Kabanata 15

2191 Words
Natapos ang open cotillion na pilit pinipigilan ni Olivia ang pag-iyak. Nagpalakpakan ang lahat natapos iyon, hudyat na open na ang dance floor para sa kung sinuman ang gustong sumayaw. Naglakad agad papalayo roon si Olivia para hagilapin ang pouch niya sa mesa at pumunta sa cr. Umupo siya sa toilet bowl doon at umiyak. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganitong sakit natapos na mamatay ang kaniyang ina. Ito rin ang unang beses na may lalaking umayaw sa kaniya. Sanay siya na maraming nagkakandarapa, mapansin lang niya. Ilang minuto pa'y may kumatok sa kaniyang cubicle. "Hello? Ma'am Olivia?" boses iyon ni Paris. Pinunasan niya agad ang mga luha at pilit na tumikhim para mapalitan ang namamaos na boses. "I'm in here, give me a minute." sagot niya at nagkunwaring nag-flush ng toilet. "Why are you here, anyway? Ladie's ito, Paris." sabi niya at tinuro pa ang sign. "Pina-check ka ni Kristoff. Alam mo naman 'yun, ayaw na masabihang manyak at ako naman ang utusan kaya walang choice para pumasok dito." sagot naman nito. 'Oh? Talaga? Pina-check ako? Ayaw niya talagang lumapit sa akin natapos ang lahat ano? Na-gi-guilty siya kasi nawala ako?' aniya sa kaniyang isipan. "Get out of here, Paris. Susunod ako sa'yo. Mag-aayos lang ako." utos niya. "Okay." sabi ni Paris at rinig niya ang mga yabag nito papalayo. Nang nawala na ay lumabas siya ng cubicle para magretouch. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang mukhang basa ng luha. Napamura siya ng makitang wala siyang walang powder o kaya lipstick man lang na pang-retouch man lang. Pumasok ang babaeng kagaya niya ay naka-emerald din na gown gaya ng motif. Napatingin ito sa gawi niya kasi pulang pula ang mga mata niya. "You should retouch. Mahahalata nila na umiyak ka." sabi ng babae at nag-apply ng lipstick. Nilingon niya ang babae na akala mo ay wala lang ang sinabi niya. Natapos mapantay ang lipstick ay nilingon siya nito. "May concealer ako sa pouch. Want to have some? May lipstick din." she offered and showed her silver pouch. Nahihiya man ay wala na siyang choice. Naglagay siya sa daliri ng concealer at nilagyan ang ilalim ng kaniyang mata. Naglagay din siya ng lipstick at medyo umayos ang mukha niya. "Uh, thank you..." "Bernice." pagakilala ng babae at naglahad ng kamay. "Bernice Luna." Tinanggap ito ni Olivia. 'So, this is Bernice? Akala ko ba mute 'to sabi ni Paris. Eh siya pa nga iyong naunang kumausap sa akin?' Isip niya. "Olivia Villafuerte. Nice meeting you." pagpapakilala niya pabalik. "I know. We're attending the same University." sagot nito. "Oh, really?" tanong ni Olivia. "Yeah. I need to go na. We should hang out sometimes, okay?" Nagpaalam na ito at naunang umalis. Nang kumalma na ang mukhang niya, ay lumabas agad siya. Doon ay makita niya si Paris na nakasandal sa pader. "Ang tagal mo naman, Ma'am... Tumae ka ba?" tanong nito kaya pinandilatan ni Olivia. "No. It's a girl thing. Come on, let's go." depensa niya. Naglakad na siya para mauna. Mahirap na at baka matitigan siya ni Paris. Masyado pa namang madaldal ang isang iyon para mapuna ang lahat. May dumaang nag-se-serve ng wine kaya kumuha siya at nilagok agad iyon in one shot. Nilapag niya iyon sa nadaanang table at naglakad na pabalik sa table ng pamilya. This day was indeed the worst. She broke her heart and need to pretend everything's okay in front of these people. Nang may dumaan ulit, ay kumuha siya para uminom ulit. Sumipol si Paris sa likuran niya. "Are you okay, Ma'am? Ang saya mo pa kanina ah?" tanong nito. Nagkibit-balikat siya at nilingon si Paris para uminom ulit. "Yeah. I'm just tired. I need to drink para pag-uwi ko, makatulog ako ng mahimbing." She explained and drank another glass. Yeah, mukhang kailangan niya talaga para hindi siya maiyak pag-uwi. Gusto niyang malasing para makatulog agad siya at hindi na iyakan pa ang nangyari ngayong gabi. Maging nang nakaupo na ay panay ang hingi niya ng wine sa mga dumadaang waiter. "Olivia, stop drinking..." Diana hissed at her nang makitang madami ng wine glass sa table. "Kahit ba pag-inom ko papakialaman mo?" naiiritang tanong niya. "That's improper! Anong sasabihin nila? Na alcoholic ka? Stop tainting our image." giit ni Diana. "Stop that, Diana. This is a party with alcoholic drinks, that's fine." sabi ni Borris sa fiancée niya. "No, Borris. She needs to get her s**t, together. Everything will reflect on Papa in the election." pagpilit ni Diana. Padabog niyang binaba ang wine glass at hindi na sumagot. This is why she hates going to formal parties. Palagi lamang siyang hawak sa leeg at wala siyang nagawa kung 'di ang sumunod. Naging maingay ang table sa pagdating ng kaniyang ama at ni Alicia. Sa likuran nila ay naroon si Toby. Umirap agad siya sa mga ito. "Mama!" pagbati ni Luisito kay Lola, na ina ng kaniyang asawa. Humalik pa ito sa pisngi na akala mo ay masayang pamilya sila. Napasimangot na lang si Olivia at nag-iwas ng tingin sa kanila. Nilingon naman siya ni Borris na halatang naiinip na rin. They grew up together, she knows he hates these kind of parties too. "Hindi mo man lang babatiin ang Daddy mo?" tanong ni Borris. Ngumiwi si Olivia sa suggestion ni Borris sa kaniya. "Kailan ba kami naging okay ni Luisito? Parang hindi mo kami kilala,ah?" seryosong sagot niya sa kababata. Tumango si Borris sa kaniya at nilingon na rin ang mga matatandang nag-uusap. Kinuha na lang niya ang cellphone at nag-browse ng internet hanggang sa makita niya ang picture nila ni Clarence sa isang sikat na f*******: page ng admirers ni Clarence sa UAAP. Sila iyon sa mall. Magkaharap sila at halatang magkausap. Nakangiti ng matamis si Clarence at nakahawak sa balikat niya. Hindi mo halatang siya iyon dahil sa anggulo pero kung tititigan ay makikilala ng mga nakakakilala sa kaniya. May caption pa iyon na kung siya na nga ba ang sinasabing inspirasyon ni Clarence sa twitter account nito. Agad niyang ini-exit iyon. Wow, now her and Clarence's picture are going viral. Wala na bang mas igaganda pa ang araw na ito? Puro comments iyon mula sa fangirls ni Clarence. May ilang positive at may ilang negative. Pumikit siya at hinilot ang sentido bago nilapag ang cellphone sa mesa ng padabog. Pagkamulat niya, nagkatagpo sila ng mga mata ni Kristoff kaya nag-iwas siya ng tingin at binalingan si Borris na nasa tabi nito. "Borris." tawag niya sa atensyon nito. "Puwede bang ikaw ang mag-uwi sa akin ngayon?" tanong ni Olivia. "Bakit? Anong nangyari? Umalis si Kristoff?" Borris asked. Umiling siyang mabilis at hinawakan ang braso ng kababata para pisilin iyon at nang matigil ang paglingon nito sa table ng mga Querio. "No... I just don't feel it to go home with him, tonight." She answered. Hinawakan din ni Borris ang kamay niyang nasa braso. "You fought with him? Tama ba ako?" tanong ng binata. Ngumiwi si Olivia. Hindi sila nag-away pero sobra doon ang nangyari kaya hindi niya makakaya na makatabi sa backseat ang isang iyon pauwi o kaya naman kahit sa isang sasakyan. "What are you two talking about?" tanong ng sumaling si Diana sa gitna ng masinsinang pag-bubulungan ng dalawa. "Uh, nothing. Olivia will go home with us, tonight." sabi ni Borris sa fiancee nito. "Then, no. You have your own protection squad, Olivia. Tama na ang pag-iinarte mo. And please, remove your hand on my fiancé's arm. The media might speculate maliciously." utos ni Diana sa matigas na tono. Kita niya ang pagkunot ng noo ni Borris sa sinabi ni Diana lalo na ng tinanggal niya ang pagkakahawak. Well, walang kaso iyon kay Olivia. Bata pa lang ang sanay na siyang hawakan ang kamay ni Borris. "Dian—" balak sa nang sawayin ni Borris ito pero pinigilan ni Olivia. Titiisin na lang nito ang pag-uwi ngayon gabi. Just a couple of minutes and they're home. Ilang oras pa ang inilagi doon ng mga Villafuerte kaya ilang oras din siyang napilitang makihalubilo roon. Nang pauwi na ay agad niyang sinenyasan si Paris na lumapit. Kinawit ni Olivia ang kamay niya sa braso nito at mas nilapit ang mukhang para makabulong. "Ikaw ang tumabi sa akin sa backseat, please?" sabi nito sa binata. Nanlaki ang mga mata ni Paris at kinalas ang kamay ni Olivia sa kaniyang braso. "Ano ba, Ma'am? Lasing ka ba at clingy mo sa akin? Gusto mo bang patayin ako ni Kristoff? Get your s**t together." bulong ni Paris sa kaniya. Umirap si Olivia at tumayo ng tuwid. Heck, ang feeling-ero talaga nitong si Paris. "Hindi ako lasing at lalong 'di kita type. Basta I did something nakakahiya kaya ayaw ko makasabay si Kristoff. Please, Paris?" pagmamakaawa pa niya. "Pero—" Naputol ang pag-alma ni Paris ng dumating si Kristoff na may seryosong mukhang. Saglit siyang tiningnan nito bago tumitig kay Paris. "I am not coming home with you tonight. Day-off natin bukas kaya sasama na muna ako sa pamilya ko. I talked to Senator about this. I need to attend graduation ceremony in PMA." sabi ni Kristoff at hindi man lang siya binalingan. Diretso ang tingin nito kay Paris. Tinapik ni Paris ang balikat ni Kristoff. "Alright, Captain. Ako na ang bahala sa makulit na 'to." ani Paris at inakbayan si Olivia. Tumango ang binata. "Aasa ako sa sinabi mo, Paris. Text me when you arrived safe. I'll go back Monday morning. Have a good night." pagpapaalam nito. Hindi man lang siya nagpaliwanag at parang napapasong umalis agad. Nasaktan naman si Olivia doon. Ganoon na ba kaayaw ni Kristoff sa dalaga? Nang nakauwi na ay doon niya pinagpatuloy ang kaiiyak. Matapos noon ay makatulog na rin siya sa pagod. Nagpapasalamat siya na walang pasok bukas. Nanatili lang siya sa kuwarto maghapon hanggang sa mapagpasyahan niyang sumama sa night out nina Brent at mga kaibigan nito. Nagsuot ulit siya ng hood na ginagamit niya sa tuwing tatakas siya. Pumunta siya sa backyard at umakyat sa punong malapit sa bakod at tumalon sa kabila. Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa bar. Doon ay sinalubong siya ng ilang kakilala. Ngumiwi lang siya at agad ding umalis natapos ang ilang kamustahan. She's now wearing her red backless dress ka partner noon ang isang silver na stilettos. "Olive!" sigaw ni Dani at kinaway pa ang kaniyang kamay. Lumaki ang ngisi ni Olivia at pumunta sa table nila. May pamilyar na bulto ang sumalubong sa kaniya... si Clarence. Sumama siya at umupo sa tabihan nito. Nagtatawanan sila dahil sa mga kalokohang pinag-uusapan. She find herself enjoying listening to jock stuff. Minsan nakikikumento pa siya sa mga ito. Nakakarami na din siya ng inom. Niyaya siya ni Clarence na sumayaw. Humalakhak siyang tumungo sa dancefloor. Ginaya gaya niya ang dance step ng isang kaibigan. Mga lasing na talaga sa kaya kahit anong gawin nila, pakiramdam niya ang saya saya noon. "You'll watch my UAAP game next Saturday?" bulong ni Clarence sa kaniya habang sumasayaw ito sa likuran niya. "Uh... Sure. Kapag walang naka-schedule sa bahay. Alam mo naman, family, politics." bulong niya pabalik. "Okay. Aasahan kita." sabi ni Clarence at ngumiti ng malapad kay Olivia at mas lalo pang dinikit ang katawan sa dalaga. Mas lalong naging wild ang crowd sa pagsisimula ng isang beat na sikat na sikat ngayon. Patay sindi na rin at mas lumikot ang mga ilaw. Nagtalunan sila kaya iyon ang ginawa ng lahat. Masayang masaya si Olivia doon. Unti-unti niyang nakalimutan ang katangahang ginawa niya kahapon. Dahil sa mga kakilala, pinalibutan nila si Clarence sa gitna ng isang malaking bilog ilang i-good luck ito sa pag-uumpisa ng UAAP season. Nagtalunan sila habang kinakantyawan ang nakangising si Clarence sa gitna. "Clarence! Clarence! Clarence!" sigaw ng mga schoolmates nila na nandoon. Nakisali na lang din siya hanggang sa naramdaman niyang hinila siya nito papasok sa bilog. "Oh, f**k!" mura niya ng muntik na siyang madapa. Napakapit siya sa braso ng binata. Nagulat na lang siya ng halikan siya nito sa gitna na mas lalo pang nagpalakas ng sigawan ng mga ito. Natigil iyon ilang segundo lang dahil sa pagkabato niya sa kinatatayuan. Mulat na mulat siya nang hiwalayan ng labi ni Clarence ang labi niya. Inakbayan siya ni Clarence at inilapit pa lalo sa katawan niya si Olivia. Sa inis ni Olivia, tinulak niya si Clarence at agad nag-walkout doon. She's drunk but she know what she's doing. Naglakad siya papalabas ng hotel kahit na tumatawag ang ilang kakilala. Hilong-hilo na siya but she needs to go home. Wala siyang balak na magpahatid sa kung sino. She's mad at everyone. Natigil siya sa pagpara ng higitin siya sa braso ni Clarence. "Hey. Look, Olivia..." "Let go of me, Clarence." banta niya. "Hey, I am sorry. I just drank too much. And I really like you, so..." Mahigpit nitong hinuli ulit ang braso ni Olivia pero agad siyang nagpupumiglas doon. Nahilo na siya sa kagagalaw kaya naman pinigilan niya ang paglalakad para kalmahin. Hinawakan niya ang ulo. "Olivia, okay ka lang?" tanong ni Clarence sa kaniya. "I'm....o—" Hindi na niya natapos dahil nanlamig nang kaniyang tiyan kasabay noon ang pagdilim ng kaniyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD