JULIAN WY NABITAWAN ko ang hawak kong tumbler at bumagsak ‘yon sa sahig nang mataranta akong tumakbo papunta sa guestroom kung saan naroon si Kim. Mabuti na lang hindi naka-lock ang pinto niya kaya agad kong napasok ang kwarto. Madilim, kaya binuksan ko muna ang ilaw para makita siya nang maayos. Inaasahan kong nasa kama siya, pero doon ko siya nakita sa tapat ng bintana. Bukas ang salamin ng bintana at nakaunat ang kanan niyang kamay sa labas. Para siyang may inaabot sa labas habang sumisigaw at humahagulgol, na may kasamang takot, pag-aalala, sakit. Parang pinipiga ang puso ko sa tunog ng iyak niya kaya nilapitan ko siya agad. Pero doon ko napansin na nakapikit siya. Nananaginip siya? “Kim?” Hindi niya ako pinansin. Mukhang hindi niya ako naririnig. Wala pa rin siyang tigil sa pa