"Why do you care?" tanong ni Olivia sa nababasag na boses.
"Coz' you're like a little sister to me." simpleng sagot ni Kristoff sa kaniya na mas lalong bumasag sa kaniyang kalooban.
'Yeah, you're just a sister. Huwag ka na ngang umasa.' She reminded herself.
Mabilis siyang lumabas sa sasakyan. Naabutan niyang nakaupo sa isang malapit na bench si Paris na ngayon ay may kausap na babae. Nang makita akong nakasimangot ay agad na tinaas ang kaniyang kamay para kumaway.
"Ma'am Olivia!" sigaw niya.
Umirap si Olivia at hindi pinansin si Paris.
Mahigpit ang hawak sa bag ay agad siyang umakyat sa classroom niya. Napahinga siya ng malalim ng makitang naroon si Clarence na pinagtitinginan ng ilang estudyante.
"C-Clarence." She called him.
Nakangiti naman ng malaki si Clarence sa kaniya.
"Dumaan lang ako para kamustahin ka. Nagmamadali ka kasi kanina sa cafeteria. Natapos mo ba 'yung kailangan mo para sa subject na ito?" tanog nito.
Naguguluhan man noong una pero nakuha niya agad na iyon nga pala ang idinahilan niya.
"Ah, oo! Umuwi nga ako sa bahay eh." pagsisinungaling niya at ngumiti pa.
Natigil lang sila ng may tumikhim sa kanilang likuran. Nilingon niya si Kristoff na ngayon ay seryosong nakatayo sa likuran niya.
"Mauna na muna ako, Clarence. Padating na siguro iyong professor ko." sabi niya.
Umupo siya agad sa upuan niya, ganoon din si Kristoff na nasa sa kaniyang likuran. Natigil lang siya sa pagsimangot ng lumapit ang isang kaklase niya sa kaniya.
"Uh... Hi, Olivia." sabi noon.
Tiningnan naman ito ni Olivia ng seryoso.
"What is it?" diretso niyang tanong.
Wala siyang pakialam kung sabihan siyang mataray o ano pa man. Masama ang mood niya sa araw na ito kaya ayaw niya makipag-plastic-an sa kanino man.
"From our campus magazine ako. Gusto ko lang sana malaman kung ano ang estado ng relasyon niyo ng campus MVP natin na si Clarence Cho? Nakita kasi kayo na magka-date sa isang mall. Tapos may rumor na bumili kayo ng couple shoes?" shameless na tanong nito.
Walang pasubaling tinaas ni Olivia ang kaniyang sapatos sa mesa para ipakita iyon sa kausap.
"Check my sandals. Mukha bang pang-couple shoes ito?" mataray niyang tanong.
"At ano naman sa inyo kung nag-date kami ni Clarence? Hindi naman kami obligado na sabihin sa inyo kung ano kami hindi ba? At saka.... Close ba tayo?" She asked.
Inirapan niya ang babae na agad namang umalis dahil medyo malakas ang pagkakasabi niya na nagpalingon sa ibang ka-block niya.
Hindi naman siya talaga mataray at nagpapahiya ng kung sinu-sino. Nagkataon lang talaga na sira na ang araw niya. Nadurog lang naman ang puso niya sa sinabi ng pusong batong lalaki sa likuran niya. First time niyang ma-reject.
Kinuha na lang niya ang phone niya at naglaro ng pumasok ang tawag ni Stefania.
Agad niya itong sinagot.
"Hello, Stef?" she said.
"Where are you?" tanong ng pinsan.
Umirap siya at tiningnan ang orasan. Maaga pa, alas kuwatro pa lang, ah? Bakit siya hinahanap nito?
"Univ, remember? Bakit?" tanong niya.
"Just go home. Tito Luisito's here. Invited tayong lahat sa party ni Senator Pangilinan." sabi nito.
"I have a class, Stef. Just go without me." iritadong sagot niya.
"We all know you're not serious with university, Olivia. And do you think papayag si Mommy and Daddy?" Stef asked.
"Anong oras ba ang party na 'yan? I have no time to do some pretending show, right now." galit na sabi niya.
Rinig naman niya ang marahas na tunog sa kabilang linya na parang gumalaw si Stef bigla.
"We'll go before five-thirty. Get your ass here. Don't make Mommy mad again."
Nagulat siya ng boses na iyon ni Diana na halatang galit na.
Hindi pa siya nakakasagot ay agad na pinatay into ng tawag. Inis namang tinapon ni Olivia sa kaniyang bag ang cellphone.
Naiinis na talaga siya sa araw na ito. Tiningnan niya si Kristoff na nakatitig na rin sa kaniya ngayon.
"We'll go home, Captain Querio." sabi niya sa inis na boses.
"I know. Senator just texted me." aniya at nilagay ang cellphone sa bulsa.
Naglakad na siya papalabas. Mukhang na-inform na ang protection squad niya dahil buhay na ang makina ng sasakyan at hinihintay na lang silang makapasok.
"Sa bahay muna tayo, Paris. Magbibihis ako." utos ni Olivia at agad na pinikit ang mga mata.
Ilang minuto ang tinagal ng biyahe. Pagkapasok niya sa mansyon, nagkalat ang mamahaling make-up at nakaupo sa harap ng isang make-up artist si Diana. Nakahanda na rin ang mga susuotin sa engrandeng party.
Bumaba naman sa hagdanan ang naka-roba na si Stefania. Nakaayos na ito.
"Oh, Olivia! You're here. By the way, maligo ka na. Your gown is the emerald one." sabi nito at tinuro ang gown.
Tumango siya at kinuha ang paperbags kay Kristoff bago umakyat sa taas. Nagbabad siya sa bath tub at nagtakip din ng roba bago bumaba.
Nakita niyang katatapos lang ni Diana at siya na ang susunod. Umupo siya sa harap ng bading na make-up artist.
"Oh, ang gaganda at ang memestiza talaga ng mga Villafuerte. Do you model?" tanong nito kay Olivia habang nilalagyan ng primer.
Umiling si Olivia.
"No. I'm busy." sagot niya at tiningnan ang sarili sa salamin.
"You should. Ang ganda ganda ng katawan mo. Saka ang haba ng legs mo. You'll be big in no time." puri ng makeup artist.
"Stop putting nonsense in her head, Sharon. Her father won't allow her. She's not meant for stupid showbiz." matapobreng sabi ni Diana na nagpakuyom sa palad ni Olivia.
Hindi niya talaga gusto ang tabas ng bibig ni Diana. Napakataas ng tingin nito sa sarili kagaya ng kaniyang ina. Nakatamasa lang nang masarap na buhay, akala mo ay diyos na kung umasta. Iyon ang kinagagalit ni Olivia.
Matapos siyang ayusan ay nagbihis siya ng piniling gown para sa kaniya. Long gown ito at talaga namang napakaganda.
Lumitaw ang hugis ng kaniyang katawan, at mas lalong nadepina ang kaniyang katangkaran sa suot. Nagpapasalamat naman siya na sa pagpili ng gown, ay hindi siya binigo ng walang pusong tiyahin na si Esmeralda.
Kinuhanan sila ng pictures ng make-up artist bago sila tumungo sa sailing kotse na maghahatid. Hindi na siya umangal dahil ayaw niyang makasama si Diana sa iisang kotse. Baka sa kaartehan nito, ay hindi siya makapagtimpi at itulak niya ito papalabas ng sasakyan.
Nagulat siya ng makita sina Paris at Kristoff na nakasuot din ng black coat and tie. Nang lumapit siya sa mga ito ay hindi niya napigilang mamangha sa kakisigan ng mga ito.
"What a bombshell!" kantyaw ni Paris.
Sumipol si Paris ng makita siya pero agad ding tumigil ng makitang nakatitig si Kristoff sa kaniya.
"K-Kasama kayo?" tanong niya.
"Yup. Kailangan mo ng bantay sa loob. Saka imbitado talaga ang mga pamilya namin sa okasyong ito." sagot ni Paris at kinindatan pa siya.
Napatango si Olivia. Well, Kristoff's a Querio and his grandfather is the General of the army, of course they're invited.
Sumakay silang tatlo sa sasakyan.
"Pa'no sina Jack?" nag-aalalang tanong ko.
"Don't worry about them. They'll rest for tonight." sagot ni Kristoff kahit na kay Paris nakalaan ang tanong.
Nagkatinginan si lang dalawa pero agad ding iniwas ni Olivia ang mga mata niya.
Okay, she just got rejected. Naaalala niya ang hiya sa sarili kahit na walang kaalam-alam ang binata na may gusto siya rito.
Pagkalabas ay iniabot ng isang babaeng organizer ang mask na susuotin ng mga bisita.
Olivia realized that this is the debut party of Senator Pangilinan's daughter. Itim at generic ang design ng mga maskara. She bet na para hindi noon masapawan ang maskara ng debutante.
May mga press din sa labas na nagtatanong. Pumwesto sa magkabilang panig si Kristoff at Paris, leaving her in the middle.
Pareho silang nag-offer ng braso kaya naman hinawakan niya ang mga ito pareho. Dalawa tuloy ang partner niya 'di gaya ng iba. May ilang napatingin sa kanilang gawi. Nakilala sila dahil hindi pa sila nakasuot ng maskara.
Tila mga langaw na nagsilapitan sa amin ang mga reporter.
"Miss Villafuerte, right? The Senator's niece?" tanong ng bading na column writer sa isang lifestyle magazine.
Parang may on button na ngumiti si Olivia. This is her pretentious side. Gaano man kasama ang araw niya, nakakaya niyang umarteng masigla at mabait sa harap ng press. Villafuerte genes, she guess.
"Yes. I am Olivia Villafuerte, daughter of Luisito Villafuerte." She introduced herself like a pro at ngumiti pa sa camera.
Napatingin ang bakla sa dalawa.
"You're really stunning. Kaya dalawa ang partner?" malisosyong kumento nito. "Love triangle?"
Tumawa si Olivia sa sinabi nito.
"Uhm... No. This is my bodyguards and actually they're from well-known family. This is Captain Kristoff Querio and First Lieutenant Paris Silvejo." pagpapakilala niya sa dalawa.
"Querio? The grandson of General Querio? And Silvejo, Melanie Silvejo's cousin? Am I right?" tanong nito.
As expected. They're known and from a rich family. Unang kita ko pa lang sa mga ito eh.
Nagpaalam na kami at agad na pumasok sa loob.
"Enjoy yourself for a while. Doon kami sa kanilang table ni Kristoff. We'll watch you." sabi ni Paris ng siya na lang ang maiwan para ihatid ako sa table namin ng mga Villafuerte.
Nilingon ko ang paligid at nakita si Kristoff sa table ng mga Querio. Napasimangot ako ng makitang hinalikan niya si Felicity sa noo nito.
'Talaga bang kasama palagi ng mga Querio sa events iyong si Felicity? Tss, super clingy girlfriend naman pala niya.' she bitterly said.
Umupo ako sa tabihan ni Borris at Diana. Nginitian ko si Borris at agad na ininuman ang flute ko na may champagne.
"Got a problem. Olive?" tanong nito sa kuryosong boses.
"Nah," iling niya at sumandal sa upuan. "Just tired from university." sagot niya.
"It will be fine, Olive." pagsuyo ni Borris sa kaniya na agad pinigilan ni Diana.
"Stop talking Borris. Just sit. Senator will start the ceremony." istriktang sabi ni Diana.
Umirap si Olivia sa pinsan. She's really jealous of Olivia. Hindi ito bulag na may nararamdaman si Borris para Kay Olivia. But she can't give Borris up, lalo na't iyon ang utos ng kaniyang ama.
Tumayo na nga ang Senator sa engrandeng stage para ipakilala ang nagdadalagang anak. Sinundan iyon ng engrandeng pagbaba nito sa hagdanang puno ng kumikislap na ilaw at bulaklak.
Nakipalakpak na lang din si Olivia kahit na panay ang pag-isip niya Kay Felicity na perpektong nakangiti sa kanilang table. Kumain na ang mga bisita.
Habang sumusubo ay nakita niya si Kristoff na hawak ang cellphone at may tinitipa doon. Nag-angat ito ng tingin na para bang may radar at alam na may nagmamasid sa kaniya. Nagtama ang paningin nila at tumango ito sa kaniya. Tiningnan naman niya ang pouch niya para sa mensahe pero nabigo siya ng makitang hindi para sa kaniya iyon.
'Bakit nga ba niya ako itetext?' tanong niya sa sarili.
Lalong nawalan ng gana ang dalaga at sumalampak sa upuan ng tumugtog ang orchestra para sa open cotillion.
Inanyayahan naman ang lahat ng bachelors at bachelorette na makiisa. Wala man sa mood ay tumayo siya dahil ayaw niyang makarinig ng kung ano mula sa mga nakakatandang Villafuerte.
Natapat siya sa anak ng isang businessman. Ngumiti siya ng tipid at sumunod sa pamilyar na waltz habang nakalagay ang mga braso sa balikat nito.
"Hi. I'm Andres Luna. You are?" tanong nito sa masiglang boses.
"Luna? Silvestre's son?" tanong niya pabalik dito.
Luna's one of the biggest business tycoon.
"No. I am Silvestre's nephew, though." sagot nito.
"Uh... I'm Olivia Villafuerte." pagpapakilala niya.
"Wonderful name for a wonderful lady." puri ni Andres.
Iniikot siya nito para ipasa sa susunod na partner. Nagngitian sila bago siya napadpad kay Paris.
"Finally! Hindi masasayang ang laway ko. Bernice Luna's such a snob. Pipi ata." pagrereklamo ni Paris.
"Maybe you creeped her out. Mukha ka pa namang manyak." Olivia teased.
"Grabe ka sa akin, Ma'am." sabi ni Paris.
Nahagip naman ng mata ni Olivia sina Kristoff at Felicity na sumasayaw ngayon at nag-uusap ng masinsinan.
"Uy, baka matunaw si Kristoff." pagbibiro ni Paris.
"Tss. Akala ko ba mailap 'yang kaibigan mo sa babae? Mukhang masaya siya ngayon, ah?" tanong ni Olivia sa mapait na boses.
Tiningnan ni Paris ang gawi ng kaibigan.
"Oo. Iisa pa lang ang nagiging girlfriend niyan. Nakakapagtaka nga at wala rito si Av, eh." sabi ni Paris.
"Av? Wait. So, 'di pa niya girlfriend 'tong si Felicity? Nililigawan?" tanong ni Olivia.
Humalakhak si Paris sa sinabi ni Olivia. Kinurot naman niya ang balikat nito para magseryoso.
"What? Are you crazy? They're siblings. Seryoso, 'di mo alam?" tanong nito.
Nanlaki ang mata ni Olivia sa sinabi ni Paris. Magkapatid? Si Kristoff at Felicity? Kaya ba laging kasama ng mga Querio iyong si Felicity?
Namula ang pisngi ni Olivia sa pagkapahiya. She just bashed her the whole time in her mind. Iyon pala kapatid siya! Panay ang tawa ni Paris.
"Oh, shut up! Malay ko ba, Paris? Hindi naman kasi tumatawag ng Kuya 'yang si Felicity. At ang sweet pa nila sa isa't-isa. You can't blame me!" sabi niya sa defensive na boses.
"Sabi mo, Ma'am eh. Heto na, exchange partner na." sabi ni Paris at inihanda siya ni Paris para iikot papunta sa bagong partner nito.
Ilang beses pang nagpalit ng partner hanggang sa unti-unti na siyang kabahan dahil sa wakas, ay si Kristoff na ang susunod niyang partner.
"C-Captain." tila nanginginig ang boses niya at tinanguan ito.
Tumango rin ang binata sa kaniya at ramdam niya ang titig nito sa kaniya kahit na may maskara.
May kung anong masaya sa loob niya dahil sa nalaman. At least, wala siyang girlfriend. Nabanat ang mga labi niya para sa isang ngiti.
Ngayon wala na naman siyang makitang problema, at nag-uumapaw ang kaniyang ligaya kaya hindi na niya pinigilan ang sariling tumitig din pabalik sa binata at ngumiti ng matamis.
"Why are you smiling so much, brat?" tanong ni Kristoff ng mapansin ang panay na pagngiti ng kasayaw.
"K-Kristoff," she nervously called his name for the first time. Parang estudyante na natawag sa recitation.
She needs to tell him now. Kung hindi, sasabog siya sa halong emosyon. Takot, saya, at pangamba. Iyon ang nararamdaman niya sa binata. Handa siyang sumugal sa pagbabakasakaling pareho sila ng nararamdaman nito.
"I-I think, I-I like you." nauutal at mahina niyang sabi.
Natigilan si Kristoff sa pagsayaw. Tumigil din siya para makita ang reaksyon ni Kristoff.
"What did you say?" tanong ni Kristoff.
"I like you, Captain. I really like you." She repeated.
Ngayon, mas tinapangan niya ang sarili at diretsong sinabi iyon.
Huminga ng malalim si Kristoff at muling hinawakan ang baywang ni Olivia para isayaw ito.
"Well, I don't." sagot ni Kristoff at tinitigan siya ng walang kung anong takot, 'di gaya niya.
"A-Ano?" tanong ni Olivia.
"I don't like you. Just as I told you, you're like a little sister to me... Olivia. Stop feeling like that around me coz' I don't feel the same. I'm sorry." Kristoff said coldly.
Nangingilid ang luha ni Olivia sa disgustong pinakikita ni Kristoff sa ideyang iyon.
At kasabay ng tuluyang pagkadurog ng kaniyang puso, ay ang pagpapasalamat niya sa hudyat na magpalit ng partner.