bc

Bulletproof (Querio Series #1)

book_age16+
859
FOLLOW
4.7K
READ
HE
brave
heir/heiress
bxg
serious
mystery
soldier
war
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Kristoff Johannes Querio is a guy a girl can define perfect. Vicious, good looks, golden hair, a body to die for, impressive intelligence, and graduated top of his class in a military school.

At twenty eight, he is already a Captain. He is known for his wit and victorious battles in the field where he is nicknamed as "bulletproof". But those days will fall into furlough for he is tasked to handle protection for the most popular political family of today, The Villafuerte clan where he became the leader of a group tasked to protect the Senator's bratty niece, Olivia Villafuerte.

Will he stay bulletproof when Olivia dropped hints of being insatiable? Will he give in to his desire? Will he break the rules just to be with her?

#QuerioSeries

(Photo credits to the rightful owner)

chap-preview
Free preview
Simula
Mantener el honor de la familia. Keep the family honor. Tiningnan niya ang tattoo sa kaniyang dibdib na nasa ilalim ng kaniyang dogtag. Ito ang laging sinasabi ng mga nakakatandang Querio sa kanilang magkakapatid simula pagkabata. They were always prim and proper at times. Ni isang gulo, wala silang kinasangkutan kahit noong nasa panahon ng pagbibinata. Well, siguro kung meron man ay agad nilang nilulusutan bago pa ito malaman ng kanilang mga magulang. Bata pa lamang ay nakasulat na agad ang kanilang mga kapalaran. Nakatakda na agad silang humawak ng baril at magsilbi sa bayan. Hinubad rin niya ang kaniyang cargo shorts ng sa ganoon ay makita ang isnag sugat na nakuha niya sa isang engkwentro, ilang oras lamang ang nakakalipas. Nadaplisan siya ng bala sa pagtulong sa isang hostage crisis sa kaniyang daan sa pag-uwi. Huminga siya ng malalim at agad na sinabuyan ng alcohol ang medyo may kalalimang sugat sa kaliwang hita. He bit his lower lip sa pag-inda ng sakit noon. Wala na siyang oras para bumisita sa ospital dahil pinapatawag siya ng kaniyang lolo sa kanilang mansyon. And he can't be late. That wasn't an order of a grandfather to his grandson. It was an order of the General to his subordinate. Matapos masiguradong malinis iyon ay iniabot niya ang isang puting panyo at iginapos ito sa kaniyang hita. Ni isang ungol ay walang narinig sa kaniya. Isa siya sa pinakarespetadong tao sa kaniyang post. Gaya ng pangalang binigay sa kaniya sa Military Academy, hindi siya natitinag. He was known as the Bulletproof Captain of the Academy. Pagkababa pa lang niya sa kaniyang flat, ay may iilang babae sa elevator ang panay ang hagod ng tingin sa kaniya. Pero, hindi siya ang tipo ng lalaking naaakit sa mga babaeng nakamaikling short at may malaking dibdib. Hindi siya basta basta bumibigay sa tukso kaya nagawa niyang hindi sulyapan man lang ang mga babaeng panay ang pagpapacute sa kaniya. Sumakay siya sa kaniyang kotse. Nilagay ang baril na nasa baywang sa kaniyang dashboard at pinaharurot ang sasakyan sa kahabaan ng kalsada. Niliko niya ito sa isang private road sa gitna ng kakahuyan. Ilang saglit pa ay natanaw na niya ang isang kulay gintong gate. Sa taas nito ay ang leon na simbolo ng kanilang pamilya. Bumusina siya at agad ding pinagbuksan ng mga katulong. Pinagmasdan niya ang pamilyar na landscape ng bahay kung saan siya lumaki. Marami ang pinagbago pero ganoon pa rin ang pakiramdam na binibigay nito. Naaalala niya pa kung gaano niya kaayaw na iwanan ito ilang taon na ang nakakalipas. Pero wala siyang magawa dahil alam niya sa sarili niya na kailangan niyang lumisan para harapin ang buhay sundalo. Nang makababa siya ay agad na lumabas ang isang babae sa terasa ng bahay. May malaki itong ngisi at agad na tumungo sa pintuan para malapitan siya. "Anak," she greeted him with a hug. Hinayaan naman niya ang kaniyang ina sa ginawa nito, bagkus ay niyakap niya rin ito. "Nasa loob na ang mga Lolo mo." bulong ng kaniyang ina. Sinabayan siya ng kaniyang ina sa pagpasok sa bahay. Nasa salas ang mga matatandang kalakihan ng kanilang pamilya, handa na para salubungin siya. Binaba niya ang bag at sumauldo sa mga ito. Tumayo ang kaniyang Lolo para ibalik ang saludo. "Maupo ka, Kristoff." Anito. "Sir. Yes, Sir." Sagot niya at agad na umupo. "Kamusta ang kalahating taon na pagkakadestino sa Cebu?" tanong ng kaniyang Lolo. "Maayos po, General." sagot niya, nakaupo na akala mo ay nasa serbisyo pa din. "Siguro ay nagtataka ka kung bakit kita pinatawag habang ikaw ay nasa sa iyong bakasyon." sabi ng matanda. May iniabot ang isa pang isang envelope ang kaniyang Lolo sa kaniya at agad naman niya iyong kinuha. Binuklat niya ito at kinuha ang isang family picture ng isa pang kilalang pamilya sa politika. "Senator Villafuerte will run for presidency, soon. You know him?" tanong ng kaniyang Lolo. Tumango siya. Walang sinuman ang hindi nakakakilala sa isang napakabuting senador. Marami na ang nagbigay pugay rito bilang sunod na presidente ng bansa. At sa oras na tumakbo ito, nasisigurado niya na magiging landslide ito. "Ano po ang gusto niyong gawin ko, General?" tanong niya. "Gusto ko na maging isa ka sa family guards nila, hijo. Hindi na muna kita pababalikin sa Cebu sa mga susunod na buwan hanggang sa matapos ng election." sabi ni General Vicente Querio. Hindi maiwasang mapataas ng kilay ni Kristoff sa sinabi ng kaniyang lolo. Mas gugustuhin niya pang magbantay ng posibleng giyera kaysa sa bantayan ang pamilya ng isang politiko. Pero wala siyang magagawa. Orders are orders. Obey first before you complain. Iyon ang ultimate rule na natutunan niya sa ilang taong pamamalagi sa Academy. "Mag-aayos lamang ako ng gamit, General at tutungo na ako sa bahay ng mga Villafuerte." aniya sa matanda at tumayo na para sumaludo. "Aasahan ko ang magandang serbisyo mo, Captain Kristoff Querio." Sumaludo na rin ang kaniyang lolo. Umakyat siya sa hagdanan ng bahay para agad na magpake ng damit sa kaniyang bag. Hinagis niya ang envelope sa kaniyang kama dahilan ng pagpatak ng mga larawan na nandoon. Pinulot niya ang isa na malapit sa paanan niya. Larawan iyon ng isang babae. Tiningnan niya iyon. Maputi, may magagandang ngipin at mahabang pilik mata, kulay ash blonde ang mahabang buhok. Maganda pero mukhang bata pa. Pinulot niya muli ang isang tiningnan niya kanina. Nilibot ng mga mata niya ang isang litrato ng buong pamilya. Wala roon ang babae kanina. Ang dalawang naroong babae ay malayong malayo ang hitsura sa babaeng nasa isang litrato. Sino ang babaeng ito? Nang masigurado niya na wala siyang mapapala ay nilagay niya iyon sa envelope muli at sinilid ito kasama ng kaniyang mga damit. Bago siya makalabas ng bahay ay sinalubong siya ni Lisanna Querio. "Kristoff, anak." Nilingon niya ang ina at matipid na ngumiti. Ang mga luha ng kaniyang ina ay hindi maitatago. Lagi na lang silang ganito sa tuwing madedestion siya sa iba't-ibang lugar at gaya ng palaging bilin ng kaniyang ina. "Be safe. Be sure, you'll come back alive. Okay?" Tumango siya at hinalikan ang pisngi ng ina. Naiintindihan niya ang pinanghuhugutan ng ina. Labag man sa loob nito na payagang pagsundaluhin ng kanilang Lolo silang magkakapatid ay wala itong magawa kahit naa sa pagsusundalo namatay ang kanilang ama. "I love you, anak. Please, call me when you're there. Be good to the Villafuerte. They are our family friend." "Yes, 'Ma." aniya at sumakay na sa kotse para umalis. Kristoff's the eldest sa tatlong magkakapatid. May isa silang kapatid na babae, na si Felicity. Ngayon ay nasa ibang bansa ito at nag-aaral ng business gaya ng desisyon ng kanilang Lolo. Kapag lalaki, siguradong tatahakin ang pagpupulis o ang pagsusundalo. Kapag babae, walang gagawin kundi ang aralin at palaguin ang naipundar na construction, security agency at iba pang business ng pamilya. Ilang oras ang tinagal niya bago matanaw sa kaniyang cellphone ang destinasyon ng bahay ng mga Villafuerte. He knew them by face. Noong bata pa ay natatandaan niya ang mga ito tuwing may salu-salo sa bahay nila. Pinapasok naman siya na parang inaabangan talaga ang kaniyang pagdating. Pinarada niya ang kaniyang naipundar na kotse sa isang malawak na garahe sa harapan ng gate. Binaba niya ang gamit at sinakbat muli ang baril nang makarinig siya ng kaluskos mula sa halamang hindi nasa kalayuan. Nilingon niya ito at natigil ang kaluskos ng halaman. Binalik niya ulit ang tingin sa sasakyan at agad pinilipit ang kamay ng sinumang tumapik sa kaniya. Umalingawngaw ang hiyaw nito habang tinataas ang isa pang kamay. "Bro! Bro! Ako ito, si Paris." anito. Binitiwan niya agad ang kamay nito na agad minasahe ng kaibigan. Masama ang tingin siyang binalingan ng kaibigan. "Ano ba, Kristoff? Masyado ka namang paranoid." sabi ng kaibigan. "What did you call me, First lieutenant?" May bahid ng sarkastiko ang pagsasabi niya sa kaibigan. Tinaas nito ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Oo na, Captain ka na! Pwede ba, pahinga tayo kaya mag-usap naman tayo ng walang rank na involve! Akala mo naman ay hindi tayo naging magkaibigan sa Academy, eh. Tss." pagreklamo ni Paris. "Kasama ka rin sa na-deploy rito?" tanong ni Paris ng makita ang bag na sakbit nito. Tumaas ang kilay ni Kristoff at hinagis ang bag na sakbit papunta kay Pari na agad naman nitong nasalo. "Hindi ba obvious?" naiinip na tanong nito. Nilingon niya ulit ang halaman. Kanina pa niya nararamdaman ang kakaibang pakiramdam niya kapag nasa giyera. Nilingon niya si Paris na nasa likuran niya at dala ang mga gamit niya. "Paris, mauna ka na." aniya. "Bakit? May problema ba?" tanong niya. Umiling siya at tiningnan ang kaibigan. "May dadaanan lang ako. That's my order as the squad's commander." sagot ni Kristoff. Umirap si Paris dahil alam niyang wala siyang magagawa. Bumuga siya ng hangin bago siya naglakad papalayo. Nang wala nang tao ay hinawakan niya ang baril niya at agad na tinungo ang halaman. Dahan dahan niyang tiningnan iyon at nang makitang may anino sa likuran noon ay agad niyang hinawi ang halaman at tinutok doon ang baril. May pigura ng taong naka-all black at naka-hoodie, may mask pa. Umiral ang pagiging sundalo niya at hinablot sa jacket ang tao at sinandal paharap sa dingding ng bakod. Nakatutok pa din ang kaniyang baril. Ramdam niya ang pagpiglas nito kaya naman nagsalita siya. "Move or I'll shoot you." He warned. Tumigil naman ito. Siguro ay naramdaman ang kaseryosohan ng boses ng sundalo. Lahat ng taong makakarinig ng tonong iyon ay alam na seryoso ang banta nito. Pero dahil sa pinanganak ata na pasaway ang taong iyon ay sinipa niya sa kaliwang binti ng sundalo. Hindi iyon inaasahan ng sundalo kaya nawala siya sa porma niya. Isa pa, nasipa noon ang sugat niya kaya ramdam ang pagsakit noon. Bago pa man makalayo ang babae ay hinila niya ito sa hood ng kaniyang jacket dahilan kung bakit nahubad ito. Lumabas ang mahabang buhok nito na nakatali sa bun. Kitang kita ang matingkad na kulay ng buhok nito. Inabot ng babae ang kamay ni Kristoff upang sa ganoon ay matagtag ang mahigpit na hawak nito sa hoodie. "Saan ka pupunta nang walang bantay?" tanong niya sa serysong boses. Alam niya isa ito sa dapat na protektahan dahil ang litrato nito ay nasa envelope ng assignment nya. Nakakasigurado naman siya na ito lang ang may ganitong kulay ng buhok rito. "Who cares? Sino ka ba?" tanong nito at may angas ang boses nito. Mas hinigit niya ang hoodie ng babae kaya naman napaaray ito. Nasasakal na kasi siya. Inabot naman ng babae ang zipper ng kaniyang jacket para makawala. Marahas nitong hinubad ang jacket kaya nalantad ang sinusuot niya sa ilalim. Naka maong na ripped jeans pero ang pantaas ay halos iluwa na ang bilugan nitong dibdib sa isang full backless na maroon top at revealing neckline nito. Tinanggal nito ang mask niya para mas maging malinaw ang sasabihin niya sa panirang sundalo. "Excuse me, Mister! Pero hindi mo ba ako kilala?" tanong nito na may pagbabanta rin ang boses ng babae. Tamad na binato ni Kristoff ang jacket sa katawan ng babae. Hindi siya kumportable dahil halatang nasa kolehiyo pa lang ito ay ganito na magdamit. Ayaw niyang pagpiyestahan ng mga kapwa sundalo ang katawan ng babaeng ito. "Kilala kita. Isa ka sa mga assignment ko." aniya. "Assignment? Ano ako, homework? Elementary ka ba?" mataray na sinabi ng babae na hindi man lang nag-abala na takpan ang dibdib niyang sumisilip na. "If you're thinking of escaping just to flaunt your body at a bar, stop it. As a family of a respected Senator, the media won't like it." Inangat ni Kristoff ang tingin niya sa babae. Gaya nang sa larawan ganoong ganoon ang hitsura ng babae. Maganda sana, pero halatang hindi magpapasupil. Isang tingin pa lang, alam na niyang mahirap sakupin ang babaeng ito. At sa pag-iisip pa lang niya na kailangan niyang i-babysit ang isang ito, sumasakit na ang ulo niya. Pakiramdam niya, parang bomba ito o secret code na kailangang i-decipher. "I don't care about the media! I just want a few drinks with my friends." giit nito. Lumambot ang mga mata nito at pumungay. "Please, let me. Please, Sir." pagmamakaawa niya. Pinagdaop nito ang palad niya na parang batang humihirit ng kendi. Walang emosyong tinitigan siya ni Kristoff. "No. Go inside, child." pinal na desisyon ni Kristoff.    Nag-angat siya ng tingin sa ilang mga bantay na nasa gate. "Guard the area and keep an eye on her. Don't let this child escape." utos niya at sumunod na sa direksyon na tinahak ni Paris papunta sa barracks nito kung saan siya mamamalagi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The General's Grandson(TAGALOG/SPGR18+)

read
167.0K
bc

The Real Culprit (Tagalog-R18)

read
108.8K
bc

I'M HIS LADY GUARD

read
4.1K
bc

Lady Boss

read
1.9K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
78.2K
bc

BS05: Carrying My Husband's Child[COMPLETED]

read
50.2K
bc

Man of Vengeance [Roxanne Montereal Series19]

read
11.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook