Nakaupo si Olivia sa living area habang kinakausap ng mga pulis si Senator. Panay ang tingin niya sa mga sundalong labas pasok sa bahay nila dahil sa nangyari. Geron and his team is currently in the hospital for their check-up samantalang hindi siya nagpagamot dahil ligtas siya.
Napatalon siya ng pumasok si Borris sa loob. Even Senator Villafuerte turned his attention to Borris.
"Senator," he nodded at him.
"Borris! What the hell?"
Umalingawngaw ang boses ni Diana na humahangos pababa sa grand staircase ng mansiyon. Hindi naman maiwasan ni Olivia ang mapairap dahil sa maala-teleseryeng arte nito.
"Diana." bati ni Borris at sinalubong ito.
Agad na hinawakan ni Diana ang pisngi ng fiancé para tingnan iyon.
"Ano ba ang iniisip mo at sumugod ka roon? May sariling protection squad si Olivia. You shouldn't stick your nose where it doesn't belong." pangaral nito.
Umirap si Olivia sa sinabi nito.
‘So, kung hindi ko siya protection squad dapat ay hayaan na lang akong mabaril?’ tanong ni Olivia sa utak niya.
Binalingan siya ni Borris at tumango.
Tumayo siya para lumapit dito. Nabalitaan niya kasi ang pagsugod ng ilang team para sa back-up.
"Kamusta na, Olive?" tanong ni Borris sa kaniya. Sinulyapan ni Olivia si Diana bago tipid na sumagot.
"Ayos lang. Ikaw? Ang team mo?" tanong niya.
"They're fine. But Kristoff was shot." sagot ni Borris.
Napanganga siya sa balita.
‘What? He was there?’ She thought.
Buong akala niya, umuwi na ito kanina pa. Agad naalarma ang utak niya.
‘What? That poker faced soldier was wounded?’ She thought again.
"May sugat pa siya, Borris! Ano’ng nabaril na naman siya?" tanong niya sa nag-aalalang boses.
"He's okay, Olive. Huwag kang mag-alala sa isang iyon. He killed a sniper and managed to catch one witness." sabi ni Borris at bumaling kay Senator.
Hindi naman pinalipas ni Olivia ang pagkakataon at lumabas para hanapin si Paris. Ngayon nakasakbat na ang bag nito at nakadamit civilian na.
"First Lieutenant!" sigaw niya.
Napalingon si Paris na naglalakad na patungo sa gate.
"Oh? Ma'am Olivia." aniya.
"What happened to Kristoff?" tanong niya.
Nagkibit balikat si Paris sa tanong at tumingin sa dalaga.
"Don't worry, he's okay for sure. He's home." sabi ni Paris.
Gustio niyang suntukin si Paris sa sinabi nito.
How could she not worry?
Eh, may nabaril na tao dahil sa kaniya! It's a big deal.
Hindi naman iyon kagaya ng simpleng pagkakadapa! Kristoff and his idiot decisions.
"Your boss is an idiot!" ani Olivia na nagpataas ng kilay sa binata.
Maya-maya pa ay tumango ito.
"Yeah. You're right. He's an idiot at times. Ang tanging pinanghahawakan ko na lang ay matagal mamatay ang masamang d**o. Sige na, Ma'am... Uuwi na muna ako. Dami kong date this weekend." sabi ni Paris at kumindat pa.
Naiwan siyang nakatayo roon. Nang maghapunan ay ramdam ang tensyon. Kauuwi lang ng mga media. Silang apat ang nasa hapag kainan. Si Senator ay nasa dulo at sa tabi nito ay si Diana. Sa tapat ni Diana at si Stefania at siya naman ang nasa tabi ni Stefania.
"You should stop going to that cemetery until the election's over, Olivia." sabi ni Senator.
Natigil si Olivia sa pagkain.
"And why should I do that?" tanong niya sa malamig na boses.
No one can stop her from going wherever she wants.
"Olivia!" saway ni Diana.
Tiningnan niya ang dalaga ng may galit dahil sa pambabastos sa ama. Ginantihan din ito ni Olivia. If she only has a choice, matagal na siyang umalis sa mansiyong ito.
"I am asking you nicely. This is for your safety. And that's final." sabi ni Senator.
Binaba ni Olivia ang kubyertos niya at tumayo na nang padabog. Nag-angat ng tingin sa kaniya ang tatlong nasa hapag.
"You can't tell me what to do, Senator. I'll visit my mother's tomb whenever I want." she said with finality.
Umalis siya roon at umakyat ng kuwarto. Halos manginginig siya sa galit.
‘How dare he order me? That idiot Senator! Acting high and mighty! Hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa mga Villafuerte rin.’ she cussed.
She despises this family so much. Umupo si Olivia sa harap ng study table niya at binuksan ang laptop. Pumunta siya sa isang underground website at doon nagsulat ng mga artikulo laban kay Senator Villafuerte. Nilagdaan niya iyon gamit ang kaniyang hindi kilalang pen name.
Iyon ang routine niya, ang sirain ang pangalan ng Senador. Malaki ang galit niya sa mga taong ito. Senator Villafuerte, his wife Esmeralda Villafuerte, her grandmother Frida Villafuerte, her father Luisito Villafuerte.
Iyon ang mga pangalan na labis niyang kinasusuklaman. The Villafuertes aren't nice as what the public pictured. Mahilig magpabango ang mga gahamang ito kaya ni minsan ay hindi niya pinangarap na mapabilang sa pamilyang ito. Ilang beses na siyang naiinis sa tuwing sinasabi ng mga taong nakapalibot na ang suwerte niya at isa siyang Villafuerte.
Balang araw, makakaalis din siya sa impyernong ito. Balang araw, magkakaroon din siya ng kalayaan. Ang kalayaan na ninakaw ng mga Villafuerte sa kaniya.
Dumating si Kristoff sa mansiyon ng pamilya na agad sinasalubong ng kapatid na si Felicity. Hawak hawak ang dumudugong braso, ay lumapit siya rito.
"Oh my god! Bakit ka may sugat? Ano ang nangyari?" tanong ni Felicity na halatang gulat na gulat sa pangyayari.
"Nadaplisan lang, Feli. Kamusta ka na?" pagbaliwala niya sa usapan.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Felicity.
"Huwag mong ibahin ang usapan, Kuya! Ano ang nangyari? Mukhang hindi ito daplis. Mukhang nakabaon ang bala!" sabi ni Felicity at agad na sumigaw sa mga katulong.
Felicity is right. Nakalubog ang isang basyo ng nala sa braso niya. Nagtagal siya sa daan dahil hindi niya mahawakan ng ayos ang manibela dahil iisang kamay ang gamit niya. Labis ang sa sakit noong kamay niyang may tama at hindi na niya maigalaw iyon. Iwinaksi niya iyon at isang malaking milagro na nakauwi siya ng maayos sa mansiyon nila.
"Kristoff!" sigaw ng ina na halatang hindi alam ang gagawin.
Napailing na lang siya sa ina at hinawakan gamit ang isa pang kamay. Pinisil nito ang balikat ng ina.
"Calm down, 'Ma. Wala lang 'to." pag-alo niya sa nag-aalala nitong reaksiyon.
"Ilang araw ka pa lang sa mga Villafuerte at may sugat ka na agad! Kakapangako mo lang sa akin na mag-iingat ka at ngayon, magpapakita ka sa akin na may tama ng baril? Papatayin mo ba ako, Kristoff?" sabi ng kaniyang ina.
Ngumiti si Kristoff rito. Dinala siya ng ina sa sala kung saan siya gagamutin ng family doctor nila.
"Hindi natin magagamot ito rito. Kailangan sa ospital dahil i-che-check ko ang braso mo. Mukhang may fracture ka. Kailangan din nating gamutin iyon." sabi ng doctor.
Sumama siya sa ospital dahil mas kaikangan ng equipment para masuri iyon. Sumama din si Felicity para ipag-drive siya. Napilit naman niya na huwag nang sumama ang ina dahil masyado itong nag-aalala. Nang napatunayan na may bali ang kamay nito dahil sa pagkakabagsak ay agad na nilagyan iyon ng cast.
"Tell me, Kuya... Ano ba ang nangyari sa braso mo? May engkuwentro?" tanong ni Felicity habang nag-da-drive pauwi.
"You can say that. Si Gregory? Uuwi ba ang isang iyon?" tanong niya.
"Yeah. I called him earlier. Kakainis ang isang iyon, kailangan pang i-blackmail para umuwi." ani Felicity.
"I heard he's having a hard time in PMA. Alam mo naman ang isang iyon, troublemaker. For sure his guts won't stand a chance there." sabi ni Kristoff.
"I hope that asshat learns his lesson there, Kuya. He's older than me but he acts like a teenager. f**k boy masiyado." she said.
Their grandfather pulled some strings para makauwi si Gregory para sa death anniversary ng kanilang ama. It's a family tradition. Lagi silang umuuwi kahit ano pang ginagawa nila sa araw na ito. At hindi mahirap iyon dahil mataas ang katungkulan ng kanilang Lolo.
"By the way, I heard from Mommy... That you're currently protecting a Senator?" tanong ulit ni Felicity.
Napahinga ng malalim si Kristoff. Yeah. Isang linggo pa lang at pakiramdam niya, tumanda na agad siya sa dami ng nangyari.
"Not exactly the Senator. His niece." sabi ni Kristoff.
Agad na napangisi si Felicity sa sinabi ng nakakatandang kapatid.
"So, babae…" halos magningning ang mga mata nito.
Pagod na siya sa paghihintay ng magiging kasintahan ni Kristoff. He only had one serious girlfriend and that was before he went to PMA. It was ages ago at gusto niyang magkaseryosong girlfriend na ulit ang kapatid. Gregory isn't the type to go serious kaya kay Kristoff siya umaasa.
Pero ang kapatid niya atang ito, bato na.
"Stop looking at me like that, Fel. I know what you're thinking." sabi ni Kristoff sa kapatid.
Sumandal siya sa passenger seat at sinandal ang ulo sa bintana.
Humalakhak si Felicity sa sinabi nito.
"Oh, come on, Kuya! Maganda ba?" tanong niya ulit.
"Bata pa. Huwag kang umasa dahil hindi ko magugustuhan iyon." sagot ni Kristoff, winawakasan ang usapan.
Umirap si Felicity.
"Huwag kang magsasalita ng tapos. Sige ka, baka maglaway ka run." sabi niya.
"Not gonna happen." mayabang na sagot nito.
Hindi nagsalita si Felicity. Gusto niyang sabihin na 'Talaga lang ha?' pero mas pinili niya na manahimik. Sa hitsura kasi ni Kristoff, parang wala talaga siyang interes na magkaroon ng kasintahan.
Pero ang kuryusidad sa kaniya ay hindi nagpapigil. Muli ay nilingon niya ang kapatid upang tanungin.
"Pero maganda?" ulit ni Felicity.
Natahimik ng ilang sandali si Kristoff na parang may iniisip. Huminga ito ng malalim at pumikit. Susuko na sana si Felicity sa paghihintay ng sagot ng marinig niya ang mababang boses ng kapatid.
"Maganda pero saksakan ng tigas ng ulo." he answered.