✿✿♡ KIM ♡✿✿ PAGDATING namin ni Jade sa kusina, naabutan kong kandong ni Julian si Jayden sa isa niyang hita at siya ang nagsusubo rito. May naka-prepare na rin na tubig at gamot sa tabi ng plato. At pansin kong may nakasandok na rin na para sa amin ni Jade. “Jayden, why are you so weak?” Tila may paninita ang boses ni Jade nang alalayan ko siyang maupo sa upuan niya. 'To naman! Nilalagnat na nga 'yung kapatid, tinatarayan pa! Kurutin ko singit nito, eh! Pumuwesto ako sa katabing upuan, pero medyo inusog ko ang upuan ko palayo sa kaniya para hindi kami masyadong malapit sa isa’t-isa. Nahawa na ako kay Jayden at ayokong mahawa pa siya sa akin. “You scared me yesterday, didn’t you?” balik sa kaniya ni Jayden, ngunit mahina ang boses nito. Oo nga pala. Dahil yata 'yon sa pananakot sa kan