Ika-labing pitong kabanata

1827 Words
ASYANA Kasalukuyan akong naghahanda para sa magaganap na pagtitipon mamaya nang pumasok si Ina sa aking silid. “Anak, nabalitaan ko ang nangyari kanina sa ilog. Bakit mo naman ginawa yun? Alam mo bang kakabalik mo lang sa amin? Paano kung napahamak ka?” bungad niya sa akin. Niyakap pa niya ako at ramdam ko ang pag-aalala niya. “Patawad Ina, hindi ko rin po alam kung bakit ko nagawa yun. Ngunit naalala ko kasi si Malyana. Noong maliliit pa kami ginagawa namin yun. Kakaunti lang ang natira sa alaala ko mula sa kanya. Kaya nang makita ko ang talon pakiramdam ko kasama ko siya ulit ina.” Pahayag ko sa kanya. Hinaplos niya ang mahaba kong buhok na ngayon ay makintab na dahil nilagyan nila ito ng special na langis. “Anak, isa ka nang dalagang prinsesa. Dapat hindi mo na ginagawa ang bagay na yun. Dapat kumilos ka ng akma sayong edad. Paano kung wala doon si Prinsipe Xenos? Pati ang ama mo ay nag-aalala sayo ng husto.” Ngumiti ako kay Ina. “Hindi na po mauulit, pangako.” Pinagmasdan niya ang kabuohan na suot ko at nakita ko sa kanyang mga mata ang paghanga. “Hindi maikakaila ang katayuan mo sa emperyo. Napakaganda mo anak.” Dinampot niya ang gintong tiara at yumuko ako ng bahagya para ma-ikabit niya ito. “Salamat ina.” Nagpaalam din si Ina dahil kailangan pa daw akong lagyan ng kolorete sa mukha. Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ko silang gawin kung ano man ang kanilang nais. “Tapos na po mahal na prinsesa.” Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. At maski ako ay nabighani sa aking kagandahan. Mas nagkaroon ng kulay ang aking mukha sa manipis na kolorete na inilagay nila. “Ngayon po ay isuot niyo na ang inyong sapatos dahil kanina pa po kayo ina-antay sa bulwagan ng Emperador kung nasaan ang pagtitipon.” Ani ni Lucresia. Inilabas ko ang aking paa sa laylayan at isinuot sa Magandang sapatos. Inalalayan niya akong tumayo at sinuot ko naman ang isa pa. “Nagagalak akong paglikuran ka mahal na prinsesa.” Nakangiting sabi ni Lucresia sa akin. “Patawarin mo ako sa inasal ko kanina.” Sambit ko. Umiling siya sa akin. “Nag-alala lang ako sa inyo. Pero siguradong si Marcus ang nagsuplong sa inyo sa inyong ama.” Napaisip ako nang sabihin niya yun. Siguro yun din ang papel ni Marcus kaya sinusundan niya ako. “Tayo na.” Marahan akong tumango at nauna siyang maglakad sa akin. Naging mabini ang paghakbang ko dahil sa suot kong sapatos. Bawat daanan ko na makakita sa akin ay nagbibigay galang at yumuyuko sa akin. Nang makarating ako sa labas ng bulwagan ay dinig ko na ang tradisyonal na musika. “Ang mahal na Prinsesa Asyana ay narito na! Magbigay galang ang lahat!” Narinig kong malakas na pahayag ng lalaking nasa tarangkahan. Unti-unting bumukas ang malaking pinto at nakita ko kung gaano kadami ang mga mahahalagang panauhin ni ama na kasama namin ngayon sa pagtitipon. Yumuko silang lahat sa pagdaan ko sa gitna nila. Ngunit isang lalaki ang umagaw ng aking atensyon. Ang makisig na si Prinsipe Xenos. Ang prinsipe ng Astral kingdom. Ang magiting na sumabak sa digmaan laban sa Yastreo Kingdom. Ay nakatingin din sa akin na parang may nais siyang ipahiwatig. Napako ang tingin namin sa isa’t-isa na parang kami lang ang nandito sa bulwagan na dalawa. Ano kaya ang iniisip niya? At bakit kaya simula kanina nang magkita kaming dalawa ay hindi na rin siya maalis sa isip ko. Ang maamo niyang mukha, ang kanyang boses, ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala. Ngunit inalam pa niya ang pangalan ko kay Marcus. Dahil sa pagtitigan naming dalawa namalayan ko na lamang nasa harapan na ako nila ama at nasa kanan naman siya nito. “Aking anak, mabuti dumating ka na. Nais kitang pormal na ipakilala sa ating mga nasasakupan kabilang na ang mga mahahalagang tao na kasama kong mamuno sa dito sa emperyo ng Guenera.” masayang sabi ni ama na halatang nakainom na rin ng alak. Inabot ko ang nakalahad niyang kamay. At hinarap niya ako sa mga tao. “Ngayong gabi! Nais kong ipakilala sa inyo! Ang isa sa prinsesa ng Emperyo! Aking pinakamamahal na anak—si Prinsesa Asyana!” paghahayag ni ama. Ngumiti ako sa kanila at inilibot ko ang aking paningin. Yumuko silang muli sa akin. Pagkatapos ay bumaling naman siya kay Prinsepe Xenos. “Anak, nais kitang ipakilala ng kay Prinsipe Xenos. Ang magiting na prinsipe ng Astral Kingdom.” Wika ni ama. Lumapit siya sa akin at nagbigay galang. “Mahal na prinsesa, Asyana. Paumanhin sa naging asal ko kanina. Hindi ko alam na nakabalik na pala ang prinsesa ng Emperyo.” Ngumiti ako sa kanya. “Walang anuman, ikinagagalak din kitang makilala. Salamat sa ginawa mo para sa Emperyo. Nararapat lang na bigyan ka ng malaking pabuya ni Ama.” “Oo nga Prinsepe Xenos. Kagaya ng ipinangako ko sa’yo. Pauuwiin ko na ang mga taga astral na matagal nang nalilingkod dito sa emperyo. At magbibigay din ako ng mga kagamitan na pandigma pati na rin mga kabayo.” Masayang sabi ni ama sa kanya. “Maraming salamat Emperador. Ngunit nais ko na sanang bumalik ngayong gabi sa Astral Kingdom.” Wika niya na naghatid ng lungkot sa akin. “Bakit? Nag-uumpisa pa lamang ang piging. At hinahanda pa namin ang mga dadalhin niyo pabalik sa inyong kaharian. Bukod doon, bakit hindi muna kayo mag-usap ng aking anak?” wika ni ama na ikinapagtaka ko. Ngunit umiling si Prinsipe Xenos. “Ikinalulungkot ko, ngunit…may babaeng naghihintay sa akin sa Astral. Ang aking kabiyak na Prinsesa.” saad niya na ikinatitig ko sa kanya. Bakit pakiramdam ko nanghihinayang ako nang malaman kong may kabiyak na siyang naghihintay sa kanya. “Ganun ba? Puwede ka bang manatili muna dito kahit ilang oras. Para mapabilis namin ang paghahanda sa mga ipinangako ko sayong pabuya?” suhestion ni ama na ikinatango niya. “Masusunod, Emperador.” Sagot niya kay ama. Naupo kami sa mga kanya-kanya naming upuan at pinanuod namin ang mga nagbibigay aliw na babae sa gitna ng bulwagan. Nakaramdam ako ng antok kaya nagpaalam ako kay ina na maglalakad-lakad muna sa labas. Bumalik muna ako sa talon at nagpalakad-lakad. Abala kasi ang isip ko sa maraming bagay. Lalo na sa mga bagay na hindi ko maalala. “Ano bang meron sa talon na ito? Bakit palagi kang nagpupunta dito mahal na prinsesa?” Napalingon ako sa pamilyar niyang tinig. “Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Paumanhin kung sinundan kita. May nais lang akong malaman.” Sambit niya. Lumapit siya sa akin at halos isang dipa na lamang ang layo namin sa isa’t-isa. “Ang kilos mo, ang mga mata mo, at ang inyong labi. Kanina ko pa ito iniisip ngunit…pati ang pangalan mo. Kapareho ng aking asawa.” Sambit niya na hindi ko inasahan na maririnig sa kanya. “Ano ang ibig mong sabihin—” “Mahal na Prinsipe!” Napatingin ako sa lalaking lumapit sa kanya. “Cyrus, mabuti at dumating ka. Anong balita sa palasyo? Anong balita sa asawa ko?” tanong niya dito. “Maayos naman po ang kanyang kalagayan. Sa katunayan ay may pinapaabot siyang sulat sa inyo.” Nakangiting sabi nito. Tinangap niya ang sulat na ibinigay nito at binuksan pa niya upang basahin sa harapan ko. Sumilay ang kanyang ngiti sa labi at napabaling ako ng tingin sa talon dahil hindi ko nagustuhan ang nakikita kong pagkasabik sa kanyang mga mata. Napaka-palad ng kanyang napangasawa dahil nakikita kong mahal na mahal niya ito. “Cyrus, ikaw na ang bahalang ihanda lahat ng kakailanganin natin sa pag-alis. Magpapaalam ako sa Emperador.” Narinig kong utos niya. “Masusunod mahal na prinsipe.” Muli akong bumaling sa kanya ng tingin. “Salamat sa pagligtas mo sa akin kanina. Minsan talaga hindi maiwasan na magkaroon ka ng katulad na pangalan o bahagi ng mukha. Ngunit kung nasa Astral ang iyong kabiyak. Wala ka na dapat na isipin pa. Mag-iingat ka sa paglalakbay mo.” Hindi ko na siya hinayaan na magsalita at tinalikuran ko na siya. Hindi na ako bumalik sa piging at nagpatuloy na lamang ako sa aking silid. “Mahal na prinsesa? Bakit ganyan ang iyong mukha? Hindi mo ba papanuorin ang pailaw ng inyong ama? Napakaganda noon at minsan lang ito maganap sa buong palasyo.” pahayag ni Lucresia nang madatnan niya akong naka-upo sa upuan at nagsasalin ng tsaa. “Nawalan na ako ng gana.” Malungkot na saad ko. Naalala ko na naman ang mahal na Prinsipe. Ang mga sinabi niya sa akin kanina. Tumayo ako at nilapitan ang malaking salamin. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Sabi niya may pagkakahawig daw ako ng kanyang kabiyak. Ang mga mata ko ang labi ko pati na rin ang aking pangalan. Nakikita niya kaya sa akin ang itsura ng kanyang minamahal? O baka naman nakakaranas lang siya ng pananabik kaya niya nasasabi yun? Bukod doon halata naman na nakainom na rin siya. Napagkamalan lang siguro niya akong asawa niya dahil sa pagkasabik na makita itong muli. Napadako ang mga mata ko sa damit at polceras na nasa ibabaw ng aking cabinet. “Lucresia? Yun ang suot ko nang bumalik ako dito hindi ba?” tanong ko sa kanya. Nilapitan niya ito at kinuha ang polceras. “Opo, ang ganda nga nito. Saan niyo po ito kinuha?” nagtatakang tanong niya. Kinuha ko mula sa kamay niya ang polceras at isinuot sa aking kamay. Hangang sa naalala kong katulad ito ng polceras na suot ni Xenos kanina. Kaya pala pamilyar sa akin. “Lucresia? Sa tingin mo? May katulad kaya ito sa buong emperyo?” Sandali siyang napaisip. At tinignang muli ang akng polceras. “Sa tingin ko hindi ordinaryong tao lamang ang magkakaroon ng ganito kaganda at kamahal na polceras. Bakit mo naitanong?” usisa niya. Kung si Xenos na lamang kaya ang tanungin ko? “Prinsesa! Saan ka pupunta?!” tawag niya sa akin nang magmadali akong tumakbo palabas ng aking silid. Kailangan kong malaman kung saan niya nakuha ang polceras! “Babalik din ako!” malakas na sigaw ko sa kanya. Nagmadali akong tumakbo pababa ng mahabang hagdan patungo sa pasilyo at palabas. Naririnig ko pa ang malakas na boses ni Lucresia. Mamaya na lamang ako hihingi ng tawad sa kanya. “Marcus!” tawag ko sa kanya nang makita ko siya. “Mahal na prinsesa? Bakit ka tumatakbo?” nagtatakang tanong niya sa akin. Huminga muna ako dahil napagod ako sa ginawa ko. “S-si Prinsipe Xenos? Asan siya?” “Nakalabas na sila ng palasyo at pabalik—sandali! Prinsesa!” tawag niya sa akin nang tumakbo akong muli. Kailangan ko siyang mahabol! Kailangan kong malaman kung bakit pareho kami ng polceras. Kailangan ko siyang makausap kahit sa huling pagkakataon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD