosas. At dahil madilim na may nakasindi nang malalaking solo at mga kandila. Ngunit kakaiba kaagad ang naramdaman ko nang papalapit na kami. Para akong tinutulak palayo sa templo. Napahawak ako sa aking dibdib. “Asya?” nag-alalang tanong ni Reyna Auria. Biglang nawala ang nararamdaman ko at bumuhay ang mas maliwanag na ilaw sa templo. “Napagod lang po siguro ako sa pagpanhik. Maayos na po ang pakiramdam ko.” Wika ko sa kanya. “Sigurado ka ba?” paniguradong tanong niya sa akin. Nakangiti akong tumango sa kanya at nagpatuloy kami sa pagpasok sa templo at nang bumukas ang pintuan ay bumungad sa amin ang babaeng nakaluhod sa sahig at taimtim na nagdarasal. Itim at mahaba ang kanyang kasuotan. “Siya si Maliyah, ang makapangyarihang babaylan sa kaharian ng Astral Kingdom.” Pakilala ni Reyna Auria. Dahan-dahan itong tumayo at pagkatapos ay humarap sa amin. Kagaya ko may itim din siyang maskara. Tanging mata at ibabang labi lang niya ang aking nakikita. “Ikinagagalak ko ang yong pagdating mahal na Prinsesa Asya ng Celestria.” Sambit nito sabay yuko sa harapan ko. Nang muli niyang i-angat ang kanyang mukha ay may kakaiba ulit akong naramdaman. Parang matagal ko na siyang kilala. Parang nagkita na kami noon ngunit hindi ko maalala. “Maliyah, hawakan mo na ang palad niya. Ang sabihin mo sa amin ang kanyang hinaharap.” Utos ng Reyna na naghatid sa akin ng labis na kaba. Hindi ko inasahan na kaya niya ako dinala dito para alamin ang tungkol sa akin. Kung tunay nga na isa siyang makapangyarihan na babaylan maari niyang malaman ang tungkol sa sumpa. “Mahal na reyna, kailangan niya ba talagang alamin yun? Hindi ba puwedeng tanungin muna natin si Prinsipe Xenos?” tanong ko sa kanya. “Huwag kang mabahala, Asya. May tiwala ako na tamang babae ang pinili ng anak ko upang susunod na magiging reyna ng Astral Kingdom.” Namalayan ko na lamang nasa harapan ko na si Maliyah, Inilahad niya ang kanyang kamay. Wala na akong nagawa dahil hindi ko maaaring tangihan ang kanyang ina. Inangat ko ang kamay ko at ipinatong sa kanya. Pumikit siya at nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo at ang pagalaw ng kanyang panga. Humigpit din ang nakatapong niyang palad sa kamay ko. Nakaramdam ako ng takot at pangamba dahil hindi ko alam ang kahihitnan nito. Ilang sandali pa ay kumalma na ito at dumilat. “Ikinagagalak kong sabihin mahal na Reyna. Si Prinsesa Asya, ay ang magiging susunod na magiging Reyna ng Astral Kingdom. Siya ay magiging katuwang ni Prinsipe Xenos at magkakaroon sila ng mga supling na magbibigay kasiyahan sa dito sa palasyo. Nakikita kong magiging masaya ang kanilang pagsasama sa susunod na mga taon ng kanilang buhay.” Wika nito. Gusto kong paniwalaan ang mga sinabi niya sa akin. Ngunit nang magsimulang manginig ang mga kamay niya at bitawan ang kamay ko. Nagduda na ako kung totoo nga ang lahat ng nakita niya. “Ganun ba? Masaya akong malaman ang lahat ng sinabi mo Maliyah.” Nagulat ako nang yakapin ako ni Reyna Auria. “Dahil sa sinabi ni Maliyah. Malugod na kitang tinatangap bilang kabiyak ng anak kong si Xenos. Nawa’y pakamahalin mo siya at paglingkuran sa abot ng yong makakaya.” Sambit niya habang nakayakap sa akin. Napatingin ako kay Maliyah. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at nababasa ko sa mga mata niya ang takot. Ano kaya ang nakita niya sa aking hinaharap?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD