THIRD PERSON POINT OF VIEW
“Malalim na ang gabi ngunit nagdadasal ka pa rin.”
Unti-unting idinilat ni Maliyah ang kanyang mga mata. Nakaluhod siya sa harapan ng altar at bumibigkas ng makapangyarihang dasal.
“Ginagawa mo ba yan upang hindi matuluyan si Prinsipe Xenos? O para hindi magbunga ang gabi ng pagniniig nilang dalawa?” tanong ni Emma sa kanya na isa ding babaylan. Napalingon si Maliyah sa kanya ngunit hindi niya ipinakita ang kanyang mukha at natatakpan pa rin ito ng itim na tela.
“Manahimik ka, anumang lumabas sa bibig mo tungkol sa Prinsipe Xenos at Prinsesa Asya ay magiging mitsa ng katapusan ng iyong buhay. Nakalimutan mo na ba ang hula ko sayong hinaharap?” seryosong banta ni Maliyah sa kanya.
“P-paumanin, nais ko lang malaman kung bakit nandito ka pa rin kaysa magpahinga.” Usisa nitong muli sa kanya.
Dahan-dahan siyang tumayo at lumakad palabas ng templo. Sumunod sa kanya si Emma. Mula sa kanyang kinatatayuan at kitang-kita niya kung saan nanunuluyan ang Prinsipe at ang Prinsesa na ngayon ay ginagampanan ang pagiging mag-asawa.
Sa itaas ng bubong nito at nababalot ang isang itim na mahika. Ang mahika na kanina pa niya nilikha upang pigilan ang sumpa sa pagdaloy sa katawan ng Prinsipe at mailigtas ito sa tiyak na kamatayan. Ang Prinsipe na simula pagkabata ay lihim na niyang iniibig.
Kinuha niya ang puting tela at idinampi sa kanyang ilong dahil naramdaman niya ang pagdaloy ng dugo mula dito.
“Maliyah…kung mahal mo siya bakit hinayaan mo siyang makasal sa babaeng yun?”
Umapoy ang tela na hawak niya at binitawan niya ito sa lupa.
“Kahit isa akong makapangyarihang babaylan. Hindi ko maaring baliin ang nakatakda. Alam mo ang bagay na yan Emma.” giit niya dito.
“Oo, pero may magagawa ka hindi ba?”
Muling bumalik ang tingin ni Maliyah sa malaking bahay. Maraming beses niyang sinubukan na pigilan ang pagtatagpo ng dalawa. Ngunit hindi niya kayang baguhin ang puso ng minamahal niya. Lalo pa’t nakalaan ito kay Asya.
“Gustuhin ko man pigilan ang kanyang paghinga ganun din ang mangyayari sa akin, Emma. Ang buhay niya…ay buhay ko din.” Sambit niya. Tumakas ang luha sa kanyang mga mata.
“Maliyah…”
“Kailangan ko nang magpahinga.”
Sambit nito nang tuluyan siyang talikuran ni Maliyah upang magpahinga. Napatingin si Emma sa itim na usok na gawa ni Maliyah. At naiiling na sumunod ito sa kanya.
Nang magising si Asya ay malapit nang sumilay ang liwanag. Akmang tatayo na siya ngunit nakayakap sa hubad niyang katawan ang matipunong braso ni Xenos.
Nilingon niya ito at tinitigan ang mukha nito. Hindi niya maramdaman ang init sa katawan nito. Ngunit malaki pa din ang kanyang nararamdaman na takot kung magigising pa ba ito o hindi na.
“Xenos…” sambit niya.
Unti-unting dumilat ang mga mata nito.
“Bakit mahal ko? Nagugutom ka na ba?” tanong niya sa akin. Umiling ako sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang pisngi.
“Ang sumpa…” sambit niya. Buhay si Xenos ibig sabihin maaring wala nang bisa ang sumpa.
Umasa siyang mawawala ito dahil sa nangyari sa kanila kagabi ngunit paano niya malalaman kung hindi niya susubukan.
Bumangon siya at ibinalot ang puting kumot sa kanyang hubad pa rin na katawan. Nakakita siya ng puting ibon sa bintana.
“Maari ka bang pumikit sandali?” utos niya sa kanya na ngayon ay nakaupo na sa gilid ng higaan. Bumaba siya at nagtungo sa ibon. Kinapa niya ang tali sa likod ng kanyang maskara at tuluyan niya itong hinubad. Ngunit ganun na lang ang dismaya niya nang unti-unti itong naglaho at nilipad ng hangin ang mga ang mga abo nito. Binalik niya ang maskara sa kanyang mukha at tahimik na umiyak dahil sa kawalan ng pag-asa.
Naramdaman niya ang kamay ni Xenos humaplos sa kanyang braso mula sa likuran hangang sa tuluyan siyang yakapin nito.
“Huwag kang mamadali, Asya…mahahanap din natin ang lunas sa sumpa.” Sambit nito sa kanya.
“Kailan pa, Xenos? Paano kung hindi?”
Hinarap siya nito at hinawakan ang dalawa niyang kamay.
“Mahaba pa ang isang taon, Asya. Marami pa tayong magagawa.”
Kinabig siya nito at niyakap.
Ito ang unang beses na nakita ni Xenos kung paano naglaho ang ibon na nakakita sa mukha ni Asya. At nakumbinsi siyang hindi pag-ibig ang mag-aalis sa sumpa. Ngunit hindi siya titigil hanga’t hindi naalis ang sumpa.
“Prinsipe Xenos, pinapatawag kayo ng hari sa bulwagan ng paglilitis. Naroon ang natitirang bihag na nagtangka sa buhay ng mahal na prinsesa.” Pahayag ni Cyrus sa kanila. Kakalabas lang nila ng silid at nakakain na rin sila at nakapagsuot ng maayos na kasuotan.
“Susunod ako sa paglilitis.” Wika ni Xenos sa kanya at nagpaalam ito kay Asya.
Naiwan si Asya sa labas ng kanilang tahanan. Pinagmasdan niya ang malagong taniman ng mga bulaklak at natuwa siya dahil buhay na buhay ito at dinarayo pa ng mga paru-paru. Naaliw siya sa kakatingin sa magagandang bulaklak hangang sa matanaw niya si Maliyah. Nilingon niya ang dalawang babae na tagapaglingkod.
“Kakausapin ko lang siya sandali, manatili kayo dito.” Bilin niya. Yumuko ito at pinahintulutan siyang lapitan si Maliyah na nag-iisa lamang na naglalakad.
“Maliyah…”
Narinig ni Maliyah ang pagtawag ni Asya sa kanya kaya tumigil siya sa paglakad at hinintay na makalapit ito sa kanya.
“Mahal na Prinsesa, anong maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong niya dito nang dalawang dip ana lamang ang layo nito sa kanya.
“May nais akong malaman, ngunit hindi ito ang tamang lugar. Maaari ba kitang dalawin sa templo?”
Nag-angat siya ng tingin upang salubungin ang tingin nito sa kanya.
“Kahit kailan mo nais, ikinagagalak kong paglingkuran ka. Ngunit, tungkol saan ang nais mong malaman?” usisa niya.
“Tungkol sa sumpa.”
Napasinghap si Maliyah sa narinig sa mula sa kanya.
“Sumpa? Anong sumpa ang tinutukoy mo?”
Naglakas loob na sabihin ni Asya ang tungkol sa sumpa dahil alam niyang may itinatago ito sa kanya. At kasinungalingan lang ang sinabi nito sa Reyna.
“Alam kong, alam mo ang tungkol sa sumpa sa akin. Maaring mo ba akong matulungan na matagpuan ang gumawa nito? O maari mo ba akong tulungan upang mapawalang bisa ang sumpa?” paki-usap niya sa babaylan. Naniniwala siyang malakas ang kapangyarihan nito at baka ito pa ang makatulong sa kanya upang mawala ang sumpa.
“Magpunta ka mamayang gabi sa templo. Kung iyong mamarapatin. Ma-aari na ba akong umalis?” nagmamadaling tanong niya upang maiwasan ito.
“Oo, salamat Maliyah.” Pagpayag niya. Yumuko ito sa kanya at sinundan niya ng tingin ang papalayong likod nito hangang sa tuluyan itong mawala sa paningin niya.
“Prinsesa? Anong ginagawa mo?” Usisa ni Xenos nang makabalik ito kaagad.
“Anong nangyari sa paglilitis? Bakit bumalik ka kaagad?”
Sumeryoso ang mukha ni Xenos kaya nabahala si Asya.
“Wala na siyang buhay nang makarating kami sa piitan. Pinili niyang magpatiwakal upang hindi siya malitis. At hindi namin malaman kung sino ang nag-utos na paslangin ka.” Paliwanag ni Xenos sa kanya.
“Nagpatiwakal? Paano?” naguguluhan na tanong ni Asya sa kanya.
“Kumain siya ng lason, nakita nila ang ilang mga binalot ng dahon sa bulsa nito. At nalaman namin na isa itong uri ng lason.”
Napabuntong hininga si Asya dahil sa kanyang narinig.
“Ibig sabihin, hindi na natin malalaman kung sino ang may pakana ng lahat.”
Kinabig siya nito at niyakap.
“Hanga’t naririto ka sa Astral Kingdom. Po-protektahan kita, Asya. Kahit kapalit ang aking buhay.” Sambit nito sa kanya.
Sa hindi kalayuan ay mapait na pinapanuod ni Maliyah kung paano magpakita ng pagmamahal ang prinsipe na kanyang iniibig sa babaeng na kadugtong ng kanyang buhay.
Napakuyom siya sa kanyang kamao. Habang pinagmamasdan ang dalawa at pinigilan ang kanyang emosyon.
“Ang magiging Reyna ng Astral Kingdom. Ay walang iba kundi ako Asya. Ako lamang at wala nang iba. Ikaw ang babago sa ‘yong hinaharap. At ako ang papalit sa yong trono bilang prinsesa ng Astral Kingdom.” Mahinang sambit niya bago siya tumalikod upang bumalik sa templo.