Hindi na nakapanood ng maayos si Olivia. Hindi niya maalis sa isipan ang sinabi ni Kristoff. This is her first date. Hindi niya iyon naramdaman kay Clarence kanina.
Kristoff is enjoying the popcorn na para bang walang nakakailang na nangyayari. Hindi tuloy mawala sa isipan ni Olivia kung sanay na ba ito sa dates o talagang wala lang siya sa ganito.
"Where have you been?" tanong ni Olivia sa binata ng hindi nagtagal.
Tumigil sa pagkain si Kristoff at nilingon siya. Uminom ito sa softdrinks niya.
"Just some personal matter." tipid na sagot ng binata at binalik ang mga mata sa pelikula.
Tumango lang si Olivia at tumingin na rin sa screen.
He doesn't share so much. Hindi niya alam pero sobra na ang frustration niya sa kaniyang katawan. She likes him so much. At ito ang unang pagkakataon na ayaw sa kaniya ng natitipuhan niya.
Dahan dahan ay kumuha na rin siya ng popcorn at sinubo iyon. Sumandal siya sa upuan. Sa kaniyang utak ay mas gugustuhin pa niyang i-enjoy na lang ito kaysa maging negative.
Napatawa ang lahat sa isang scene. She can't stop her laughter pero ang kaniyang katabi, tila kahoy na walang emosyon. Tumaas ang kilay niya.
'Tao pa ba ito o hindi?' She thought.
"Hindi ka ba natatawa?" tanong niya kay Kristoff.
"Natatawa." sagot ng lalaki sa kaniya.
"Natatawa ka na niyan? Wow, sadya ka bang poker face, Captain?" tanong ni Olivia.
"No. I smile when I'm genuinely happy." sagot ni Kristoff at hindi man lang inalis ang mata sa screen.
"Whatever. You are so weird!" aniya.
Hindi na nagsalita si Kristoff hanggang sa natapos ang pelikula. Noong nag-lights on na ay napagtanto ni Olivia na sa harap nakaupo si Paris. Binigyan sila nito ng isang nakakalokong ngiti bago sinenyasan ang hindi nasa kalayuang kasamahan.
Nauna naman si Kristoff, dala-dala ang basura at iniwan siya. Napairap siya at hinarap si Paris na nakangisi pa rin.
"Ano?" masungit niyang tanong.
"I heard it. This is a date between you two." sabi nito.
Gustong batuhin ni Olivia si Paris ng kaniyang handbag.
Nang-aasar ba ito?
"Do you think that looked like a date? He just said that to make me shut up." sabi niya.
Umiling si Paris at tinapik sa balikat si Olivia.
"Ma'am, I am his friend since our freshman days in PMA. He never asked anyone to be his date in any circumstances. Kahit nga anak ng mas mataas na rango sa kaniya, hindi niya pahintulutan." sabi ni Paris.
Natigilan si Olivia. Well, may parte sa kaniya ang umaasa na sana ay ganoon na nga. The captain makes her crazy kahit na nakatayo lamang ito sa isang tabi. She only felt it whenever she's with him.
Umirap siya at hindi na sumagot. Sakto namang bumalik si Kristoff at tiningnan silang dalawa.
Tumingin ito sa relo niya.
"Shall we go home o may dadaanan ka pa?" tanong nito sa kaniya.
"Wala na. But I like to call my friends to say goodbye. Is that okay?" tanong niya at kinuha ang cellphone.
Nag-dial siya ng numero ni Dani. Tumingin naman siya kay Kristoff na humihigop sa kaniyang soda. Kitang kita ang detalye ng kaniyang panga sa bawat lagok nito. Bumilis naman ang t***k ng puso niya doon.
"D-Dani?" Her voice shook.
Nag-iwas siya ng tingin at hinawakan ang kaniyang leeg.
"Yes? Nasaan ka? Clarence's upset? Ano ang nangyari?" tanong ng kaibigan.
"Uh, dumating ang bodyguard ko. So, I had to be separated from him. You know, Tito will get mad. Nasaan kayo?" tanong niya sa mababang boses para hindi iyon marinig ni Kristoff.
Anong klaseng rason iyon? Hindi porket dumating ang bodyguard ay lalayo siya sa kadate niya. He's just a bodyguard! Wala siyang pakialam kung kanina niya gusto sumama.
"Nasa Nike kami. Bumibili sila ng sapatos. We'll wait here." sabi ni Dani.
Tumingin siya kay Paris at Kristoff na nakikinig sa kaniya. Ngumiwi siya at tinuro ang labas. Hindi niya akalain na titig na titig ang mga lalaki sa kaniya. Sa 'di kalayuan, naroon sina Jack at ang iba pa na nagmamasid.
"Sa Nike tayo. I'll meet my friends." ani Olivia.
Panay ang titig sa kaniya ng ilan tuwing nakakasalubong. Nasa gitna kasi siya ni Kristoff at Paris, habang nasa likuran niya ang tatlo pa. At di naman maitatangging lahat sila ay matipuno at may hitsura. Kung dati ay ayos lamang sa kaniya ang pagtinginan, ngayon ay parang gusto niyang ipagdamot ang lima.
Pumasok siya sa Nike at nadatnan si Brent at Dani na nag-fi-fit ng couple shoes. Si Clarence naman ay nakatalikod sa kaniya at nakatingin sa shelves ng mga sapatos. Tumikhim siya at tiningnan si Kristoff.
"Stay here." utos niya kay Kristoff.
Hindi na niya hinintay at naglakad na siya papunta sa mga kaibigan. Tumango siya sa dalawa at pinuntahan si Clarence na wala pa ring alam sa nangyayari. May hawak itong kulay puting sneakers.
"That will suit you." aniya na nakapagpalingon sa lalaki.
Halata ang gulat rito at binaba agad ang sapatos.
"Why are you here?" tanong ng lalaki at nilingon ang mga bantay ni Olivia.
Lumunok ito at ngumiti.
"It's rude to go home without saying goodbye to you. Besides, I enjoyed our time." sagot niya at ngumiti siya.
She's not rude. She like Clarence as a friend. Tiningnan niya ang binabang sapatos nito at kinuha iyon para suriin. Ngayon ay napagtanto niyang pambabae iyon.
"For someone? special?" tanong niya.
Tumango naman si Clarence at ngumiti sa kaniya.
"Yup. For you." diretsong sagot nito.
"No need t-"
"Oh, I insist. That's a thank you gift for spending this day with me." Clarence cut her off.
Hinawakan ni Clarence ang magkabilang braso ni Olivia at iniupo ito sa malapit na couch at lumuhod sa harapan ng dalaga.
Kinuha niya ang sapatos at hinubad ang heels ng dalaga. Pinatong nito ang kaliwang paa ni Olivia sa kaniyang tuhod at doon kinalas ang lock ng heels nito. Nakatitig lamang si Olivia sa kaniya. Gusto man niyang pigilan si Clarence, ay hindi niya magawa. He's so kind for her to hurt. Kaya kahit naiilang ay umupo siya ng tahimik at hinayaan ang binata na isuot ang sapatos.
"It fits you." ani Clarence na mayroong ngiti.
Nilingon ni Clarence ang saleslady para humingi ng bagong stock ng sapatos. Binalik din niya agad ang sapatos. Binuksan niya ang bag niya pra bayaran iyon. Pero agad na binigay ni Clarence ang kaniyang card sa saleslady.
"Clarence, I can pay for that." sabi ni Olivia at pilit na binibigay ang kaniyang card.
Umiling si Clarence sa kaniya at ngumiti.
"That's my gift, Olivia. Do not worry about it. I can buy you ten more shoes, if you want. I don't care, as long as it's you." HE said.
Uminit ang pisngi ni Olivia sa kahihiyan. Ito ang unang beses na ibinili siya ng sapatos ng iba. Sa sobrang hiya, napatingin siya sa banda ni Kristoff na nakatayo lang sa pintuan at pinapanood sila. Nag-iwas siya ng tingin muli at tiningnan na lamang ang babaeng nilalagay sa paperbag ang sapatos. May isa pang paperbag doon na iniabot naman kay Clarence.
"Ito 'yung sa'yo. Ito ang akin." sabi nito sa kaniya.
Tumango si Olivia at kinuha ang binigay ni Clarence na paperbag. Dumating na din si Brent at Dani na nakaakbay para bayaran ang binili nila. Nakangisi si Brent sa kanila na nanunukso kaya naman ngumiti na lamang siya.
Alam ni Olivia na nanonood lang si Kristoff sa tabi kaya hindi siya makagalaw ng maayos. Mahigpit ang hawak niya sa paperbag niya ng nilingon siya ni Clarence.
"Gusto sana kitang ihatid kaso alam ko naman na hindi ka hahayaan ng bodyguards mo." He said.
Tumango si Olivia at ngumiti.
"That's okay. Maybe, next time. Mahigpit lamang talaga ang seguridad ko. You know, campaign period ni Tito." She answered.
"Yeah. That's why you should take care. I will call you when you're home. If that's okay with you?" tanong ni Clarence.
"Yes. If I am home. Uhm, can I go now?" tanong ni Olivia.
Hindi na niya matagalan ito. Hindi siya mapakali dahil sa mga mata ni Kristoff na parang lawin kung manood sa kaniya. Nilingon niya si Brent at Dani.
"Uh, Brent... Dani... Mauuna na ako?" pagpapaalam niya.
Tumango si Brent at kumaway naman si Dani sa kaniya. Lumapit siya para bumeso kay Dani. Nakipagbro fist naman siya kay Brent. Nang malingunan niya si Clarence ay ngumiti siya at pinakita ang paperbag.
"Thank you for this. Isusuot ko bukas sa school." She said.
Tumango si Clarence at pinakita rin ang sapatos niya.
"Alright. I'll wear mine, too. So, see you tomorrow? May next date pa ba tayo?" nakangiting tanong ni Clarence.
"Sure. Just call me and I'll go with you if I'm free." She politely said.
She was aiming for a hug when suddenly Clarence Cho kissed her on the lips. It's a smack but heck, she's too shocked to smile. Napahawak siya sa labi niya at tumingin sa binata.
Sabay silang apat na naglakad papalabas ng store. Nang nasa elevator na ay kumaway sina Brent at Dani habang nilngon naman siya ni Clarence na nasa tabihan niya.
"I had a wonderful date with you, Olivia. See you around, then." He said.
Yumakap ito muli at umalis na para pumasok sa elevator. Ngumiti siya ng tipid at kumaway na rin hanggang sa mawala ang mga ito. Huminga siya nang malalim bago nilingon ang mga bodyguards sa 'di kalayuan. Nahigit niya ang kaniyang hininga ng nag-umpisa ng lumapit si Kristoff sa kaniya.
"Let's go home," aniya sa malamig na boses at 'di man lang siya nilingon.
Naglakad ito sa kaniyang unahan, hawak hawak ang bulsa. Napataas ang kilay niya.
Is he mad at her? Iyon ang tanong na paulit-ulit sa utak niya.
Naguguluhan man ay sumunod siya. Nang sa sasakyan ay padabog nitong binuksan ang pintuan at pinauna si Olivia. Nang akala niya ay susunod ito para umupo sa kaniyang tabi, nagulat siya ng si Paris ang umupo doon.
"Patay na." bulong ni Paris sa kaniyang tabi habang sabay nilang pinapanood ang pag-ikot ni Kristoff para sa driver's seat.
Mabilis nitong binuhay ang makina at diniin sa tainga ang communication device ng team.
"I'll drive. Let's go." sabi niya at agad na pinaalis doon ang sasakyan.
Sumandal si Olivia sa sasakyan at tumingin sa rear view mirror. Doon ay nakita niya ang seryosong mata ni Kristoff habang nagmamaneho papauwi. Tuwing matitigil sa stop light, hindi man lamang ito lumilingon sa kaniya. Panay naman ang buntong hininga ni Paris na parang nararamdaman ang tensyon.
Tumingin na lang siya sa bintana at naglagay ng headset. Hindi niya mawari kung bakit nag-iba ang timpla ni Kristoff.
Natagalan ba ito masyado sa kaniya? May gagawin kaya siya? O baka naman....
Hindi.
Walang point kung magseselos ito.
Sino ba naman siya para pagselosan ni Kristoff? Eh, wala ngang kagusto gusto sa kaniya ang binata. Brat nga siya sa paningin nito hindi ba? Mabilis ang biyahe at nakarating agad sila.
Pagkapatay na pagkapatay ng sasakyan, lumabas agad si Kristoff at malakas na sinara ang pintuan. Sumipol naman si Paris doon at unti-unti ay binuksan ang pintuan niya. Lumabas na din siya. Nakita niya ang paghagis ng susi ni Kristoff kay Jack. Matapos iyon ay naglakad agad papunta sa direksyon ng barracks.
Lumapit si Jack at Dylan sa kanila.
"Ano ang nangyari dun kay Sir Kristoff, Sir Paris?" curious na tanong ni Dylan at nilingon ang malayo nang likuran ni Kristoff.
"Nagbibinata." sagot ni Paris.
"Huh?" tanong ni Jack na hindi naiintindihan ang sinabi ni Paris.
Nilingon naman ni Paris si Olivia at nginisian.
"Ma'am Olivia, friendly advice lang. Huwag na huwag mong susuotin 'yang sapatos na 'yan bukas kung ayaw mong magkaroon ng world war III. Maawa ka sa amin, sa amin na naman ang buntong ng galit niya." bilin ni Paris.
Naguguluhan man ay tumango siya.
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya.
Ngumisi si Paris at nagkibit-balikat at umakbay na sa mga kaibigan. Nilahad niya ang daan papunta sa mansiyon.
"Walang ulitan sa slow, Ma'am. Sige na, ihahatid ka na namin at lumalamig na. May impyerno pa kaming haharapin sa barracks. Good night." makahulugang sabi nito.