Few months earlier. . .
✿✿♡ KIM ♡✿✿
DAHIL sa nangyaring pagsulpot ni mama, nahiya na ako at hindi na pinayagan pang magtagal si Julian. Binuksan ko na ang ilaw, at kahit hindi pa siya nakakapagkape, agad ko na siyang ipinagtabuyan sa labas.
"Pumayag naman si mama, 'di ba?" reklamo niya sa akin habang palabas na kami sa gate. Tumila na ang ulan kaya hindi na ako nagdala ng payong.
"H’wag mo s’ya tawaging mama. Hindi mo s’ya mama. Mama ko s’ya. At saka nakakahiya ‘yung nakita n’ya, Julian. Mas lalo ka na nilang ipipilit n'yan sa 'kin!” nakasimangot kong sagot. Nasa tapat na kami ng pinto ng sasakyan niya, sa driver's seat.
"That'll be better," nakangiti niyang sagot.
"Umalis ka na, Julian. Gabi na. Inaantok na rin ako. Kailangan ko na matulog. Sige na, pasok ka na sa sasakyan para makapasok na rin ako sa loob." Ako na ang nagbukas ng pinto dahil ayaw niya pang kumilos. Halos ipagtulakan ko rin siya papasok sa loob. "Bye, Julian. Ingat ka sa pagmamaneho. ‘Wag kang hambog sa daan, ah?" Sabay sara ko sa pinto at mabilis na akong tumakbo papasok sa gate. Nang mai-lock ko na iyon ay patakbo na rin akong pumasok sa loob ng bahay.
Dumiretso ako sa kwarto ko, nahiga ako sa kama ngunit hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko para matulog. Hindi rin totoo ang sinabi ko kaninang inaantok na ako. Dahilan ko lamang iyon para mapaalis na siya.
Bukas ang ilaw sa kwarto ko kaya napatitig ako sa kisame. Umangat ang kanang kamay ko sa labi ko at hinawakan iyon, kasunod ang pagpikit ko para alalahanin ang pakiramdam ng labi niya.
My gosh! Hindi na virgin ang labi ko. Huhu. Sabi ko pa naman, gusto kong maranasan ang first kiss ko sa harap ng altar, kapag sinabi na ng pastor na you may now kiss the bride. Pero wala na. Nakuha na ni Julian!
Sabagay, ayos lang din naman. Masarap naman. Aaaaackh! Hindi ko naiwasang mapadapa sa kama habang nagwawala ang aking mga binti sa kilig, with matching hampas pa ng kamay ko sa kama, daig ko pa ang referee na may inaawat sa ring.
Ngunit agad din akong natigilan nang marinig kong tumunog ang messenger ko. Agad kong dinampot ang phone ko sa gilid ng kama at nagtaka pa ako nang makita ko ang pangalan ni Julian.
Julian: "Dito pa 'ko sa labas. Hindi ako makaalis, baka ma-miss kita agad."
Dali-dali akong bumangon sa kama at tinungo ang bintana ko. Hinawi ko ang kurtina para sumilip sa labas. At totoo nga ang sinabi niya dahil natanaw ko pa roon sa tapat ng gate ang sasakyan niyang nakailaw.
Inangat ko ang phone ko para mag-type ng reply sa kaniya. "Umuwi ka na, Julian. Gabi na. May ibang araw pa naman para makita mo 'ko. ‘Wag ka masyadong obsessed sa ‘kin, para ka namang tanga d’yan!”
Julian: "What can I do? Sige, I'll go home. But please, huwag ka muna matulog. Gusto pa kita makausap pagdating ko sa bahay. I'll call you when I get home. Video call."
Kim: "Demanding naman ni pogi. Oo na! Hahaha! Sige na, uwi ka na. Ingat. 'Wag tatanga-tanga sa daan."
Julian: "Sa'yo lang naman yata ako tanga. Haha. Sige na. I'm gonna drive. Talk to you later."
Napangiti pa ako sa inilagay niyang emoji sa dulo. Kiss emoji. Kyaaah! Sarap iumpog ng ulo ko sa pader sa kilig. 'Langhiya!
Saka pa lamang ako bumalik sa kama nang makita kong umalis na ang sasakyan ni Julian. At dahil alam kong kalahating oras pa ang aking hihintayin bago siya makausap, naisipan ko munang manggulo sa gc naming mga HOMO-GENIUS.
"What's up mga panget!" chat ko. Ngunit limang minuto na ang lumipas ay wala man lang nag-seen sa akin kahit isa, kaya nag-chat ulit ako. "Mga panget talaga kayo! Ayaw n'yo pa mamansin! May chika pa naman sana 'ko! Tandaan niyo 'yang ginagawa n'yo na 'yan sa 'kin, ah! Makakarma rin kayo!"
☆゚.*・。゚
Kalahating oras na ang lumipas ay talagang wala man lang kay Hanna at Phoenix ang nag-seen sa chat ko. Mabuti na lamang ay nag-chat na sa akin si Julian, sinabi niyang nakauwi na siya. At hindi pa man ako nakakapag-reply nang mag-ring na ang messenger ko dahil tumatawag na si cutie pie.
"Oh, buti nakarating kang buhay?" biro ko sa kaniya nang sagutin ko ang video call niya.
"Syempre naman. I need to be careful. May plano pa 'ko sa'yo," nakangisi niyang sabi.
"Plano? Ano'ng plano?"
"Secret. Pero paplanuhin kita."
"Naku! Pat@y tayo d'yan! 'Di kaya ipapa-kidnap mo 'ko in the future? Aminin mo nga, anak ka ba ng mafia boss o ikaw mismo ang mafia boss?" natatawa kong tanong sa kaniya.
"None of the above. Mas gusto ko pang maging future husband mo kaysa maging mafia boss." He laughed a bit. Hindi ko naiiwasang mapatitig sa kaniya kapag tumatawa siya o ngumingiti dahil sa cutie pie niyang dimples.
"Cute ng dimples mo, Julian. P'wede bang sa 'kin na lang?" I pouted my lips para bahagyang magpaawa sa kaniya.
"Hindi lang dimples ko mapapasa'yo if you give me a chance, Kim. My whole being. I'm willing to give you even my cards and ATM. You can have my surname, too. Wy."
"Linyahan ng mga hokage! Hahaha!" Hindi ko napigilang mapahalakhak sa sinabi niya. Ilang beses na kasing may nagsabi sa akin ng gano'n dati makuha lang ako. "Gasgas na masyado line mo, cutie pie!" dagdag ko pa habang nakatawa pa rin.
"Will you marry me?" Unti-unting naglaho ang mga ngiti sa labi ko dahil sa bigla niyang sinabi. Ngunit bago pa man ako makapag-react, agad na niya iyon nadugtungan. "Sabi mo kasi gasgas na. Baka sakaling 'yan, hindi pa?" At siya naman ang bahagyang natawa, na nagpalabas na naman sa cutie pie niyang dimples.
"Hindi ka pa ba inaantok?" I tried to change the topic dahil nahiya ako sa sinabi niya. Will you marry me agad? Hindi pa nga ako pumapayag na magpaligaw.
"Pa'no ako aantukin kung kausap kita? Daig ko pa nagkape after I kissed you. Gising na gising pati kaluluwa ko."
Shutang ina, mhie. Kilig pepe ni ante!
"Ako kasi inaantok na," palusot ko habang nagpipigil ng ngiti.
"Bilis mo naman antukin 'pag kausap ako? Hindi ba 'ko masarap kausap?" may pagtatampo niyang tanong. Ngunit siya rin agad ang sumagot doon. "Pasensya ka na kung hindi ako masarap kausap. Masarap lang kasi ako." Sabay bungisngis pa niya. He even covered his mouth with his fist.
Hindi ko rin naiwasang mapangisi. "Hindi ako maniniwala hangga't hindi ko nasusubukan, Julian. I need evidence." Ay, ang landi, ante!
"I'm sorry, Kim. Hindi ako basta-basta nagpapatikim kapag hindi ako pag-aari ng tao. Kailangan maging boyfriend mo muna 'ko for you to be able to taste me.”
"Ay, wow! Parang ako pa ngayon ang lumalabas na naghahabol! Ikaw nga 'yang hindi ko pa boyfriend, pero tinikman mo na agad labi ko! Just wow, Julian!" I said sarcastically. Hindi naman siya nakasagot dahil natawa siya sa naging reaksyon ko.
☆゚.*・。゚
Hindi ko alam kung gaano katagal inabot ang naging pag-uusap namin ni Julian. Ang alam ko lang, nagising ako kinabukasan na drain ang battery ko at kinailangan ko pa iyon i-charge bago ako maligo.
Sa pagkakatanda ko kasi ay hindi ko iyon napatay kagabi hanggang sa makatulog ako. Ayaw niya rin naman kasing i-end ko ang call at kung sakali raw na makatulog ako habang kausap siya, pagmamasdan na lamang daw niya ako. Sus!
Matapos kong maligo at gumayak, binunot ko na rin agad ang phone ko kahit hindi pa iyon fully charged. Sa shop ko na lamang itutuloy mamaya.
Lumabas ako sa kwarto, dahan-dahan pa akong humakbang para tumakas. Wala na akong planong kumain ng almusal dito sa bahay dahil nahihiya pa rin ako kay mama sa naabutan niya kagabi. Alam ko kasing gising na siya dahil ganitong oras, seven A.M ay kasalukuyan na siyang nag-aasikaso sa kusina. At kailangan kong makaalis bago pa niya ako makita.
"Ate, pahiram ng charger mo!" Ay, walanghiyang Tisay!
Napahinto ako sa tapat ng sala nang sigawan niya ako. Nakagayak na siya suot ang school uniform niya ngunit cell phone ang hawak niya. Ka-video call na naman niya ang kaklase niyang half-pinay at half-amerikana kaya naman English ang gamit nilang lenggwahe.
“Taray ng Tisay namin, ah? Pa-English-English na. Samantalang noong ako ang nasa gan’yang edad—nagpapayabangan pa kami nila Hanna at Phoenix sa G-Words.”
“Ano’ng G-Words?” takang tanong niya sa akin.
“Wagalaga kagang pagakege-agalagam!” Sabay belat ko pa sa kaniya, habang kunot ang noo niya dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ko.
Kasunod no'n ay narinig ko na ang yabag ni mama galing sa kusina. "Oh, anak?" Malapad ang ngiti niya nang magtama ang tingin namin. "Kumain ka muna ng almusal bago umalis. Hindi ka ba susunduin ni Julian?"
"Hindi, ma. Si kam@tayan yata ang in-charge sa 'kin ngayon." Sabay iwas ko ng tingin para ikubli sa kaniya ang namumula kong mukha. Kay Tisay na lamang ako bumaling. "Dadalhin ko charger ko. Maki-charge ka na lang kay Raven, tutal magkamukha naman kayo. Pare kayong panget!" pang-aasar ko sa kaniya. Pero ang totoo, inis lang ako dahil sa edad niyang thirteen ay mas maganda pa siya sa akin.
“Mas panget ka!” ganti niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin dahil si mama naman ang binalingan ko.
"Alis na po ako, ma." Dumiretso na ako palabas sa pinto habang si mama naman ay sumigaw pa para magpaalala sa akin na kumain ako ng almusal pagdating sa shop.
Alam din kasi nilang sa shop ni Phoenix ako naglalagi. Buti na lamang, kahit hindi ako nag-apply, sinusuwelduhan niya rin ako katulad ni Hanna. Kahit papaano malaking bagay rin dahil hindi na ako nanghihingi kila mama at papa ng pera para sa mga personal na pangangailangan ko. Tulad ngayon, malapit na ang pasukan at may naipon na rin akong pambili ng mga gamit ko dahil sa mga binibigay ni Phoenix kahit pa wala naman akong masyadong ambag sa shop niya kun'di ang chumika sa kanila.
Ay, hindi. May ambag pala ako. Naghalili nga pala kami ni Hanna noon sa live noong kasalukuyan siyang brokenhearted.
☆゚.*・。゚
Pagdating ko sa shop, naabutan ko na agad doon si Phoenix at Hanna. Pareho silang abala sa pag-aayos ng mga display sa stocks at nagdadagdag na rin ng bago. Pero may kakaiba akong napansin sa kanilang dalawa.
“Bakit parang blooming kayo pareho?” may pagdududa kong tanong matapos kong ipasok ang sling bag ko sa stock room. Pero kinuha ko na roon ang phone at charger ko para maisaksak na sa outlet.
“Secret. Walang clue,” natatawang sagot ni Hanna nang saglit niya akong sulyapan.
Pareho kasi silang fresh na fresh, lalo na at mukhang nag-usap pa silang magsuot ng floral mini-dress na hanggang kalahati ng hita. Hindi man lang ako na-inform! High-waisted short kasi ang suot ko, color nude at naka-tuck in ang blouse ko na button-up, na kulay white.
“Magpapasakal na si Hanna, Kim,” nakangiting baling sa akin ni Phoenix. “Tuloy na tuloy na this time dahil nahuli raw sila ng mommy ni Gino sa kwarto mismo ni Gino. Hubo’t-hubad pa ‘yung frenny natin, Katanga talaga!” Natawa pa si Phoenix matapos magkwento.
Naupo muna ako sa harap ng mesa bago sumagot. “Di ba kahit hindi naman sila nahuli talagang tuloy na?”
“Hindi. May balak daw s’yang umatras kagabi noong hinatid n’ya nang lasing si Gino. Kaso itong si Gino na raw ang nag-insist na magpakasal sila. Nakapag-plock plock pa nga ulit sila kahit lupaypay si Gino, eh.” Muling natawa si Phoenix, ako naman ay napabaling kay Hanna’ng marupok. Kaya pala wala ni isa sa kanila ang nagre-reply kagabi, may uuuugh at plock plock.
“Sige lang, Hanna. Kahit ano pa’ng maging desisyon mo sa buhay, support ka pa rin namin. Like go, mhie! Pakatanga ka pa! Ginusto mo ‘yan, eh!” Ako naman ang bahagyang humalakhak.
“Jinu-judge mo lang ako ngayon kasi hindi ka pa pinapana ni kupido! Pero once na masapol ka, ewan ko kung masabi mo pa sa ‘kin ‘yan kapag na-feel mo na kay Julian ‘yung nafe-feel ko kay Gino! Baka kapag ikaw ang na-inlab, gusto mo agad sa altar na humarap!” mataray niyang sagot sa akin habang abala pa rin sa ginagawa. Hindi man lang niya ako nilingon.
“Ewan ko nga ba sa kupido ko. Wala yatang mga kamay kaya hindi ako napapana hanggang ngayon,” sagot ko naman sa kaniya.
But actually, alam kong na-iinlab na rin ako kay Julian. Ang problema lang, ayoko pa ng commitment. Okay na sa akin ang MU kami. Malanding Usapan.
☆゚.*・。゚
“Pa’no ‘yan? Sino kasama mong uuwi?” tanong ko kay Phoenix habang magkakaharap kami sa bilog na mesa.
Wala kasi ang asawa niyang si Jake. May business trip daw sa Hongkong.
“Commute ulit as usual. Pero wait ko na si Ate Sophie. 5:30 pm ang out n'ya kaya thirty minutes lang ang hihintayin ko,” sagot niya.
At ang dahilan naman kung bakit narito pa kami ay dahil naghihintay rin kami ng sundo. Si Hanna ay susunduin daw ni Kuya Gino. Si Julian naman ang susundo sa akin.
“Hanna, ano’ng feeling na susunduin ka ngayon ni Gino? Pumapalakpak siguro pepe mo, ‘no?” pang-aasar ni Phoenix sa kaibigan naming marupok. Bahagya pang namula ang mga pisngi nito.
“Hindi lang pumapalakpak, kinikilig pa!” dagdag ko naman habang pareho naming pinagmamasdan si Hanna.
“Bakit ba ako na naman nakita n’yo?! Si Kim naman, utang na loob!” Sabay baling niya sa akin. "Hoy, ikaw! Umamin ka nga! Ano na bang label n’yo ni Julian? Bakit may pasundo-sundo na sa’yo?” usisa niya.
“Based on my own experience, mas sweet kapag walang label!” nakangiti kong sagot sa kanila na may kaunting pagyayabang pa.
"So, hanggang ngayon wala pa rin kayong label? Landian pa rin?” Si Phoenix.
“Okay lang kahit wala kaming label. Multiplication table nga walang lamesa, eh!” pamimilosopo ko. Ngunit wala nang nakasagot sa kanila dahil lahat kami ay napalingon sa pinto nang marinig namin iyon na bumukas.
Si Gino at Julian na magkasunod pang pumasok, parehong may maliit na ngiti sa labi nila dahil mukhang kanina pa sa labas ay nag-uusap na sila. Sabagay, magkakilala naman sila from the start pa lang.
“Ayan na sila. Isang fvck boy at isang good boy,” natatawa kong bulong at sinikap kong si Hanna at Kim lang ang makarinig no’n.
"Hi, babe!" masayang bati ni Gino kay Hanna.
"Hi, ante!" natatawang bati naman ni Julian sa akin na nagpahalakhak sa dalawang kaibigan ko.
"Ante, amp*ta..." bulong ko sabay irap kay Julian kabayo.