✿✿♡ KIM ♡✿✿ SABAY-SABAY kaming kumain ng hapunan. Si Ate Nora ulit ang nagluto kanina, pero dahil hindi naman siya leave-in housekeeper, umalis din siya matapos gawin ang mga dapat niyang gawin. Tahimik lang ako sa buong panahon ng dinner, magsasalita lang ako kapag kakausapin ako ng kambal. Pero kapag si Julian na ang nagtatanong sa akin, sinisikap kong paikliin ang sagot ko para hindi rin humaba ang conversation namin. Dahil sa totoo lang, naiilang ako na ganito kami. Nasa iisang bubong, sabay kumakain. Pakiramdam ko isa kaming pamilya. At ayokong maging dahilan iyon para may tumubong pag-asa sa akin na p’wede ulit naming ituloy ang naudlot naming pagmamahalan noon. Nang matapos kaming kumain, niyaya ko agad ang kambal sa kwarto nila para linisan ng katawan at bihisan ng pantulog. Pa