Nagising si Olivia sa sigawan na nagmumula sa labas ng kuwarto niya. Tiningnan niya ang orasan. It's two in the morning.
'Ano na naman iyon?’ tanong niya at tinakipan ang tainga.
Diana's voice can be heard throughout the house. Whoever she's talking to, kawawa naman iyon.
"Ugh, that bitch." sabi niya sa ilalim ng unan at pinilit na makatulog.
Ilang sandali pa ay nawala na ang boses nito kaya naman nakatulog na muli siya.
Nagising siya sa alarm clock. Agad siyang bumangon para tingnan iyon. Hindi nga nagbibiro ang cellphone niya, oras na para bumangon.
Nag-inat inat siya at pumasok sa banyo para maligo. Himala na hindi siya nag-iinarte kapag ganitong araw ng linggo. Nangako kasi siyang palaging bibisitahin ang puntod ng kaniyang ina.
Nang makapagbihis ay sinilip niya ang bintana. Doon ay tanaw ang mga sundalong nag-eehersisyo at mga nakahubad. Kita niya ang mga katawan ng mga itong halos ibalandra na sa sinumang papasok sa kanilang gate.
Umismid siya ng makitang nakasuot ng damit si Kristoff at nakatayo sa harapan ng mga nag-jo-jogging na sundalo.
Nadismaya siya dahil hindi niya mahahatulan kung macho ba ito o hindi.
Bumaba siya sa kuwarto at tinungo ang kinatatayuan ni Kristoff. Nakita niya ang seryosong mukha nito habang nakatayo ng sobrang tuwid na akala mo ay may ruler sa likuran. Nakaharap siya sa mga kapwa sundalo at pinapanood ang mga ito.
Tumikhim siya kaya bumaling ito. Hindi niya maiwasang mapangisi sa naalala niyang Mama's boy ito.
"Querio," tawag niya.
Hindi nakataas sa paningin ni Olivia ang pagtaas ng kilay nito. Hindi niya akalaing, tatawagain siyang Querio ng babaeng ito. Lalo namang lumaki ang ngisi ni Olivia sa iritasyon ng lalaki sa kaniya.
Ganiyan nga, ikaw dapat ang mairita at hindi ako. Pagsasaya niya sa kaniyang utak.
"Ano’ng kailangan niyo, Ma'am?" casual na tanong nito, malayong malayo sa boses niyang masigla kahapon.
"Samahan mo ako." sagot ni Olivia.
"Day-off ko ng linggo. Go ask another team to come with you." pag-iling niya sa dalaga.
Oh, nakalimutan niya na day-off ang mga sundalo nila tuwing linggo. Napakagat siya sa labi sa sobrang pag-init ng mga pisngi niya. Baka akalain ni Kristoff na sabik na sabik siyang makasama ito?
“Bakit ko ba kasi kinalimutan iyon?” Litanya niya at inayos ang bangs niya.
"Ah! Nakalimutan ko. Uuwi ka?" tanong niya.
Ngayon ay lumingon na ang sundalo sa kaniya. Puno ng pagtataka ang mukha ni Kristoff habang nakatingin sa babae. Should he answer or not? Pero dahil walang balak umalis si Olivia hanggang hindi ito sumasagot. Tumango na lamang siya.
"I see," Olivia smiled a bit and waved her hands. "Oh sige! Aalis na ako, Querio." She shouted and made her way to the gate.
May ilang sundalong ka-shifting ng team niya ang sumalubong kay Olivia. Sumama naman ang dalaga at sumakay sa sasakyan. Nakatingin lang si Kristoff doon hanggang sa makalabas iyon. Naramdaman niya ang mahinang tapik sa balikat niya.
"Dahan dahan, buddy. Baka matunaw." nagbibirong sabi ni Paris sa kaniya.
Ginalaw niya ang balikat para alisin ni Paris ang kamay niya.
Magsasalita sana siya ng itaas ni Paris ang kamay niya. Kanina pa niyang naiisip na may sasabihin si Kristoff sa pang-aasar niya kaya inunahan na niya.
"Huwag kang magsasabi ng rankings! Bro, day-off natin. Tara sa bar? Hindi ko na-enjoy last time eh?" anyaya nito.
Umiling si Kristoff sa kaibigan. Hindi niya hilig ang pumunta sa bar. Sayang lamang sa oras iyon. Ang mabuti pa ay magpahinga siya dahil bihira sa gaya niya ang pahinga.
"No, thanks. I'll visit Felicity. She's home." sabi niya kay Paris.
"Oh? Can I come?" tanong ni Paris.
Sinamaan siya ng tingin ni Kristoff at kulang na lamang ay tutukan ng baril para sa pagbabantang lumabas sa bibig niya.
"Hands off my sister. Bro code, Paris. Or I will kill you right here, right now." banta niya.
"Chill, man!" bahaw ang tawa ni Paris sa kaibigan at tinaas ang kamay.
You won't like it when he's mad. Si Kristoff ang tipo ng lalaking nakakatakot galitin. Biglang nawawala sa sarili. Parang ibang tao kapag galit kaya hindi nanaisin ni Paris na makita ito ngayon. Ilang araw siyang natakot sa kaibigan noong nasa Academy sila. He still remembers how strong he is. He can kill someone using his bare hands.
Matapos ang morning routine, ay pinauwi na ang ilang sundalong day-off ngayon. Habang siya nasa barracks pa rin at inaayos ang mga damit.
"Tss." he sighed when he stumbled upon the envelope.
Kinuha niya iyon at nilagay sa kaniyang bag. Bigla niyang naalala si Olivia at ang pagyaya nito.
‘Saan kaya pupunta ang isang iyon?’ He thought.
Napawi ang tanong niya ng pumasok si Borris sa barracks. Dahil fiancé ito ng nakakatandang pinsan ni Olivia, dito na ito namamalagi.
"Kristoff! Sino ang kasama ni Olivia?" tanong nito.
"Team B ang humahawak sa kaniya ngayon. Si Geron ang leader nila. Bakit?" tanong ni Kristoff pabalik.
"May tawag mula sa hospital. Nasugatan ang driver nila. Wala pang balita kina Geron." balita ni Borris sa nag-aalalang boses.
Agad niyang kinuha ang baril at sumama palabas kina Borris na naghahanap ng reinforcement. Hindi siya nakapaghintay at agad na sumakay siya sa kotse niya. Hindi na siya makakapaghintay pa.
Olivia's safety is his assignment.
Puro mura ang nasabi niya sa sasakyan. Nagawa niya pang i-beat ang traffic light. If anything happens to Olivia, he's doomed. At meron ding kaunting porsyento ang nag-aalala sa dalaga. She's crazy and spoiled. Tatanga tanga pa naman ito.
Tumunog ang cellphone nito sa tawag ni Paris. Alam nitong walang makakapigil sa kaniya kapag trabaho ang nakasalalay. Cancelled lahat ng tawag ni Paris. Nagawa pa niyang i-track ang GPS ni Olivia. Bago pa lamang siya ay ugali na niyang i-track iyon. At laking pasasalamat niya ng makitang detected iyon at nasa lugar na wala masyadong bahay.
‘Ano’ng ginagawa niya roon’ tanong niya.
Kung kapatid niya iyon ay paniguradong papagalitan niya. Masyadong pasaway. Sino naman ang babaeng pupunta sa liblib na lugar kahit na sabihing mayroon siyang mga bantay?
Niliko niya ito sa parteng talahiban na malapit sa sementeryo. Nakita niya ang sasakyang inabanduna sa ‘di kalayuan. Kinasa niya ang baril at agad na binitbit papalabas. May mga tama ng baril sa salamin ng bintana.
May tumambang dito. Walang duda roon. Pumasok siya sa talahiban at walang arte arteng hinawi ang matataas na d**o. Sinuyod niya iyon at nagtataka siya kung bakit wala sila doon.
‘Hindi kaya nakuha na sila?’ tanong niya.
Nabalik siya sa katinuan ng marinig ang pagputok ng baril sa direksyon niya. Tumakbo siya at mas pumasok pa sa pinakaloob na bahagi ng talahiban.para magtago.
‘Tangina!’ he cursed on his mind.
Tama iyon ng isang long range na uri ng baril. Ibig sabihin, may mga sniper na naririto at nagmamatyag sa kaniya. Dumapa siya at gumapang para hindi siya makita. Sinilip niya ang parte kung saan maaaring nanggaling ang bala. Tiningnan niya ang taas ng puno at naaninag doon ang bulto ng tao.
"Got you." bulong niya at pasimpleng tinutok doon ang baril.
At sa isang asinta niya, agad na bumagsak ang sniper sa kinatatayuan niya.
Sinigurado niyang tatamaan ito sa leeg. Nilingon niya ang paligid. Hindi pa rin siya tumatayo dahil sa posibilidad na marami pa sila at hindi siya nagkakamali dahil mula sa gilid niya ay may nagpakawala ng bala at tinamaan din siya sa kanang braso.
Gumulong siya at agad na pinaputukan ang lalaking nakamaskara. Tinamaan ito sa paa kaya inisahan niya pa sa kanang kamay kung nasaan ang baril nito.
Nang mabitawan ay mabilis niyang dinag-anan ang lalaki at pinipilit ang kamay nitong may tama.
"Sino ang nagpadala sa inyo rito? Sino ang nagpatambang sa pamangkin ni Senator?" tanong niya sa mababang boses.
Hindi nagsalita ang lalaki kaya mas pinilipit niya iyon. Hindi pa din ito nagsalita kahit na bakas sa ungol ang sakit na ginagawa ni Kristoff.
"Hindi ka magsasalita?" tanong niya. "Papatayin kita kapag hindi ka nagsalita." pananakot niya.
Umiling ang lalaki at pilit na ngumisi.
"Patayin mo na ako kung ganoon." hamon ng lalaki. Narinig niya naman ang mga sirena ng pulisya. Tiningnan niya muli ang lalaki at umiling siya.
"I would love to kill you, pero ang batas ay batas." ani Kristoff.
Binitbit niya ang lalaki sa kuwelyo at iniangat. Nakita niya si Borris na hinahawi ang mga talahib.
"Henares." tawag niya.
Natigilan si Borris nang ibato ni Kristoff ang lalaking gunman. Nakita niya ang butas na sleeves ni Kristoff at ang dugong pumapatak rito.
"May tama ka, Querio." sabi niya. Tiningnan lang iyon ni Kristoff
"Dalawa ito. Patay ang isa. Kayo na ang bahala rito." sabi niya at tumayo para higitin ang lalaki sa kamay nitong may tama.
Umungol ang lalaki kaya agad na kinuha ni Borris ito.
"Nakita na ba sina Olivia?" tanong niya nang ilang saglit pa.
Tumango si Borris. Bakas din ang pagkaluwag ng kaniyang damdamin.
"Oo. Nasa mansyon na sila. Nailigtas siya ni Geron at ng team niya. Lima raw ang tumambang. Napatay nila ang tatlo." paliwanag ni Borris.
Tumango siya at nagpaalam na. Hinayaan na niya sina Borris at ang kapulisan na magpatuloy ng imbestigasyon.
‘Thank God, she's safe.’ aniya sa isipan bago binuhay ang makina ng kaniyang sasakyan.
Iyon lang ang naisip niya habang sumasakay siya sa sasakyan niya at nag-drive pauwi ng bahay nila para makita ang pamilya.