Prologue
FEW MONTHS EARLIER. . .
JULIAN's POV
TAHIMIK akong nakaupo sa upuan ko, pinagmamasdan ko ang babaeng kaibigan ng asawa ni Jake na ipinakilala ni Phoenix kanina. Si Kim.
Kim.
Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan ang mukha niya dahil kaninang pumasok sila sa VIP room na ‘to ng restaurant, aksidente siyang nahagisan ni Ryan ng cake sa mukha. Akala kasi ni Ryan, si Jake ang bubungad sa kaniya.
I didn’t have the chance to admire her earlier, but now I do. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kaniya.
Long, wavy black and shiny hair brushed over dainty shoulders. Creamy, ivory skin. Light and sporadic without overwhelming her innocent face.
She looks intimidating when she doesn’t smile, but God, when she smiled earlier, my heart melted like a butter in a hot pan. She’s a literal baby when she smiles.
Her eyes not so big. Kissable lips. I want to kiss her until her lips swollen. She’s skinny, I mean, sexy and has pretty and long legs. I want them wrap around my waist. Fvck. And her face has a royal vibe, she’s tall, and her waist perfect.
I couldn’t stop myself admiring her from my seat. Epal lang ‘tong si Ryan na siya pang nakagitna sa ‘min, pagkakataon ko na sanang makatabi si Kim. Pero gano’n talaga. My time will come at siguradong hindi lang sa upuan ko siya makakatabi. Hopefully in my bed, too.
Dinukot ko agad ang cell phone ko sa bulsa at nakangisi akong nag-text kay Ace, since siya ang pinaka-close ko rito sa lahat.
“Man, I think I found my soulmate.”
He texted me back immediately. “Who?”
Bago ako mag-type, nakita ko pang sumulyap siya sa ‘kin, kunot ang noo.
“The girl beside Ryan. Kim. She’s going to have all my babies,” I replied. But he just HAHA’s my message.
* * *
Moments later. Apat na lang kaming naiwan sa loob ng VIP room dahil nag-alisan na ang iba after kumain at makipagkuwentuhan.
Si Jake, Phoenix, Kim at ako na lang ang natira. At ang dahilan kaya hindi pa ‘ko umaalis, dahil narito pa si Kim.
"Hindi pa ba tayo uuwi?” Kim turned to Phoenix.
Her voice, oh, God. Her voice is pure smoke. The kind you really only hear in p0rn videos. I suck in my bottom lip, biting back a groan.
“Saan ka ba? P’wede kitang ihatid.” Napatingin silang tatlo sa ‘kin dahil sa sinabi ko. Naglakas-loob na ‘kong mag-volunteer dahil ayokong magsayang ng opportunity to get to know her.
“Good idea, Julian. Ikaw na maghatid kay Kim, may pupuntahan pa kami ni Phoenix,” litanya ni Jake. Phoenix leaned in para bumulong sa kaniya, pero hindi ko ‘yon narinig. Sa tingin ko gano’n din si Kim.
Bumulong din pabalik si Jake sa kaniya. Langyang mag-asawang ‘to. Ako ba pinag-uusapan nila? Sa tingin ba nila may gagawin akong masama kay Kim?
Binalingan ko na lang si Kim na nasa akin ang tingin. “H’wag ka mag-alala, single ako. Walang mananakit at mananabunot sa'yo kahit may makakita pa sa atin na ihatid kita.” I laughed. “Saka good boy ako. Maginoo,” I added.
“Auto pass! Gusto ko ‘yung maginoo na medyo bastos para hindi pangit ka-bonding,” she said seriously, and my lips parted ever so slightly.
“Hahaha!” I laughed at her words. Maginoo na medyo bastos? I can do both, baby. Whenever you’re ready. “I like your humor. What’s your name again?” I asked kahit na tandang-tanda ko pa rin ang pangalan niya. I just wanted to hear her voice saying her own name. It’ll be f*cking sweet, I guess.
“Auto pass ulit. Mukhang mahina na memorya mo. Nagpakilala na ‘ko kanina. Nakalimutan mo agad?” Tinaasan niya ako ng kilay, and I swear, that was the most sexiest thing on earth!
“We’ll leave first, Julian. Take care of her. She’s fragile.” Hawak na ni Jake ang kamay ni Phoenix nang akayin niya ito palabas sa loob ng VIP room.
“Wait, Phoenix!” habol pa ni Kim, halatang takot siyang maiwan na kasama ako.
“Mabait daw ‘yan si Julian. Hindi ka n’yan aanuhin. Good luck. Bye!” Phoenix waved her hand bago sila tuluyang makalabas sa pinto. At kitang-kita kong namutla ang mukha ni Kim nang kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob. Is she nervous? Gusto ko sanang matawa pero ayoko na lalo siyang matakot kaya pinigil ko na lang.
Tumayo na rin ako sa upuan ko at niyaya ko na siya palabas. Dumistansya ako sa kaniya para kahit papa’no mawala ang kaba niya.
Sinadya ko na maunang maglakad. Ramdam ko namang sumunod din siya sa ‘kin hanggang sa makarating kami sa sasakyan ko.
I opened the door for her, and she muttered thanks.
Noong nagsimula na akong mag-drive, saka ko naisipang tanungin ang buong pangalan niya. And she said, “Kimberly De Jesus.”
“Kimberly De Jesus . . . Kimberly De Jesus . . .” I whisper, noting her name. A beautiful name fit for a goddess.
Muli ko siyang sinulyapan sa gilid ko. She doesn’t have that plastic beauty you see lining the magazine rack. Though she could easily make it on one of those covers without photoshop and surgery, her features are natural.
I’ve seen a lot of beautiful women in my life. And f*cked just a few, too. But something about Kim captivates me. It feels like a hurricane is at my back, pushing me towards her and leaving no room for resistance.
“Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Hindi ‘yung daig mo pa nag-oorasyon d’yan!” pagtataray niya sa ‘kin.
“Ilang taon ka na?” I glanced back at her.
“Can you guess?” Binalingan niya rin ako at pinagmasdan. Sinamantala ko na wala kaming kasalubong at muli ko siyang tiningnan. Hinagod ko siya ng tingin mula mukha, pababa sa dibdib, sa tiyan, pababa sa nakalitaw niyang legs, at balik ulit sa dibdib. “Hoy! Hindi mo ‘ko kailangan tingnan sa dibdib para mahulaan ang edad ko! Sa mukha lang!” She crossed her arms in front of her chest para ikubli sa ‘kin ang dibdib niya.
“Makikita rin sa dibdib ‘yon. Kapag tayung-tayo, bata pa. Kapag walwal, senior.” I laughed.
“Ano’ng walwal?” Kumunot ang noo niya.
“Lawlaw,” sagot ko. Saka ko muling ibinalik ang tingin ko sa harap. “Since hindi naman walwal ‘yang sa’yo, I guess bata ka pa.”
“Akala ko ba good boy ka? Bakit daig mo pa pokemon na biglang nag-evolve?”
“Akala ko ba gusto mo ng maginoo na medyo bastos?” Tumawa ako nang bahagya.
“It’s a prank lang ‘yon! But, anyway, ilang taon na ‘ko sa tingin mo?”
“Hmm?” I grabbed my chin, thinking. “Eighteen.” Sumulyap ako sa kaniya para kumpirmahin kung tama ang hula ko.
“Higher,” she says.
“Higher? Uhm, thirty-two?”
“Shutang ina ka naman…” Inis niya akong inirapan. At natutuwa ako dahil mukhang nagiging komportable na siya sa ‘kin.
“I’m sorry. Sige. Uhm, twenty-three?”
“Lower!”
“Twenty-two?”
“Lower pa!”
“Nineteen?”
“Kainis naman ‘to! Higher!”
“Twenty?”
“Ayan!" Finally, she smiled. "May tama ka!”
That smile is mine.
“You’re right. Parang tinamaan na nga yata ako sa’yo. Add kita sa social media, ha? Accept mo 'ko."