Few months earlier. . .
✿✿♡ KIM ♡✿✿
"Why aren't you saying anything?" tanong sa akin ni Julian habang magkaharap kaming kumakain. Nasa isang samgyupsal house kami. Dito niya ako dinala matapos niya akong sunduin sa shop.
Si Hanna ay sa bahay ni Gino umuwi ngayon, doon daw muna siya mag-stay since marami silang kailangan i-prepare para sa nalalapit na sakalan.
"H'wag mo 'kong kausapin at baka tenga mo ihaw ko rito sa grill pan," masungit kong sagot sa kaniya. Hanggang ngayon kasi ay inis pa rin ako sa pagtawag niya sa akin ng ante kanina.
"Bakit nga? What did I do?"
"Isang tanong pa Angkol Julian, mamamaga nguso mo kapag nasuntok kita," matigas kong sabi sa kaniya nang sulyapan ko siya. Inirapan ko pa siya nang matindi.
"Ah. Was it because of what I said earlier? 'Yung ante?" pigil ang tawa niyang tanong sa akin. "Pero gano'n talaga, Kim. Wala pa naman tayong label kaya kahit gusto rin kitang tawaging baby, honey, sweetheart, my love, or whatever, hindi ko magawa. So, I guess, ante is better kapag walang label."
"Okay, Angkol Julian! Whatever you say!" Muli ko siyang sinulyapan at pinukol nang masamang tingin. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko at wala akong pakialam kahit halos mabulunan ako sa laki ng isinusubo ko.
Hindi na rin siya kumibo, ngunit hindi naaalis ang ngiti sa labi niya, pati ang cutie pie niyang dimples.
"Julian?" Pareho kaming napalingon nang marinig namin ang isang boses ng babaeng nagsalita sa gawing likuran ko.
"Marian? Hey! What's up!" Ngiting-ngiting tumayo si Julian at mabilis na nilapitan ang babaeng tumawag sa kaniya. Nakipagbeso pa siya rito. "Sino kasama mo?"
"Si Jezza sana. Kaso biglang nagka-emergency kaya uuwi na lang din ako. Ikaw? Sino kasama mo?" Sabay baba nito ng tingin sa akin. "Girlfriend mo?" tanong niya nang muling mag-angat ng tingin kay Julian.
Si Julian naman ang sumulyap sa akin nang nakangiti sabay sabing, "No. She's not my girlfriend. Just a friend." Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. Just a friend? "Gusto mo bang sumabay kumain sa 'min?" tanong pa niya rito.
At ang babae namang iyon ay nakangiting tumango sa kaniya kaya agad siyang pinapuwesto ni Julian sa isa pang upuan na nasa tabi ko. Bale kaming dalawa ang magkatabi, nasa harap naman namin si Julian.
"Hello," nakangiting bati sa akin nito nang muli niya akong sulyapan.
"Hi." Pasimple rin akong ngumiti kahit wala ako sa mood.
"Ibig mong sabihin, Julian, hanggang ngayon wala ka pang girlfriend?" tanong ng babae sa kaniya habang ipinaghahanda naman siya ni Julian ng sariling plato.
"Wala pa. Wala pa ulit gustong manakit," natatawang sagot ni Julian sa kaniya.
"Ay. Grabe. Sinaktan ba kita? Sa pagkakatanda ko parang hindi naman. Parang nadaan naman natin sa maayos na usapan." Natigilan ako sa pagnguya dahil sa naging sagot ng babaeng nasa tabi ko. Hindi ko rin siya naiwasang sulyapan. At nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya, nilingon niya rin ako. "Ah. Ex-boyfriend ko kasi 'yang si Julian. But we broke up dahil hindi kami meant to be," natatawa niyang sabi. Mukhang napansin niya ang pagtataka sa mukha ko kaya kahit hindi ako nagtanong ay kusa na siyang nagpaliwanag.
"Hmm." Bahagya akong napatango sa kaniya bilang tugon, at saka ko dahan-dahang nilingon si Julian.
Nakipagbeso s'ya sa ex n'ya? May feelings pa siguro mokong na 'to!
"Mauna na 'ko sa inyo. Baka hinahanap na 'ko nila mama at papa. Strict kasi parents ko." Sabay tayo, bitbit ang bag ko ay nagmadali ko na silang iniwan.
Narinig ko pa ang pagtawag ni Julian sa pangalan ko ngunit hindi ko na siya pinansin pa.
D'yan ka na sa Marian mo! May pabeso-beso pang nalalaman! Mamaga sana nguso mo!
☆゚.*・。゚
FEW WEEKS LATER . . .
Alas tres ng hapon nang matapos ang huling klase namin ni Hanna. Magkasama na kaming naglalakad ngayon papunta sa main gate dahil ang sabi niya ay naroon na raw si Gino, naghihintay sa kaniya para sunduin siya.
Ako naman ay abalang nakatingin sa screen ng phone ko dahil kapapasok lamang ng chat sa akin ni Julian. Ngayon lang kasi ako nag-open ng data at tinatanong niya kung tapos na raw ba ang klase ko. Ni-reply-an ko naman siya ng oo bago ko muling ibalik ‘yon sa bulsa ng suot kong palda.
“Tutuloy ka bang pumunta sa shop ni Phoenix?” tanong sa akin ni Hanna habang patuloy kaming naglalakad.
“Oo. Kawawa naman ‘yon do’n. Baka miss na miss na n’ya tayo. Ikaw ba?” Saglit ko rin siyang binalingan.
“Hindi muna. Ngayon namin pupuntahan ni Gino ‘yung wedding dress ko at suit n’ya,” malapad ang ngiti niyang sagot. Bakas na bakas sa mukha niya ang saya at kasabikan sa nalalapit nilang kasal na halos ilang tulog na lamang.
“Alam mo, Hanna? Habang lumalapit ang araw ng kasal n’yo ni Gino, mas lalo akong kinakabahan. Ewan ko ha, pero kasi . . . hindi pa rin talaga ako kampante d’yan sa soon-to-be-husband mo,” seryoso kong sabi sa kaniya na naging dahilan para bahagya niya akong irapan.
“Ang sabihin mo, bitter ka lang! Dahil hanggang ngayon wala ka pa rin jowa!” ganti niya sa akin. “Bakit kasi hindi mo pa payagan si Julian na ligawan ka? Mayaman ‘yon, gwapo, cutie pie, mukhang good boy naman at mas maraming green flag kaysa kay Gino. Bakit ka pa nagpapaka-choosy? ‘Di bale sana kung kagandahan ka! Eh, mukhang mas may itsura pa nga sa’yo ‘yung ex n’yang si Marian!” Tinawanan niya pa ako nang bahagya.
“Edi do’n na s’ya sa ex n’ya kung mas maganda ‘yon! At saka, bakit n’yo ba ako pinipilit na magpaligaw kay Julian? Hindi pa nga ako ready! Hindi mo naman ako katulad na marupok! Oo nga, crush ko s’ya. Pero ayaw ko pa, mhie! Mas okay sa ‘kin ‘yung MU kami tapos cutie pie ang tawagan.” Hindi ko naiwasang mapangiti dahil iyon na kasi ang nakasanayan kong itawag sa kaniya. Maging ang screen name niya sa phone ko ay cutie pie na rin.
“Bahala ka, Kim. Basta ito ang tatandaan mo. Ang mga lalaki, napapagod din ‘yan. Baka isang araw magulat ka na lang na magbago na ‘yan sa’yo dahil nakahanap na ng bagong liligawan na i-e-entertain s’ya at handang makipag-commit,” may pagbabanta niyang sabi sa akin na tinawanan ko lamang.
“Edi goods! At least, doon ko makikita kung hanggang saan s’ya willing na maghintay sa ‘kin. Kapag hindi s’ya nakapaghintay hanggang sa maging ready ako, isa lang ibig sabihin no’n—we’re not meant to be!"
"Babe!" Kasabay ng malakas na pagtawag ni Gino ay ang pagbusina nito. Pareho kaming napalingon ni Hanna sa kaniya. Nakahinto na ang sasakyan niya sa tapat at kailangan naming tumawid sa highway para puntahan ito.
At dahil pareho rin kaming bopis at lutang sa pagtawid, todo kapit kami sa isa't-isa.
"Tanga. Sa pedestrian tayo para may bayad kapag nabangga," sabi niya sabay hila sa akin sa tapat ng pedestrian lane.
"Wag naman sana tayo mabangga. Ayoko pa mamatay. Gusto ko pa maranasan umungol, mhie. 'Yung ungol habang hinihingal. Uuuugh! Aaaaah! Gano'n!"
Napahalakhak si Hanna nang marinig niya ang pag-ungol na ginawa ko habang tumatawid kami sa pedestrian. "Hanep na ungol 'yan! Parang hindi tuloy ako naniniwalang wala pang nangyari sa inyo ni Julian! Kuhang-kuha mo 'yung ungol ko kapag binabayo ako ni Gino, eh!"
"Hayop ka! Dugyutin!" natatawa ko ring ganti sa kaniya. Oo, sobrang close namin, pero hindi ko inaasahang lalabas 'yon sa bibig niya. Iyong para bang proud pa siya na binabayo siya ni Gino.
"Ano'ng dugyot do'n? Magiging mag-asawa naman na kami!"
"Dugyot ka, mhie! Mahiya ka naman sa frenny mong virgin pa buong pagkatao! ‘Wag mo akong itulad sa’yo na butas ng ilong na lang ang virgin," sagot ko. Nakatawid na kami sa kabila at kasalukuyan ng palapit sa sasakyan ni Gino.
"Virgin buong pagkatao? 'Wag nga ako! Bukod sa dating app, alam kong naka-VIP ka rin sa p*rnhub!" Sinundan niya pa 'yon ng halakhak.
"Hayop ka talaga, mhie. Itutulad mo pa yata ako sa'yo na may hidden folder kung saan nakatago lahat ng downloaded na scandal." Ako naman ang tumawa.
"Sus! 'Wag ka manumbat at nagpapasa ka rin naman dati!”
"Shuta ka. 'Wag ka maingay, baka marinig pa ni Gino pinag-uusapan natin. Matu-turn-off pa sa'yo 'yon. Baka takbuhan ka pa sa araw ng kasal n’yo," mahina kong bulong sa kaniya dahil malapit na kami sa sasakyan nito.
Inihatid ko siya sa kabilang pinto, sa passenger seat sa tabi ni Gino. Hinintay ko muna siyang makapasok.
“Hindi ka ba sasabay sa ‘min, Kim?” tanong ni Kuya Gino sa akin, nakasilip siya sa pinto dahil hindi pa naman iyon sinasara ni Hanna.
“Hindi ako pinanganak para maging thirdwheel, Kuya Gino!” natatawa kong sagot sa kaniya. Napangiti lang din si Hanna bago sila tuluyang magpaalam at saka na niya isinara ang pinto.
Pag-alis ng sasakyan nila ay muli na akong naglakad papunta sa tapat ng pedestrian lane. Ngunit hindi pa man ako nakakatawid nang may biglang bumusina sa tapat ko sabay hinto.
“Hop in, Ante Kim!” nakangising sabi ni Julian nang bumaba ang bintana sa tapat ng driver’s seat.
“Ante mo mukha mo!" Sabay irap ko sa kaniya. Nilagpasan ko siya at tuluyan kong tinawid ang pedestrian lane. Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang ako nang may humigit sa braso ko at alam kong siya iyon dahil narinig ko naman ang pagbukas at sara ng pinto niya kanina.
“Halika na. Ako na maghahatid sa’yo.” Ayoko sana, ngunit mahigpit ang kapit niya sa tapat ng pulso ko. Inakay niya ako pabalik sa sasakyan niya habang nakasimangot ako. Binuksan pa niya ang passenger seat at pinapasok ako roon bago niya isara at saka siya mabilis na umikot sa kabila.
“Bakit ba ang kulit ng lahi mo? Ayoko nga sumabay, ‘di ba?” mataray kong baling sa kaniya nang makapasok na rin siya sa loob at in-start na ang sasakyan niya.
“Makulit talaga lahi ko. Gusto mo lahian kita?” Saglit niya akong sinulyapan habang nakangisi.
“No thanks, Angkol Julian.” Matinding irap ang ipinukol ko sa kaniya bago siya iwasan ng tingin. Narinig ko pa ang mahina niyang pagbungisngis bago siya tuluyang mag-drive.
At habang tumatakbo ang sasakyan, muli niya akong tinanong. “Kumusta araw mo?”
“Kanina maganda. Pero simula nang magpakita ka sa ‘kin, umasim na araw ko. Naligo ka ba?” taas-kilay kong baling sa kaniya. Pero syempre, biro ko lamang iyon. Alam ko namang naligo siya dahil ang bango niya. Parang ang sarap yakapin.
“Oo naman. Gusto mo ba ‘kong amuyin? It’s fine with me. Kahit kili-kili ko pa amuyin mo, hindi ka mauumay.” Sa harap nakatuon ang atensyon niya ngunit hindi nawawala ang malapad niyang ngiti.
“Psh. Yabang talaga…” Napailing na lamang ako at itinuon na lang din sa harap ang aking paningin. “Nga pala, saan mo ba ‘ko kakarayin na naman, Angkol Julian?"
“Sa lugar na masosolo kita.”