Ika-labing siyam na kabanata

1376 Words
ASYANA “Mahal na prinsesa, Asyana. Bumalik na po tayo sa Guenera. Kung susundan pa natin sila gamit ang kabayo baka hindi na rin natin alam kung saan ang tatahakin nilang daan pauwi ng Astral. Baka hanapin lang tayo ng Emperador.” Pigil sa akin ni Marcus. Halos hindi ko na sila matanaw dahil malayo na sila sa emperyo. Nakakapanghinayang lang dahil hindi ko man lang silan naabutan. “Tama ka, tayo na’t bumalik, Marcus.” Ani ko at pagkatapos ay tinahak ko na ang daan pabalik. Kahit nasa loob na ako ng emperyo ay nasa hawak na polceras pa rin ang isip ko. “Maari ko po bang itanong kung bakit naisipan niyong habulin si Prinsipe Xenos?” usisa niya sa akin sabay tingin sa nanghahaba kong labi. Napagod din ako sa tinakbo ko dahil sa layo. “Gusto ko siyang makausap, dahil dito.” Inilahad ko ang kamay ko at ipinakita ko sa kanya ang pulang polceras. “Teka? May suot si Prinsipe na ganyan hindi ba?” Tumango ako sa kanya. “Alam mo naman na nawala ang ala-ala ko hindi ba? At nang makita ko ito sa aking silid at mapansin kong katulad ito ng suot ni Prinsipe Xenos. Kaya nais kong malaman kung bakit meron din siya nito.” Kinuha niya sa akin ang polceras at hinayaan kong hawakan niya ito at pagmasdan pagkatapos ay tumingin siya sa akin. “Bakit?” usisa ko dahil sa mga tingin niya. “Imposible…” sambit niya na hindi ko maunawaan. Magsasalita pa sana ako ngunit nakita ko si ama at ina na papalapit sa akin. “Nandito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap.” Nakangiting wika ni ina. Napansin ni ama ang hawak ni Marcus. “Bakit nasayo yan?” nagtatakang tanong ni ama sa kanya. Inabot ito ni Marcus at kinuha naman ito ni ama. “Ama, alam niyo ba kung anong ibig sabihin ng bagay na yan? Kasi po may pakiramdam ako na may ibig sabihin ang polceras na yan at kung bakit yan ang suot ko nang bumalik ako dito.” Wika ko sa kanya. Nagkatinginan sila ni Marcus na parang may sinasabi sa isa’t-isa. “Kung hindi ako nagkakamali. Ito ang ipinagawa ni Prinsipe Xenos pagkarating niya dito. Siya mismo ang humulma ng gintong dragon na yan sa pagawaan natin ng sandata at ang alam ko nilagyan niya pa ito ng pangalan. Ngunit nang tanungin ko kung para kanino ay ngiti lang ang sinukli niya sa akin.” Salaysay ni Ama. Inilapit niya ito sa sulo at lumapit din ako nang silipin niya ito. Hindi ko yun napansin kanina. Ngunit nang makita ko ang maliliit na letra ng pangalan ay nagulat din ako. “Asya &Xenos?” sambit ko. Pati si ina ay nakisilip na rin at pati siya ay nagulat nang mabasa niya ito. “Ano pong ibig sabihin nito ama? At bakit ko suot ang bagay na yan nang bumalik ako dito?” naguguluhan na tanong ko sa kanya. “Isa lang ang paraan para masiguro natin kung ikaw nga ang tinutukoy na Asya na naka-ukit dito. At kung bakit nasayo ang polceras na ipinagawa ni Prinsipe Xenos para sa babaeng minamahal niya.” Nakaramdam ako ng kaba. Bumilis ang t***k ng aking puso sa aking narinig kay ama. Kaya ba simula nang makilala ko siya kanina ay ganun na lamang kung bakit palagi ko siyang na-iisip? “Prinsesa, nakalimutan mo na ba? Ilang beses namin kayong nakikita na magkasama ni Prinsipe Xenos noong maliliit pa kayo. Umiyak ka pa nga nang magpasyang bumalik ng kanyang ama sa Astral dahil hindi na kayo magkikita ulit. Nakalimutan mo na ba yun?” Natigilana ko sa sinabi ni Ina. At pinilit kong ma-alala ang mga nangyari noon. Napahawak ako sa aking sintido. “Anak…mabuti pa magpahinga ka muna. Huwag mong pilitin anak. Babalik din ang lahat ng alaala mo.” Nag-alalang turan ni Ina. Ipinahatid nila ako sa aking silid at nagpasya akong magpahinga. Hindi ko alam kung bakit kahit anong isip ko wala talaga akong maalala. Wala naman akong naging sugat sa ulo nang bumalik ako dito. Ipinikit ko ang aking mga mata. Huminga ako ng malalim upang matulungan ko ang aking isip na maka-alala ngunit wala pa rin. Hindi ko magawang makatulog kaya lumabas akong muli sa aking silid. Tapos na ang pagtitipon at sa tingin ko ay madaling araw na din. Mga pangabing bantay na lamang ang nasa labas. Nagtungo ako sa ilog kung saan ako palaging napunta noon. Mahina na ang ragasa ng tubig kaya hindi ko na halos marinig ang pagbagsak ng tubig sa talon. Umakyat ako sa malaking bato at pinagmasdan ang reflection ng buwan sa tubig. Kung nagkita na kami noon may posibilidad na may dahilan ang lahat ng ito. Ang polceras, ang nakaukit na pangalan dito at ang hindi maipaliwanag na nararamdaman ng aking puso. Suminghap ako at malalim na nagbuntong hininga. Pagkatapos ay bumalik na rin ako upang magpahinga. Kinabukasan ay naabutan ko si ama at ina kasama si Marcus at may pinag-uusapan sa bulwagan. “Ama, anong pinag-uusapan niyo?” usisa ko nang marinig kong sinambit ni ama. “Anak, inutusan ko si Marcus na magpunta sa Astral at pabalikin si Prinsipe Xenos dito.” Awang ang labi ko nang sabihin niya yun. Maski si ama ay hindi mapalagay at nais din ng kompirmasyon. “Ama, maaari po ba akong sumama? Alam kong kabaliwan ito ngunit nais kong ako mismo ang makaalam ng katotohanan. Hindi naging maayos ang tulog ko. Pakiramdam ko may hindi tamang nangyayari. Pakiramdam ko may nagdudugtong sa akin patungo sa kanya. At kung ano man yun nais kong malaman kaagad yun ama. Dahil kung pangalan ko man ang naka-ukit sa polceras na ito. Maaring ako ang kabiyak ng Prinsipe…at kung nandito ako ngayon…sino ang naroon? Sino ang babaeng naghihintay sa kanya?” Disidido kong tugon kay ama. Nagkatinginan sila ni Ina. “Anak, sigurado ka ba sa nais mo? Ngunit paano kung hindi pala ikaw? Paano kung magkamali lang pala tayo?” paniniguro ni ama. Napahawak ako sa aking polceras at pinakiramdaman ang malakas na pagtibok ng aking puso. “Kung hindi man ako, babalik ako kaagad dito. Pangako ama…ina…” Buong akala ko hindi papayag si ina at ama ngunit ngayon ay naghahanda na kami patungo sa Astral Kingdom. Makakasama ko si Marcus sa paglalakbay bukod sa tagapaglingkod at mandirigma. Upang masiguro ni ama ang aking kaligtasan. “Marcus, inihahabilin ko ang buhay ng aking anak sa mga kamay mo. Ibalik mo siya dito ng ligtas ayon sa naging pag-uusap natin.” Bilin ni ama sa kanya. “Opo, masusunod mahal na Emperador!” tugon niya dito. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Upang tulungan akong makasakay ng kabayo. Yun kasi ang hiniling ko kay ama. Ayokong sumakay sa karwahe dahil maiinip lang ako. Pagkasakay ko sa kabayo ay binalingan ko pa si ama at ina. “Huwag po kayong mag-alala. Babalik ako kaagad.” Nakangiting sambit ko. “Mag-iingat ka anak.” Iniyuko ko ang aking ulo. “Opo ina, ama.” Pagkatapos ay pinatakbo ko na ang kabayo. Palabas ng emperyo. Hindi ko alam kung ano ang inaasahan ko pagkatapos nito. Ngunit nais kong malaman ang sagot sa mga katanungan ko. At malalaman ko lang ito kapag nagkita na kami ni Prinsipe Xenos. “Mahal na prinsesa, paano kung ikaw nga ang babaeng iniibig ng prinsipe? Bakit hindi ka din niya maalala?” nagtatakang tanong niya sa akin. Yun din ang isa pa sa gumugulo sa isip ko. Dumadami ang mga tanong at hindi ko alam kung paano ko ito masasagot lahat. “Isa lang ang nasa isip ko Marcus…paano kung sinumpa pa ako noong magkakilala kami? Ibig sabihin hindi niya nakita ang aking mukha. At ibig sabihin, may naganap na hiwaga sa itim na bundok kung saan ako nagising na walang maalala.” Paliwanag ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. “Natatakot ako, natatakot akong tama ang iniisip ko. Natatakot ako na baka nga ako at ang babaeng tinutukoy niya ay iisa. Dahil kung magkagayon…sino ang babaeng nagpadala ng mensahe sa kanya?” Napahigpit ang hawak ko sa renda ng kabayo. Kailangan kong ihanda ang aking sarili sa kung ano man ang malalaman ko pagkarating ko doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD