They did treat each other in a civil way. Ginawa ni Kristoff ang trabaho niya gaya ng dati. Si Olivia naman. Nagbago ang pakikitungo niya sa lalaki. Kung dati ay hilig niyang inisin ang binata, ngayon ay naging tahimik ito.
"Paris, take me to the nearest mall." utos ni Olivia kay Paris.
Hindi niya magawang tingnan man lang ang tabi niya kung saan nakaupo si Kristoff.
"Sige, Ma'am." sabi ni Paris at walang imik na nag-drive.
Siguro ay nararamdaman nitong may tensyon mula noong bumalik sila mula sa klase ng dalaga.
Bumulahaw ang tunog ng tawag mula sa cellphone ni Kristoff. Sinilip ito ni Olivia at tanging letter A lang ang pangalan nito. Tiningnan siya ni Kristoff kaya naman nag-iwas siya ng tingin at bumaling na lamang sa sariling cellphone.
Akala niya ay sasagutin ito ni Kristoff pero nagawang i-cancel noon ang tawag. Binalingan ng binata si Paris at nagsalita.
"Itigil mo sa sakayan ng taxi, Paris. May pupuntahan lang ako saglit." utos ni Kristoff.
Nagkatinginan sila ni Paris sa rear view mirror. Ramdam na ramdam ni Olivia ang pagmamadali sa boses nito.
"Bakit? Aalis ka? Papaano si Ma'am?" tanong ni Paris.
Tumaas ang kilay ni Olivia sa sinabi ni Paris. Anong paano siya? Kung iba ang makakarinig noon, ang iisipin ay may namumuong kung ano sa kanila.
"Hayaan mo." sagot ni Olivia kay Paris.
Nagkatinginan silang dalawa ni Kristoff pero pinanatili niyang matigas ang aking mukha. Tumango na lang si Olivia para sabihing okay lang.
"I'll meet you in the mall in thirty minutes. Paris, keep me in the line. Okay? Take care." bilin ni Kristoff at binuksan ang pintuan para makaalis doon.
Nang makababa na ay tiningnan ni Olivia muli ang cellphone.
'Ano naman kaya ang nakain ng isang iyon at himalang umalis para sa ibang bagay?' Isip niya.
Kadalasan eh halos maging isa na lang sila ni Kristoff sa kadidikit nito at pagiging paranoid. Kaya kataka-taka na ganito ang inaasal. Well, sabagay... Ano ga ba ang pakialam niya? Hindi ba malinaw na sinabi niya sa binata na huwag na huwag siyang ituring na kaibigan? Kung hindi boss lamang at empleyado.
Tumuloy sila ni Paris sa mall. Hindi man niya ipakita, pansin naman ng binata na sobra ang itinamlay ni Olivia simula ng bumaba si Kristoff.
"Uy, girl! Over here!" sigaw ni Dani, tila hindi nahihiya sa mga nagtitinginang tao.
Ngumisi si Olivia at sumakay sa escalator.para marating ang kaibigan. Natanaw din niya sa kalapit na food stall si Brent kasama si Clarence Cho na panay ang pa-picture ng mga tao na nakakakilala sa kamya bilang player ng UAAP.
Napalingon sina Brent sa banda nila kaya tinapik nito si Clarence. Kumaway ito kay Olivia, na sinuklian laman niya ng tipid na ngisi.
"So, you set me up?" tanong niya kay Dani.
Alam niya ang ginagawa nito, she always said no to Clarence.
Humalakhak si Dani sa sinabi ni Olivia. She knew something's fishy when she texted her to hang out. She never did that. She's the type would go in her house, drag her outside and go berserk when she said no.
"No. More like, Brent set you up! Sino ba naman ako para tumanggi sa boyfriend ko?" tanong niya.
Umiling si Olivia. Well, she might enjoy this. Mukhang enjoy si Kristoff sa pinuntahan niya na nagawa pa siyang iwan habang duty siya.
"Well, let's go?" tanong niya kay Dani.
Lumapit sina Clarence sa kanila.
He smiled widely at her.
"Hi, I thought you're busy?" tanong ng lalaki sa kaniya.
"Akala ko rin, eh?" tanong niya at sinamahan pa ng plastic na tawa.
Tumungo sila sa isang restaurant para kumain. Clarence Cho is infact a fun date. Medyo nakalimutan ni Olivia ang inis niya kay Kristoff dahil dito.
"Movies? Treat ko." sabi ni Clarence.
Humalakhak si Brent.
"Bro, pabibo ka ah? Type na type mo?" walang hiyang tanong ni Brent na akala mo ay hindi niya naririnig.
"Sobra." Clarence answered.
Natigilan siya sa ginagawa dahil sa sinabi ni Clarence. Well, okay... Sanay siya but it felt awkward ngayong naririnig niya.
Hinigit siya si Dani para bulungan.
"So? What do you think about Clarence?" tanong niya.
"Huh? He's..... Uh, fine?" nangangapa niyang sagot.
"That's it? Walang sparks ng sinabi niya iyon or whatsoever?"
Umiling siya.
She knows what she meant. She felt that spark, pero hindi kay Clarence.
It was the day when Kristoff hugged her and when he said he wants her to live. It was so strong that moment that she can't even deny.
Feeling niya, crush niya ang sundalo kaya ganito siya kairitado ng hindi nito siya masamahan sa mall. Even that "A" is more important that his duty.
Mabilis ang lakad nila papunta sa sinehan. Mahaba ang pila sa isang action film na palabas.
"Chicklit tayo?" sabi ni Clarence, especially sa kaniya.
"What the heck, bro! Are you gay? Doon tayo sa action film. Jackie Chan's too lit." reklamo ni Brent.
"Shut up, Brent. I will pay, so I will decide." sabi ni Clarence.
"Boring talaga ng mga in love." he remarked and caressed Dani's shoulder.
They went to see a romantic film. Halos hindi siya maka-focus sa pinanonood because she is thinking of her bodyguards. Nilibre din kasi sila ni Clarence at nakaupo lang sila malapit sa kanila.
"Clarence, I need to pee. I will excuse myself." sabi niya sa binata.
Hindi na siya naghintay pa sa sagot nito.
Tumungo siya sa toilet para makahinga. Nakita niya sa salamin ang mukha niyang parang pinagsakluban ng langit at lupa.
Kanina pa siyang 'di mapalagay. Sabi ni Kristoff, hindi siya magtatagal at susunod din siya. Two hours oras na silang nasa mall at wala pa rin. Hindi kaya nabaril na naman 'to?
Kinuha niya ang cellphone at agad na nagtipa ng mensahe. Nang matapos ang pagta-type ay hindi naman niya magawang i-send iyon.
Gusto na niyang untugin ang sarili sa wall tiles. Agad niyang hinugasan ang mukha at lumabas agad ng toilet. Nakita niyang naroon na si Clarence at nakasandal sa pintuan. Ang ilang babae ay napapatingin sa kaniya at nagbubulungan. May ilang nagpapa-picture na agad niyang hindi pinansin nang makita si Olivia.
"Tapos na ba?" tanong ni Olivia rito.
"Ah, hindi pa. Ni-check kita rito kasi ang tagal mo." anito.
"May mga bodyguards naman ako. You don't need to check on me at baka naiistorbo pa kita." sabi niya kay Clarence.
Ngumiti ang lalaki. Lalong nawala ang mga mata nito ng gawin niyo iyon.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ko naman gusto ang palabas na iyon. Mas mahalaga ka." sabi ni Clarence.
Hindi niya magawang mangiti. Nang sinubukan niya, nagmukha lamang iyong peke kaya agad din niyang binawi.
Pabalik pa lang sa loob ng sinehan ay nakita niya ang humahangos na lalaki papunta sa hindi kalayuan movie ticket booth. Bumunot ito ng kaniyang wallet at agad na inabot sa babaeng halos lumuwa na ang mata katitingin dito.
"Do you know him?" tanong ni Clarence sa kaniya.
Ramdam ni Olivia ang palad ni Clarence sa kaniyang baywag na tila ginigiya siya papasok.
Tumango si Olivia. Sakto namang nagkatinginan sila ni Kristoff. Bumaba ang tingin ng mga binata sa kaniyang baywang kung saan maglalagi ang mga kamay nito.
Mabilis itong tumungo sa kanila. Nakapamulsa, ay kita na ang kakisigan nito.
"Stop touching her." sabi ni Kristoff.
Tumaas ang kilay ni Clarence doon. Tinanggal niya ang kamay dito pero matigas pa rin ang ekspresyon.
"At sino ka para sabihin ito sa akin?" tanong ni Clarence.
"I'm her bodyguard. The squad's captain to be exact." mayabang na sagot ni Kristoff at agad agad ay nilagay sa likuran si Olivia para ilayo kay Clarence.
Tiningnan naman siya ni Clarence. Kita nito ang pagsusumamo na sumama sa kaniya pero ayaw niyang tugunan iyon. Sa kaniyang isip, ay naging panatag siya ng makita ang lalaki na humahangos sa ticket booth.
"Uh, Clarence? I'm sorry, but I am coming with him. My Dad and Senator would kill me if I did not." sabi niya sa apologetic na tono.
Nagkibit balikat naman ang lalaki at agad na bumalik sa loob ng sinehan. Matapos iyon ay naging tahimik sila. Umalis si Kristoff para lumabas.
Agad na nainis doon si Olivia sa pag-aakalang aalis na naman ito. Pero nagulat siya ng pumila ito sa popcorn at bumili pa ng dalawang soda.
Nagkatinginan sila. Maingay ang dibdib niya habang nakatingin sa lalaki. If this is another girl, for sure this would look like a date. But she knows that he's only here because it's his job.
"I hate to tell you this, but can you hold your soda? Ilalagay ko lang ang wallet ko sa bulsa." anito
.
Nagkukumahog namang kinuha ni Olivia ang soda. Hindi nawala ang tingin ni Kristoff sa dalaga. Matapos iyon ay pumasok sila sa madilim na sinehan. Halos matilapid si Olivia sa hagdanan kaya naman nagsalita si Kristoff.
"Hold my arm para hindi ka ma-out-of-balance." sabi ni Kristoff sa mababang boses.
Halos magtaasan ang balahibo niya roon. This is the first time she heard him whisper.
Tumango siya at agad na hinawakan ang braso nito. Agad silang nakakakita ng upuan sa itaas at dulong bahagi. Iilang magka-date ang naroon kaya napataas siya ng kilay.
"Are we gonna sit here? This is the lover's lane." bulong niya kay Kristoff.
"What?" tanong ni Kristoff habang ang mata ay nasa screen at inaayos ang biniling pagkain.
"We are not a couple. Hindi nga tayo nagde-date eh. Why sit here? Doon tayo sa lane namin nina Clarence. For sure, there are lot of seats there." sabi pa ni Olivia.
Kita niya ang pagkunot ng noo ni Kristoff doon.
"No. We'll stay here." ani Kristoff.
Hinubad nito ang jacket at nilagay sa hita ni Olivia.
"Wear that. Lalamigin ka sa ikli ng dress mo." utos niya.
Hindi niya iniintindi si Olivia. Patuloy lang siya sa pag-aasikaso doon sa mga pagkain.
"Come on, it's awkward here. They might think thatt we're dat—"
"Then, today. Let's date. If that will make you stop talking." iritadong sabi ni Kristoff at sumandal na sa kaniyang upuan.
"If they're thinking that we are dating. Just tell them, yes. Now, can we watch the movie in silence, brat?" tanong ni Kristoff sa mababang boses.
Nilapag niya ang popcorn sa hita niya at tumitig na sa screen. Sumandal na din si Olivia. Hindi maintindihan ang sinasabi ng pelikula. Bigla rin siyang nakaramdam ng init kahit na full blast ang aircon sa sinehan.
This is her first date. Kay Kristoff na mismo nanggaling... It's a date. And that was enough to make her heart flutter so bad.
She definitely likes him.