✿✿♡ KIM ♡✿✿ KINABUKASAN. Maaga akong nagising hindi dahil sa alarm. Nagising ako kahit walang alarm dahil halos hindi naman ako nakatulog matapos umalis ni Julian sa kwarto ko. Gising ang diwa ko buong magdamag dahil sa mga binitawan niyang salita sa akin, na kahit papaano ay tila hindi naman gano’n kasakit, kahit pa ang point ng usapan ay wala nang second chance para sa amin. Masaya ako sa dahilan niya. Masaya ako na mga anak niya ang inisip niya kaysa sa sarili niyang kaligayahan. Kaya walang dahilan para malungkot ako o magdamdam. Bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo para gawin muna ang pang-umagang routine ko. Salamat sa patches ni Julian dahil kahit papaano ay maayos ko nang naihahakbang ang binti ko nang hindi na kailangan pang kumapit sa pader. Pagkatapos kong tuyuin ang