Kabanata 3

2319 Words
Nagising siya mabigat ang pakiramdam. Hindi niya akalain na ganito magiging kasakit ang ulo niya. Nahihirapan man ay agad siyang naligo. Kung hindi nga lang siya binalaan ng kaniyang propesor na isang absent na lang niya ay i-da-drop na siya nito. At hindi niya maaring gawin iyon dahil ikatlong beses na niya sa subject na ito. Nagmadali siyang lumakad papalabas. Labing limang minuto na lamang at klase na ng propesor niya. At wala itong puso kapag oras na ang usapan. Time is money kumbaga. "Paris!" she shouted as soon she exited the house. "f**k, Paris!" she screamed at the top of her lungs. Nagulat siya dahil sa taong agad na tumakbo papunta sa kaniya. Napahawak siya sa dibdib ng muntik na silang magkabanggaan ni Kristoff. Halatang nagmamadali rin ang lalaki. Hawak nito ang baril niya kaya hindi matanggal ang titig niya rito. "Anong mayroon?" tanong nito sa nagmamadaling boses at nilingon ang paligid na parang handa siyang magpaputok sa kung sino. "Ah! Late na lang ako sa klase ko. Asan si Paris? Bilis!" sigaw niya at agad na sumakay sa kotse. Sinenyasan ni Kristoff si Paris kaya tumakbo ito. Sumakay silang tatlo sa sasakyan. Nakasimangot ang mukha ni Kristoff na parang ayaw niya ang nakikita niya. ‘Ano’ng problema nito’ Tanong niya sa sarili at sinandal ang ulo sa salamin. "Dylan, Jack, Lui." biglang salita nito kaya napalingon siya. Ramdam ang lamig sa boses nito. "Convoy tayo. Lui, just the usual. Check the area. I'll sit in her class, Paris." sabi nito. Nanglaki ang mga mata niya. Mag-si-sit in siya? Para saan pa? Paris never did that when he's the leader of her protection squad. He never cared that someone will stab her using pencil. Ang babaw noon para sa kaniya. "Why would you sit inside? Sa labas na lang kayo." She said. She doesn't want them to see how bad she is in business math and accounting. Ayaw niya na makita kung paano siya sabunin ng kaniyang propesor. "I'll protect you." sagot lang nito. "Paris, bilisan mo. Late na siya." Hindi na siya nagsalita. Kinagat ni Olivia ang labi niya. It was five minutes before nine thirty when she arrived. Ni hindi na niya initindi ang mga ito at tumakbo. Ramdam niya ang pagtingin ng mga tao sa kaniya dahil sa mga bantay niyang tumatakbo na rin para masundan siya. Hingal na hingal siya ng makarating sa ika-limang palapag. "Miss Olivia Emerald Villafuerte. You are almost late." sabi ng propesor na kasabay niyang pumasok sa pintuan. Ngumisi siya sa babaeng propesor. "Almost." She emphasized what her professor said. Hinawi niya ang buhok at umupo sa likuran. May ilang bulungan dahil huling pumasok si Kristoff na umupo sa tabihan niya. Nag-discuss na ang professor niya ng math. Halos mapamura siya dahil sa surprise balancing quiz. Kumuha siya ng papel at sinulat ang binigay ng propesor. Ilang pindot na niya sa calculator ay hindi niya ma-balance balance ang mga numero. Hindi rin naman kasi siya nakinig. ‘Shet? Ano ba 'to?’ tanong niya sa sarili. Hindi siya lalo makapagfocus dahil ramdam niya ang titig ni Kristoff sa kaniya at sa papel niya. Hindi naman siya nag-angat ng tingin at nag-pretend na pumipindot sa kaniyang calculator. Tumikhim ang propesor at tiningan ang orasan. "Pass your papers in 5 minutes." bilin nito at may pinalidad ang boses nito. ‘Damn, five minutes na lang! Akala mo naman ang dali-dali ng pinapagawa niya?’ Minumura niya sa utak ang matandang propesor. Ilang minuto na lang ay tiningnan na niya si Kristoff na nakataas ang kilay. Nagulat siya ng agawin nito ang calculator at pindutin ang mga numerong binigay nito. "5, 676,000. Balanced." sabi ni Kristoff at pinakita ang mga numero sa calculator. "How did you do that?" bumubulong na tanong niya. "You kept on adding it. You should subtract this because it is said in this statement." paliwanag ni Kristoff at tinuro niya ang isang statement sa taas. Napairap siya. Bakit hindi niya maintindihan iyon? Kinuha niya ang calulator at ginawa ang sinabi ni Kristoff. Wala pang tatlong minuto ay na-balance niya iyon. Napataas ang kilay niya. 'He's smart also. Bakit lahat ata ng magandang traits sa mundo napakyaw na ng lalaking ito? Baka favorite ni Lord?' aniya sa kaniyang isipan. Pinasa niya ang papel sa professor at tinaas nito ang mga kilay niya kay Olivia. "I can't believe it, Miss Villafuerte. At last, gumana rin iyang utak mo." puna nito. She just rolled her eyes. Biglang gusto na lamang niyang kainin ng lupa ang propesor na iyon. Bigla rin niyang nahiling na sana manalo si Senator Villafuerte nang sa ganoon ay maging Pangulo ito at kabahan naman ng kaunti sa paglapastangan sa kaniya ang propesor na ito. "You don't know how to do simple math." sabi ni Kristoff. "Yeah. Bad at numbers." sagot na lamang niya at sinandal ang ulo sa desk para makatulog. Her head's really thumping. Parang may kung ano sa nainom niya kagabi. Pinikit niya ang mata hanggang sa makatulog. Naramdaman na lamang niya ang malamig na classroom at ang tahimik na paligid. Inangat niya ang mata at nakitang wala nang tao sa classroom. Nilingon niya ang katabing upuan at nakita doon ang seryosong si Kristoff na nakaupo pa din doon at parang tahimik na nagdadasal. ‘Kanina pa ba siya diyan?’ tanong niya. Hinagilap nito ang relo niya at nakita doon na ilang oras na siyang tulog. Maghahapon na din. "Kanina ka pa diyan?" tanong niya. Tumango ang lalaki sa kaniya at tumayo na rin mula sa pagkakaupo. "Gising na gising ka na. Let's go." anyaya niya at tinungo ang pintuan para buksan. Sumunod siya, inaayos ang buhok. "Hindi ka ba tumayo habang tulog ako? Or lumabas man lang?" tanong niya. Umiling ang lalaki at panay ang sulyap sa paligid. Ramdam din niya na sumasabay ito ngayon sa lakad niya. "Really? Nakaupo ka lang doon the whole time?" tanong ulit ni Olivia. Nakatulog siya ng halos limang oras at nanatili sa silyang iyon si Kristoff? "Yup. Can't leave you." sabi ni Kristoff. Natigilan siya sa paglalakad kaya natigilan din ito. Those three words made her stop. Hindi niya alam kung bakit nag-init ang mukha niya roon. ‘Anong 'can't leave you?'. Nakakainis!’ She whispered to herself. "Bakit ka tumigil? May problema ba?" tanong ni Kristoff sa kaniya. Parang naibalik naman siya sa kaniyang sarili ng tanong na iyon. Naputol ang iniisip niya dahil lumabas si Paris sa kanilang harapan. "Kung wala lang oculars ang sniper, iisipin ko na iba ang ginagawa niyo sa loob ng classroom." mapanuyang sabi nito. Tinapik ni Kristoff ang tiyan nito. Medyo malakas iyo kaya napadaing siya at nagtaas ng kamay. Alam niyang hindi gusto ng kaibigan ang mga birong ganoon. Masyadong prude ito at conservative. "Paris, ihanda mo na ang kotse kung ayaw mong bigyan kita ng parusa sa barracks." utos nito kay Paris. Sinalo naman ni Paris ang hinagis ni Kristoff na susi at ngumuso. "Ang KJ mo talaga, bro. Daming kolehiyala rito." sabi niya. Masamang tingin ang ginawang banta ni Kristoff kay Paris. "What did you call your superior, First Lieutenant?" tanong ni Kristoff. May awtoridad ang boses nito. Agad naman na tumuwid sa pagkakatayo si Paris na akala mo ay may ruler sa likuran. "Nothing, Sir. Ihahanda ko na po ang kotse." sabi naman ni Paris at agad na tumakbo papunta sa parking lot. Nang mawala ito ay tiningnan niya si Kristoff. "You look friends naman. Close ba kayo ni Paris?" tanong ni Olivia. "It doesn't concern you. Let's go." sabi nito at hinintay siyang maglakad. Gusto naman niyang magwala sa sinabi nito. Bakit ba ang hirap pasagutin nito ng matino? Eh once in a blue moon lamang ata ito sasagot ng tanong niya eh. "Alam mo, Kristoff. Hindi naman masama kung sasagot ka minsan. Feeling ko nakikipag-usap ako sa puno eh." sarcastic na sabi ni Olivia. Hindi naman sumagot si Kristoff sa sinabi nito. Batid niya ang iritasyon ni Olivia sa kanila pero mas pinili niyang huwag sumagot. Ayaw na niya ng koneksyon sa kahit na sinong tao. Ayaw niya na magbahagi ng tungkol sa kaniya sa mga ito. He's not the type who'll sit and talk about himself. Nang makasakay sila sa sasakyan ay agad niyang kinamusta ang ilang kasamahan na nakasunod sa kanila. "Jack, uuwi tayo sa bahay. Keep your eyes focused for possible threats." sabi nito sa kaniyang headset. "Puwede ba, Kristoff! Wala namang giyera. Can you loosen up? Kahit kaunti lang? Nakaka-tense kang kasama akala mo naman may mag-I -interest sa akin." She said. Umirap si Olivia. Kristoff is paranoid! Ang weird weird niya. Ang guwapo niya nga at ang macho, pero dinaig pa ang matandang praning! "You can be targeted anytime. Your uncle's a politician with tons of supporters, Ma'am. And Captain's doing his job." sabat naman ni Paris. "Alam mo, Paris. Ang pabibo mo! Ikaw ba ang kausap ko? Dila ka ba nitong boss niyo?" tanong ni Olivia. ‘Kaya hindi napipilitan magsalita itong si Kristoff, eh. Masyadong pabibo itong kanang kamay niya! Ang epal epal!’ Narinig naman nila ang ilang pigil na tawa sa walkie talkie muka sa kabilang sasakyan kung saan sakay sina Jack, Dylan at Lui. "Gago! Tawa pa kayo. Patay kayo sa akin sa barracks. Sige, lubusin niyo ang tawa niyo." banta ni Paris sa tatlo sa walkie talkie. "Sir, pasensya na po." sabi ni Dylan na halatang pinipigilan ang pagtawa. Busangot ang mukha ni Paris habang nagmamaneho. Kahit na anong hingi ng tawad ng mga ito, gagawa pa din siya ng paraan para maparusahan ang tatlo. Mas mataas ang ranggo niya sa mga ito. Nilingon ni Olivia si Kristoff na hindi man lang natatawa. Napailing si Olivia at hinilig ang ulo niya sa salamin at naglagay ng headset para hindi na marinig ang mga tagabantay niyang isip bata. Mga sundalo nga pero kung makaakto akala mo ay mga nasa grade school. May isa naman sa tabi niya, akala mo principal sa sobrang higpit. Nakatulog ulit siya pauwi. Naramdaman na lamang niya tinatapik siya ng isang mainit na kamay sa kaniyang pisngi. "Ma'am, gising!" sigaw ng boses. Hirap man ay minulat niya ang kaniyang mga mata sa pag-aakalang si Kristoff iyon. Pero ang bumungad sa kaniya ay si Dylan na nakangiti ng tipid sa kaniya. "Ma'am, pinapagising po kayo ni Sir Kristoff. Kanina pa po kayong tulog diyan." sabi niya. Napansin kong nakahiga na ako sa buong backseat. Sinilip ko ang bintana at nag-aagaw na ang dilim at liwanag. "Kanina pa akong tulog?" tanong niya at kinusot ang mga mata. "Yes, Ma'am. Magdadalawang oras na din po." sagot ni Dylan at sumulyap sa relo. Napansin niya nga na nakapagpalit na ang mga ito ng damit. Hindi man lang siya ginising o binuhat man lang ni Kristoff papasok ng mansyon? At talagang dito nila pinatulog ang kanilang boss sa kotse? At malala, iniwan pa nila. Napapikit siya sa ugali ng lecheng Kristoff na iyan. Gusto niyang sabunutan ang sarili sa sobrang frustration niya. Siya dapat ang nagpapasakit ng ulo nito kagaya ng gawain niya dati noong si Paris ang tagabantay niya. Pero bakit nabaliktad ata ang lahat ngayon? Siya ang sumasakit ang ulo sa Captain na iyon! "Asshole!" She lowly growled. "Ako po, Ma'am? Bakit po ako naging asshole?" tanong ni Dylan at shock na tinuro ang sarili. Gulong-gulo si Dylan na nakatingin sa kaniya. Tiningnan niya ito ng masama at padabog na lumabas ng kotse para iwan iyon doon. Pumasok siya sa bahay na parang batang hindi nabilihan ng laruan. Nagpalit siya ng damit at bumaba din agad para kumain ng dinner. Hindi na siya nakakain ng tanghalian dahil hindi man lang siya ginising ng magaling na si Kristoff. Lalong nag-init ang dugo niya nang mapagtanto iyon. ‘Buhay nga ako sa proteksyon niya pero papatayin naman niya ako sa gutom? Para talagang puno iyong lalaking iyon. Walang pakiramdam, manhid! Ni hindi pa ata nagkaka-girlfriend kaya ganun. Praning!’ Litanya niya sa kaniyang isipan sa bawat subo ng kanin. Natapos siya sa pagkain at lumabas sa pool area para makapag-isip isip. Sinawsaw niya ang paa sa loob ng pool at tumingala sa langit. Tuwing malungkot siya, iyon ang ginagawa niya. Iniiisip niya na ang bituin sa langit ay ang kaniyang yumaong ina. ‘'Ma, ipaghihiganti kita pangako. 'Ma, mananagot silang lahat. 'Ma, makakamit mo rin ang hustisya mo. Konting tiis na lang.’ Natigil siya sa pag-iisip ng may marinig siyang boses sa kung saan. Mahina ito pero pamilyar. Sinundan niya ang boses at nakita ang malapad na likuran ni Kristoff. May kausap ito sa phone at halatang seryoso sa kausap. "Yes, 'Ma. Don't worry, merong nagluluto rito. Yes, 'Ma. I know how to do it. Yes, 'Ma. I know, I know. Hindi na ako bata." Napakunot ang noo niya rito. The way he spoke to his mother was different. Kung sa kaniya ay monotone at walang kabuhay buhay, ang boses nito ngayon ay puno ng affection. Hindi niya maiwasang hindi matawa dahil sa na realized niya. "Yes, 'Ma. Don't you worry. That would be a piece of cake. Si Greg ang dalawin niyo. I bet that punk cannot survive PMA without a servant." He even chuckled at what he said. Napataas ang kilay niya. Tumatawa pala 'to? Bakit laging akala mo 'pag maraming tao, makakamatay ang pagtawa at pagngiti? "Yes, Yes. I'll go home this weekend to see her. Just tell Feli, I miss her and I love her. I love you, Mom."sabi ni Kristoff. Feli? Girlfriend kaya niya? Tss. Umiling siya ag patuloy sa pakikinig hanggang sa magpaalam ito at umalis na parang walang nangyari. ‘Tumatawa naman pala at isang normal na tao kapag siya lang. Bakit palaging ang stiff stiff niya? Akala mo naman mauupos siya once na ibuka niya ang bibig niya kapag tatawa siya.’ Napailing siya habang bumabalik sa pool at hinuhubad ang tsinelas niya. "Tss. Mama's boy ka pala, huh." bulong niya at nagpakawala ng mahinang halakhak niya habang sinasawsaw muli ang paa sa tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD