✿✿♡ KIM ♡✿✿ INAKAY ako ni Sabel papasok sa loob ng bahay and I look around nervously. The inside of the house looks every bit as magnificent as the outside does. Sobrang laki rin. Hindi mo aakalaing ang nakatira lang ay mag-aama, ayon kay Sabel. “Hi, Ella!” Napalingon ako sa gawing hagdan kung saan naroon ang babaeng mukhang nasa twenties pa lang na binati ni Sabel. Maganda ito at mukhang anak mayaman din, pero simple lang manamit dahil nakasuot lang ito ng jeans at plain blouse. Nakita kong may akay itong dalawang bata, babae at lalaki na halos parang pinagbiyak na bunga. Iyon na siguro ang kambal. “Hi, Jade. Hi, Jayden,” bati sa kanila ni Sabel nang makalapit sila sa amin. Pero hindi kumibo ang dalawang bata. Para itong nahihiya. Ang sumagot na lamang ay ang babaeng may akay sa kanila