Chapter 4. First Kiss

2506 Words
Few months earlier. . . ✿✿♡ KIM ♡✿✿ Kasalukuyan akong naliligo sa banyo, half bath, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Napangiti pa ako dahil ganitong panahon talaga ang gusto ko. Malamig at masarap matulog. Nagmadali na agad ako at nagbihis ng terno kong sleepwear—pajama at t-shirt na kulay pink. Hindi ko na rin inabala pang suklayin ang buhok ko at basta na lamang iyon pinunggos at itinali paitaas. Dinampot ko na rin ang phone ko at saka ako pabagsak na humiga sa kama. Nawala ang antok ko kanina kaya nagbuklat muna ako sa messenger ko. Dati, sa group namin nila Hanna at Phoenix ang tambayan ko kapag nag-oopen ng messenger, pero ngayon ay kay Julian na ako tumatambay. Minsan kay Tristan kapag naisipan nitong mag-chat. Tulad ngayon, nakita kong may chat sa akin si Julian, five minutes ago. Ngayon ko lamang nabasa since nasa banyo pa ako kanina. Julian: “You asleep?” Iyon lang ang tanong niya pero napangiti agad ako. Kim: “Hindi pa. Katatapos ko lang mag-half bath. Kakahiga ko lang." Julian: “Nag-half bath ka? Paano ‘yon? Nagsabon ka tapos hindi nagbanlaw? Hahaha!” Hindi ko napigilang matawa matapos kong mabasa ang reply niya. Ito ang isa sa gusto ko kay Julian. Hindi siya nag-aalinlangan na gawing tanga ang sarili niya para lang mapatawa ako. Kim: “Nagbanlaw ako, uy! Half bath, ibig sabihin kalahating katawan ko lang ang niliguan ko. ‘Yung right part lang, ‘yung left hindi. Hahaha.” Julian: “Bakit hindi mo ‘ko sinama? Sana nakapag-half bath din ako. Taas lang babasain ko, ‘yung baba hindi.” Kim: “Hindi pa naman huli ang lahat. P’wede ka pa mag-half bath, tutal umuulan sa labas. Doon ka na maligo.” Julian: “Umuulan din pala d’yan? Akala ko dito lang.” Kim: “Oo naman. Hindi exempted ang lugar namin.” Julian: “Ang sarap matulog kapag umuulan. Lalo na kung may kayakap." Kim: "Oo nga, eh. May kayakap ka siguro, no? Sana lahat all. Hahaha.” Julian: "I will only have someone to hug kung papayag kang magpayakap sa 'kin." Ramdam ko na ang ngawit ng panga ko dahil simula pa kanina ay hindi na nabura sa labi ko ang ngiti. Kim: “Sige. Basta yakap lang, ah? No touch.” Julian: “Aw. No kiss?” Kim: “Yes, kiss. Sa cheeks lang.” Julian: “Boring sa cheeks. Ayaw mo sa lips?” Kim: “Hindi ako marunong, eh. Baka pagtawanan mo lang ako. Hahaha.” Julian: “Really? Wala ka pang first kiss?” Kim: “Wala pa.” Julian: “You’re amazing, Kim. How come someone as beautiful as you has never been kissed?” Kim: “Hindi pa kasi binibigay ni Lord ‘yung lalaking magnanakaw ng first kiss ko. Hahaha!” Julian: “Huwag mo na ipanakaw sa iba. Ako na bahala sa’yo.” Kim: “Huh? Ikaw ki-kiss sa ‘kin? Sa lips?” Julian: “Do you want me to?" Kim: “Hmm. Sige. Hahaha.” Julian: “Kim, I think we should stop talking about this right now. Alam mo namang malakas ang ulan. Lalo akong nate-tempt na sugurin ka d’yan." Kim: “Dala ka payong para ‘di ka mabasa, just in case.” Medyo matagal bago siya nag-reply. At bahagya pa akong nataranta nang mabasa iyon. Julian: “Ikaw ang magpayong mamaya kapag lumabas ka para hindi ka mabasa. I’m coming.” Kim: “Hoy! Ano? Seryoso ka? Pupunta ka?” Julian" “Yes, Kim. Pahalik sa labi para sumarap tulog ko mamaya. O kung gusto mo naman, d’yan na rin ako matulog. Tabi tayo. No touch. Just kissing. Hahaha.” Daig ko pa ang bulateng inasinan sa sobrang kilig matapos kong mabasa ang sinabi niya. Nabitawan ko pa ang phone ko sa gilid para lang magwala sa kama. Hindi na rin muna ako nag-reply sa kaniya at napatitig lamang sa kisame habang malapad pa rin ang ngiti. Hindi ko na rin narinig pang tumunog ang cell phone ko matapos ang huli niyang reply. Siguro ay nagda-drive na siya, kung sakali man ngang totoo ang sinabi niya na pupunta siya rito. ☆゚⁠.⁠*⁠・⁠。゚ Halos kalahating oras ang lumipas bago ko narinig na tumunog ang messenger ko. Nang tingnan ko iyon, nakita ako ang chat ni Julian. Julian: "I'm here. Labas ka na. Magpayong ka para 'di ka maulanan. Baka magkasakit ka pa." Wow. Sarap naman ng ganito, 'yung may nagbibilin na huwag magpaulan. Dati kasi walang may pake sa akin kahit makidlatan ako. Bumangon na ako sa kama at kinalkal muna ang bag ko para hanapin ang lip tint ko. Nag-apply ako ng kaunti, at saka kaunting lip moisturiser na rin para medyo glossy at kissable tingnan. Lande! Nag-apply na rin ako ng kaunting pulbos para naman mawala ang pangingintab ng noo kong daig pa ni-floor wax. Nang makita kong ayos na ang itsura ko, kinuha ko na ang payong kong nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto at saka na ako lumabas. Patay na ang ilaw sa bahay at tulog na rin silang lahat kaya naging maingat ako sa paghakbang para pumuslit na lumabas. Pero napabalik ako agad nang maalala ko ang susi ng gate. Kinuha ko muna iyon sa pinagsasabitan ni papa at saka na ako tuluyang lumabas. Hindi ko na rin kinailangan pang gumamit ng flashlight o anumang ilaw dahil may ilaw naman sa poste na malapit sa gate namin. Natanaw ko agad ang sasakyan ni Julian nang makalapit ako sa gate. Hindi iyon masyadong nakatapat sa gate, bahagyang nakaurong. Naroon siya sa loob no'n. Nang tuluyan kong mabuksan ang gate ay saka ako nakaramdam ng hiya. Hindi ko magawang humakbang palapit sa sasakyan niya, napatitig lamang ako sa ibaba. Ano ba 'tong ginagawa mo, Kim? This isn't you. Hindi ka marupok katulad ni Hannatot. Nagulantang ako nang bigla siyang bumusina. Ibinaling ko ang tingin sa kaniya dahil nakababa na ngayon ang bintana sa tapat niya. "Get inside. Mababasa ka d'yan," sabi niya sa akin. Doon ko pa lamang nagawang ihakbang ang mga binti ko palapit sasakyan niya. Sa passenger seat ako pumasok at saka ko isinara ang payong at inilagay iyon sa paanan ko kasabay ang malakas na paghatak ko sa pinto. Saglit ko siyang sinulyapan ngunit agad din akong nag-iwas ng tingin dahil bigla akong nahiya. Talagang sumugod pa siya rito para makahalik sa akin? Hindi kaya isipin niyang easy to get ako? "Why are you nervous. Wala pa 'kong ginagawa..." mahina niyang sabi, dahilan upang muli akong mapasulyap sa kaniya. Naabutan ko siyang bahagyang nakangiti sa akin habang pinagmamasdan ako. "Julian...what if nagbago na isip ko? Na . . . ayoko na magpahalik? Sasama ba loob mo? Kamumuhian mo ba 'ko?" sunud-sunod kong tanong sa kaniya. Bahagya namang nagsalubong ang kilay niya. "Why would I be angry? It's fine kung nagbago isip mo. Wala akong magagawa. Masaya pa rin akong uuwi dahil nakita kita." Naramdaman kong parang nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya kaya nag-iwas ako ng tingin."Ayoko lang kasi isipin mo na easy to get ako," bulong ko, ngunit alam kong narinig niya iyon. "Mas okay nga sana kung easy to get ka na lang para hindi na 'ko mahirapan. Kaso hindi. My bad." Dahil sa sinabi niya, hindi ko naiwasang sulyapan siyang muli. At nakita ko na bahagya siyang nakangiti sa akin, pinagmamasdan ang mukha ko. Hindi rin nakaligtas sa akin ang adams apple niyang gumalaw dahil sa kaniyang paglunok nang mapatitig siya sa labi ko. "Can I take you home? Ibabalik din kita. Promise." Ramdam kong biro niya lamang iyon ngunit parang totoo. "Hindi p'wede, Julian. Pagagalitan ako nila mama at papa." "Ako na lang i-take home mo. Walang magagalit." Napangisi pa siya nang bahagya, at ako naman ang napalunok. "Pero . . . h-hindi ka p'wedeng abutan nila mama at papa na magkasama tayo. Baka ano pa isipin nila sa atin." "Aalis din naman ako agad." "Ano ba'ng gagawin mo kung papapasukin kita sa loob?" "Hmm." Bahagya siyang yumuko habang nag-iisip. "Malamig panahon. Pagkapehin mo 'ko." Sabay tingin muli sa akin. "Kape? Gabi na. Baka mahirapan ka makatulog?" "It's fine kung pababaunan mo naman ako ng pampasarap ng tulog." He smiled sweetly at tila ba malalaglag ang puso ko. "May dala ka bang payong?" tanong ko sa kaniya. Seryoso ang mukha ko dahil ayokong magpahalata na kinikilig ako. "Wala." "Sige. Hintayin mo 'ko. Iikot ako sa kabila." Nang bahagya siyang tumango ay agad na akong bumaba sa sasakyan bitbit ang payong ko. At saka ko siya pinuntahan sa kabila para sunduin siya at hindi mabasa. Lumabas siya at sumalo sa payong ko. Ngunit dahil mas matangkad siya sa akin, siya na ang kusang naghawak ng payong at humawak pa siya sa kabilang balikat ko para kabigin ako lalo palapit sa kaniya. "Sorry. Mababasa ka kung hindi kita ilalapit," pauna niya agad nang ibaling ko ang tingin ko sa kamay niyang nakayakap sa balikat ko. Hindi na lamang ako kumibo hanggang sa makarating kami sa loob ng bahay. Daig pa namin ang akyat-bahay g@ng sa sobrang pag-iingat namin sa aming mga paghakbang. "Tulog na ba sila?" pabulong na tanong ni Julian nang makapasok na kami sa pinto matapos kong isara ang payong. "Oo. 'Yung kwarto na 'yon—," tinuro ko ang direksyon ng kwarto na malapit sa kusina, "—'yun ang kwarto ni mama at papa. Kasama nila ro'n 'yung bunso namin. 'Yung dalawa naman sa taas, tig-isa kami ni Tisay. Sa 'kin 'yung nasa bandang kanan." Iyon naman ang tinuro ko sa kaniya. May limang baitang na hagdan na kailangan akyatin para marating iyon. Tatlo lamang kasi ang kwarto sa bahay namin. Pero ang kagandahan naman, lahat ay may sariling banyo, puwera pa iyong naka-separate sa labas malapit sa laundry area. Medyo maluwang din ang sala namin, sapat para kalatan ni Raven na magaling. "Sandali. Ipagtitimpla kita ng kape," paalam ko sa kaniya. Ngunit hindi ko alam kung paano ako kikilos dahil madilim. Patay ang mga ilaw at hindi ko naman dala ang phone ko para gawin sanang pantanglaw. "Can you do it in the dark?" taka niyang tanong. "Oo. May auto-brigthness 'yung mata ko. Mas maliwanag pa nga sa kinabukasan ko," mahina kong palusot sa kaniya at saka ko na siya iniwan sa kaniyag kinatatayuan, malapit sa sala. Bahay naman namin ito kaya kahit papaano ay kabisado ko ang lugar at nagagawa kong ihakbang ang mga paa ko nang walang anumang natatabig o nabubunggo. Nagawa ko ring tunguhin ang kusina nang matiwasay. Kumuha agad ako ng tasa at kutsara sa pamamagitan ng pagkapa-kapa sa lagayan namin ng mga kasangkapan. Nahihirapan ako pero ayokong magsindi ng ilaw dahil baka magising si mama at papa. Well, sarado naman ang pinto ng kwarto nila, pero nag-aalala pa rin ako. Kung wala sana rito si Julian, okay lang kahit i-on ko ang lahat ng ilaw. Nakapaglagay na ako ng 3 in 1 coffee mix sa tasa, tubig na lamang ang kailangan kong ilagay nang maramdaman ko ang maingat na yabag ni Julian palapit sa akin. Alam kong siya 'yon dahil sa liwanag na nanggagaling sa screen ng phone niya na ginawa niyang pang-ilaw. Sinundan niya ako. "Hintayin mo na lang ako ro'n, matatapos na 'ko," mahina kong sabi sa kaniya ngunit hindi siya nakinig at mas lalo pang humakbang palapit sa 'kin. Dahilan upang hindi ako makaraan papunta sa kinatatayuan ng water dispenser namin. "Kim," mahina niyang tawag sa akin kasunod ang pag-abot niya sa tasang hawak ko, ibinaba niya iyon nang maingat sa mesa. Nang wala na akong hawak ay ang parehong kamay ko naman ang inabot niya. Hinawakan niya iyon pareho. Alam kong nakatingin siya sa akin pero hindi ko makita ang mukha niya dahil madilim. Hindi ko rin alam kung nakikita niya ba nang maayos ang mukha ko. "Ayoko na ng kape. Gusto ko . . . 'yung pampasarap ng tulog," bulong niya na nagpatahip nang malala sa aking dibdib. Napalunok din ako lalo nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga dahil palapit na sa akin ang mukha niya. "J-Julian . . . hindi . . . hindi ako marunong," nahihiya kong bulong sa kaniya nang malapit na sanang maglapat ang mga labi namin. Napahinto naman siya saglit at narinig ko ang mahina niyang pagbungisngis. "It's fine. Sundan mo lang galaw ng labi ko." Hindi na ako nakapagsalita dahil matapos niya iyon sabihin ay naramdaman ko na ang malambot niyang labi. Sht. Kiniss na niya ako! Para akong naging estatwa. Hindi ako makagalaw. Mulat na mulat din ang mga mata ko habang pinakikiramdaman ang paghalik niya sa akin. Pero tikom ang mga labi ko kaya bigla siyang tumigil. "Kim, I couldn't enter. You should open your mouth," bulong niya habang bahagya pa rin magkalapit ang mga mukha namin. "Ah. G-Gano'n ba? Sige," nahihiya kong sagot. Laking pasalamat ko na lang na walang ilaw, kung hindi ay baka nakita na niya ang mukha kong namumula sa kahihiyan. "I'll kiss you again, hmm?" Sabay halik muli niya sa akin. Gaya ng bilin niya ay bahagya kong ibinuka ang mga labi ko, at doon pa lamang niya nagawang sakupin ang upper lip ko. Ang lambot ng labi niya, ramdam ko iyon habang papalit-palit niyang tinitikman ang upper at lower lip ko. Ramdam ko pa ang bahagya niyang pagkagat at paghila roon. Ang bango ng bibig niya. Pero hindi ko magawang gumanti. Paano kung magkamali ako? Naramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa baywang ko at mas lalo pa niya akong hinapit palapit sa katawn niya. Halos dumikit na sa kaniya ang dibdib ko at mas lalo akong nakaramdam ng pagkailang lalo pa at wala akong suot na bra sa loob. Hindi na kasi ako nagba-bra kapag matutulog. "Kiss back, Kim," bulong niya nang saglit siyang tumigil. Bahagya naman akong tumango kahit hindi ko alam kung nakita niya ba ang pagtango ko. Muli niyang inilapat ang mga labi niya sa akin. Akmang gaganti na ako, biglang lumiwanag ang paligid namin at pareho kaming napalingon sa taong nakatayo malapit sa switch ng ilaw. "M-Mama?" Namilog ang mga mata ko sa gulat. "Tita," mahinang bulong naman ni Julian. Napansin kong bumaba ang tingin ni mama sa mga kamay ni Juian na hanggang ngayon ay nakaikot pa rin sa baywang ko. Agad ko tuloy siyang itinulak palayo sa akin. Ngunit ang seryosong mukha ni mama ay biglang umaliwalas, nagkaroon pa nang malapad na ngiti sa labi niya habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Julian. "Sige na. Ituloy n'yo na. Wala akong nakita. Patayin ko ulit ang ilaw, ha?" Sabay patay sa ilaw. "Lipat kayo sa taas, anak. Sa kwarto mo. Bata pa mga kapatid mo, hindi p'wedeng maabutan nila kayo rito," natatawang sabi ni mama bago namin narinig ang paghakbang niya palayo, pabalik sa kwarto nila ni papa. At daig ko pa ang sinisilaban sa sobrang kahihiyan. "Let's go to your room, Kim. May blessing na ni mama," he said and I heard his cute chuckles.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD