Ika-labinlimang limang kabanata

1054 Words
ASYA Mabigat ang talukap na idinilat ko ang aking mga mata. Inilibot ko ang aking paningin at hindi pamilyar na lugar ang bumungad sa akin. “Mabuti naman at gising ka na.” Nabaling ang aking tingin sa bumukas na sira-sirang kurtina. Pumasok ang isang matandang babae at may dala siyang sulyaw. Sinubukan kong bumangon ngunit napangiwi ako nang maramdaman ang sakit ng dibdib ko. “Huwang mong pilitin hija, baka makasama sayo kung pipilitin mong kumilos. Sa kabila ng dinanas mo sa mahiwagang puting kuweba.” Narinig kong sambit niya. Napahawak ako sa aking ulo dahil saka pa lamang ako napapaiisip kung nasaan ako. “Anong ginagawa ko dito? P-paano ako napadpad dito?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ilas oras na akong tulog dito at bukod doon ay wala akong malinaw na maalala na kahit ano. “Hindi ko rin alam kung bakit ka naririto. Natagpuan kitang palutang-lutang sa mahiwagang tubig doon sa kuweba. Akala ko nga patay ka na. Ano ba ang nangyari sayo?” Usisa niya. “Palutang-lutang? Mahiwagang tubig? Kuweba? Hindi ko po kayo maunawaan.” Naguguluhan na tanong ko sa kanya. “Anong pangalan mo? Saan ka nangaling? At paano ka napunta dito sa itim na bundok?” sunod-sunod niya muling tanong sa akin. “A-ako? A-asyana, yun ang pangalan ko. At nakatira ako sa Guenera Kingdom.” “Asyana? Paanong? Huwag mong sabihin na ikaw ang anak ng Emperador?” gulat na tanong niya sa akin. “Opo, ako nga.” sagot ko. Sa ngayon yun ang malinaw na naiisip ko. Lumuhod siya sa harapan ko at hindi ko inaasahan. “Mahal na Prinsesa…ako ito. Ang dating tagapaglingkod ng Emperyo. Hindi ko akalain na makikita kita sa ganitong kalagayan. Kung ganun? Wala na ang sumpa?” bulalas niya. Napahawak ako sa aking mukha. At wala na itong maskara. Ang huli kong naalala ay pinasuot kami nito ni Ama matapos kaming isumpa ni Malyana ng babaylan na si Selsa. At pagkatapos ay nagpasya si ama na ilayo kami sa emperyo dahil sa panganib na dala ng sumpa. Ngunit nagkalayo kami ni Malyana dahil may masasamang loob na humarang sa amin sa paglalakbay sana patungo sa dulo ng emperyo upang doon pansamantalang manirahan hangang hindi pa natatapos ang sumpa… at ngayon…malalaki na kami…ngunit anong nangyari sa akin? Anong nangyari kay Malyana? Malaking bahagi ng aking pagkatao ang hindi ko maalala. “Ngunit paano mo mapapatunayan na ikaw nga si Prinsesa Asyana? Ang lahat ng tao sa emperyo ay naniniwalang wala na kayong dalawa.” Itinaas ko ang aking kamay at inikot ko upang ipakita sa kanya ang aking pulsuhan. “Sapat na ba itong katunayan?” Nanlaki ang mata niya nang lumiwanag ang puting marka ng buwan sa aking pulsuhan. Katunayan ito na ako ang isa sa kambal na prinsesa ng Guenerra Kingdom dahil minana pa naman ito sa aming ina. “Ngunit, hindi ko alam kung saan ako nangaling. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa sinasabi mong kuweba. Naguguluhan pa rin ako dahil wala akong maalala bukod sa pagiging prinsesa ng emperyo.” Pahayag ko sa kanya. “Mahal na prinsesa, ang mahiwagang tubig sa puting kuweba ay may kakayahan na buhayin at pagalingin ang sino mang makakainom ng tubig nito. Ngunit may kapalit din ito. Maaring yun ang naging dahilan kung bakit ka nabuhay kung ano man ang nangyari sayo sa kuweba. Ngunit sana, maalala mo din kung ano ang nangyari sayo bago ka mapadpad sa lugar na ito.” Pagkatapos ng pag-uusap naming dalawa at pinagpahinga niya muna ako dahil bukas daw kami pupunta sa Guenera. Ngunit hindi na ako madalaw ng antok. Narinig kong siyang nagsisiga ng malakas na apoy sa labas. At madilim na rin dahil wala nang tumatagos sa liwanag sa maliit na kubo na tirahan niya. “Mahal na prinsesa, tamang-tama nagluto ako ng inihaw na kamote baka magustuhan mo.” Nakangiting sambit niya. Inabot niya sa akin ang dalawang piraso ng mainit na kamote nakalagay pa ito sa dahon ng saging. Upang hindi ako mapaso. Naupo ako sa putol na kahoy sa tapat ng naglalagablab na apoy kaya naparam ang lamig na nararamdaman ko. “Kanina ko pa nais itanong ang pangalan niyo. At bakit hindi na kayo nagsisilbi sa Guenera? Bakit kayo nandito?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Kasama ako sa tagapaglingkod na magdadala sa inyo sa palasyo sa dulo ng Guenera…ngunit nakatakas ako kaya hindi ako napaslang ng mga bandido na sumugod sa atin. Ngunit hindi na rin ako nagtangka pang bumalik matapos ang nangyari. Dito ako namuhay sa itim na bundok, at may nakatira din sa likuran ng bundok na ito noon.’ Napabaling ako sa kanya nang sabihin niya yun. “Nasaan na sila?” “Sa pagkaka-alam ko namayapa na ang babaeng yun. Yung kasama niyang bata na palaging may takip ang mukha. Hindi ko na rin nakita.” Paliwanag niya sa akin. Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na ako sa kanya upang magpahinga. Kinabukasan paglabas ko ng kubo ay nadatnan ko siyang kinukundisyon ang isang kabayo. “Paumanhin prinsesa, ngunit hindi na kita masasamahan pa.” Inabutan niya ako ng papel at nang buksan ko ito ay larawan ng emperyo at ang babagtasin kong daan patungo doon. “Ngunit paano ka? Iniligtas mo ako kaya dapat lang na sumama ka sa akin.” “Hindi na mahal na prinsesa, matanda na ako. Nasa dapit hapon na ako ng buhay ko. At nararamdaman ko na malapit na rin akong mawala. Ngunit…masaya ako dahil nalaman kong buhay ka…” nangingilid ang luha na sambit niya. Hinawakan ko ang kanyang kamay. “Ipapasundo ko po kayo dito. Hindi ako papayag na dito kayo abutan ng kamatayan. Kayo ay may dugong Guenerian. Kaya nararapat lang na makabalik ka sa kaharian.” Niyakap ko siya bago ako magpaalam. Sumakay ako sa kabayo at mabilis na pinatakbo ito palabas ng itim na bundok. Lumingon pa ako bago ko ipinagpatuloy ang aking paglalakbay. Patungo sa aking tahanan kung saan ako nagmula. “Hiyahhh!” Ama, Ina…andito na ako…wala na sa akin ang sumpa ng babaylan…ma-aari na akong bumalik sa emperyo. Kikilalanin niyo pa kaya ang pagbabalik ko? O itataboy niyo pa rin ako gaya ng dati? Malyana, nasaan ka na? Nakabalik ka na kaya sa emperyo? Nais na kitang makita…ang pinakamamahal kong kakambal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD