Kabanata 8

1753 Words
Pagkapasok ni Kristoff sa loob ng kanilang barracks ay napahinga siya ng malalim. Olivia's words made him uncomfortable. ‘Ganoon ba talaga mag-isip ang isang iyon? She's too straightforward and doesn't afraid to talk’ he told himself. He can't believe it. Hindi siya nagmamalinis dahil una sa lahat, lalaki siya. Normal na usapin ito sa kaniya. He did play around in his last year in high school. He slept with his ex-girlfriend twice and kissed girls in a club with his friends. Anila'y iyon na ang huling beses na mabubuhay siya ng ganoon. He may be an honest soldier but he's no saint. Malala ang mga ginagawa niya noon bago magsundalo. If the people will only see it, the perfect captain image he has will be tainted. "Penny for your thoughts, my friend?" tanong ni Paris na nakaupo sa harap na bunk bed. Nakasuot ito ng boxer shorts ito at may iniinom na gatas. "Tell me more about Olivia." aniya na nagpagulat sa kaibigan. "Woaah. Alam niyo, pareho kayong halata. Crush niyo ang isa't-isa ano? Tinatanong ka niya sa akin at ikaw din." saad nito at may ngisi ito. Hindi niya napigilan ang sarili at tinungo ng kaniyang kamay ang likuran para kuhanin ang baril. Kinasa niya iyon at nananakot na tinapat sa harap ni Paris. Nagtaas agad ng kamay si Paris. "Grabe ka, Kristoff! Babarilin mo talaga ako?" Medyo kinakabahang tanong nito. "Stop playing with me, Paris. You know that I never miss." he warned but of course, he’s kidding. Binaba niya ang baril. Nakahinga ng maluwag si Paris at muling sinipsip ang straw ng gatas na iniinom. Nilunok niya iyon at binuka ang bibig para sa sasabihin. Kristoff remained silent. Olivia's a big mystery. Narinig niya kung paano nito tratuhin at pagsalitaan ang asawa ni Senator. "Olivia just moved in here last year. Hindi maganda ang tratuhan nila ng pamilya. She's the black sheep which is obvious." kuwento ni Paris. "Where are her parents?" Kristoff asked. "Luisito Villafurte's in the US with his new wife. Olivia's mother was shot dead sa isang ambush noong ten years old siya. Nag-iisa siyang anak and ayon sa mga nabalitaan ko, pinalayas siya ng stepmother niya noong nag-eighteen na siya." Paris answered. Eighteen? She's just twenty. How could a stepmother do that? At anong ginawa ng tatay niya? He can't believe it. Sa kanilang bahay, kahit na selyado na ang karera ng mga bagong silang, ni minsan ay hindi ito pinabayaan. Querio values close family ties so much. Maka-Diyos ang pamilya niya. Bumukas ang pintuan ay pumasok doon si Dylan, Jack, and Louie. Sumaludo agad sila sa kapitan at nagsintungo sa kanilang barracks para sa damit pang ligo. Nauna kasi si Paris at may pinagawa si Borris sa kanila kaya ngayon pa lang sila makakaligo. Juniors nilang dalawa ang mga ito. Tandang tanda nila na bata man sa kanila ay talagang magagaling din sa baril ang mga ito. Luigi Crisanto excels in deciphering codes; Dylan Montealto knows bombs and explosive and how to diffuse it. And lastly, Jack de la Vega is one of the best hackers he had seen. "Ano ang pinagawa ni Borris?" tanong ni Paris. "Nagpatulong po sa pag-set-up ng mga tables. May munting salu-salo sa pagdating ni Mrs. Villafuerte." sagot ni Jack. "Yes! Makakachibog na naman." sabi ni Luigi na parang nanalo sa lotto. At hindi nagtagal, nagging maingay ang labas dahil sa pagdating ni Esmeralda Villafuerte. Nakakulay green na bestida ay lumabas ito sa limousine na akala mo ay isang artista. Nakatayo naman ang pamilya sa harapan niya na akala mo ay reyna ang sasalubungin. Olivia pasted a sarcastic smile. Nakipagbeso ito sa mga anak na may kasamang mahigpit na yakap. In her fifties, Esmeralda knows how to stay and look young. Agad nawala ang ngiti nito ng makita si Olivia. Alam ni Olivia ang pinahihiwatig noon. The old woman's cursing her inside her good for nothing brain. Tumikhim ito bago pekeng bumeso kay Olivia dahil sa mga taong nakatingin. "You're still here, huh?" bulong niya sa dalaga sa mababang boses. Nakangiti ito at nakahawak pa sa magkabilang braso ni Olivia. Kung titingnan ng iba, mukhang aksyon iyon na nagpapakita ng pagmamahal. Pero sa diin ng hawak ni Esmeralda, alam niyang hindi. If she could slap her, she would. Pero dahil naririto ang ilang mahahalagang tao ay sinisikmura niya na makita ang taong ito. "Saan ako pupunta? I have Villafuerte's blood. Eh, ikaw? Nandito ka lang kasi asawa ka ng Villafuerte." Olivia said cockily. Hindi naiwasang tumaas ng kilay ni Esmeralda. Hindi na ito nakabawi pa ng maanghang na salita ng magsalita si Senator Villafuerte. "Honey." tawag ni Senator. Nilingon iyon ni Esmeralda at hinalikan sa labi ito. Olivia cringed and looked away, sakto namang nagtama ang mga mata nila ni Kristoff na ngayon ay nakatayo sa tabihan ng pamilyang dumalo sa pagsasalo. She swallowed and diverted her gaze to her nails. Nagsimula ang party. Ayaw makihalubilo ay kumuha siya ng champagne sa kusina at dinala iyon sa balcony para doon inumin. Rinig man ang maingay na classical music ay tinanaw niya ang malawak na lupain ng mga Villafuerte. All these years, pinangarap niya ang buhay na ganito. Sagana, kasikatan, at magandang buhay. Iyong hindi kailangang mamroblema kung may kakainin bukas. Pero gusto niyang maranasan iyon ng namatay na ina. She deserves everything. Her mother's an angel na minalas lang at napadikit sa mga demonyong Villafuerte. Humigpit ang hawak niya sa manipis na wine glass. Sa sobrang alaala na bumubuhos sa kaniya at sa galit na nabubuhay sa dibdib niya, nabasag iyon at umagos ang dugo sa kamay niya na basang basa ng champagne. Hinayaan niyang pumatak ang luha. No one comes here kaya lagay siya na walang makakasaksi. Tiningnan niya ang kamay at nakita ang agos ng dugo na hindi niya na maramdaman. All her experiences made her numb. Masalimuot ang buong buhay niya kaya simpleng sakit na kagaya nito, wala na siyang maramdaman. The blood's dripping on her white dress. Marahas ang tulo noon pero nanatili siyang nakatulala. She wanted to die long ago at wala siyang pagtutol kung mangyari iyon ngayon. She would gladly die to leave this place. Nagulat na lang siya ng hablutin ng isang malaking kamay ang palad niya. She looked up to Kristoff. Diin ang panga nito at minasdan ang paligid. "Are you trying to kill yourself?" malalim ang boses ng binata. Inagaw ni Olivia ang palad niya at tiningnan ang mga piraso na naglakat sa sahig. "I am fine, Captain. Nabasag lang at pinulot ko. No need to worry. Sugat lang, malayo sa bituka." aniya at pinahid ang luha gamit ang isang kamay. Kristoff didn't buy it. Lalo na at nakita niya ang buong pangyayari dahil kanina pa siyang nakamasid sa dalaga. From the moment she took a bottle of champagne to her crying, nasaksihan niya iyon. She's hurting. She's normal too. She's really a girl. Iyon ang naiisip niya kanina. "Malayo sa bituka pero sa dami ng dugong mawawala sa'yo kung hindi mo gagamutin 'yan, mamatay ka pa rin." sabi niya. "Then, let me die. I'll be f*****g glad, Captain." sagot ni Olivia na parang wala iyon. What he said is a fact. Sa lalim at dami ng hiwa ng sugat sa kamay niya, maaring mawalan ito ng maraming dugo. He bit his lower lip, hard. Hindi niya alam kung bakit nagagalit siya sa mga pinagsasabi ng dalaga. He wants to curse at her for saying that. He's a protector of lives and hearing someone saying that she wants to die, insults him. Parang pinapamukha na walang kwenta ang trabaho niya. He walked and held Olivia's head. Napatingin naman si Olivia na sobrang gulat. Ito ang unang beses na ginawa ito ni Kristoff sa kaniya. His eyes were gentle. Napatitig si Olivia sa bibig ng binata. She sighed and almost utter a curse dahil mas nilapit ni Kristoff ang mukha na parang dinudungaw siya. "But I don't want you to die, Olivia. Live. Just live." He whispered in a soft tone. When she cried, mayroon siyang napagtanto. Olivia feels alone. Sa nalaman niya mula kay Paris, sa trato ng mga Villafuerte sa kaniya, finally he understood everything. She's just hurt but still she's a good heart lalo na kapag naaalala niya ang ginawa nitong pagdadala ng kit noong nasugatan siya. Namuo ang luha ni Olivia sa sinabi ni Kristoff. Ito lang naman ang gusto niya. She just wants someone to tell her na mahalaga siya. At hindi niya inaasahan na mula pa iyon kay Kristoff. Sa taong iilang araw pa lang niyang nakikilala. Kristoff doesn't know what to do. Kaya naman gaya ng ginagawa niya sa kapatid na si Felicity kapag umiiyak ito, niyakap niya ang dalaga at hinaplos ang likuran nito. Mas lalong umiyak si Olivia. This gesture was familiar. Palagi itong ginagawa ng kaniyang ina sa kaniya kapag umiiyak siya noon. "M-Mama." She whispered as she sobbed in his chest. Hindi naman iyon napansin ni Kristoff dahil nakatuon ang tingin niya sa sugat ni Olivia. She's out of her mind. Dahil lang sa mga taong ito, nanaisin niyang mamatay? He finds it unbelievable. Olivia found comfort in his arms, which, she can't believe until now. "Kris?" A tiny, girly voice cut their drama. Nilingon ni Kristoff ang pintuan. Olivia's aware kaya naman tiningnan niya rin iyon. In the doorway, is a girl wearing pink dress. Mahaba ang itim na buhok nito at nagtatakang nakatingin sa kanila. Nang makita ang dugo sa kamay ni Olivia ang napanganga ito. "Oh my god. Is she bleeding?" tanong pa ng babae. Lumayo si Kristoff nang lumapit ito para suriin ang kamay ni Olivia. Nilingon nang babae si Kristoff. "Ano pang hinihintay mo? Ask for a first aid kit." The girl ordered him. Lumabas si Kristoff sa eksena para sundin ang sinabi ng babae. Nanatiling nakatitig si Olivia sa babae. ‘She's pretty. At kilala niya si Kristoff?’ she asked herself. Unang beses niyang makita ang babae kaya naman halos mamangha siya. She'd seen pretty girls pero iba ang ganda ng babaeng ito. Her presence shouted elegance, class, and kindness. "Are you okay, Miss?" tanong nito sa kaniya. Nang matapos ang obserbasyon sa babaeng kaharap ay nagtanong si Olivia rito. "Who are you?" Ngumiti ang babae. "I am Felicity." she answered. Natigilan siya. ‘Felicity? Is this the Felicity, Paris talked about? Iyong inuwian ni Kristoff at ang ayaw siyang paalisin?’ she remembered. ‘Is she, his girlfriend?' She thought. And this thought is enough to shatter her heart's little joy for what happened.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD