Chapter 22. Dj_baby

1933 Words

[One week later] ✿✿♡ KIM ♡✿✿ Ngayon ang simula ng trabaho ko na ini-offer sa akin ni Sabel. Pero unang araw pa lang ay late na agad ako. Kanina pa kasi tawag nang tawag sa akin ni Sabel, nasa apartment ko na raw siya, hinihintay ako dahil ihahatid niya ako sa bahay ng magiging boss ko. Pero wala ako ro’n ngayon dahil may nilakad ako. Oras na makalabas ako sa building, dinukot ko agad sa bulsa ng jeans ko ang cell phone ko para i-text si Sabel. Sinabi ko sa kaniya ang lugar kung nasaan ako, at nakiusap ako na daanan na lamang niya ako rito dahil hassle pa kung sasakay ako ng jeep para umuwi sa apartment. Nang mag-reply siya ng sige ay saka pa lamang ako nakahinga nang maluwag. Naglakad ako at tinungo ang bus stop sa gilid ng highway, halos katapat lamang iyon ng building na pinanggaling

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD