ASYA
“Simula ngayon, dito na ang magiging tirahan niyo ni Xenos.”
Inikot ko ang aking paningin sa malaking tahanan na pinaghatiran niya sa akin. Umakyat kami ng hagdan at tumapat kami sa malaki na pinto na sa tingin ko ay yare sa makapal na bakal. Binuksan ito ng tagapaglingkod na kasama ni Reyna Auria at bumungad sa akin ang malawak na silid. Napakaganda din nito. Pumasok kami sa loob at hindi ko maiwasan na humanga sa natatangi nitong desenyo na hindi maipagkakailang gawa sa mga ginto at mamahaling tela na nakapalibot sa malaking higaan.
“Maiwan na kita, magpapahatid ako ng tsaa at minatamis upang pagsaluhan niyo ni Xenos.” Nakangiting sambit niya bago niya ako tinalikuran. Maliwanag dito sa aming silid. Maraming malalaking kandila ang nakasindi at hindi rin mainit sa pakiramdam. Naupo ako sa gilid ng kama. Naalala ko na naman ang kakaibang karanasan ko sa templo. Kung si Maliyah ay isang makapangyarehang babaylan. At hindi niya sinabi ang tungkol sa nakita niya sa aking hinaharap. Ibig sabihin meron ay siyang dahilan. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong alamin kung tunay nga ang nakita niya sa aking tagna. At kung may maitutulong siya sa sumpa.
Ilang sandali pa ay may pumasok na tagapaglingkod dala ang maliit na takure na yari sa ginto at porcelain na baso ng tsaa. May isang tumpok din na minatamis na panghimagas. Nakaramdam ako ng uhaw.
“Nais niyo po bang uminom ng tsaa?” Magalang na tanong niya sa akin.
“Maraming salamat maari mo ba akong bigyan?”
Magiliw siyang ngumiti at maingat na nagsalin sa tasa. Yumuko siya at inabot sa akin.
“Maraming salamat, maari ka nang magpahinga.”
Magalang din siyang nagpaalam sa akin. Pinadaan ko muna sa ilong ko ang mabangong amoy ng tsaa bago ko ito ininom.
Nagustuhan ko ang masarap nitong lasa kaya uminom ulit ako. Nang matapos akong uminom ay nakaramdama ako ng pag-iinit ng katawan. Naupo ako at sumandal sa malamit namin na higaan.
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Xenos. Seryoso ang kanyang mukha at malalaki ang hakbang na tinungo ang maliit na lamesa. Nagsalin siya ng tsaa sa baso at inamoy lang ito.
“Uminom ka?” usisa niya na ikinatango ko.
“Bakit? May lason ba yan? Kaya ba parang…parang nag-iinit ang pakiramdam ko?” pinagpapawisan na tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at naupo sa gilid ng kama.
“Mag-iinit talaga ang pakiramdam mo dahil may hinalo sila sa tsaa.”
“Ha? Anong mong sabihin?” Kinakabahan na tanong ko sa kanya.
“Paano ko ba ipapaliwanag. Sabi ni Ina kailangan na daw nating gawin ang magiging anak natin kaya nilagyan niya ng sangkap ang tsaa na yan upang mag-init tayong dalawa at magtalik.”
Awang ang labi ko sa sinabi niya. Kaya naman pala pakiramdam ko nag-iinit ang katawan ko na parang may nais abutin lalo pa’t nang makita ko siya.
“Anong gagawin ko? Dalawang tasa ang nainom ko. Mas malala ba ang magiging epekto nito?”
“Hindi ko rin alam kung paano mapawi ang nararamdaman mo. Pero kung wala na tayong magagawa. Gawin na lang natin ang nais ni Ina.”
Hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Tumayo siya at nagsalin din sa tasa at pagkatapos ay ininom niya ito. Halos maubos na niya ang laman ng maliit na takure.
Napalunok ako nang dumako ang kanyang kamay sa tali ng kanyang suot na damit.
“X-xenos…”
Lumapit siya sa akin at naupo ulit sa tabi ko.
“Sinabi sa akin ni Ina ang lahat ng nalaman niya sa templo. Binasa ni Maliyah ang hinaharap mo diba?” sambit niya na ikinayuko ko.
“Ngunit hindi ako naniniwala, Xenos. Hindi ako naniniwalang yun ang magaganap lalo pa’t nasa akin pa rin ang sumpa. Paano kung may dahilan siya kung bakit ayaw niyang sabihin sa yong ina ang tunay niyang nakita? Paano kung kabaliktaran pala ito sa kanyang naging hula?”
Hindi ko maiwasan ang mag-alala. Napahawak ako sa dibdib ko dahil gusto ko nang tangalin ang suot kong damit. Para na akong sinisilaban sa init ng aking katawan at pinagpapawisan na rin ako kahit malamig naman sa silid namin.
“Makapangyarihan na babaylan si Maliyah. Marami na siyang ginawa sa aming kaharian. Kahit wala siyang dugong Astral katulad ni Celestina. Malaki ang naging ambag niya upang maging maunlad at manalo sa digmaan ang Astral Kingdom. Ngunit pagdating sa pagbasa ng hinaharap. Naniniwala akong mahalaga pa rin ang kasalukuyan.” Sambit niya. Napunta sa tali ng damit ko ang kamay niya.
“X-xenos…gagawin ba talaga natin ito? Paano kung hindi ka lang magkaroon ng karamdaman? Paano kung—”
“Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan?” sambit niya. Binitawan ko ang kamay niyang pumipigil sa pagtangal niya ng tali ng damit ko.
“Gawin mo ang ‘yong nais.” Pagpayag ko. Napapikit ako nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang malambot na labi. Nalasahan ko pa ang mabangong amoy na galing sa ininom naming tsaa at ang matamis nitong lasa. Hangang sa tuluyang lumalim ang kanyang paghalik sa akin. Gumapang ang kanyang kamay sa aking kamay pa-akyat sa aking braso patungo sa damit ko na nagawa na niyang tangalan ng pagkakabuhol. At unti-unti niyang binaba sa balikat ko ang damit ko. Magkahalong kaba, pananabik at takot sa kung ano man ang magiging kahihinatnan ng gagawin naming dalawa. Gumapang ang kanyang halik sa aking leeg pababa sa aking balikat hangang sa unti-unti na niya akong inihiga sa malambot naming higaan. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya habang tinatangal din niya ang kanyang kasuotan. Sinuyod ko ng tingin ang kanyang kabuohan. Nakagat ko ang ibabang labi nang dumako ang aking paningin sa kanyang p*********i. Nag-iwas ako ng tingin at narinig ko ang mahinang tawa niya.
“Huwag kang matakot, hinanda ko na ang sarili ko. At sana nakahanda ka na rin.” Narinig kong sambit niya. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na siya. Kinabig niya ang baba ko at hinarap ako sa kanya. Sinalat niya ang suot kong maskara. At tumitig siya sa aking mga mata.
“Hindi ko na kaya pang pigilan ang aking sarili.” Mahinang bulong niya sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang pisngi at pagkatapos ay lumapit siya at inangkin ang aking labi. Nagpaubaya ako sa kanya at ipinagkatiwala ko sa kanya ang aking sarili.
Sana lamang walang mangyaring masama sa kanya pagkatapos ng gabing ito.
Napakapit ako sa kanyang balikat nang tuluyan niya akong angkinin. Tiniis ko ang nakakapigtal hininga na sakit nang maramdaman ko ang pagpasok niya. Ngunit naging maagap siyang pawiin ang kirot at walang sawang pinagsawa ang kanyang labi sa aking dibdib. Kumawala ang mahihinang ungol sa aming dalawa. Habang pinagbubuti niya ang pagbaon at paghagod sa magkahugpong naming katawan. Hangang sa ilang sandali pa ay kapwa namin narating ang sukdulan. Mabilis akong nilamon ng antok dahil sa matinding pagod kahit wala naman akong ginawa kundi ang lasapin ang pinaranas niyang sarap at ang huli ko na lamang naalala ay ang paghalik niya sa aking labi at ang pagyakap niya sa akin bago ako tuluyang nakatulog.