Nagising si Olivia sa loob ng kuwarto niya. Walang maalala, kinuha niya ang phone at tadtad iyon ng mensahe para sa kaniya.
Dani: Was that your bodyguard?
‘Huh? Anong bodyguard ang sinasabi nitong si Dani? Was I drunk last night?’ she wondered.
She massaged her neck and stood up for her morning ritual. Mapait ang bibig niya sa naiwang lasa ng Jim Beam kagabi. She's too drunk to brush her teeth.
Humarap siya sa salamin at muntikan ng malunok ang bula nang parang hangin na humampas sa ulo niya ang mga pangyayari kagabi.
Kristoff and an unknown guy took her home.
‘Kaya ba nasabi ni Dani kung bodyguard ko iyon?’ she asked herself.
Dinura niya ang bula sa bibig lalo na ng maalala niya ang pagsakay niya sa kotse.
"There. That's how to make me shut my mouth, soldier." Tila tula iyon na paulit ulit sa kaniyang ulo. Hindi niya mapaniwalaan na sinabi niya iyon. Hinaplos niya ang labi.
How could she do that? Oh no, Jim Beam! She promised she will never get drunk with that robot around.
"Hindi na ako iinom ng alak... Err, ng Jim Beam! Jack Daniels and Johnny Walker na lang!" she shouted as she stripped to take a bath.
Hinugasan niya ang labi para mabura ang alaala na iyon. What the hell is that? Talaga bang nahihibang na siya kagabi. It's not like she likes him! Talaga lang gusto niyang naiinis ang sundalong iyon kaya ginawa niya iyon. But she's a hundred percent sure that she will not kiss him when she's sober.
Not ever.
Nag-ayos siya para bumaba at magbreakfast. The whole mansion looks deserted. Naupo siya sa mahabang upuan at agad na dinaluhan ng isang katulong.
Sanay na siyang mag-isa sa hapag. Milagro na nga na makumpleto sila. Ngumunguya siya ng pumasok si Paris sa kusina at may dalang baso.
"Magandang umaga Ma'am Olivia! Kukuha ako ng tubig ha?" pagpapaalam nito.
"You just got home?" tanong niya.
Nilingon siya nito na umiinom ng tubig.
"Yep. Dami kong date eh. You know, the cons of military uniform." mayabang na sagot nito.
Wala siyang oras para supalpalin si Paris ngayon.
"Si Kristoff, uuwi raw?" tanong niya sa kuryosong boses.
She doesn't know kung dito ba natulog ang isang iyon pagkahatid sa kaniya kagabi.
"Do you like Kristoff, Ma'am Olivia?" tanong ni Paris sa kaniya at ngumisi.
"Ikaw ha, kaya pala palagi mong hinahanap." Paris teased.
Ngumiwi si Olivia kay Paris. Ginantihan naman ito ni Paris ng ngiting may pang-aasar. Mabagal niyang inginuya ang bibig.
"Alam mo, Paris... Guwapo ka sana eh. Chismoso ka lang. Umalis ka na nga rito!" aniya.
Tumawa si Paris.
"Alright, alright. No need to be defensive. Aalis na ako." Binaba niya sa lamesa ang baso at naglakad papunta sa labas pero agad ding tumigil.
"By the way..."
Nilingon niya si Olivia na nakatingin din sa kaniya.
"Hindi uuwi yun for sure. Felicity won't let him."
'Felicity? Who's this Felicity ba?' She wanted to ask pero ayaw naman niyang magmukhang curious.
Naputol ang pag-iisip niya ng dumating si Stefania sa kusina na mukhang kagagaling lang sa morning jog nito. Dumiretso ito sa ref at uminom ng tubig.
"Kagigising mo lang?" tanong nito sa kaniya.
"Yep. Breakfast?" tanong niya pabalik.
"Kumain ako before going home. Umalis na ba si Diana?" tanong ni Stefania.
Nagkibit balikat si Olivia at ininom ang tubig niya. Pinunasan niya ng table napkin ang bibig.
"Hindi ko alam. Siguro ay wala pa siya. Saan ba pupunta si Miss Perfect?" tanong ni Olivia sa sarcastic na boses.
Hindi naman nagbigay ng reaksyon si Stefania dahil noon pa mang tumira sa mansyon si Olivia ay hindi na sila magkasundo. She both liked them. Kaya hindi siya kumakampi sa sinuman.
"Airport. Susunduin si Mommy." she answered.
Natigilan naman si Olivia.
‘So, Esmeralda Villafuerte is finally coming home? The woman who hates my existence to death? What a b***h, right?’ she thought.
Tumango lamang siya at tinapik si Stef para magpaalam. Lumabas siya at nagpunta sa pool area para doon magbukas ng kaniyang social media. Maraming tagged photos sa kaniya sa bar na pinuntahan. Panay ang pasok ng notifications dahil sa mga kaibigan ni Bret na UAAP stars.
She logged out from f*******: at nagbukas ng i********:. Napansin niya na ang tagal na ng huling post niya kaya naman naisipan niyang kumuha ng litrato.
She posted it online at agad ay nagkaroon iyon ng comments. She’s famous at her university dahil sa politika. But she doesn't have any squad or something. Ni wala nga siyang natatandaang pangalan ng mga kaklase. Danica's studying on their rival school kaya hindi sila madalas magkita. Tuwing party lang o clubbing.
Nagulat na lang siya nang may marinig na mabibigat na yabag. Sa kaba niya na baka isa iyon sa mga muntikan na mang- ambush sa kanila ay agad niyang nilingon iyon.
She was relieved when she saw a platoon of soldiers jogging outside the pool area. Pawisan ang mga ito at sa hindi kalayuan ay nakatayo ang pamilyar na lalaki.
So, freaking Paris lied?
Kristoff's standing and watching them jogging. May cast ang braso nito at sa tabi ay si Borris na nakatingin lang din. Naglakad siya para makalapit ng maalala ang paghalik na ginawa niya.
Nag-alinlangan siya pero huli na iyon dahil nakatingin na sa kaniya ngayon ang dalawa. Dahan dahan ang hakbang niya kaya naman naabutan siya ng mga sundalong tumatakbo. Hindi nakatakas sa tingin niya ang mga nakakalokong ngisi ni Dylan at Paris. Tiningnan siya ng mga ito at bumaling kay Kristoff na nakatingin sa aming direksyon.
"Uy, kilig na si Ma'am Olivia." pahabol ng dalawa bago tumakbo ulit.
Umirap siya na mas napasiklab noon ang iritasyon sa pagiging isip bata nila. Hindi ba puwedeng concern lang siya sa pagkakabaril nito noong huli? Hindi siya matino kagabi para tanungin ito.
Kaya ng makumbinsi ang sarili ay lumapit siya. Pinanatili niya ang seryosong mukha at tiningnan na lamang ang braso ng lalaki para hindi na siya mahirapan.
It is hard to look at him. She's having flashbacks of last night's happenings. But she can pretend that she forgot, right?
"Borris, Kristoff." She greeted.
Tumango si Borris. Si Kristoff naman ay nakatingin sa kaniya na akala mo ay isang puzzle.
Doon ay napagtanto ni Olivia na talagang walang pakiramdam ito. Kung sa ibang lalaki, mahihiya ito kahit na walang nararamdaman. She almost threw herself at him last night. At ngayon, nakatayo ito na akala mo ay walang nangyari.
"Bakit pumasok ka na agad? You're injured, Querio." she said.
Well, she's told by Paris na kasama nito si Felicity something at siguradong hindi ito uuwi.
"And what? Let you escape your guards again?" sarkastikong tanong nito pabalik.
Namula naman ang pisngi niya sa hiya. Bakit kapag kay Kristoff galing, akala mo ay napakalaking kasalanan ng ginawa niya?
"Tumakas ka na naman?" singit ni Borris.
"Yeah. And she went to a bar and was very drunk." sinagot siya ni Kristoff.
Nanlaki ang mata ni Borris.
"If I had known, I would drag your ass back here. Olivia, hindi pa nag-iisang araw mula ng ma-ambush ka. Gusto mo bang mapahamak?" tanong ni Borris.
"As if payagan ka ni Diana." pag-irap ni Olivia kay Borris.
Hindi manhid si Olivia para hindi maramdaman na ang malaking porsyento ng galit ni Diana sa kaniya ay dahil sa selos niya sa pagiging malapit ng dalawa.
"Why are you here, anyway. I heard Esmeralda's on her way home. The devil's back in hell." she told Borris.
Esmeralda spent two months in Colombia to manage pageants. Kilala itong founder ng isang organization ng beauty queens dahil maging ito ay beauty queen noong kabataan. Behind that doll-like face is a demon. Patunay na hindi porket maganda ang mukha, kaaya-aya ka na.
She clearly remembered how the woman called her mother, 'Slut', 'Disgrasyada' and 'Desperada.' Kapag naalala niya ang pang-aalipusta nito sa kaniyang butihing ina ay nagagalit siya.
Kung kasing tapang lamang siya noon ng sarili niya ngayon ay hindi niya hahayaang mangyari iyon. She will fight them back. Her mother's the only person she treasures and now she's dead. That's the bitterness inside her heart.
Kung sino pa ang nagmamahal sa kaniya, iyon pa ang kinuha. Kung sana isa na lang sa mga taong ito, matutuwa pa siya. Pero sadya atang mapaglaro ang tadhana.
Naibalik siya sa reyalidad ng sumigaw ulit si Kristoff sa mga sundalo.
"A hundred push up and that's it." sabi niya.
Tila mga batang sumunod ang mga ito. Nagsipila sila at nag-push-up.
"I'll go for now, Kristoff. Ikaw na ang bahala sa morning drill at may aasikasuhin ako sa pagdating ni Tita." paalam ni Borris bago siya tiningnan.
"Olivia." bati ni Borris bago umalis.
Ngumiti si Olivia at binalik ang tingin sa mga lalaki sa harap na patuloy sa bilang. Talagang magaganda ang katawan ng mga sundalong ito. Once, she saw them all naked and she's very amazed. Papasang model ng underwear ang mga ito.
"Like what you're seeing?" tanong ni Kristoff.
"Hmm. Sapat na." sabi niya na tila nakakaloko. Hindi niya napansin na matagal na pala siyang nakatitig sa mga ito.
She wants to make him angry. Gusto niyang makita kung paano magalit ang lalaki. Hindi siya naniniwala na sobrang disiplunado ito. Tao lang ang binata, sasabog din ito at iyon ang gusto niyang matunghayan.
‘Guwapo pa rin kaya ang isang ito kapag galit?’ Tanong nito sa sarili.
"Tss. You should stop going to bars. Magsimba ka rin palagi at nang malinis ang utak mo." sabi ni Kristoff.
Napataas ang kilay niya. What the?
"Excuse me?" Tila na-offend niyang sabi.
Porket nakita ang mga hubog ng katawan ng sundalo eh dapat nang magsimba? Ganoon ba kadumi ang pagtingin sa katawan ng iba?
"You say lewd things whenever you're drunk. You're too young, missy." he continued.
"I am in my twenties, Captain. Legal age na ako kaya talagang normal na iyon. I can even give my virginity to someone I want." she stood her ground.
Gosh, this is not the late centuries. Iyon makita mo lang ang sakong, dapat mo nang pakasalan. We are in the liberating era!
"Do not." sabi ni Kristoff.
"Anong 'Do not?'" naguguluhang sabi ni Olivia.
Tila inis na si Kristoff dahil bakat na bakat na ang panga nito sa diin ng kagat niya sa sinabi ni Olivia. He's a very conservative man. Iyon ang tradisyon sa kanilang pamilya. Hindi sila ang tipo ng taong mahilig maglaro ng damdamin ng iba.
"Just don't." sabi nito.
Naiinis na si Olivia. Hindi niya makuha ang binata.
"Can you please make your words clear. Ang hilig mong mambitin, ikaw na sundalo ka."
Nilingon siya ni Kristoff.
"I said don't give your virginity to someone you don't want to marry! And give your virginity after marriage. You always say lewd things." pangaral nito.
Natigilan siya sa sinabi ni Kristoff. Nang maka-adjust ay inayos niya ang nakalugay na buhok bago kinagat ang labi.
"Huwag kang magmalinis. It's like you're not watching p**n! Mas madumi pa ang utak mo kaysa sa akin." sabi ni Olivia.
Mas lalong nalukot ang mukha ni Kristoff. Nakadepensa naman ang mukha ni Olivia at tinaasan siya ng kilay.
"Ano? Tatanggi ka? Lalaki ka at necessity iyon para mapalabas niyo ‘yong kailangan niyong ilabas or else magkakasakit kayo." she said.
Halos maglagal ang panga ni Kristoff.
‘Are we having discussion about s*x? This woman is crazy. She should fix this attitude or else I will.’ Litanya ni Kristoff sa utak niya.
Naalala kasi nito ang batang kapatid na babaeng si Felicity. In-i-imagine pa lang niya na ganito rin ang naiisip ni Fel, naiinis na siya.
"Saan mo natututunan 'yan, ha?" he asked, his voice sounds annoyed.
"Duuuuh, s*x Ed. Wala ba kayong ganoon?" irap ni Olivia.
Hindi nagsalita si Kristoff. He never talked about s*x with anyone. And he can't believe he is responding to Olivia's statements. Kadalasan, hindi siya sumasagot hanggang sa mapagod ang kausap. Or minsan iling o tango lang.
"Let's stop here, Olivia. I am not having this conversation with you. Just go back inside, brat." utos niya.
Naglakad na si Kristoff papalayo. Hindi pa nakakailang metro ay rinig niya ang sinabi nito.
"Huwag kang mag-isip ng pagtakas. I will hunt you down, Olivia. I will." banta ng binate.
Napailing si Olivia. Tila may kung ano ang pumukol sa damdamin niya.
"Paano ka ba naman hindi gaganahang tumakas kung ganoon ang hahanap sa'yo? Tss." bulong niya sa sarili bago nakangising naglakad papasok sa bahay.
That soldier seems a little bit warm unlike their first encounter. And come to think of it, this is our first conversation. And it's about s*x. She laughed inside her head.
Nilingon niya ang banda kung saan naglalakad ngayon si Kristoff na nakapamulsa sa stone pathway papunta sa barracks.
"Sometimes he's cute." puna niya ay para siyang batang nakatingin sa candy na pinagkakainteresan niyang bilihin.