Kabanata 13

2334 Words
Noong kinaumagahan, naubos na ata ang oras ni Olivia katititig sa kahon ng sapatos sa kaniyang harapan. Nawala lang siya sa pag-iisip ng tumunog ang phone niya sa isang mensahe mula kay Clarence. Clarence: Good morning. Hope you'll like the shoes. Naguguluhan siya habang binabasa ang mensahe nito. Binuksan niya ang kahon at tiningnan ang sapatos. Pero ang sabi ni Paris... Napamura si Olivia at agad na sinuot ang sapatos. Ma-le-late na siya at wala na siyang pake sa sapatos. Patakbo siyang lumabas. Naabutan niyang nakasandal si Paris sa sasakyan at naninigarilyo. Nang makita siya nito ay agad na naubo at tinapakan ang sigarilyo. "Ma'am!" gulat na gulat na sabi nito at tiningnan ang sapatos niya. "'Di ba sabi ko na—" "Ano? Tara na." Nagulat sila sa boses ni Kristoff na nasa likuran nila. Napailing si Paris at tumango na lang. Tiningnan siya nito bago umikot sa driver's seat. Nagkatinginan sila ni Olivia at kita niya ang pagdiin ng panga ni Kristoff habang nakatingin sa paa niya. 'Ano bang issue sa sapatos na 'to?' tanong niya sa kaniyang isipan. Binuksan ni Kristoff ang pintuan at pinapasok siya. Nang akala ni Olivia ay papasok na ito. Tumigil lamang ito para ipasok ang ulo niya sa loob at tingnan si Paris. "Paris. I'll drive." anito at sinara na ang pintuan. Nakangusong pumasok sa backseat si Paris. Akmang tatanungin na niya ito ng magsalita si Paris at sinamaan siya ng tingin. "Pa—" "Galit ako sa'yo, Ma'am. Huwag mo akong kausapin." Parang bata niyang sabi at tiningnan pa ang bintana para lang 'di siya makausap. Ngumuso si Olivia at kinuha ang kaniyang phone para makapag-internet na lang. Naghanap na lang siya ng pagkakaabalahan hanggang sa makarating sila sa University. "Paris," tawag ni Kristoff na ni-lock ang pintuan ng sasakyan. "Yes, Sir." sagot nito. "Ikaw ang sasama sa kaniya. I'll stay here as the parameter check." he said. "Yes, Sir!" sigaw niya na tila nahihirapan. Nagtataka na talaga si Olivia sa ikinikilos ng lahat sa kaniyang paligid. Nang hindi na nakatagal ay hinarap niya si Paris na naglalakad sa tabihan niya. "Anong mayroon, Paris?" tanong niya. "Anong 'anong mayroon' ang sinasabi mo, Ma'am?" tanong ni Paris pabalik sa kaniya. "Ang weird niyo kaya ng Sir mo? Hello, anong mayroon sa sapatos?" tanong niya ulit. Tiningnan niya ang sapatos na suot ko. "Malalaman mo rin. Sabi na kasing huwag isuot 'yan. Ito lang ang nasasabi ko, Ma'am. Maraming pangarap ang nadudurog dahil diyan sa sapatos na 'yan." sagot ni Paris. "I don't get you. Tell me," naiinis na sabi niya. Nagkibit balikat si Paris at tinaasan siya ng kilay. "How I wish I could tell you, Ma'am. Kung alam niyo lang ang pinagdaanan namin kagabi. Ang mabuti pa, bago pa ako masabon dito, pumasok ka na sa loob." utos ni Paris. Tumango naman si Olivia at pumasok dahil namataan na niya ang propesor. Pilit niyang inalis sa isip ang big issue na sapatos at kinuha ang cellphone para makapag-text kay Clarence. Olivia: Thank you for the shoes. I liked it. Matapos mai-send ay agadan ang reply nito. Clarence: So, can we hang out for lunch? My treat. Umiling siya at nagtipa ng reply. Olivia: No need. Let me treat you, this time. I need to say thank you for the shoes though. Clarence: Then, consider it done. Nakahinga naman ng maluwag si Olivia, binabalak na niyang ibalik ang sapatos kay Clarence. Simula kasi noong sa Nike, naging weird na ang paligid at aura ng protection squad niya. Naglakad sila ni Paris sa cafeteria. Umupo siya sa usual spot kung saan siya kumakain at hinintay ang pagdating ni Clarence. Halos mabitawan niya ang hawak na coffee nang makita si Clarence, kasama ang teammates. Kita niya ang pagdikit ng titig ng mga kababaihan sa grupo. Well, they're the guys who's on tv. Marami din silang fan outside school. Mas lalong nagbulungan ng lumapit sa kaniya si Clarence at umupo sa harapan niya. She just smiled and put her coffee down. "So, shall we eat?" tanong niya. Tumango si Clarence at tiningnan ang pagkain sa counter. "Anong gusto mo? I'll go buy it." offer ni Clarence. "Oh, no. I told you, right? My treat." Hinawakan ni Olivia ang kamay ng papatayong si Clarence para pigilan ito. Ngumuso si Clarence at tinapik ang kamay niya na nakahawak sa braso niya. There's a humor in his face. "I don't let a woman pay for me. It's no biggie, Olivia." anito. Wala na siyang nagawa. Pinanood nalang niya ang pagpila sa counter ni Clarence para pumili ng kakainin nila. Napalingon siya sa pintuan kung saan doon nakatayo si Kristoff na nakatingin din kay Clarence. Maya-maya pa'y nilipat nito ang tingin sa kaniya kaya naman nag-iwas agad siya ng tingin at tinuon ang paningin sa mga kagrupo ni Clarence na nagtatawanan sa 'di kalayuan. Shit, bakit ba nakatingin sa akin ang lalaking iyon? Aniya sa kaniyang utak. Palagi na lang siyang naguguluhan kay Kristoff. 'Well, palagi siyang cold nung nakaraan sa kaniya kaya naguguluhan siya. Kung hindi siya nagseselos, bakit ganito siya? Pagod sa trabaho? O dahil sa personal matter na pinuntahan niya?' She continued thinking. Naputol lang iniisip niya ng dumating si Clarence dala-dala ang pagkain nila. Umupo ito sa harap niya, dahilan para matakipan si Kristoff na nasa sa kabilang table lang. "Umpisa na ulit ng UAAP season this weekend." pag-umpisa ni Clarence. Kaya siguro may dala dala na siyang gym bag. Sumubo na siya ng kanin at pilit na tinuon lang tingin sa pagkain. Aksidente namang napatingin si Olivia sa sapatos ni Clarence at napanganga ng mapagtantong couple shoes ang sapatos nila. Kaya ba ayaw ipasuot ni Paris lang sapatos sa kaniya? "Olivia? Are you listening?" tanong ni Clarence ng mapansin ang pagkatulala ng dalaga. "Uh. I forgot to do something for my next class. I need to go. Sorry." sagot ni Olivia, nagmamadali. Halos kumaripas siya at 'di na nilingon si Clarence kahit na tumatawag ito. Mabilis niyang sinenyasan si Paris patungo sa kotse. Maagap namang sumunod sa kaniya ang buong squad. "The heck, Paris? Bakit hindi mo sinabi?" sisi niya sa bodyguard. "Ang alin, Ma'am Olivia?" nagtatakang tanong into habang kumakain ng burger. "Na ang sapatos na ito ay couple shoes! Kaya pala panay ang ngisi ng mga kaibigan niya sa amin." She exclaimed. Agad niyang hinubad ang sapatos at tinaas ang paa niya sa backseat at sinamaan ng tingin ang binata. Natahimik lamang sila ng pumasok sa driver's seat si Kristoff. "May klase ka pa." sabi nito sa malamig na boses at 'di man lang siya sinulyapan sa rear view mirror. 'Alam ba nila ang tungkol sa sapatos?' She thought. 'Kaya siguro panay ang taas ng kilay nila noon nung binili iyon ni Clarence kagabi.' Sa inis niya, wala na siyang pakialam kung mag-away sila ni Kristoff. "Sa tingin mo papasok ako sa klase ko nang suot ang sapatos na 'yan?" galit na tanong niya. "Bakit? Mukhang wala namang issue sa'yo ang sapatos na iyon kaninang umaga? Ano ang pinagkaiba noon?" manghang tanong ni Kristoff. Napanganga si Olivia sa binata. 'The heck? Bakit ba issue sa kaniya ang sapatos na iyon?' She wants to ask but she kept quiet. Tahimik lang si Paris na nanonood sa kanila. Sinalikop ni Olivia ang buhok niya. "Kanina 'yon! Nung hindi ko pa alam na couple shoes 'yon! Huwag mo na nga ako pilitin kasi 'di talaga ako papasok. Buwisit." She cussed. "Gusto mong malaman ito ni Senator? Wala nang magbabago pa, nakita na ng mga tao na couple shoes iyon at posibleng pinagkakamalan na kayong mag-boyfriend." mapait na sabi ni Kristoff. Hindi maintindihan ni Olivia ang biglang kasungitan nitong si Kristoff. "Hindi nga kami mag-boyfriend ano ba?" sigaw ni Olivia. Alam niyang walang point, pero gusto niyang linawin iyon. Hindi sila mag-boyfriend ni Clarence. Magkaibigan lang sila. Hanggang doon lamang iyon. "Sabi mo eh." sabi ni Kristoff at tiningnan ang cellphone niya. "What the hell is your problem, Captain Querio? Para kang bata! Bigla ka na lang nagsusungit." sabi niya. "For your information, Miss Villafuerte... this is my usual face. Ikaw ang parang bata dya-" "Teka nga! Manahimik kayong dalawa!" Naputol ang awayan ng dalawa ng sumigaw na din si Paris na naiipit sa awayan nila. Parehas nilang tiningnan si Paris na aburido sa tabi ni Olivia. Binuksan nito ang pintuan ng backseat. "Alam niyo, guys. Ang cute niyong dalawa pero ang sakit niyo sa tainga. Mag-usap nga muna kayo diyan. Saka na ako papasok dito kapag tapos na ang LQ niyo!" aniya at padabog na sinara ni Paris ang pintuan. Para namang nagising ang dalawa at nanahimik. Padabog na sumandal sa upuan si Olivia habang patay malisya namang tumikhim si Kristoff. "Papasukin mo na si Paris. Hindi ako a-attend ng klase. Wala akong sapatos. No rebuttals." pinal na utos niya. Tiningnan siya ni Kristoff sa rear view mirror at binuhay ang makina. Nang akala niyang papapasukin na nito si Paris para makauwi sila ay pinaharurot nito ang sasakyan, iniwan si Paris na nagtataka at sumisigaw sa kinatatayuan niya. "Saan tayo pupunta? Bakit iniwan mo si Paris?" nagtatakang tanong niya. Hindi naman sumagot si Kristoff at nag-drive papunta sa isang shoe store na nasa malapit. Nang tumigil ay lumabas ito para pumunta sa tapat niya at pinagbuksan siya ng pintuan. "Labas," utos nito. Naguguluhan man ay hindi niya sinunod ito. Tiningnan lamang siya nito na halatang naiinis na. Tinaasan niya ang kaniyang kilay para ipakitang hindi siya nasisindak rito. Siya ang boss, kaya dapat siya ang mag-adjust. At saka, tapak siya at walang sapin sa paa. "Wala akong sapatos." mataray na sabi niya at isasara na sana ulit ang pintuan nang mapasigaw siya dahil hinawakan siya ni Kristoff sa baywang at puwitan para buhatin. Napakapit siya sa leeg ng binata para hindi mahulog. Walang kahirap hirap naman siyang binuhat ni Kristoff papasok sa shoe shop. Maraming magagandang sapatos doon. Sinalubong sila ng babaeng nagbabantay doon. Binaba ni Kristoff si Olivia sa couch na nandoon at binalingan ang babae. "Give her the shoes she wants..." Tila batong sabi nito at lumingon sa kaniya. Para namang bata si Olivia na nag-iwas ng tingin. "Choose what you want, brat... I won't let you to absent your class because of a pair of stupid shoes. Use this," sabi ni Kristoff at nilabas ang isang mastercard mula sa kaniyang wallet. "No, thanks." sabi ni Olivia at tumayo para maging magkalebel silang dalawa. Binalik niya ang card kay Kristoff na nakatitig lang sa kaniya. "I can pay for my shoes, Captain." "So you've learned not to accept shoes from guys, now, huh?" mapang-asar na sabi niya kay Olivia. "Jerk! Can you please shut up?" naiinis na sabi niya. Kahit kailan, palagi na lang silang nauuwi sa away ni Kristoff. Kailan ba sila magkakasama ng matino tino naman? Palagi na lang silang sumasabog at palaging naiipit si Paris sa bangayan nila. Habang namimili siya ng sapatos ay napapatingin siya sa gawi ni Kristoff na ngayon ay nakatayo sa may pintuan at nakatingin sa labas ng glass wall. Nasa dibdib ang mga braso nito at seryosong seryosong nakatanaw sa labas. Nag-iwas ng tingin si Olivia. 'Bakit ba habit ko nang palagi siyang i-checkout. Oo na, Olivia! Gets ko na na crush mo siya pero pwede bang magkaroon ka naman ng kaunting delikadesa? Baka bukas hindi mo na mapigilan at sunggaban mo na lang siya?' Aniya sa sarili at pilit na itinuon sa mga magagandang sapatos ang atensyon. Namili siya ng sapatos at nang maisuot ay nagpunta siya sa counter. Sa dami ng magagandang sapatos, nauwi sa limang pares ang nabili niya. Tinandaan niya maigi ang store at tinatak na palagi na siyang bibisita dito. Habang nasa pila, panay ang usapan ng mga sales lady. "May girlfriend? May katawagan eh?" tanong noong isa. Tumaas ang kilay niya at hindi na lang pinansin ang medyo may kalakasang usapan. "Baka work? Kanina pa siya tumitingin sa gawing 'to eh. Teka, baka nahahalata na tayo?" tanong naman noong isa. Hindi na napigilan ni Olivia at tiningnan niya ang pinag-uusapan ng dalawa at doon, nakita niya si Kristoff na kabababa lang ng phone at ngayon ay parang lawin na nakatingin sa kaniya. Nagpigil ng tili ang mga saleslady kaya napairap siya lalo na nang lumakad ang binata papunta sa kanila. "You done?" tanong nito. "Obvious ba? Ano sa tingin mo trip kong pumila dito?" mataray na sagot niya at binalik sa cashier ang tingin. Napailing na lang si Kristoff sa pagpapahiya ni Olivia. Nang siya na, inunahan niya si Olivia sa pagbabayad. Agad niyang iniabot ang tinanggihan nitong card. "Ano ba?" Mataray na sabi ni Olivia. "Kaya ko nga magbayad 'di ba?" "Take that as a gift. Birthday mo bukas 'di ba? Halika na, bilisan na natin at late ka na sa klase." sabi ni Kristoff. Hinila siya nito matapos matanggap ang card. Napatingin siya sa kamay niyang hawak hawak ng binata. Panay ang kabog ng dibdib niya sa sinabi nito. Nang makarating sa sasakyan ay sasakay na siya sa backseat ng isara ito muli ng binata at hinila siya para ipasok sa front seat. "Huwag mo akong pagmukhaing driver. Sa una ka na, para maprotektahan kita." utos nito. Natigilan na naman siya sa sinabi nito. Nakatitig lang siya sa binata hanggang sa isara ito. Nakasunod ang kaniyang tingin hanggang sa makasakay ito sa driver's seat. "Stop staring. It's rude, brat. Wear your new shoes. Madudumihan ang mga paa mo." sabi nito sa malamig na boses. Lumunok siya at hindi iniiwas ang tingin. Malakas ang kabog ng dibdib niya. No one knows about her special day tomorrow. It's a secret. Siya lang at ang pamilya niya ang may alam ng secret tungkol sa kaniyang kapanganakan kaya naman ang alam ni Kristoff ay nakakapagtaka. Ever information about their family is confidential. "How did you know that tomorrow's my birthday?" tanong niya. Tinitigan naman siya ng binata. May kung ano sa tingin nito na nakapagpanatili ng titig ni Olivia rito. "I know because I care, brat. Let's go, you're late for your class." He answered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD