Kabanata 10

1588 Words
She believes she's tough pero bakit isang salita lang ni Kristoff ay nagkukumahog ang mga luha niya kaiiyak? Nakadapa siya ngayon sa kama, mahigpit ang hawak sa itim na panyo. Naisip niyang hindi naman niya gusto ang buhay na ito. Simpleng bata lang siya noon. Marunong tumawa, maraming kaibigan at tanging pagmamahal lamang ng kaniyang ina, sapat na. Hanggang dumating ang pamilyang ito na nagsadlak ng dusa sa kaniya. She wants revenge. Alam niyang ang mga taong ito ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya. Kung bakit ngayon nag-iisa siya. She knows how the Villafuerte plays the game. Kaya hinding hindi siya malilinlang ng mga ito. Kinuha niya ang kaniyang laptop. She wrote another article, throwing more shade to Senator Villafuerte and his wife. Doon, nilahad niya ang mga alam niya. This is her way to reveal them to the public without getting caught. Noong breakfast ay wala siyang nagawa kundi ang sumabay sa kanila. Maraming pagkain sa hapag, doon ay nakaupo si Esmeralda at Senator kasama ang mga anak. Natigil siya sa paglalakad ng makitang nandoon sina Luisito, Alicia na nakatingin na rin ngayon sa kaniya. "Maupo ka na, hija." sabi ni Manang at nilapag ang plato niya sa tapat ni Alicia. Lumunok siya at agad na tumungo doon. Naglagay siya ng pagkain at ulam sa kaniyang pinggan, hindi inaalintana ang masasamang tingin na binibigay sa kaniya. "How's your school, Stefania?" tanong ni Esmeralda sa anak. "Fine. Barely surviving." sagot nito sa mapaglarong boses. "Tonta! I want you to graduate with flying colors like Diana. Stop playing around and get serious." pagalit nito sa anak. Nawala ang ngiti ni Stefania sa sinabi ng ina. Tila napahiya ito. Tumikhim naman si Diana sa sinabi ng ina pero hindi ito inawat. Napailing siya at nag-angat ng tingin sa babae at sinalubong ito ng tingin. "She's not your robot. She's your daughter." sabi ni Olivia sa mababang boses. "And what do you know about mother and daughter? Coming from you, bastarda?" maarteng sabi ni Alicia na agad sinaway ni Luisito. "Stop talking, Alicia. Shut it kung walang lalabas na maganda." saway ni Luisito. "Ano ba kayo? Tigilan niyo na nga iyan! Esmeralda, Alicia, Olivia... Stop the commotion and let us have a decent meal." utos ni Senator. Umirap si Olivia at nagpatuloy sa pagkain. Binilisan niya at agad na kinuha ang libro sa tabing mesa at sinakbat ang bag. "Mauuna na ako. Hindi ko na kaya ang baho ng hangin dito." sabi niya at agarang umalis. Sa labas ay naabutan niya si Paris at Kristoff na naglalaro ng darts habang hinihintay siya. Biglang nag-init ang pisngi niya doon lalo na at tiningnan siya ni Kristoff mula ulo hanggang paa bago tumira. "Last shot. Let's go," sabi niya at agad na sinenyasan ang mga sundalong kasamahan. Binuksan niya ang backseat habang umikot si Paris sa driver's seat. Simpleng t-shirt at maong pants lang ang suot niya na tinernuhan ng puting sapatos at cap. "You dress up nicely." sabi ni Kristoff. She suddenly reminded herself na medyo conservative ang isang ito. "Ah," sabi niya na parang may naalala. Kinuha niya ang bag at iniabot sa binata ang itim nitong panyo. "Here's your handkerchief." "I gave it to you. That's okay." sabi niya at nag-iwas ng tingin. Hindi na niya pinilit iyon at binalik sa bag. Nag-ring ang telepono niya kaya tiningnan niya iyon. "Yes, who's this?" tanong niya. "Hi, Olivia. This is Clarence." sagot noong tumawag. "Clarence?" tanong niya ulit. Hindi niya maalala kung sino iyon. Nagkatinginan sila ni Kristoff. "Yep. Clarence Cho. The UAAP guy in the bar. I am friends with Bret." anito. "Oh. I know. The bar guy. Where did you get my number?" tanong niya. "Bret." Huminga siya. That jerk! She will kill him when she sees him. "Ah. So, why did you call?" tanong niya muli. Kita niya ang pagsulyap ni Paris sa rear mirror. "I just want to invite you over lunch." walang pasubaling tanong ni Clarence. Muli ay sumulyap siya kay Kristoff. Nakatingin lamang din ang binata sa kaniya, tila naghihintay na matapos ang tawag. "Uhm, I don't know. I'll just call you. Sorry, I don't have concrete schedule pa for now." she answered. "Ah! Don't worry. That's okay. May next time pa naman." Clarence assured her. Binaba niya ang tawag at sumalampak sa upuan. Hindi niya alam kung bakit ginawa niya iyon. Usually, oo agad ang sagot niya sa mga lalaking nag-fi-flirt sa kaniya. "Who's that?" tanong ni Kristoff sa pormal na boses. Inayos niya ang buhok at nikagay iyon sa kaniyang kabilang balikat. "Just a schoolmate. Kaibigan ni Brent, yung boyfriend ng best friend ko." Tumango si Kristoff. "So, lunch with him?" tanong ng binata. Umiling siya agad at hinarap si Kristoff. Panay ang masid ni Paris sa kanila at hindi nakalampas sa kaniya ang simpleng ngiti nito na agad napapawi kapag tumitingin si Kristoff sa kaniya. "Uh, hindi. I am busy." anbiya at nag-iwas ng tingin. ‘Anong I am busy? Wala nga akong ginagawa sa school. Wala rin akong organization or clubs na pinagkakaabalahan kasi pinagbawal ni Senator.’ Bulong niya sa sarili at tumingin na lang sa labas ng kotse. Sumipol naman si Paris dahil sa biglang katahimikan. Nagawa pa nitong buhayin ang radyo habang nagmamaneho ng sasakyan. Nang makarating sa eskwelahan, agad na bumaba si Olivia Sumunod din naman agad si Kristoff. Sinenyasan niya ang mga kasamahan na bantayan ang lugar at siya ang sasama muli sa silid aralan ni Olivia gaya ng nakasanayan. "Magaling na yung tama ng baril?" Olivia asked dahil napansin niyang naigagalaw na nito ng malaya ang binti. Pumasok sila sa silid na sila pa lamang ang tao. "Medyo." tipid na sagot ni Kristoff at umupo sa tabi ng upuan ni Olivia. Tahimik sila matapos noon. Lihim na napamura si Olivia dahil kung kailan maaga siyang pumasok, wala pa ang mga kaklase niya. "Can I ask you something?" Naputol ang mga iniisip ni Olivia dahil sa boses ni Kristoff. Nilingon niya ito. "Ano?" she asked him. "What happened between you and your dad?" tanong niya sa dalaga. Noong makita niya kasi si Olivia kahapon, alam niyang matinding galit at sakit iyon. Natahimik si Olivia. Hindi niya akalain na itatanong ito ng binata. Mahigpit niyang hinawakan ang palda dahil parang palasong tumutusok sa kaniyang utak ang lahat ng mapapait na sinapit niya sa kamay ng mga taong inakala niyang pamilya. "You can choose not to answer." sabi ni Kristoff dahil sa nahihirapan itong humagilap ng sagot. "Magpapahangin lang ako sa pintuan." sabi niya at tumayo na para maiwan si Olivia. Namulsa siya at tutungo na sana sa pintuan ng magsalita si Olivia. "The Villafuerte clan were two-faced. Huwag na huwag lang magtitiwala sa nakikita mo. They're devils inside. They killed innocent people. Just like my mother." Natigilan sa paghakbang si Kristoff sa sinabi ni Olivia. They killed her mother? Ano iyon? Nilingon niya ang dalaga. Hindi ito umiiyak pero mapait ang boses nito. "Sabi sa dyaryo, namatay ang mama ko dahil sa isang ambush. Pero ang totoo? Binaril siya sa ulo. Bata pa ako noon at hindi ko naintindihan ang lahat. Pero noong tumanda ako at nalaman ko ito, matinding galit ang naramdaman ko. Napakabait ni Mama sa kanila. Hindi ko inakalang kaya nilang patayin ang Mama ko." She continued. "Why did they kill her? At sino ang may pakana ng lahat?" tanong ni Kristoff. "Frida Villafuerte, my great grandmother." sagot ni Olivia. "That scheming b***h!" 'di niya maiwasang murahin ang matandang babae kahit na patay na ito. Hindi naman nagsalita si Kristoff. He knew the Villafuerte since he was born. Kaya ang sabihin ni Olivia ang taliwas sa pagkakakilala niya ay malaking dagok sa kaniya. ‘What if si Olivia ang nagsisinungaling? What if sinisira niya lamang ang mga ito?’ He thought. "I hope that old woman's soul is rotting in hell. Baka nga maging best friends pa sila ni Satanas." sabi nito at sinakbat ang bag. Aalis siya sa lugar na ito dahil nabubuwisit siya sa lahat. Sa late niyang mga kaklase, sa propesor at sa tanong ni Kristoff. Iritado na siya noong breakfast at iritado pa rin siya ngayon. "Can we just go to the nearest mall? Magpapa-facial ako." sabi niya at nilagpasan si Kristoff pero hinawakan ng lalaki ang pulso nito. "You are lying." sabi nito kay Olivia. Nawala ang tapang sa mukha ni Olivia at napalitan ng sakit. Unti-unti nitong inalis ang kamay ng lalaki sa kaniyang braso. "They always say that." malungkot na sabi nito at tumalikod na. For once, akala niya hindi siya huhusgahan ni Kristoff. Siya iyong tipo na walang pakialam basta nasa tama ka. At akala niya... maiintindihan siya nito. Mukhang mali siya. Even a man with this caliber, believed that she's lying. And she's done with everyone. "Don't believe me if you don't want to. Ang akin lang, never ever cross the line again. You're just my bodyguard. Wala ka nang pakialam kung ano ang nangyayari sa buhay ko. Don't ask any personal questions and judge me if I answered." aniya. "I am not-" Hindi niya pinatapos ang binata. "You don't know me, Captain. Same as I don't know you. Wala rin akong alam sa iyo kaya puwede ba... Maging civil tayo sa isa't-isa? Just treat me as your boss, and I will just treat you like my bodyguard. Nothing more, nothing less? Even friends? No." sabi pa niya at agarang umiling. Iniwan niya ang binata at nauna nang bumaba. Sinenyasan ni Olivia si Paris na bumalik sa kotse. ‘It hurts. s**t!’ Bulong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD