Kabanata 9

1977 Words
Natulala si Olivia. At her front is Felicity cleaning her wounds habang nakatayo sa likuran nito si Kristoff. They looked perfect together. Sa maputing balat ni Felicity, ay nagkakatugma ito sa kulay tan na balat ni Kristoff. Even their heights complement each other. Hindi gaya niya, na kung tatabi sa binata ay magmumukhang kapatid. "Where's Mama, Fel? Iniwan mong mag-isa?" tanong ni Kristoff habang pinapanood ang paggamot kay Olivia. "Yup. She's with your flirt brother." sabi ni Felicity. She seemed close to his family. Nag-iwas siya ng tingin dahil sa kadahilanan na naiinggit siya. Hindi dahil sa nararamdaman niyang kaunting paghanga sa binata kundi dahil malayang nakakausap ni Felicity ito. Nagtama ang paningin nilang dalawa. Tumayo ng maayos si Kristoff at tumikhim. Binalutan naman ni Felicity ng bandage ang kamay niya. "Change your clothes after this, Olivia. Hinahanap ka nila sa baba." sabi ni Kristoff kay Olivia. Tumango si Olivia. Of course, everyone wants to see her. Sa tuwing naaalala niya ang mukha ng mga taong nagkukunwaring mabait sa kaniya, ay naiirita siya. Hindi siya pinanganak kahapon para hindi makuha iyon. "Yeah." tipid na sagot niya. Nag-angat ng tingin sa kaniya si Felicity. Tipid siyang ngumiti pabalik sa dalaga. ‘Huwag mong sabihing nagseselos ito? Hindi ba niya nakikita kung gaano kalamig ang trato ng boyfriend niya sa akin?’ Tanong ni Olivia. "Tapos na. Na-disinfect ko na saka naalis ko na rin ang mga bubog. Mauuna na ako at baka hinahanap na rin ako sa baba. Kristoff," tawag niya at nilapitan ang binata para pisilin ang braso nito na parang normal iyon. Hindi naman nakatakas iyon sa paningin ni Olivia. Nagsalubong ang kilay ni Kristoff na parang may lihim silang pinag-uusapan gamit ang tingin. Lalo namang lumawak ang ngiti ni Felicity at tinapik pa ang lalaki sa pisngi. "Talk to you later, okay?" sabi nito at nilingon si Olivia. "Mauuna na ako, Olivia. It was nice meeting you." she said. Olivia forced a smile. "Ah, thank you." sabi niya at umalis din agad si Felicity. Nang maiwan ay tila naging tahimik sila. Hindi niya maalis sa isip ang ginawa niyang pag-iyak sa bisig ng binata. Tiningnan na lamang niya ang palad na may benda at ngumisi kay Kristoff. "Ang ganda niya ano?" tanong niya para maibsan ang namumuong katahimikan. Hindi niya akalain na minsan, mas nakakabingi pala ang katahimikan. Tumango si Kristoff. "Yes. She's sweet and kind too." dagdag pa ni Kristoff. She didn't expect his answer. Unang beses niyang marinig na nagagandahan ito at may papuri pa. ‘Sabagay, girlfriend naman nita kaya natural magagandahan iyon.’ she thought. "Ah! Aakyat lang ako para makapagbihis." sabi niya at agad na nagpaalam. Naglakad siya papunta sa kaniyang kuwarto. Halos mahulog ang puso niya sa nangyari. "Ano ba 'yan! Ano bang nangyayari at nahihibang na ata ako?" bulong niya habang hinuhubad ang white dress niyang halos maging pula na. Bigla namang bumukas ang pintuan at bumungad doon si Kristoff. Nagkatitigan silang dalawa sa parehong pagkagulat. Unti-unti ay bumaba ang tingin ni Kristoff sa katawan ni Olivia na tanging bra at cycling shorts ang suot. Ganoon din ang ginawa ni Olivia. Agad niyang tinakpan ang sarili. "W-What are you doing here?" tanong niya kay Kristoff. Mabilis namang tumalikod si Kristoff. "You left your purse." anito at tinapon patalikod ni Kristoff ang purse papunta sa kama. Mukhang hindi pa rin nakaka-get-over sa gulat ang boses nito. Kumuha naman ng isang kulay champagne dress si Olivia at pumasok sa toilet. She's liberated pero wala pang ni isa ang nakakita ng katawan niya. She only wears one piece instead of two-piece para hindi masyadong revealing dahil iyon ang turo ng kaniyang ina. Na sagrado ang katawan ng babae. Nang natapos ay lumabas siya at nadatnang wala na doon si Kristoff. Inayos niya ang buhok at kinuha ang purse bago lumabas. Sa hallway, ay nakita niyang nakasandal sa pader ang binata at tila may tinitingnan sa kaniyang sapatos. Tumikhim siya na nagpaangat sa tingin ng binata. "Let's go." sabi ni Kristoff sa kaniya. Balik na ulit sa sarili niya, nagawa pa nitong maglakad na akala mo ay normal ang lahat. ‘How could he walk like nothing happened? He almost saw me naked. Hindi ba tinatablan ang isang ito?’ Napanguso si Olivia. ‘At ano naman kung tinablan? Dapat bang matuwa ang sarili ko?’ Napailing siya sa mga naiisip. Alam niyang medyo may kahalayan ang lumalabas sa bibig niya pero hanggang salita lang siya. She kissed a guy once and heck, she won't let it happen again. At halos mapamura siya ng maalalang maging ang lalaking ito, nahalikan na rin pala niya. "Your father's downstairs. He's looking for you." he suddenly said. Olivia stopped in her tracks na nagpatigil din kay Kristoff. "What did you say? Who's waiting for me?" Olivia had to ask again. She never saw Luisito Villafuerte for a long time and she’s not planning to, at sa huling pagkikita nila, hindi naging maganda iyon. "Your father and your, uhm, stepmother." Tila nag-aalangang sabi ni Kristoff. Kita niya ang gulat sa dalaga gaya ng kaniyang inaasam. Luisito look useless. Tila sunod-sunuran sa asawa nito. Hindi na siya nagtakang kaya nitong tiisin si Olivia. He felt bad for her. "Mauna ka nang bumaba. Sabihin mo hindi maganda ang pakiramdam ko at ayaw ko ng bisita." utos ng dalaga at tumalikod na papunta sa direksyon ng kaniyang silid. "If you're thinking of backing down, don't. Show them you can stand on your own. Show them you survived without them." Kristoff said. Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kaniya na sabihin iyon. Ang alam lang ni Kristoff, ayaw niya na mapahamak si Olivia. She's like a sister to him. Kumunot ang noo ni Olivia. "What do you know?" Tila yelo ang boses ni Olivia sa tanong niya. Kumbaga, parang ibang tao ang dalaga. Hinarap niya si Kristoff. Happenings about her life's a big secret. Walang sinuman ang nakakaalam nito. "That you were kicked out by your stepmother." he answered. Tila lumambot ang mukha ni Olivia sa sagot ni Kristoff. Tumango ito at huminga ng malalim. "Kristoff, you don't know anything. Don't talk like you know me. I am not what you think. This," hinagod ni Olivia ang katawan bago tiningnan si Kirstoff. "This is the shallow shell of mine. I have a deeper past that I don't intend to share." she continued. Pumasok na agad si Olivia sa kuwarto niya at umupo sa sahig para magmukmok doon. Naalala niya ang nangyari noong disi-otso lang siya. Naaalala niya kung paano siya umalis sa US ng pasko at nag-iisa. "Umalis ka sa bahay ko! Ikaw na malandi ka!" Alicia, her stepmother slapped her. It was Christmas Eve. The snow's falling hard outside but she didn't feel anything but warm. Mainit dahil sa kaiiyak niya. "Tita!" She screamed as Alicia threw her clothes outside. "Mama! Tama na! Come on, it's Christmas." Toby tried to stop Alicia pero hindi ito nagpatigil. She just kept on throwing everything. "Shut up, Toby! Malandi ang isang ito. Manang mana sa kaniyang ina! Hindi na nagpasalamat na kinupkop natin! Aarte pa siyang ganito! Talagang wala ka nang piniling lalandiin! p****k ka! Lumayas ka sa pamamahay ko!" Umiiyak siyang lumuhod sa harapan ni Alicia. Binaling niya ang tingin sa lalaking nakaupo sa sofa at tila nanonood lang sa kanila. Luisito Villafuerte. Nagtiim ang bagang niya. Sariling laman at dugo, pero naatim niya ito? "T-Tita, please... H-Hindi po totoo 'yan. Tita, he almost r***d me... Tita.. Maniwala ka naman po! Wala na akong mapupuntahan. Please..." hagulhol ni Olivia habang halos halikan na ang paa ni Alicia. Kinaladkad siya ni Alicia gamit ang buhok papunta sa labas. Kasama ng mga gamit niya, sa gitna ng nyebe. "Tita! Parang awa niyo na." She sobbed. Malamig ngayon at hindi siya naksuot ng panlamig. "Mama ano ba?! Olivia stand up!" utos ni Toby, ang anak ni Alicia at Luisito. Inawat siya ni Alicia dahil tinatangka nitong tulungan si Olivia. "Help her and I swear, hinding-hindi mo makikita ang eskuwelahan mo, Toby." banta ni Alicia. Sinara ni Alicia ang pintuan. Niyakap naman ni Olivia ang sarili havang umiiyak. Nang matuyo na ang luha niya sa sobrang lamig. She tried to walk. Mabilis iyong lakad niya kahit na namamanhid na ang mga paa niya. Her life's a big mess. She was almost r***d, napagbintangan at pinalayas pa. Nahihilo na siya dahil sa unti-unting frost bite. She know, bago mag-umaga, ay paniguradong mamamatay na siya. Natumba na siya sa sobrang lamig at hindi nagatubiling tumayo man lang. She wanted to die. And that's the best thing to happen. Hanggang sa nagising siya sa isang kama. Tumayo siya to see herself in different clothes. Bumukas ang pintuan. Niluwa noon si Danica, kaklase niya sa senior high. She remembered they were classmate in History. "Oh! You're up. I saw you, passed out on the street. Why are you wearing thin clothes outside. Hindi mo ba alam ang frost bite?" sabi nito. Hindi siya nakapagsalita. Gusto na niyang mamatay bakit buhay pa rin siya? Sana hinayaan na lang ngtadhana na magyelo siya roon. "Ay, can't you understand tagalog? My bad, I thought you can—" "Marunong ako." sagot niya sa dalaga. Umupo ito sa upuan niyang pinkat pinanood siya. "Now tell me, what happened Miss?" tanong ni Danica . Natigil siya sa pag-iisip ng may kumatok sa pintuan. Pinunasan niya ang luha at tiningnan iyon. She checked herself para sa trace ng luha. She doesn't want to look vulnerable. She promised herself that she'll be strong para hindi na maulit iyon. Pagbukas niya, bumungad doon si Luisito na nakasuot pa ng coat. Humigpit ang hawak ni Olivia sa doorknob. "What are you doing here.... Dad?" tanong niya sa hindi makilalang boses. He didn't change a bit. Still the old f*****g man! "Olivia..." pagtawag nito. "Stop calling me, Mr. Villafuerte. You're not my father. Get the f**k off my face." she said. "Olivia! Let's talk." sabi ng matanda. Tila sinilaban si Olivia sa sinabi nito. This is the last thing she wanted. Gusto niyang mapag-isa. Handa na sana niyang sigawan ang lalaki ng may bulto na lumabas mula sa gilid at tumungo sa kanila. Nakapamulsa ito at tila kanina pang nanonood. "Sir, I think my boss doesn't want to talk right now." sabi ni Kristoff sa magalang na boses. Nagkatinginan silang dalawa ni Olivia. "This is my daughter, hijo. I have the right to talk—" "No. I am not your daughter. Kaya puwede ba, umalis ka na muna? My bodyguard will shoot anyone that I ask him to shoot. Don't make that anyone be you. Hindi sa ganitong paraan kita gustong singilin sa lahat ng ginawa mo." Olivia warned. "Olivia!" Tila may galit ang boses ni Luisito sa kabastusan at pagbabanta nito. "Leave me alone. O gusto mong gumawa ako ng paraan para ipahiya kayo ng asawa mo sa party na ito? Kilala mo ako at alam mo ang ginawa niyo sa akin. Hindi ako magdadalawang isip na sirain ka rito. Kaya kung ayaw mong mangyari iyon... Tigilan mo ako." Olivia said. Natahimik si Luisito sa sinabi ni Olivia. Tumikhim ito at inayos ang tie niya sa leeg para luwagan. "Sige, iiwanan kita rito. Pero hindi mo mabubura na ako ang ama mo, Olivia. Kakailanganin mo rin ako sa huli." Luisito said. Pinanood niyang mawala ito at makababa sa hagdanan. Nakatayo lamang sa gilid si Kristoff. "Maraming salamat." sabi ni Olivia kay Kristoff. "Are you okay?" tanong ni Kristoff sa kaniya. Pansin niya ang kakaibang pula ng mata nito na tila umiiyak. "I should be okay. Right?" tanong ni Olivia sa seryosong boses. "No. I think it's okay to cry sometimes. It is okay to be vulnerable." bulong ng binata at kinuha ang palad niya para ilagay ang isang gamit doon bago siya iwan. Napatingin siya sa likuran ng binata pabalik sa iniabot nitong itim na panyo sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD